You are on page 1of 2

QUEZON NATIONAL HIGH SCHOOL

Barangay Quezon, San Carlos City


Negros Occidental
Quarter IV- 1ST SUMMATIVE TEST
ARALING PANLIPUNAN 7
Maghanap ng sagot sa: Modyul 1 ug Modyul 2

Pangalan :________________________________________________________________Petsa : __________ Puntos :__________

I. Multiple Choice. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang mga tanong. Piliin ang pinakaangkop at Isulat ang titik ng tamang
sagot sa isang buong papel.
1. Ano ang tawag sa direktang kinokontrol at pinamamahalaan ng imperyalistang bansa ang kaniyang sakop?
A. Colony B. Sphere of influence C. Isolationism D. Protectorate
2. Ang sumusunod na pahayag ay nagsasaad ng mga dahilan ng mga kanluranin sa pagsakop sa Silangan at Timog-Silangang Asya, maliban sa isa.
A. Pagkontrol sa Ruta ng kalakalan C.Pagtatag ng kolonyang pang ekonomiya
B. Kultural na kanlungan o pag-aari D.Pakikipagkaibigan
3. Ano ang tawag sa patakarang ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas na kung saan sapilitang pinagtatrabaho ang mga kalalakihan na may edad
16 hanggang 60?
A. Tributo B. Polo y Servicio C. Monopolyo D. Encomienda
4. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga patakarang ipinatupad ng Espanyol sa Pilipinas?
A. Isolationism B. Polo y Servicio C. Bandala D. Encomienda
5 Ito ay kilala sa tawag na the Spice Island.
A. Pilipinas B. Malaysia C.Moluccas D. China
6. Ang Kasunduaang naglalaman ng pag-angkin ng England sa Hongkong.
A. Kasunduang Tientsin B. Kasunduang Yandabo C. Kasunduang Versailles D. Kasunduang Nanking
7. Anong Kanluraning bansa ang nanguna sa pananakop sa Timog-Silangang Asya?
A. Spain at Portugal B. Portugal at Netherlands C. England at Netherlands D. Portugal at England
8. Ano ang isang paraan ng pananakop kung saan pinag-aaway-away ng mga mananakop ang mga lokal na pinuno o mga naninirahan sa isang lugar?
A. Extraterritoriality B. Divide and Rule Policy C. Tributo D. Polo y ServicioIto ang bansang
9. Ano ang kasunduang nabuo pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Opyo?
A. Kasunduang Tientsin B. Kasunduang Yandabo C. Kasunduang Versailles D. Kasunduang Nanking
10. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa paraan ng kononisasyon?
A. Komersyal na paraan B. Militar na paraan C. Industriyal na paraan D. Lokal na kontroladong pagpapalawak.
11. Ito ay isa sa prinsipyo na isinulong ni Sun Yat Sen na ang ibig sabihin ay demokrasya.
A. Min-tsu-chu-I B. Min-Shen-Chu-I C. San Mit-Chu-I D. San Shen-chu-I
12. Nakamit ng Indonesia ang kalayaan noong Agosto 17, 1945 sa pamumuno ni Achmed Sukarno. Sa pamamagitan ng anong paraan lumaban
ang Indonesia sa mga Olandes?
A. Kalakalan B. Komunikasyon C. Pakikipagkaibigan D. Rebolusyon
13. Alin sa sumusunod ang uri ng nasyonalismo na umusbong sa China na naging daan sa paglaya mula sa mananakop?
A. Demokratiko B. Komunismo C. Sosyalismo D. Totalitaryanismo
14. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa epekto ng kolonyalismo?
A. Kawalan ng pamahalaan ang sariling bansa. C. Pagkakaroon ng hidwaan sa pagitan ng ating mga ninuno
B. Pang-aalipin at pang-aabuso sa mga katutubo. D. Pagyabong at pag-unlad ng likas na yaman ng mga bansang Asyano.
15. Anong bansa ang pinamunuan ni Ho ChI Minh sa pagkamit ng Kalayaan sa Timog-Silangang Asya?
A.Burma B. Vietnam C. Indonesia D. Singapore
16. Ang mga bansang ito ang bumubuo ng Indochina, maliban sa isa.
A.Laos B. Vietnam C. Indonesia D. Cambodia
17. Ang sumusunod ay pangyayaring naganap sa Pilipinas upang maipakita ang pagmamahal sa bayan. Iayos ang mga pangyayari ayon sa kaganapan.
1. Kaisipang liberal 2. Sekularisasyon 3. Propaganda 4. Pag-alsa sa Cavite
A. 1, 2, 3, at 4 B. 1, 2, 4, at 3 C. 3, 2, 4, at 1 D. 4, 3, 2, at 1
18. Ano ang ginamit ng mga Katipunero upang maipahayag ang kanilang pagmamahal sa bayan?
A. Propaganda B. Himagsikan C. Reporma D. Pagbabago
19. Siya ang Kilala sa tawag na “ Prince Liberator”
A.Mao Zedong B. Prinsipe Diponegoro C. Ho Chi Minh D. Jose P. Rizal
20. Bilang isang mag-aaral at mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pananakop, paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa bayan bilang
hakbang tungo sa paglaya?
1. Pagtangkilik sa mga produktong banyaga 3. Pakikiisa sa mga Pilipinong pinuno na nagsusulong ng paglaya
2. Hindi pagtangkilik sa mga produktong banyaga 4. Pagsunod sa mga patakarang ipinatupad ng mga mananakop
A. 1 at 2 B. 2 at 3 C. 3 at 4 D. 1 at 4
21. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa tributo?
A. Sistema ng pagbubuwis na ipinatupad ng Espanyol sa Pilipinas upang matustusan ang pamahalaan nito.
B. Sapilitang pagbili sa mga ani ng katutubo sa mababang halaga.
C. Sapilitang pagtatrabaho sa kalalakihan na may edad 16 hanggang 60.
D. Buwis na binabayaran ng mga kalalakihan upang makaligtas sa sapilitang paggawa
22. Ibigay ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga kaganapan
1. Rebelyong Taiping 2. Rebelyong Boxer 3. Pag-usbong ng Ideolohiyang Demokrasya 4. Pag-usbong ng Ideolohiyang Komunismo
A. 1, 2, 3, at 4 B. 2, 3, 4, at 1 C. 3, 4, 2, at 1 D. 4, 3, 2, at 1
23. Aling slogan ang nagpapamalas ng nasyonalismo?
A. “Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ng iilan ang kailangan” C. “Ang pag-ibig sa bayan ang susi ng kaunlaran”
B. “Magsakripisyo tayo, upang tayo mismo ang umasenso” D. “Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa”
24. Ano ang bansang tanyag sa panggagalugad at pagtuklas dahil sa masaganang produkto ng pampalasa na matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng
kapuluan nito lalo na sa pulo ng Moluccas?
A. China B. Pilipinas C. Indonesia D. Malaysia
25. Ang kanluraning bansa ay nagkainteres na sakupin ang bansang Malaysia dahil mayaman ito sa _______?
A. Ginto B. Pampalasa C. lata at goma D. Telang sutla.

PREPARED BY: MARYLIN VILLAFUERTE MAG-ASO


AP TEACHER

Note: Ipasa ang inyong sagot sa Wednesday (Abril 17, 2024)

You might also like