You are on page 1of 6

Kilusang Panlipunan

1) Kilusang Milinaryan- ang mga samahan na itinatag sa mga unang dekada ng


ika-20 siglo na kumalaban sa mga Amerikano na hinaluan ng relihiyon. Ang
samahang ito ay kilala din sa tawag na Kilusang Mesyaniko dulot ng paghahalo ng
relihiyon at simbolismo (Semiotics) ng relihiyon katulad ng anting-anting.
Halimbawa nito ay ang Pulahanes (tinalakay na sa naunang basahin pinasa ko) na
tinawag din na Dios-Dios.Isa pang kahalintulad nito ay ang Colorum Uprising noon
sa Surigao del Norte na nakatanggap ng diskriminasyon sa pamahalaang kolonyal
dahil sa taimtim na pananampalataya nila ay pinagdudahan at kinasuhan ng mga
kunwa-kunwariang pang-aabuso para malupig ang samahan itinatag ni Gerardo
Lasala. Si Valeriano Abanador naman ang pinuno ng mga Pulahanes.
2) Kilusang Paggawa- ang unang Unyon ng paggawa ay ang Union Obrera
Democratica na itinatag ni Don Isabelo delos Reyes at Dr. Dominador Gomez. Ang
kilusang ito ay naglayon na proteksiyonan ang mga manggawang Litografo. Ang
mga Litografo ay mga manggagawa sa mga palimbagan (printing press) na nagnais
na maging makabago ang kanilang kagamitan na nagiging sanhi ng pagkakaputol
ng kanilang mga kamay at kapag minalas ay nakikitil pa mga buhay nila sa
pagpasok ng buo ng kanilang katawan sa mga nakakamatay na lumang
palimbagan. Ang nais nila ay pondohan ng makabagong palimbagan mula Europa
ang mga lumang palimbagan sa Pilipinas
3) Kilusang Sakdalista- ang kilusang ito ay itinatag ni Benigno Ramos na
tagapagsalin at tagagawa ng “speech” ng Pang. Manuel Quezon. Ang samahan ito
ay pangunahing adhikain ay nais tayong maging malaya sa mga Amerikano. Ang
samahan ay nagsimula dahil sa pang-aabuso ng isang gurong Amerikano sa isang
Pilipinong mag-aaral sa Sta. Mesa. Ang salitang isinakdal ni Ramos ay
pumapatungkol sa pagsasakdal nia kay Quezon na maka-Amerikano sa halip na
maging makabayan dahil sa pagkampi nia sa gurong umabuso sa kanyang mga
mag-aaral na di lamang sinigawang “unggoy” ngunit sinaktan pa umano nito. Ang
sakdal ay naging pangalan ng Partidong pampulitika at pahayagan na nagsaad sa
pang-aabuso ni Quezon sa pamahalaan at pagkampi sa mga Amerikano kung
kaya’t di natin makakamtam ang Kalayaan sa pamahalaang Komonwelt ni
Quezon. Ang naging tawag sa samahan ni Ramos ay SAKDAL na mariing tumuligsa
sa pamahalaang komonwelt lalo na sa malakolonyal na pagpabor sa mga
Amerikano.
4) Kilusang Hukbalahap- ang buong tawag sa samahang ito ay ang Hukbong
bayan labas Hapon. Ito ay naghangad na labanan ang mga hapon at palayasin sa
ating bansa at sila ay mula sa hanay ng mga magsasaka, mangingisda at
trabahador. Ang samahang ito ay nagsimula sa pagiging samahan ng mga
magsasaka na tinawag na Agumalding Malding Tagalapag-Obra. Ito ay samahan
na itinatag para labanan ang mga Cacique ng San Ricardo, Talavera, Nueva Ecija
sa di patas na hatian ng lupa (70/30 o 60/40) na pabor na pabor sa mga Cacique
(landowners).
Ang samahang Agumalding . . . ay nagbago ang anyo ng binomba ng Hapon ang
Pearl Harbor at tuluyang lumusob sa Tuguegarao, unang lumusob sa pook na ito
ang mga Hapon dahil sa kalapitan nito sa bansang Hapon. Ito ay itinatag ni Ka Luis
Taruc noong 1942 sa San Ricardo, Talavera, Nueva Ecija. Ang Bise Commander ni
Taruc sa Hukbalahap ay si Casto Alejandrino. Ang samahang ito ay katuwang din
ng tagapagtatag ng Hunter’s ROTC Guerillas ni Eleuterio Adevoso ng San Juan
ngunit ang mga ito ay mas maliit kumpara sa opisyal na hukbo ng pamahalaang
Amerikano nas USAFFE (United States Armed Forces in the Far East) sa
pamumuno ni Heneral Douglas Macarthur. Ang depensa ng Pilipinas at
pakikidigma ng US sa Hapon ay kabilang sa War Plan Orange ni Hen. Macarthur.
Ang planong ito ay sa pamamagitan ng pakikipagtuwang ng Hukbong pandagat at
pangkati para mapalakas ang depensa at opensa na isasagawa ng pinagsamang
hukbo laban sa Hapon.
Ang kabuuang plano ng pananakop ng mga Hapon sa buong Asya ay tinawag nila
sa Greater East Asia Co-Prosperity Sphere at Asia For Asians. Ito ay inilusad ni
Admiral Isoroku Yamamoto (Commander in Chief ng Combined Fleet) na nakapag-
aral sa Harvard at ang kanilang Emperador Hirohito. Ang kabuuang plano nito ay
patalsikin ang mga Europeong dayuhan mananakop sa mga bansa sa Asya
partikular na sa Silangan at Timog Silangang Asya.
Ang unang depensa na ginawa ng magkakasamang puwersa ay sa bayan ng
Pangasinan ngunit ito ay nalupig ng mga Hapon dahil na rin sa paggamit ng mga
maliliit na tangke na maaring makadaan sa mga talampas at bundok. Ang naging
huling depensa sa pagliligtas ng bansa ay sa Bataan. Ito ay kilala sa tinawag na
“Battle of the Pockets” at “Battle of the Points.” Ang pananakop ng mga Hapon sa
Pilipinas ay dapat sandalian lamang dahil ang susunod nila planong lusubin ay ang
bansang Australia. Ang estilo ng mabilisan at malakasang paglusob katulad ng
ginawa ng mga Hapon sa Malaysia at Singapore na ilang linggo lamang. Dahil
ginulat nila sa patalikod na pagatake mula sa hilaga na mabundok ngunit
ginamitan nila ng bisikleta sa pagkagimbal ng mga magkasamang pwersang Ingles
at Asyano. Ngunit sa tindi ng depensa sa Bataan ay inabot ng mahigit ng 9.5
buwan na labis na nagpasira sa plano nila ngunit lalong nagpakita ng kalupitan nila
sa mga non-combatants partikular na dito ang mga panggagahasa sa mga
kababaihang Pilipina na tinawag na Comfort Women sa kasaysayan. Ang patuloy
na paglusob ng mga Hapon sa Bataan ay naging dahilan sa pagpapadala ni Pang.
Franklin Delano Roosevelt kay Gen. McArthur at Manuel Luis Quezon sa bansang
Australia. Ang pagsuko ng mga Amerikano at tuluyang pagbagsak ng Bataan at
Corregidor na itinuring na Hospital ng mga nasusugatan sa Bataan. Kung ilang
buwang inabot ang bayan ng Bataan sa pakikipaglaban at sumuko din ang
Corregidor ay binomba ng husto kung kaya’t isang araw l.amang na nilusob at
sumuko na ang mga sugatan na mandirigma na USAFFE AT HUKBALAHAP at
maging Hunter’s ROTC. May mga ulat na maraming katutubong Aeta mula Abucay
at Sapang Baton na lumaban sa panig ng mga Huk. Ang pagkatapos ng pagsuko ay
naging isa sa pinakamadilim na bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas, ang araw ng
ika-9 ng Abril, 1942 sa pagkalupig I Corps at II Corps ay sumuko na ang kabuuan at
magkasanib na pwersang Huk at Usaffe. Ang paglalakad ng halos 70000 katao na
di na kumain ng tamas a 9mos pakikipaglaban kulang sa tulog at sinasaktan
habang naglalakad mula Mariveles, Bataan patungong Capas Train Station na
halos 96km ang layo. Mula Capas, Tarlac, sila ay maglalakad sa Camp O’Donnell
sa Cabanatuan, Nueva Ecija na humigit kumulang 112 km ang layo.
Pinaniniwalaan mula 5000 hanggang 18000 ang namatay sa paglalakad na ito. Ang
mga humihinto at namamahinga o nagbabawas habang naglalakad ay
binabayoneta ng mga sundalong Hapon.
Ang mga Hapon ay nagtatag ng Pamahalaan sa Pilipinas sa pagpili kay Jose P.
Laurel bilang Pangulo at Bise Presidente ay si Jorge Vargas. Iisa lamang ang
opisyal na Partido pampulitika ito ay ang KALIBAPI. Ang mga kasabwat na Pilipino
o espiya ng mga Hapon upang ituro ang mga kasapi ng Huk ay tinawag na
Makapili at sila ay kilala na naglalakad na naka-Bayong sa ulo sa pamayanan.
Ang isa sa mga napakahalagang kontribusyon ng mga Hukbalahap ay ang
pagambush sa mga puwersa ng hapon na tinatambangan ang pwersa ng mga
Amerikano sa muling pagbabalik sa Pilipinas ni Hen. Douglas MacArthur sa
pagdaong sa Palo, Leyte. Si MacArthur mismo ay nagulat sa mahinang pwersa ng
Hapon sa kati ng dumaong siya sa Leyte. Ngunit ito ay dahil sa katapangan ng mga
Huk. Ang kabayanihang ito ng mga Huk ay napalitan naman ng pagsuko ng mga
Hapon at ng magkita diumano ang pwersa ng USAFFE at mga Huk ay inutusan ang
huli na ibaba ang armas dahil wala na daw kaaway at pumayag naman ang mga
Huk ngunit sila ay pinagbabaril ng mga kasapi ng USAFFE. Mahigit isang dosenang
Huk ang nangamatay sa barilang naganap ayon kay Benedict Kerkvliet sa kanyang
obrang Huk Rebellion.
Ang pagbagsak ng Hukbalahap ay umabot na sa panahon ni Pangulong Elpidio
Quirino at ang kapatid nitong abogado na si Atty. Antonio Quirino ang nagpasuko
kay Ka Luis Taruc, ang pundador ng samahang Hukbalahap.
5) CPP-NPA (Communist Party of the Philippines- New Peoples Army)- ang CPP
ay itinatag ni Jose Maria Sison noon ika-26 ng Disyembre, taong 1968, mula sa
isang Cacique (nagmamay-ari ng lupa) pamilya ng Ilocos Norte at guro ng English
Literature sa Unibersidad ng Pilipinas. Nakita ni Sison ang lantarang kahirapan ng
mga magsasakang Ilokano. Samantala ang NPA ay itinatag naman ang military na
sangay ng NPA ay itinatag ni Bernabe Buscayno na naging kilala sa kanyang Nom
de Guerre na Kumander Dante.
Ang mga diskusyon ng mga mag-aaral ng UP sa mga circulo ng samahang SCAUP
(Student Christian Association of UP) ang mga unang pinaghanguan ng mga kasapi
nito. Ang mga pinag-uusapan nila dito ay ang ugat ng paghihirap sa Pilipinas mula
diumano sa problemang Agraryo, usaping epekto ng kolonyalismo, kalagayang
pagmamay-ari ng lupa at negosyo sa Pilipinas. Ang CPP ay ang Partido
pampulitikang mga Komunista ng samahan samantalang ang NPA ay ang kanilang
kamay militar. Katungkulan ng NPA ay ang kumolekta ng buwis rebolusyonaryo sa
pagpapatuloy ng pakikipaglaban nito sa mga mapang-abuso sa pamahalaan.
Maoismo ang sinusunod na mga katuruan ng mga komunista sa Pilipinas kesa sa
purong Marxismo sa Europa.
Ilan pang kamay military ng samahan ay ang Red Scorpion group at Sparrow Unit
ng NPA na may tungkulin na patayin ang mga mapang-abusong pulis sa
kalunsuran o dili kaya maimpluwensiyang sundalong Amerikano nakabase dito sa
Pilipinas katulad ng pinuno ng JUSMAG (Joint US Military Assistance Group) na
tinadtad ng Sparrow Unit na si Col. James Rowe noong Abril 1989.
Ilan sa kilalang Kumander ng mga CPP NPA ay sina Kumander Alibasbas (Cesario
Manarang), Kumander Bilog (Rodolfo Salas), Kumander Bio ( Eusebio Aquino),
Kumander Ely (Dominador Garcia), Kumander Hizon (Benjamin Cunanan) at
Kumander Ligaya (Manuel Dimatulac). Sa kasalukuyan ang pinuno ng CPP NPA, ay
nakaratay sa Netherlands sa pagkakaroon ng political asylum para sa ilegal na
Partido Komunista sa Pilipinas.
6) MNLF (Moro National Liberation Front)- ito ay samahang itinatag ni
Nuruladdji Misuari noong 1972 sa tulong ni Hashim Salamat na kanyang naging
katuwang. Ang samahan ay itinatag para ang buong Mindanao ay pag-isahin
bilang isang buong Bangsamoro. bilang bahagi noong una ng Muslim
Independence Movement ni Cong. Lucman at Udtog Matalam. Ang MNLF ay
tuluyang naging independente sa MIM at mas naging lalong radikal sa paglaban sa
mga homesteaders (pinadala ng mga US na mga tagalog o Bisaya sa Mindanao
na manirahan) ng Mindanao at sa mga ipinadalang mersenaryo ni Marcos sa
Mindanao para takutin ang mga Muslim sa kanilang sariling lupain. Ang pinuno ng
mga mersenaryo itong pinadala ni Marcos ay si Feliciano Luces na kilala sa ngalan
na “Kumander Toothpick” dahil na rin sa habang pumapatay siya ng mga Muslim
ay mag kagat kagat siyang toothpick. Ito ay naging dahilan upang sunugin ng
MNLF ang noo’y sentro ng tirahan ng mga Kristiyano sa Mindanao na Cotabato na
naging dahilan ng paglipat ng pamayanang Kristiyano sa kasalukuyang Davao.
Ang mga pag-aabusong ng pamahalaang Marcos laban sa mga Muslim ay
nagpatuloy sa pagrecruit isang pulutong ng mga 17 Tausug na Special Forces para
sanayin sa Corregidor para sa planong sakupin ni Marcos ang Sabah na noo’y
sakop na ng bansang Malaysia at tinawag itong Operation Merdeka. Ang naging
katapusan nito ay ang pagpatay sa mga sundalong Tausug dahil ng malaman nila
na lulusob sila sa isang Muslim na bansa at papatay ng Muslim sa utos ng
Kristiyano ay binaba nila ang kanilang mga rifles at sa nakaabang na coast guard
boat ay nagpaulan ng machine gun fire ngunit may isang nakaligtas na ang ngalan
ay Jibin Arula na nagpahayag ng kataotohan nito kahit na may tama siya ng bala
at nakalangoy mula sa isla ng Corregidor patungong Bataan.
Ang samahang MNLF ay kinikilala ng OIC at napagsabihan ito ng Organization of
Islamic Countries (makapangyarihan na samahan na bansang Muslim) sa kanilang
pagpupulong sa Tripoli Agreement na huwag humiwalay sa pamahalaan at estado
ng Pilipinas dahil di naman siya itinataboy o pinagmamalupitan pwera na lamang
sa ginawa ni Marcos. Kaya sumang-ayon si Misuari sa Autonomy (relatibong
malaya ngunit sa ilalim pa rin ng pamahalaan at estado ng Pilipinas kaysa
Kalayaan. Ngunit si Hashim Salamat na isang Maranao ay hindi sumang-ayon sa
desisyong ng OIC at Tripoli Agreement. Si Nur Misuari ang unang naging ARMM
(Autonomous Region of Muslim Mindanao) Governor noong 1995 panahon ni
Pangulong Fidel Ramos ngunit si Nur ay naakusahan ng Plunder sa paglustay ng
pera ng ARMM kung kaya’t nakulong siya at naglunsad ng paglusob sa Zamboanga
noong 2013 na ikinasunog ng maraming kabahayan at kamatayang ng maraming
katao.
Ang sumunod na ARMM Governor ay si Zaldy Ampatuan na nakasuhan na kasama
ang ilang kapamilya at kasalukuyang nakakulong dahil sa pagpatay ng 58 katao
kasama na dito ang mga kamag-anak ni Esmael Mangudadatu (na isa rin palang
kamag-anak ngunit kalaban sa pulitika) na tumatakbong Mayor at mga
mamahayag, ang kilalang tawag sa kasalukuyan ng insidenteng ito na naganap sa
bayan ng Maguindanao noong Nobyembre taong 2009 ay Ampatuan Massacre.
7) MILF-sa hindi pagsang-ayon ni Hashim Salamat sa OIC (na pumasailalim sa
pamahalaan ng Pilipinas o Autonomy at hindi Independence) ay itinatag nia ang
samahang Moro Islamic Liberation Front na naghangad ng iisang BangsaMoro.Ang
dating adhikain ng MNLF ay kanilang naging adhikain. Ang kasalukuyang MILF ay
ipinapaglaban ang BBL (Bangsamoro Basic Law) o kilala rin bilang BangsaMoro
Organic Law at Republic Act 11054. Ito ay naghahangad ng pagkakaroon ng
Bangsamoro Autonomous Region o BAR na siyang papalit sa kasalukuyang
ARMM na may karampat na bagong alituntunin at mga batas at pamamahala ng
mga Muslim sa kanilang sariling bayan. Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang
pakikipagusap ng pamunuan ng MILF sa pamahalaan upang magkaroon ng
pangmatagalang katahimikan sa Mindanao.

You might also like