You are on page 1of 2

Tayahin

1. Ang layunin ng pamaraang gerilya: lusubin ang mga garrison, patayin ang mga sundalo at opsiyal
ng mga Hapon, palayain ang mga nakakulong, at salakayin ang mga istasyong military upang
sirain ang mga kagamitan at manguha ng mga bala at armas na gagamitin sa paglaban sa mga
Hapon. Ang kalupitan ng mga Hapones sa mga Pilipino ang nagbunsod sa kanila upang itatag ang
kilusang gerilya. Kinatatakutan nila ang Kempei-tai, ang pulisyang military ng mga Hapones.

2. Isa sa pinakamalaking gerilya na itinatag ni Luis Taruc, ito ay binubuo ng mga magsasaka mula sa
gitna at katimugang Luzon na lubos na nakaranas ng kalupitan mula sa mga Hapon. Naging
marahas ang ginawang pagsugpo ng mga HUK sa mga Hapones. Daan-daang Hapones ang
kanilang pinatay. Sinasabing mas higit silang marahas kaysa sa mga gerilya kaya’t mas higit silang
kinatatakutan ng mga Hapon.

3. Ang mga sibilyan ang tumulong at nagbigay ng suporta sa mga kilusang gerilya at HUK. Sila ang
nagtatago ng mga sugatan, ginagamit at pinapakain nila ang mga ito ng palihim. Ginamit ng mga
kababaihan ang kanilang kagandahan upang malinlang ang mga Hapon, at ang mga kabataa’y
naging tagapagdala ng mga armas at mensahe upang maipagpatuloy ang lihim na operasyon ng
mga kilusan.

4. Kahit kulang sa armas, sandata at kagamitan, isinulong ng mga Pilipino ang kanilang Karapatan.
Nang bumalik si Hen. Douglas McArthur sa Pilipinas kasama ang mga hukbong Amerikanong
lulupig sa mga Hapon, ang mga Pilipino’y hindi lamang nanood. Nabigyan sila ng lakas at tapang
dahil sa pagdating ng mga sundalong Amerikano. Ang mga Amerikano ang sumugod sa
himpapawid habang ang mga gerilya at HUK ang nagtaboy sa mga Hapon sa labas ng mga
lalawigan at bayan-bayan.
Karagdanang Gawain

A.

1. Sila ay namundok at nakipaglaban ng palihim.


2. Nabuo ang kilusang gerilya.
3. Nabuo ang HUKBALAHAP.
4. Sinasalakay ang mga Hapon ng naka pangkat-pangkat.
5. Ang mga sibilyan ang nagbigay ng suporta at tulong sa mga kilusan.
6. Ang mga kababaihan ang naging panlinlang sa mga Hapon.
7. Ang mga kabataan ang nagsilbing tagapagdala ng mga armas at mensahe upang mapagpatuloy
ang operasyon ng mga gerilya.
8. Hindi nila hinayaang mga Amerikano lamang ang nakipaglaban, sila ang nagtaboy sa mga Hapon
sa mga lalawigan at bayan-bayan.

B.

9. Lumaban ng harapan at patago, gamit ang iba’t-ibang paraan.


10. Nagbuo ng mga pangkat o grupo upang labanan ang mga hapon, gaya ng mga gerilya, HUK at iba
pa.

You might also like