You are on page 1of 2

ARALING PANLIPUNAN 6

2ND QUARTER
TH
4 SUMMATIVE TEST

Pangalan: _____________________________________________ Iskor: __________

I. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.

_______1. Sa pagbabago ng republika ay kailangan ng isang bagong saligang batas. Ano


ang ipinalit sa Saligang Batas ng 1935 na ipinatupad ng mga Amerikano?
A. Saligang Batas ng 1941
B. Saligang Batas ng 1942
C. Saligang Batas ng 1943
D. Saligang Batas ng 1944
_______2. Ano ang naging resulta ng pananakop ng mga Hapones sa mga Pilipino?
A. Naging maunlad ang kanilang pamumuhay
B. Nagkaroon ng mabuting ugnayan ang mga Pilipino at Hapones
C. Lumaganap ang mga kilusang gerilya o lumalaban sa mga Hapones
D. Naging sentro ng kalakalan ang Pilipinas sa mga bansang nasakop ng mga
Hapones.
_______3. Sa pagpapatupad ng bagong pamamahala ay nagtakda ang mga Hapones ng
isang bagong republika upang maisatuparan ang kanilang misyon. Sino ang nahirang na pangulo?
A. Jorge Vargas
B. Jose P. Laurel
C. Manuel Roxas
D. Sergio Osmeña
_______4. Nagkaroon ng sariling republika ang Pilipinas ngunit Hapones pa rin ang nagkokontrol sa bansa.
Ano ang itinawag sa republikang ito?
A. Omma Republic
B. Philippine-Japanese Republic
C. Puppet Republic
D. Yakuza Republic
_______5. Matapos na masakop ng mga Hapones ang Maynila, pinangunahan niya ang
pamumuno ng Japanese Military Administration.
A. Akihiko Satto
B. IkitoImura
C. Masaharu Omma
D. Naneko Mashida
_______6. Ano ang binubuong tatlong sangay ng Saligang Batas ng Ikalawang Republika?
A. Tagapagpaganap, panghukuman at pambatasan
B. Tagapagpaganap, pangkaligtasan at pandigmaan
C. Tagapagpaganap, pangkabuhayan at pambatasan
D. Tagapagpaganap, panghukuman at pambansang kalakaran
_______7. Ito ang isa sa programang ipinatupad ni Pangulong Jose P. Laurel na nangangasiwa at
kumukontrol sa maayos at makatarungang pagbabahagi ng mga pangunahing bilihin.
A. BIBA
B. HUK
C. NADISCO
D. PRIMCO
_______8. Paano nilutas ni Pangulong Laurel ang paghihirap ng mga Pilipino sa kanyang panahon ng
pamamahala?
A. Gumawa siya ng mga programang pangkabuhayan.
B. Nagpatulong siya sa mga Hapones.
C. Gumawa ng mga pagkakakitaan
D. Nanatiling tahimik dahil sa takot
_______9. Nahalal si Jorge Vargas bilang pangulo ng Philippine Executive Commission bilang pamalit sa
____________________.
A. Pamahalaang Amerikano
B. Pamahalaang Diktatoryal
C. Pamahalaang Komonwelt
D. Pamahalaang Pilipinas
_______10.Bakit nanatili si Pangulong Laurel sa pamamahala ng mga Hapones?
A. Upang hindi siya mapatay
B. Upang purihin siya ng mga Hapones
C. Upang may isang Pilipino na mangagasiwa pa rin sa karapatan ng mga Pilipino
D. Upang magkaroon ng mabuting pamumuhay sa kabila ng pananakop ng mga Hapon
_______11. Bakit nilalagay ang mga larawan ng mga bayani sa perang ginagamit ng ating
bansa?
A. dahil sila ay mayayaman
B. dahil sila ay nagpamalas ng kabayanihan
C. dahil sila ay mga artista sa pelikula at telebisyon
D. dahil sila ay miyembro ng matataas na uri o ilustrado
_______12. Siya at ang kanyang asawa ay tumulong sa mga sundalong bilanggo sa Capas, Tarlac upang
mamigay ng pagkain, damit at gamot. Sino siya?
A. Carmen Planas C. Josefa Llanes Escoda
B. Carmen Rosales D. Trinidad Roxas
_______3. Nang umalis sina Pangulong Quezon patungong Estados Unidos hiniling nito kay
__________________ na maiwan sa bansa upang humarap sa mga Hapones.
A. Jose Abad Santos C. Jose P. Laurel
B. Jose Burgos D. Jose P. Rizal
_______14. Nasaksihan niya ang pang-aabuso ng mga Hapones sa mga kababaihan kaya niya tahasang
tinuligsa ang pang-aabuso ng mga ito sa kanyang mga misa. Sino siya?
A. Douglas MacArthur C. Jonathan Wainwright
B. Edmund P. Ellsworth D. William Finnemann
_______15. Kalunos-lunos ang sinapit ng isang matapang na heneral sa kamay ng mga Hapones dahil sa
kanyang pagtangging makipagtulungan sa kanila. Sino siya?
A. Edward King C. Jonathan Wainright
B. Jesus Villamor D. Vicente Lim
_______16. Hinirang na pangulo si Jose P. Laurel noong panahon ng Hapon ngunit hindi niya kinalimutan ang
kapakanan ng bayan. Alin sa mga sumusunod ang nagawang kabayanihan ni Laurel laban sa mga Hapones?
A. pinangunahan niya ang Makapili
B. pinayagang isali ang mga Pilipino sa Makapili
C. hinimok ang mga sundalong Pilipino na makiisa sa Hukbong Imperyal
D. hindi pumayag na sapilitang isali ang mga Pilipino sa Hukbong Imperyal
_______7. Ipinadakip at pinatay ng mga Hapones si William Finnemann. Bilang pagkilala sa kanyang
kabayanihan. Ano ang kanyang natanggap na parangal pagkatapos ng kanyang pagkamatay?
A. ginawaran ng Medal of Merit
B. ginawaran ng Medal of Honor
C. ginawaran ng pamahalaan ng Pilipinas bilang bayani
D. ginawaran ng Vatican bilang Servant of God noong 1999
_______18. Hindi matatawaran ang kabayanihang ginawa ni Josefa Llanes Escoda kaya siya ay pinatay ng
mga Hapones. Alin sa mga sumusunod ang pinakita niyang kabayanihan noong panahon ng digmaan?
A. nagbigay ng pagkain at damit sa mga Makapili
B. nagbigay ng pagkain at damit sa mga Hapones
C. nagbigay ng pagkain at damit sa mga kasapi ng Kalibapi
D. nagbigay ng pagkain at damit sa mga bilanggo ng digmaan
_______19. Hindi nagawang magtaksil sa bayan si Vicente Lim kaya siya ay pinaslang sa Sementeryo del
Norte. Alin sa mga sumusunod ang isa sa mga nagawa niyang kabayanihan laban sa mga Hapones?
A. nagbigay ng impormasyon sa mga Makapili
B. isinumbong niya ang mga gerilya sa mga Hapones
C. hindi tinanggap ang alok ng mga Hapones na maging Chief of Staff
D. hindi tinanggap ang alok ng kilusang gerilya na maging punong kumander
_______20. Hinimok siya ni Pangulong Quezon na sumama sa Estados Unidos ngunit pinili niyang manatili sa
bansa.
A. Irineo Abad Santos C. Manuel Abad Santos
B. Jose Abad Santos D. Vicente Abad Santos

You might also like