You are on page 1of 3

UNIVERSITY OF LA SALETTE, INC.

GRADE SCHOOL
Malvar, Santiago City

PAGSASANAY SA ARALING PANLIPUNAN 6 - ENERO 25, 2023

Pangalan: ________________________________________________ Iskor: ____________


HALUKAY LETRA - Panuto: Ayusin ang mga letra sa loob ng panaklong ( ) upang makabuo ng isang salita
batay sa kanyang nakasaad na kahulugan. Isulat ang sagot sa patlang.

_________________ 01. Asyanong sumakop sa ating bansa. (POHASEN)


_________________ 02. Pilipinong makahapon (KALIMAPI)
_________________ 03. Nag-iisang partidong pinayagan ng Hapones (BAKALIPI)
_________________ 04. Pamahalaan sa Ikalawang Republika (TEPPU)
_________________ 05. Kilusan ng magsasaka laban sa Hapon (HAPBAHUKLA)
_________________ 06. Pulis militar ng mga Hapones (MEKTAIPEI)
_________________ 07. Mga sundalong Pilipino at Amerikano na namundok (AYEGRLI)
_________________ 08. Pangulo ng Ikalawang Republika (SEJO RELAUL)
_________________ 09. Inihayag ni Douglas MacArthur na Open City (INLAMAY)
_________________ 10. Pinuno ng hukbo ng mga Hapones na lumusob sa bansa (SAMAHARU MOHMA)

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang pahayag. Piliin ang letrang tamang sagot at bilugan ito.
11. Ito ay ang paglakad ng 100 kilometro kung saan marami ang namatay, pinahirapan,at pinagmalupitan ng
mga Hapon?
A. Fall of Bataan B. Battle of Corregidor
C. Death March D. Lahat ng mga nabanggit

12. Sino ang biktima ng Death March?


A. Sumukong sundalong Pilipino at Amerikano B. Mga mahihirap na Pilipino
C. Mga negosyante D. Mga mag-aaral

13. Ano-ano ang kanilang naranasan sa paghihirap?


A. Naglakad ng 100km B. Inilagay sa bagon o death train
C. Walang pahinga, pagkain, at inumin D. Lahat ng mga nabanggit

14. Kailan nagsimula ang Death March?


A. Disyembre 7, 1941 B. Enero 2, 1942
C. Pebrero 2, 1942 D. Abril 9, 1942

15. Saan isinakay ang mga nakaligtas na bihag na sundalo?


A. eroplano B. barko C. tren o bagon D. dyip

16. Saan nagsimula ang paglakad ng mga Sundalong Sumuko?


A. Maynila B. Quezon C. Batangas D. Bataan

17. Ilang kilometro ang kanilang nilakad?


A. 500 km B. 100 km C. 10 km D. 200 km

18. Hanggang saan pinalakad ang mga sumukong Sundalo?


A. Pampanga B. Bataan C. Tarlac D. Quezon

19. Saan sila dinala sakay ng tren?


A. Lucban, Quezon B. San Fernando, Pampanga
C. Capas, Tarlac D. Abucay, Bataan

20. Anong sandata ang ginamit ng mga Hapones sa mga sumukong sundalo?
A. baril B. bayoneta C. espada D. kutsilyo

Panuto:Tama o Mali. Isulat ang Tama kung ang ipinahahayag sa pangungusap aywasto at Mali kung hindi.
Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
___________21. Dahil sa lakas ng puwersa ng USAFFE sa Corregidor ay hindi nagawang mapabagsak ito ng
mga Hapones.

___________22. Dahil sa panawagan ni Hen. Wainwright, karamihan sa mga kumander ng USAFFE sa buong
kapuluan ay sumuko, ngunit mayroon na hindi sumunod sa kanya at namundok at naging gerilya.

___________23. Si Hen. William F Sharp ang kumander ng Visayas at Mindanao ay sumama sa pagsuko noong
Mayo 2, 1942.

___________24. Buong giting na ipinagtanggol ng mga sundalong Pilipino at Amerikano ang Corregidor
ngunit sila’y nabigo.

___________25. Si Pangulong Quezon at pangalawang Pangulong Sergio Osmeña Sr ay inilikas upang


makaligtas sa mga Hapones.

Panuto: Isulat ang tsek (✓) sa patlang kung dapat gawin sa panahon ng digmaan o kahirapan. Lagyan ng ekis
(✖) kung hindi.

___________26. Magtipid ng mga kagamitan at pagkain.

___________27. Mamili ng marami at itago kahit mauubusan ang ibang tao.

___________ 28. Bilhin lamang ang pangunahing pangangailangan.

___________29. Tulungan ang mga sundalong nasusugatan at nagugutom.

___________30. Tulungan ang mga taong nahihirapan at nagigipit.

31-35. Bilang kabataang Pilipino, paano mo maipakikita ang iyong pagpapasalamat sa mga sundalong
Pilipinong lumaban sa mga Hapones? Magbigay ng dalawa.

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

36-40. Sa iyong palagay, ano ang dahilan ng mga Pilipino sa hindi pagsunod sa pagsuko sa mga Hapones? Ano
ang katangiang ipinakita ng mga Pilipino?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

UNIVERSITY OF LA SALETTE, INC.


GRADE SCHOOL
Malvar, Santiago City

PAGSASANAY SA ARALING PANLIPUNAN 6 - ENERO 27, 2023


Pangalan: ________________________________________________ Iskor: ____________

Panuto: Basahin sa unang hanay ang mga ilang patakaran na inilunsad ng mga Hapones sa bansa at isulat kung
sang-ayon o di sang-ayon sa ikalawang hanay.

PATAKARAN RESULTA
1. Pagputol ng pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa
Estados Unidos.
2. Pagtanggal ng lahat ng kapangyarihang
Amerikano.
3. Pagtatatag ng pamahalaan para sa mga Pilipino
lamang.
4. Pagpapatuloy ng mga kapangyarihan ng mga
pinuno ng bayan.
5. Pamamahagi ng mga pangunahing pangangai-
langan sa mga Pilipino
6. Pagpaparusa sa mga Pilipinong kumakalaban sa
mga Hapones.
7. Pagpipigil sa mga programang pangkaunlaran
para sa mga Pilipino.
8. Pagbabawal sa pagpapatugtog ng pambansang
awit.
9. Pag-alis ng kapangyarihang makapagsalita at
makapagpahayag
10. Pagpapalit ng mga pangalan sa iba’t ibang lugar
lugar

Panuto: Buuin ang talahanayan. Isulat sa loob ng A ang mga mabubuting resulta ng pananakop ng mga
Hapones at sa loob ng B ang mga di-mabubuting resulta ng pananakop ng mga Hapones.

A B
Mabuting Resulta Di-Mabuting Resulta

Pananakop ng mga Hapones

Sagutin ang MAGAGAWA NATIN sa aklat na makikita sa pahina (page) 175.

You might also like