You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
Schools Division of Cavite Province
MUNICIPALITY OF GENERAL MARIANO ALVAREZ

IKA-APAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA MTB III


SY 2022-2023

PANGALAN: ________________________________________ PETSA: ________________


SEKSYON/BAITANG: _________________________________ ISKOR: ________________
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot.

___1. Sa ibaba ang banghay ng tekstong nasa loob ng kahon. Alin sa mga pangungusap ang hindi dapat
kasali sa banghay?

Ang transportasyon sa ating bansa ay medyo kulang sa pag-unlad. Ito ay dulot


ng bulubunduking bahagi at magkakahiwalay na isla. Iyo’y maaari ring dulot ng
kakulangan sa pondo ng pamahalaan. Kaya naman, ang kasalukuyang pamahalaan ay
nagsisikap na mapaunlad ang transportasyon sa bansa sa pamamagitan ng paglunsad ng
mga proyeto.

I. Mga Dahilan ng Mabagal na Pag-unlad sa Transportasyon ng Bansa


1. May mga bulubunduking bahagi ng bansa at magkakahiwalay na isla.
2. Kakulangan sa pondo ng pamahalaan
3. Tamad nang magmaneho ng mga sasakyan ang mga tao.
4. Walang makuhang trabahador sa kalsada.

A. 1 at 2 B. 3 at 4 C. 3 lamang D. 1 at 4

___2. Isulat ang mga pangungusap sa anyo ng talata. Gumamit ng mga panandang salitang una, tapos,
kasunod, pagkatapos at sa katapusan.
1. Pakuluan ang tubig. Hayaang kumukulo sa loob ng 5minuto.
2. Pagkalipas ng 5 minuto, hinaan ang apoy at pakuluin pa ito nang 5 minuto.
3. Palamigin ang tubig sa ginamit na kaldero o kaserola.
4. Ilagay ang malamig na tubig sa malinis na lalagyan.
5. Palamigin bago inumin.

A. Una, pakuluan ang tubig. Pagkatapos, hayaang kumukulo sa loob ng 5minuto. Sa


katapusan, pagkalipas ng 5 minuto, hinaan ang apoy at pakuluin pa ito nang 5 minuto.
Tapos, palamigin ang tubig sa ginamit na kaldero o kaserola. Kasunod, ilagay ang malamig
na tubig sa malinis na lalagyan. Tapos, palamigin bago inumin.
B. Una, pakuluan ang tubig. Tapos, hayaang kumukulo sa loob ng 5minuto. Kasunod,
pagkalipas ng 5 minuto, hinaan ang apoy at pakuluin pa ito nang 5 minuto. Tapos, palamigin
ang tubig sa ginamit na kaldero o kaserola. Pagkatapos, ilagay ang malamig na tubig sa
malinis na lalagyan. Sa katapusan, palamigin bago inumin.

C. a. Pakuluan ang tubig.


b. Hayaang kumukulo sa loob ng 5minuto.
c. Pagkalipas ng 5 minuto, hinaan ang apoy at pakuluin pa ito nang 5 minuto.
a. Palamigin ang tubig sa ginamit na kaldero o kaserola.
b. Ilagay ang malamig na tubig sa malinis na lalagyan. Palamigin bago inumin.

D. Pakuluan ang tubig. Hayaang kumukulo sa loob ng 5minuto. Pagkalipas ng 5 minuto,


hinaan ang apoy at pakuluin pa ito nang 5 minuto. Palamigin ang tubig sa ginamit na kaldero
o kaserola. Ilagay ang malamig na tubig sa malinis na lalagyan. Palamigin bago inumin.

___3. Piliin ang tamang pagkakasunod-sunod ng pagkakasulat sa talata ayon sa panandang salita.

A. Una, pakuluin ang tubig. Ikalawa, hayaang kumukulo ang tubig sa loob ng 5 minuto. Ikatlo,
pagkatapos ng limang minuto, hinaan ang apoy at pakuluin pa ito ng 5 minuto. Sunod, palamigin ang
tubig sa ginamit na kaldero o kaserola. Pagkatapos, ilagay ang malamig na tubig sa malinis na
lalagyan. Sa huli, palamigin bago inumin.
B. Una, pakuluin ang tubig. Ikalawa, hayaang kumukulo ang tubig sa loob ng 5 minuto. Ikatlo,
pagkatapos ng limang minuto, hinaan ang apoy at pakuluin pa ito ng 5 minuto. Sunod, palamigin ang
tubig sa ginamit na kaldero o kaserola. Pagkatapos, palamigin bago inumin. Sa huli, ilagay ang
malamig na tubig sa malinis na lalagyan.
C. Una, pakuluin ang tubig. Ikalawa, hayaang kumukulo ang tubig sa loob ng 5 minuto. Ikatlo,
pagkatapos ng limang minuto, hinaan ang apoy at pakuluin pa ito ng 5 minuto. Pagkatapos,
palamigin bago inumin. Sunod, palamigin ang tubig sa ginamit na kaldero o kaserola. Sa huli, ilagay
ang malamig na tubig sa malinis na lalagyan.
D. Sa huli, ilagay ang malamig na tubig sa malinis na lalagyan. Una, pakuluin ang tubig.
Ikalawa, hayaang kumukulo ang tubig sa loob ng 5 minuto. Ikatlo, pagkatapos ng limang minuto,
hinaan ang apoy at pakuluin pa ito ng 5 minuto. Pagkatapos, palamigin bago inumin. Sunod,
palamigin ang tubig sa ginamit na kaldero o kaserola.

___4. Nagpulong ang mga hayop sa gubat, sila ay nagkasundo na magkaroon ng karera upang matukoy kung
sino ang karapat-dapat na maging pinuno. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang nagpapakita ng tamang
paghahambing?

A. Mabilis tumakbo si Pagong.


B. Mas mabilis tumakbo si Pagong kaysa kay Kuneho.
C. Pinakamabilis tumakbo si Kabayo kaysa kay Kuneho.
D. Pinakamabilis tumakbo si Kabayo kaysa kay Pagong at Kuneho.

___5. Ang pang-ukol ay mga salitang nag-uugnay sa pangngalan, panghalip, pandiwa,


pang-abay at sa iba pang mga salita sa pangungusap. Ang mga pang-ukol ay
nagsasabi kung saan naroon ang isang bagay at tao, kung saan ito nagmula at
kung saan ito patungo. Punan ng angkop na pang-ukol ang mga pangungusap.
“______Daniel, mas gusto niyang maglaro ng computer.”
“______ pangulo, mas makabubuti raw na huwag muna palabasin ang mga
bata ngayong panahon ng pandemya.”

A. Tungkol kay at Ayon sa C. Mula sa at Para sa


B. Para kay at Ayon sa D. Kay at Ayon sa

___6. 1.Piliin ang angkop na pang-abay na ginamit sa pangungusap


A. May pupuntahan si ate Alicia kaya madali siyang naghilamos at nagsepilyo ng
ngipin
B. May pupuntahan si ate Alicia kaya nagmadali siyang naghilamos at nagsepilyo
ng ngipin.
C. May pupuntahan si ate Alicia kaya dali-dali siyang naghilamos at nagsepilyo ng
ngipin
D. May pupuntahan si ate Alicia kaya nagmamadali siyang naghilamos at
nagsepilyo ng ngipin

___7. Basahin ang mga sumusunod na mga pangungusap. Bumuo ng isang talata sa pamamagitan ng
pagsasaayos ng mga sumusunod na pangungusap. Piliin ang tamang letra ng pagkakasunod-sunod.
Hakbang sa Pagligo.
I. Ihanda ang shampoo, sabon, tubig, at tuwalya.
II. Magpunas ng mabuti gamit ang tuwalya.
III. Magsaboon at kuskusing mabuti ang katawan.
IV. Magbuhos ng tubig pagkatapos ay agyan ng shampoo ang palad at ikuskos ito sa buhok.
V. Magbanlaw ng mabuti.

A. I, II, III, IV at V C. I, III, IV, V


B. I, IV, III, V, II D. IV, III, V, II

___8. Piliin ang letra ng tamang pang-ukol base sa larawan.

A. Ang aso ay natutulog sa ilalim ng sasakyan.


B. Ang aso ay natutulog sa loob ng sasakyan.
C. Ang aso ay natutulog sa ibabaw ng sasakyan.
D. Ang aso ay natutulog sa tabi ng sasakyan.

___9. Piliin ang angkop na pang-ukol sa panaklong upang makabuo ng pangungusap.


“Kinuha ni Tin-Tin ang bote ng shampoo________ ng lalagyan habang siya’y naliligo.”

A. sa ibabaw C. nang ibabaw


B. ng ibabaw D. ibabaw

___10. Tukuyin ang angkop na pang-abay na pamamaraan upang mabuo ang pangungusap.
“_______________ pumasok ng silid-aralan ang karamihan sa mag-aaral na tila mauubusan ng upuan.”

A. Nagtatakbuhang B. nagkukwentuhan C. Huling D. mahinahon

Kahalagahan ng Tubig sa Mundo


Ang tubig ay isang importanteng bagay sa mundo. Ang mga tao at hayop ay nangangailangan
ng tubig upang mabuhay. Maging ang halaman ay nangangailangan ng tubig upang lumaki.
Kailangan rin natin ng tubig sa paglilinis ng ating katawan. Ginagamit din natin ito sa paglilinis ng
maraming bagay.

I. Kahalagahan ng Tubig
A. Ang mga tao at hayop ay umiinom ng tubig.
B. Kailangan upang may pagkakakitaan ang mga tao.
C. Kailangan sa paglilinis ng ating katawan
D. Ginagamit sa swimming pool.
E. Ginagamit sa paglilinis ng maraing bagay.

___11. Alin sa mga pangungusap ang hindi kabilang sa balangkas


A. lamang B. B lamang C. A at E D. B at D

___12. Ayusin ang mga sumusunod na hakbang sa paggawa ng Maskarang yar isa supot na papel. Lagyan
ng mga hudyat na salita.

________ Ipatong ang supot na papel sa ulo.


________ Gupitin ang butas para sa mata at bibig.
________ Tukuyin ang gitna ng dalawang mata at bibig at lagyan ng marka o guhit.
________ Lagyan ng dekorasyon ang maskara.
________ Alisin ang supot na papel sa ulo at guhitan ng iba pang bahagi ng
maskara.

A. Una B. Una C. Una D. 1


Tapos Pagkatapos ikalawa 2
Kasunod Tapos ikatlo 3
Pagkatapos Sa katapusan ikaapat 4
Sa katapusan Kasunod ikalima 5

___13. Piliin ang tamang pagkakasunod – sunod ng mga pangungusap.


A. Nanghingi siya ng tubig ngunit walang maibigay sa kanya.
B. Masaya siya at mayroon ng tubig.
C. Binuksan ni Maki ang gripo at hinayaang umagos ang tubig upang makita kung
ito ay hihinto.
D. Nakatulog si Maki.
E. Ginising siya ng kaniyang ina.

A. C, D, E, A, B C. B, C, D, E, A
B. A, B, C, D, E, D. D, E, C, A, B
___14. Basahin ang sumusunod na talata. Piliin ang nararapat na isama sa banghay. Piliin ang titik ng
tamang sagot.
Climate change
Ang mga usok na galing sa sasakyan ay sanhi ng polusyon sa hangin na nagiging sanhi rin ng
climate change. Ang pagpuputol ng puno na sumisipsip ng carbon dioxide ang isa rin sa mga dahilan
ng climate change. Ang Climate Change ay natural na nangyayari sa iba’t ibang enerhiya na nabubuo
na galing sa araw.
Ito ang resulta ng Climate Change. Ang Climate Change ay pagbabago ng klima o panahon
dahil sa pagtaas ng mga greenhouse gases na nagpapainit sa mundo. Nagdudulot ito ng mga
panganib kagaya ng baha at tagtuyot na maaaring magdulot ng pagkakasakit o pagkamatay. At
maging pagbabago ng panahon.

I. Dahilan ng Climate change


A. Usok na galing sa mga sasakyan na sanhi ng polusyon
B. Pagpuputol ng puno
C. Pagtatanim ng mga halaman
D. Pagtatapon ng basura kung saan saan

II. Resulta ng climate change


A. Pagbabago ng klima o panahon
B. Pagbaha
C. Pagkakasakit o pagkamatay
D. Pagiging malusog
A. I – A, B, D II – A, B, C C. I – B, C, D II – B, C, D
B. I – A, B, C II – A, B, D D. I – A, B, C II – C, D, A
___15. Magalang na bumati ang mga bata sa kanilang punong-guro. Ano ang pang-abay na ginamit sa
pangungusap?
A. bumati B. magalang C. punong-guro D. bata

___16. Piliin ang tamang pagkakasunod – sunod o ayus ng mga pangungusap.


A. Banlawan ng malinis na tubig ang mga kamay hanggang mawala ang sabon.
B. Lagyan ng sabon ang binasang kamay.
C. Gumamit ng bimpo para tuyuin ang kamay.
D. Sabuning Mabuti ang mga palad, mga daliri at pagitan ng mga daliri ng kamay
sa loob ng 20 segundo.
E. Basain ang kamay
A. C, D, E, A, B B. D, E, C, B, A C. E, B, D, A, C D. A, B, C, D, E

___17. Piliin ang pangungusap na tamang pang-abay ang ginamit.

A.Napakabilis lumaki ng mga kamatis sa lahat ng tanim ni Tiyo Achoi


B.Kailangang pumasok ni Pia ng tanghali para makahabol siya sa kanyang unang
asignatura.
C.Mabagal kumilos si Ana sa lahat ng kanyang mga kaklase.
D.Ang mga mag-aaral ay mas masipag magsumite ng kanilang proyektgo.

___18. Tukuyin ang pang-abay na pamamaraan sa pangungusap.


“Ang mga bata ay palihim na nagtatawanan.”
A. nagtatawanan B. bata C. palihim D. Ang mga

___19. Hanapin sa pangungusap ang pang ukol na ginamit. “Pupunta kami kina Aling Bebang mamaya.”
A. kami B. kina C. mamaya D. pupunta

___20. Piliin ang wastong pang ukol para sa diwa ng pangungusap. “Ang hawak niyang lapis ay
___________ Nena.”
A. Ukol kaya B. sa C. kay D. para kay

SUSI SA PAGWAWASTO SA MTB 3


  A B C D
1 0 3 2 1
2 2 3 0 1
3 2 3 1 0
4 0 2 1 3
5 1 3 0 2
6 0 2 1 3
7 0 3 1 2
8 2 3 0 1
9 3 2 1 0
10 3 2 0 1
11 0 0 0 1
12 0 1 0 0
13 0 0 0 1
14 1 0 0 0
15 0 1 0 0
16 0 0 1 0
17 1 0 0 0
18 0 0 1 0
19 0 1 0 0
20 0 0 1 0

You might also like