You are on page 1of 10

Kagawaran ng Edukasyon

Araling
Panlipunan 6
Paraan ng Pakikipaglaban ng
mga Pilipino para sa Kalayaan
Laban sa Hapon
Ikalawang Markahan – Ikapitong Linggo

Raymond C. Reginio
Manunul at
Annie D. Pesito
Tagasuri
Eustaquio F. Escario
David T. Libao
Mariel Eugene L. Luna
Katibayan ng Kal idad

Schools Division Office – Muntinlupa City


Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa Ci ty
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940

1
Bagamat nasakop ang buong kapuluan at nagsisuko ang mga heneral na
Amerikano, napag-alaman mo sa naunang modyul na para sa mga Pilipino, dapat
ituloy ang laban. Hindi ba’t isa iyang kapuri-puri ng katangian ng ating mga
kababayan? Sa araling ito, malalaman mo kung paano itinuloy ng mga Pilipino ang
kanilang paglaban sa mga Hapon kahit na malakas ang puwersa ng mga ito. Ang
araling inihanda para sa iyo ay ukol sa Paraan ng Pakikipaglaban ng mga
Pilipino para sa Kalayaan Laban sa Hapon.

Pagkatapos ng modyul na ito ay inaasahang malilinang sa iyo ang kasanayang


maipapaliwanag ang paraan ng pakikipaglaban ng mga Pilipino para sa kalayaan
laban sa Hapon.

Buuin mo ang Kahon Ko!


Bago ka magsimula ng aralin, subukin mo kung makikilala mo kung sino o
anong mga pangyayari ang isinasaad ng puzzle sa ibaba. Isulat sa mga kahon ang
letra ng mga salitang tinutukoy.
2
1

3 4
1 1

5 9
1 8
5
8
1
7 5
5 1
6
1

2
Pahalang Pababa
1. Mga dayuhang nakalaban ng mga 1. Kilusan laban sa mga Hapones
Pilipino
2. Mga lumalaban nang patago
3. Ang labanan ng mga dayuhan at ng
mga Pilipino 4. Apelyido ng bayaning tumangging
tumulong sa pananakop ng mga
5. Unang Kumander ng USAFFE Hapones

6. Martsa ng _______________ na 7. Pangulo sa panahon ng mga Hapon.


nagpahirap sa maraming sundalong
Pilipino 9. Pangulo ng Estados Unidos nang
sakupin ng Hapon ang Pilipinas
8. Pangalan ng unang babaeng
bayaning tumulong sa mga
sundalong lumaban sa mga
Hapones

Sa kabila ng matinding kahirapan at pagmamalupit na naranasan ng mga


Pilipino sa kamay ng mga Hapones ay marami pa rin sa kanila ang ipinaglaban ang
kanilang klayaan bagama’t may ilang piniling pumanig sa mga Hapones tulad ng
MAKAPILI, sila ay mga Pilipinong nakipagtulungan sa mga Hapones, at nagsilbing
espiya ng mga Hapones. Ang mga sundalong kabilang sa USAFFE na hindi nasawi o
nadakip ng mga Hapones ay nagpasiyang mamundok at patuloy na nakibaka. Sila
ay nagtatag ng mga grupong gerilya na hindi lamang pinamunuan ng mga sundalong
kabilang sa USAFFE kundi maging mga sibilyan.

Handa ka na ba sa bagong aralin sa susunod na modyul? Pero bago yan


balikan mo muna ang nakaraang napag-aralan para matiyak mo na may natutuhan
ka.

Dito masusubok ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pag-ayos ng mga


pangyayari tungkol sa pananakop ng mga Hapones sa ating bansa. Lagyan ng bilang
1 - 10 upang maisaayos ang mga ito ayon sa wastong pagkakasunod-sunod.

________ Binomba ng mga Hapones ang Pearl Harbor.

________ Ipinagpatuloy ng mga Pilipino ang laban bilang mga gerilya.

________ Binomba at pinasok ng mga Hapones ang iba’t -i bang lalawigan sa Pilipinas.

________ Nagkunwari ang mga Hapones bilang mangangalakal upang makapasok sa

Pilipinas.

________ Inilikas ni Pangulong Manuel L. Quezon ang Pamahalaan sa Amerika.


3
________ Hindi pumayag ang mga Pilipino na makipagkalakalan sa mga Hapones

dahil nagsuspetsa sila sa tunay na layunin ng mga ito.

________ Matapos ang madugong labanan, napilitang isuko ng mga sundalong

Pilipino at Amerikano ang Bataan.

________ Bumagsak ang Corregidor sa mga Hapones at tuluyang napasailalim ang

bansa sa kamay ng mga Hapones.

________ Pinalakad ng mga sundalong Hapones ang mga sundalong Pilipino at

Amerikano sa Death March mula Bataan hanggang Tarlac.

________ Inanyayahan ng mga Hapones ang mga Pilipino na makiisa sa kanilang

programang Sama-samang Kasaganaan sa Kalakhang Silangang Asya.

Pakikipaglaban ng mga Pilipino para sa Kalayaan


Subukan mo kung masasagot mo ang mga sumusunod na tanong na may

kaugnayan sa araling ito. Sagutan ng Oo o Hindi.


____1. Ang mga gerilya ba ay mga dating sundalo na lumaban sa mga
Hapones?
____2. Ang mga sundalong Pilipino ba ang nakapagpasuko sa mga Hapones?

____3. Higit na naging malupit ba sa mga Hapones ang mga HUK kaysa sa
mga gerilya?
____4. Nagpatuloy ba sa paglaban ang mga Pilipino kahit nasakop na ng
mga Hapones ang Pilipinas?

____5. Ang mga HUK ba ay dating mga sundalo ng Hukbong Sandatahan ng


Pilipinas?

4
Ang mga Gerilya

Nagpatuloy ang labanan ng mga Pilipino


at Hapones kahit bumagsak na ang Corregidor
sa kamay ng mga Hapones noong Mayo 6,
1942. Ang mga sundalong USAFFE na
nakaligtas sa labanan ay namundok at patuloy
na nakipaglaban nang patago sa hukbo ng mga
kaaway. Sila ay tinatawag na gerilya. Ilan sa
mga kilalang grupong gerilyang naitatag ay ang
gerilya sa Hilagang Luzon na pinamumunuan
nina Walter Cushing at Koronel Guillermo
Nakar. Sa Gitnang Luzon naman ay nakatalaga
ang Hunters ROTC ni Miguel Ver at Marking
Guerillas ni Marcos Agustin. Sa Bicol naman
Larawan ng mga Gerilya
https://tinyurl.com/7ffgx56 August 21, 2020 ay kilala ang grupo ng gerilyang pinamumunuan

nina Wenceslao Q. Vinzons ng Hilagang


Camarines. Si Macario Peralta naman ang
namuno sa mga gerilya ng Panay. Sa Mindanao ay nanguna ang grupo nina Salipada
Pendatun at Thomas Cabili. Layunin ng samahang gerilya ang:

1. Patayin ang mga kalaban at ilang mamamayang tumutulong at nakikiisa


sa hukbong Hapones, at

2. Lipulin ang mga mamamayang maka-Hapones

Ang HUKBALAHAP
Ang pinakamatagumpay na
nakipaglaban sa mga Hapones ay ang
HUKBALAHAP o Hukbo ng Bayan Laban sa
Hapon na kilala rin sa tawag na Huk. Ito ay
itinatag sa Gitnang Luzon kung saan ang
mga kasapi nito ay mula sa mga kilusang
magbubukid at manggagawa. Bago pa man
sila nakipaglaban sa mga Hapones, sila ay
nagkaroon na ng karanasang makibaka sa
hindi makatarungang pamamahala ng mga
asendero. Ang karanasang ito ang nag-
udyok sa kanila bilang magsasaka at
manggagawa na magkaisa upang isulong
ang kanilang layunin. Kaya, nang harapin
nila ang suliranin sa digmaan laban sa
Hapon, hindi sila naging mahirap para sa
Laraw an ng HUKBALAHAP
kanila na bumuo ng nagkakaisang sa P anahon ng Hapon.
https://preview.tinyurl.com/yy5mjamy
pagkilos nong Pebrero, 1942 sa ilalim ng
August 21, 2020

5
kilusang HUKBALAHAP na pinamumunuan ni Luis Taruc.

Ka Luis Taruc
Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel
University.
August 21, 2020

Handa ka na bang suriin kung mayroon


kang mga kaalaman sa paksa natin sa modyul?
Magsimula ka na. Itambal ang tinutukoy sa bawat bilang sa mga salita sa kanang
hanay. Isulat ang letra nito sa patlang sa kaliwa.
Hanay A Hanay B
_____1. Lipulin ang mga mamamayang A. Jose Abad Santos
maka-hapones ang layunin nila B. MAKAPILI

_____2. Mga sundalong Amerikano C. Luis Taruc


_____3. Pinamunuan niya ang grupo ng mga D. Macario Peralta
gerilya sa Bicol E. Josefa Llanes-Escoda
_____4. Kilusang magbubukid at maggagawa F. Hunters ROTC

mula sa Gitnang Luzon G. HUKBALAHAP


_____5. Tawag sa pangkat ng mga gerilya na H. Wenceslao Vinzons
pinamumunuan nina Miguel Ver at I. USAFFE
Marking Guelleras J. Gerilya

_____6. Nagtatag ng Babaeng Iskawt K. Kempei-tai


_____7. Namuno sa pangkat ng mga gerilya sa Panay
_____8. Pinuno ng HUKBALAHAP
_____9. Espiya ng mga Hapon

_____10. Kalihim ng Kagawaran ng Katarungan


at Punong Mahistrado sa panahon ng Hapon

6
Panuto: Punan ang patlang ng salita o mga salita upang malaman kung
anong natutuhan mo mula sa aralin.

Marami ang _____________ sa kalabisang ginawa ng mga Hapones sa loob ng


maikling panahon nila sa Pilipinas. Maraming _____________ ang nagawa nila sa

ating bansa at higit sa lahat ay ________________ ang mga mamamayan. Dahilan sa


kanilang ____________ na hindi matiis ng mga Pilipino, nagtatag ng mga kilusang
_____________ , ________________, at iba pa upang labanan ang mga pagmamalupit
ng mga __________.

Ipagpalagay mo na nabuhay ka noong panahon ng Hapon. Batay sa mga


nabasa mo sa modyul at aralin, maituturing mo bang tapat o hindi ang layunin ng
mga Hapon sa pagbibigay ng kasarinlan sa mga Pilipino? Talaga kayang gagawin
nila ito? Pangatwiranan mo.

7
Panuto: Piliin ang wastong sagot. Isulat ang letra nito sa bawat patlang.

____1. Bansa sa Silangang Asya na may programang Sama-samang Kasaganaan ng


Kalakhang Silangang Asya.
A. Korea
B. Japan
C. Malaysia
D. Taiwan

____2. Pinamunuan niya ang pangkat ng mga gerilya sa Bicol.


A. Macario Peralta
B. Marcos Agustin
C. Tomas Cabili
D. Wenceslao Vinzons

____3. Ang pangkat ng mga gerilya sa Panay ay pinamunuan ni ________.


A. Macario Peralta
B. Marcos Agustin
C. Tomas Cabili
D. Wenceslao Vinzons

____4. Tawag sa mga Pilipino na kaanib ng mga Hapones.


A. Gerilya
B. Kempei-tai
C. MAKAPILI
D. Terorista

____5. Binubuo ng mga sundalong Pilipino at Amerikano.


A. Gerilya
B. Kempei-tai
C. MAKAPILI
D. USAFFE

____6. Siya ang nagtatag ng Babaeng Iskawt.


A. Corazon Aquino
B. Melchora Aquino
C. Gloria Macapagal Arroyo
D. Josefa Llanes-Escoda

8
____7. Naging Kalihim ng Kagawaran ng Katarungan at Punong Mahistrado sa
panahon ng Hapon.
A. Tomas Cabili
B. Manuel L. Quezon
C. Jose Abad Santos
D. Luis Taruc

____8. Ang mga sundalo o sibilyang namundok at patuloy nakipaglaban sa mga


Hapones
A. Gerilya
B. HUKBALAHAP
C. KALIBAPI
D. MAKAPILI

____9. Ang kilusang ito ay binubuo ng mga magsasakang handang mangalaga


sa katahimikan ng bayan.
A. Gerilya
B. HUKBALAHAP
C. KALIBAPI
D. MAKAPILI

____10. Ang pulis militar ng Hapones ay tinatawag na _____________.


A. Direktor-heneral
B. Heneral
C. Kempei-tai
D. MAKAPILI

9
Sanggunian
Antonio, Eleanor D. et al., Kayamanan 6, pp.143 - 145, REX Printing Company,
Inc., Quezon City, 2015

Baisa-Julian, Ailene G. et al., Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 6, pp.181-182,


PHOENIX Publishing House, Inc., Quezon City, 2016

MODYUL 15 PANANAKOP NG HAPON AT REAKSYON NG MGA PILIPINO


Pahina 13 - 22
Larawan ng mga Gerilya https://tinyurl.com/7ffgx56 August 21, 2020

Larawan ng HUKBALAHAP sa Panahon ng Hapon.


https://preview.tinyurl.com/yy5mjamy, August 21, 2020

Ka Luis Taruc. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel
University, August 21, 2020

Susi Sa Pagwawasto

C 10.
B 9.
A 8.
C 7.
D 6.
A 5.
Hindi 5.
C 4.
A 3. Oo 4.
Hindi 3.
D 2. Oo 2.
B 1. Oo 1.
ROOSEVELT 9.
Pangwakas na Gawain Pagpapakilala ng Aralin LAUREL 7.
ABAD SANTOS 4.
GERILYA 2.
HUKABALAHAP 1.
A 10.
B 9. Pababa
C 8. 1
8
D 7. 9
E 6. 7 JOSEFA 8
F 5. 3 KAMATAYAN 6.
G 4. 6 MACARTHUR 5.
H 3. 2 DIGMAAN 3.
5 HAPONES 1.
I 2.
10
J 1. 4 Pahalang

Gawain Balik-Tanaw Unang Pagsubok

10

You might also like