You are on page 1of 2

Pakikibaka ng mga Pilipino Laban sa Hapon Para sa Kalayaan

Pakikibaka ng mga Pilipino Laban sa Hapon

A. Ang Kilusang Gerilya

Nang bumagsak ang Bataan at Corregidor sa kamay ng mga Hapones noong Mayo 6, 1942 ay hindi pa rin natapos
ang labanan ng mga Pilipino at Hapones. Ang mga sundalong Pilipino na nakaligtas sa labanan ay namundok at
patuloy na nakipaglaban nang palihim sa hukbo ng mga kaaway. Nagpangkat – pangkat sila na kung tawagin ay
gerilya at mula sa bulubundukin at ilang mga lugar nagsagawa sila ng mga pabigla - biglang pagsalakay.

Ang kanilang layunin ay:


1. Lusubin ang mga garison, patayin ang mga sundalo at opisyal na Hapon
2. Palayain ang mga nakakulong at patayin ang mga Pilipinong kakampi sa Hapon
3. Salakayin ang mga istasyong militar upang sirain ang mga kagamitan at manguha ng mga bala at armas na
gagamitin sa paglaban sa mga Hapon

Mga sibilyang gerilya na nangunguna sa iba’t – ibang dako ng Pilipinas:


Lider Militar: Koronel Macario Peralta
Mindanao: Tomas Cabili Salipada Pendatun
Luzon: Marcos V. Agustin
Panay: Tomas Confesor Wenceslao Q. Vinzons
Leyte: Ruperto Kang

B. Ang HukBaLaHap

Ang mga magsasakang labis na naghirap sa panahong ito ay nagbuklod upang bumuo ng isang kilusang may katulad
na simulain sa mga gerilya. Ang mga magsasaka ay nakadama ng pagmamalupit ng mga Hapon. Pinagiinteresan ang
kanilang sakahan at ang bigas na kanilang inaani ay kinukumpiska.
Ang pagtatag ng Hukbong Bayan Laban sa mga Hapones (HukBaLaHap) ay pinamunuan nina Luis Taruc, Jesus Lava, at
Jose Banal. Ang mga kasapi nito ay mga magsasakang handang mangalaga sa katahimikan ng bayan. Naging marahas
ang ginawang pagsugpo ng mga Hukbong bayan laban sa mga Hapones. Daan- daang Hapones ang kanilang pinatay.
Naging dahilan ito upang higit silang katakutan ng mga Hapones kaysa sa mga sundalo.

C. Mga Pagkilos ng mga Sibilyan

Ilan sa mga sibilyang tumulong sa pakikipaglaban:

1. JOSEFA LLANES-ESCODA
 Ipinanganak siya noong Setyembre 20, 1898 sa Dingras, Ilocos Norte.Isa siyang balediktoryan sa Mababang
Paaralan at salutatoryan sa Mataas na Paaralan ng Ilocos Norte.
 Siya ang nagtatag ng mga Babaeng Iskawt (Girl Scouts) sa Pilipinas. Noong Mayo 26, 1940.
 Dahil sa kanyang pagtulong sa mga sundalong lumaban sa mga Hapones, hinuli siya at ang kanyang asawa at
ikinulong sila sa Fort Santiago. Doon na rin sa bilangguan binawian ng buhay si Josefa Llanes-Escoda noong
Enero 1945.

2. JOSE ABAD SANTOS


 Isinilang noong Pebrero 19, 1886 sa kasagsagan ng himagsikang Pilipino laban sa mga Espanyol.Naging
kalihim siya ng kagawaran ng katarungan at punong mahistrado ng kataas-taasang Hukuman
 Siya ang gumanap ng tungkulin ng Pangulo nang ilikas si Quezon upang hindi madakip ng mga Hapones. Pilit
niyang sinalungat ang karahasan ng mga Hapones kaya siya ay ipinakulong sa Lanao kasama ng kanyang
anak. Pagbaril ang naging hatol sa kanya. Ikinagalak niya ang mamatay para sa bayan
Subukan mo kung masasagot mo ang mga sumusunod na tanong. Sagutan ng Oo o Hindi
_________1. Ang mga gerilya ba ay mga sundalo na lumaban sa mga Hapon?
_________2. Ang mga sundalong Pilipino ba ang nakapagpasuko sa mga Hapones?
_________3. Higit na naging malupit ba sa mga gerilya ang mga Hapones?
_________4. Nagpatuloy ba sa paglaban ang mga Pilipino kahit nasakop na ng mga Hapones ang Pilipinas?
_________5. Layunin ba ng mga gerilya na patayin kung sino man ang mga mamamayan na sasapi sa mga
Hapon?

Lagyan ng bituin ( ) kung tama ang ipinahayag na mga pangungusap at kalahating buwan ( ) kung hindi sang-
ayon sa pahayag . Isulat ang iyong sagot sa patlang.
__________ 1. Si Luis Taruc ang isa sa mga pinuno na nagtatag sa HukBaLaHap.
__________ 2. Hindi naging marahas ang mga hakbang na ginawa ng mga HukBaLaHap laban sa mga
Hapones. __________ 3. Higit na kinatatakutan ang mga HukBaLaHap ng mga Hapones kaysa mga sundalo.
__________ 4. Naging kasama sa pamumuno ni Luis Taruc sina Jesus Lava at Jose Banal.
__________ 5. Ang mga kasapi sa HukBaLaHap ay ang mga magsasakang handang mangangalaga sa
katahimikan ng bayan.

Sagutin ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa patlang.


_______________ 1. Sino ang nagtatag ng Babaeng Iskawt sa Pilipinas?
_______________ 2. Gumanap bilang Pangulo nang ilikas si Quezon para hindi madakip ng mga Hapones.
_______________ 3. Sino ang mga tinulungan ni Josefa – Llanes Escoda na nagmartsa patungong Capas,
Tarlac.
_______________ 4. Saan ikinulong si Jose Abad Santos?
_______________ 5. Saan binawian ng buhay si Josefa – Llanes Escoda?

You might also like