You are on page 1of 23

Halika,

Mag-aral Tayo!
Araling Panlipunan
6
Quarter 2 Week 6
Day 1
Layunin:
1.Nalalaman ang mga motibo ng
pananakop ng Hapon sa bansa
2.Napapahalagahan ang ginawa ng mga
Pilipino para maiwasan ang mga motibo na
ito.
3. Nakakagawa ng isang larawan o
simbolo ng mga motibo ng pananakop
AP6KDP-IIf-6
Aralin:
Motibo ng Pananakop
ng
Mga Hapones
Sanggunian:
Bagong Lakbang ng Lahing Pilipino pp. 157-159
Balik-Aral
Gamitin ang MISS o MR. Q & A ng Showtime
(gawin sa buong lingo.)
Tatanungin ang bawat kalahok ng grupo ng
isang aralin. Pumili ng pinakamagandang
kasagutan bigyan ng korona ang nagwagi.
BACK NEXT SLIDE
Balik-Aral
Tanong:
Sa loob ng 30 second, ano ang1)
Labanan sa Bataan,
2)Death March at
3) Labanan sa Corregidor BACK NEXT SLIDE
Kilalanin muna nating mabuti ang
Bansang Hapon.
Ang bansang Hapon ay isa lamang
maliit na bansa Silangang Asya.
Kagaya n Pilipinas iyo rin ay isang
arkipelago na binubuo humigit
kumulang na 4,000 isla.
Ang apat na pinakamalaking pulo
nito ay ang Honshu, Shikoku,
Hokkaido, at Kyushu. Ang bansang
Hapon na dating pangalang
Nippon ay tinawag sa kasaysayang
‘’Land of the Rising Sun.’’
Ang mga unang taong naninirahan
dito ay tinatawag na Ainu. Ang
mga Hapones ay kabilang sa
lahing Mongoloid na may
pagkadilaw ang kulay ng balat.
Nang magbukas ang ika- 20; siglo maraming
mga bansa sa Asya ang nananatiling sakop ng
mga bansang Kanlurinanin. Ang Indonesia ay
sakop noon ng mga Olandes (taga-Netherlands)
at ang Malaysia ng mga Ingles. Samantalang
ang iba; gaya ng Pilipinas ay nasa kamay ng mga
Amerikano.
Sa ganitong panahon ng paghahari ng
mga imperyalistang bansa mula sa
kanluranin ay ipinahayag ng Hapon ang
kanyang hangarin para sa kontinenteng
Asya. Ayon sa mga hapon ang ‘’ Asya ay
para sa mga Asyano’’.
Naniniwala silang ang kaunlarang matagal nang
inasam-asampara sa Asya ay makakamit diumano
kung ang bawat isang Asyano mula sa ibat- ibang
bansa ay siyang maghahari at magpapasiya at hindi
ang mananakop.Ang pakikialam ng mga bansang
kanluranin ay nangangahulugan lamang ng
pangmamaliit sa kakayahan at pagbaliwala sa
kapakanan ng mga Asyano.
Sa bagay na ito ay ibinigay na halimbawa ng mga
hapones ang kanilang bayan na noon ay nakaranas
ng kasaganaanbunga ng kanilang pagsasarili. Dahil
dito; hangad ng hapon na pag-isahin ang mga bansa
sa Silangang Asya sa ilalalim ng samahang tinawag
na GREATER East Asia CO-Prosperity Sphere.
Pinamunuan ng hapon ang samahang ito na nag
lalayong itaguyod pangalagaan ang interes ng bawat
kasapi.
Noong 1941 ay sumiklab ang Ikalawang Digmaan
Pandaigdig sa Europa at Asya. Digmaan sa Europa ay
bunga ng pananakop ng Alemanya sa kanyang karatig
bansa. Sapaniniwalang sila ang superior ng lahi ay
ninais ng mga Aleman na mapasakamay nila ang
makapangyarihang posisyon sa Kanluran. Sa kabilang
dako naman ; sa kontinente ng Asya; ang Hapon ng
patakarang sakupin ang asya bunga ng sumusunod na
dahilan;
 1. Kailangan nilang sumakop ng ibang teritoryo upang
may palagyan ng kanilang lumalaking populasyong
tinatatag na mahigit na sa limangpung milyong katao sa
pagbubukas ng ika-20 siglo.
 2. Upang may mapagkunan ng hilaw na sangkap na
gagamitin sa kanilang industriya at mapagbentahan ng
kanilang prudukto.
 3. Upang maipagpatuloy ang kanilang adhikain sa
pagbuo at pagpapalawak ng Greater East ASIA Co-
Prosperity Sphere.
Talakayin natin:
1.Ipaliwanag ang bansang Hapon?
2.Ano ang Greater East Asia Co-Prosperity
Sphere?
3.Ano-ano ang mga tunay na dahilan ng
pananakop ng mga Hapones?
Pangkatang Gawain:
Bumuo ng isang larawan o
simbolong maglalarawan sa motibo
ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas.
Gayundin, upang higit na maging
makabuluhan ang inyong ginawa ay
lagyan ito ng paliwanag.
Simbolo Paliwanag:
______________________
______________________
______________________
______________________
______________________
______________________
______________________
______________________
______________________
______________________
______________________
___________
Sang-ayon ka ba sa
ipihahayag nilang “Asya
para sa mga Asyano”,
ipaliwanag ang iyong
sagot.
Ano-ano ang motibo ng
pananakop ng mga Hapones?
Tingnan ang rubric sa pangkatang Gawain.
Pamantayan Laang Puntos Aking Puntos
Nakakagawa ng simbolo ukol sa 5  
motibo ng pananakop
Naipapaliwanag ang motibo ng 5  
pananakop.
Napapahalagahan ang ginawa ng 5  
Pilipino upang maipagtanggol ang
kalayaan.
Kabuuan 15  
5 Napakahusay
4- Mahusay
3- katamtaman
2- Di gaanong Mahusay
1-Sadyang di mahusay
Magtala ng
mahahalagang
aralin natutunan.
tpmendoza/9/18/2017

You might also like