You are on page 1of 9

6

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 7:
Pakikipaglaban ng mga Pilipino para sa
Kalayaan Laban sa Hapon
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at sinulat nang may pagpapahalaga sa iyong


kakayahan at interes. Ito ay naglalayong matulungan kang matuto tungkol
sa pakikibaka at pakikipaglaban ng mga Pilipino para sa kalayaan ng bansa
kaban sa mga Hapones. Dito ay madidiskubre mo rin ang mga kilusang
naitatag sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas laban sa mga Hapones. Ang mga
salitang ginamit dito ay akma sa iyo at sa lebel ng iyong bokabularyo. Ang
daloy ng mga aralin dito ay alinsunod sa wastong pamantayan.

Ang modyul na ito ay may isang aralin. Ito ay ang:


• Aralin 1 – Pakikipaglaban ng mga Pilipino para sa Kalayaan Laban sa
Hapon
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahan sa iyo na:
1. naipaliliwanag ang paraan ng pakikipaglaban ng mga Pilipino para sa
kalayaan laban sa Hapon.

Sa pagsagot sa gawain, kumuha ng isang pirasong papel.


Maaring gumamit lamang ng isang parirala o maikling
pangungusap sa pagsagot basta kaya nitong maipaliwanag ang
gusto mong ipahiwatig.
Aralin
Pakikipaglaban ng mga
Pilipino para sa Kalayaan
1 Laban sa Hapon

Sa araling ito ay mapagtatagpi-tagpi mo ang mga paraang ginawa ng


mga Pilipino para mabawi ang hinahangad na kalayaan mula sa mga
mapang-abusong Hapones. Makikilala mo rin ang mga gerilya o kilusang
nabuo sa iba’t ibang bahagi ng bansa na matapang na nakipaglaban sa mga
Hapones.

Tuklasin

Pansinin ang larawang nasa


tabi. Ito ang Luis M. Taruc
Freedom Park na matatagpuan sa
San Luis, Pampanga. Ito ay
ipinangalan sa isang magiting na
Pilipinong nakipaglaban para sa
kalayaan ng bansa. Ang bayaning
ito ang nagsilbing lider ng kilusang
tumigis sa mga mapaniil na PHOTO CREDITS:
1HTTPS://WWW.WIKIWAND.COM/EN/LUIS_TARUC
Hapones.

Paano nga ba ginampanan ni Luis Taruc ang kanyang tungkulin bilang


isang mamamayang Pilipino? Paano kaya niya naitatag ang isang kilusang
gumapi sa mga Hapones?

Halina’t lakbayin natin ang buong modyul nang sa ganoon ay malaman


mo kung paano tinalo ng mga magigiting nating bayaning Pilipino ang mga
Hapones.
Suriin

Sa kabila ng matinding kahirapan at pagmamalupit na naranasan ng


mga Pilipino sa kamay ng mga Hapones ay marami pa rin sa kanila ang
ipinaglaban ang kanilang kalayaan bagama’t may ilang piniling pumanig sa
mga Hapones tulad ng mga MAKAPILI. Ang mga sundalong kabilang sa
USAFFE na hindi masawi o nadakip ng mga Hapones ay nagpasiyang
mamundok at patuloy na nakibaka. Sila ay nagtatag ng mga grupong gerilya
na hindi lamang pinamunuan ng mga sundalong kabilang sa USAFFE kundi
maging ng mga sibilyan. Ilan sa mga kilalang grupog gerilyang naitatag ay
ang gerilya sa Hilagang Luzon na pinamunuan nina Walter Cushing at
Koronel Guillermo Nakar. Sa Gitnang Luzon naman ay nakatalaga ang
Hunters ROTC ni Miguel Ver at Marking Guerillas ni Marcos Agustin. Sa Bicol
naman ay kilala ang grupo ng gerilyang pinamunuan nina Wenceslao Q.
Vinzons ng Hilagang Camarines. Si Macario Peralta naman ang namuno sa
mga gerilya ng Panay. Sa Mindanao ay nanguna ang grupo nina Salipada
Pendatun at Tomas Cabili.

Ngunit sa lahat ng mga kilusang gerilya, ang pinakamatagumpay na


nakipaglaban sa mga Hapones ay ang HUKBALAHAP o Hukbo ng Bayan
Laban sa Hapon na kilala rin sa tawag na Huk. Ito ay itinatag sa Gitnang
Luzon kung saan ang mga kasapi nito ay mula sa mga kilusang magbubukid
at manggagawa. Bago paman sila nakipaglaban sa mga Hapones, sila ay
nagkaroon na ng karanasang makibaka sa hindi makatarungang
pamamahala ng mga asendero. Ang karanasang ito ang nag-udyok sa kanila
bilang mga magsasaka at manggagawa na magkaisa upang isulong ang
kanilang layunin. Kaya, nang harapin nila ang suliranin sa digmaan laban sa
Hapon, hindi naging mahirap para sa mga magsasaka na bumuo ng isang
nagkakaisang pagkilos noong Pebrero 1942 sa ilalim ng kilusang
HUKBALAHAP na pinamunuan ni Luis Taruc.

Malaki ang naging ambag ng mga kilusang gerilya sa pakikipaglaban


ng mga Pilipino sa mga Hapones. Sa pamamagitan ng kanilang pagsalakay at
pakikipaglaban ay napigilan ang mabilis na pagsakop ng mga Hapones sa
Pilipinas. Nagawa ring malaman at matukoy ng mga gerilya kung saan
nagkakampo ang puwersa ng mga Hapones na nakatulong nang malaki sa
muling pagsalakay ng mga Amerikano dahil tukoy na nila ang lugar na
kanilang sasalakayin sa pagbalik nila sa Pilipinas.
Bukod sa mga gerilya ay masasabing malaki rin ang ginampanan ng
mga sibilyan sa pakikibaka ng mga Pilipino para sa kalayaan noong panahon
ng mga Hapones. May mga sibilyan ding kumupkop sa mga gerilyang
hinahabol ng mga Hapones at naging tagapag-alaga ng mga sugatang gerilya.
Tumulong din sila sa pagkakaloob ng mga tulong pinansiyal at materyal para
matustusan ang pangangailangan ng mga gerilya at maging ng kanilang mga
pamilya.

Pagyamanin

Suriin kung tama o mali ang bawat pahayag batay sa paksang


tinalakay. Isulat sa patlang ang T kung ito ay tama at M kung mali.

______ 1. Ang mga sundalong kabilang sa USAFFE na hindi nasawi o nadakip


ng mga Hapones ay nagpasiyang mamundok at patuloy na nakibaka.

______ 2. Ang pinakamatagumpay na nakipaglaban sa mga Hapones ay ang


HUKBALAHAP.

______ 3. Ang mga kasapi ng Huk ay mga puro propesyonal na Pilipino.

______ 4. Bukod sa mga gerilya ay masasabing malaki rin ang ginampanan


ng mga sibilyan sa pakikibaka ng mga Pilipino para sa kalayaan noong
panahon ng mga Hapones.

______ 5. Tumulong ang mga sibilyan sa pagkakaloob ng mga tulong


pinansiyal at materyal para matustusan ang pangangailangan ng mga gerilya

______ 6. Si Macario Sakay ang namuno sa mga gerilya ng Panay.

______ 7. Itinatag ang Huk sa Hilagang Luzon.

______ 8. Sa kabila ng matinding kahirapan at pagmamalupit na naranasan


ng mga Pilipino sa kamay ng mga Hapones ay marami pa rin sa kanila ang
ipinaglaban ang kanilang kalayaan.
Isaisip

Kompletuhin ang mga pahayag sa ibaba para makabuo ng buod sa


paksang tinalakay. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

1. Nakipaglaban ang mga Pilipino laban sa mga mananakop na Hapones

sa pamamagitan ng _________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

2. Malaki ang naging ambag ng mga gerilya sa pagkamit ng kalayaan ng

Pilipinas mula sa mga Hapones dahil

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

Isagawa

Gamit ang isang piraso ng short bondpaper, gumuhit ng isang poster


na nagpapakita ng pagbibigay-pugay sa kabayanihang ginawa ng mga gerilya
laban sa mga mananakop na Hapones.
Para ikaw ay mas magabayan, pag-aralan mo ang rubrik na kasunod.
Pamantayan Puntos

Kaugnayan sa Paksa 50%

Pagiging Orihinal at Pagkamalikhain 30%

Visual Impact 20%

Kabuoang Puntos 100%

Tayahin

A. Hanapin sa Hanay B ang mga konseptong tinutukoy sa Hanay A.


Isulat ang titik ng tamang sa sagot sa patlang.

Hanay A Hanay B

_______ 1. Pinuno ng HUKBALAHAP a. gerilya

_______ 2. Kilusang gerilya sa Gitnang Luzon b. HUKBALAHAP


na matagumpay na nakipaglaban sa mga
Hapones.

_______ 3. Tawag sa mga miyembro ng c. Miguel Ver


USAFFE at sibilyang namundok upang
makibaka para sa kalayaan laban sa mga
Hapones.

_______ 4. Sa kaniya nakatalaga ang Hunters d. Luis Taruc


ROTC ng Gitnang Luzon.

_______ 5. Sa kaniya nakatalaga ang Marking e. Marcos Agustin


Guerillas ng Gitnang Luzon.

B. Kumpletuhin ang mga pahayag na nasa ibaba.

1. Namundok ang mga kasapi ng USAFFE at ibang sibilyang Pilipino


upang ______________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Tinulungan ng mga sibilyan ang mga gerilya sa pakikipaglaban sa mga
Hapones sa pamamagitan ng ________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________ .
Susi sa Pagwawasto

vary
B. Answers may T 8. D 8.
M 7. A 7.
5. E M 6. C 6.
4. C T 5. D 5.
3. A T 4. A 4.
2. B M 3. B 3.
1. D T 2. D 2.
A. T 1. A 1.
Tayahin Pagyamanin Subukin

(Outputs may vary)


Isagawa

Sanggunian

Julian, A.G. & Lontoc, N. (2016). Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino, pp.181-
185, Phoenix Publishing House Inc., Quezon City, Philippines.

Para sa mga Larawan:


https://www.wikiwand.com/en/Luis_Taruc
https://www.slideshare.net/lanceabalos/panahon-ng-hapon

You might also like