You are on page 1of 18

JUNIOR HIGH SCHOOL

Grade 7

LEARNING ACTIVITY SHEET

Ikatlong Markahan – Aralin 9

NEO-KOLONYALISMO SA TIMOG
AT KANLURANG ASYA

Araling Panlipunan - Baitang 7


Division Araling Panlipunan Tools (DAPAT)
Araling Asyano Unang Edisyon, 2020
Baitang17-Araling Panlipunan
Kompetensi: Nasusuri ang mga anyo, tugon at epekto sa neo-kolonyalismo sa Timog at
Kanlurang Asya (AP7Q3W9)
Inilimbag sa Pilipinas
ng Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo
Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang Division Araling Panlipunan Tools (DAPAT) o anumang bahagi nito


ay inilathala upang gamitin ng mga paaralan ng Kagawaran ng Edukasyon lalo na ng
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot mula sa Kagawaran ng
Edukasyon, Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo. Ang pagbebenta nito ay mahigpit na
ipinagbabawal.

Development Team of Division Araling Panlipunan Tools (DAPAT)

Writer: Jean Del F. Sale

Illustrators:

Layout Artists:

Division Quality Assurance Team:

Management Team:

Paunang Salita
Baitang27-Araling Panlipunan
Kompetensi: Nasusuri ang mga anyo, tugon at epekto sa neo-kolonyalismo sa Timog at
Kanlurang Asya (AP7Q3W9)
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan, Baitang 7.

Ang Division Araling Panlipunan Tools (DAPAT) ay pinagtulungang sinulat,


dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa Kagawaran ng Edukasyon,
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo. Ginawa ito upang gabayan ka, at ang mga
gurong tagapagdaloy na matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng Division Araling Panlipunan Tools (DAPAT) na mapatnubayan


ang mag aaral sa malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang malinang at
makamit ang panghabambuhay ng mga kasanayan habang sinasaalang-alang din
ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Para sa learning facilitator:

Ang Division Araling Panlipunan Tools (DAPAT) ay ginawa upang


matugunan ang kasalukuyang pangangailangan ng mga mag-aaral sa bansa. Bilang
katulong ng mga guro, tiyaking maging malinaw sa mga bata o sa mga mag-aaral
kung paano pag-aaralan o sasagutan ang mga gawain sa materyal na ito.

Para sa mag-aaral:

Ang Division Araling Panlipunan Tools (DAPAT) ay ginawa bilang tugon sa


iyong pangangailangan. Pangunahing layunin nito na ikaw ay matulungan sa iyong
pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Sa paraang ito magkakaroon kayo
ng kalayaan na pag-aralan ang nakakaaliw na mga gawaing napapaloob sa material
na ito. Basahin at unawain upang masundan ang mga panuto.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

Baitang37-Araling Panlipunan
Kompetensi: Nasusuri ang mga anyo, tugon at epekto sa neo-kolonyalismo sa Timog at
Kanlurang Asya (AP7Q3W9)
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!

ALAMIN

Sa modyul na ito ay apg-aaralan natin ang Mga Pagbabago sa Timog at Kanlurang


Asya sa Transisyunal at Makabagong Panahon
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
Nasusuri ang mga anyo, tugon at epekto sa neo-kolonyalismo sa Timog at
Kanlurang Asya (AP7Q3W9)
Naiisa-isa ang mga epekto ng neo-kolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya

SUBUKIN

Baitang47-Araling Panlipunan
Kompetensi: Nasusuri ang mga anyo, tugon at epekto sa neo-kolonyalismo sa Timog at
Kanlurang Asya (AP7Q3W9)
Panuto: Bilugan ang mga salita na pwedeng iugnay sa salitang NEO-
KOLONYALISMO.
 Mga aktibidad na nauugnay sa pag-impluwensya sa mga aksiyon at mga
patakaran ng isang pamahalaan na nagtatakda at nag-iingat ng
kapangyarihan sa isang pamahalaan- ____________________
 Ang pagbabago ay ang pag-iiba ng mga bagay mula sa dati o mula sa
nakasanayan - ____________________
 Ito ang mga aktibidad ng produksyon at pagkonsumo na nagpapasiya kung
gaano kakulang ang mga mapagkukunan sa isang lugar -
____________________
 Ito ay ang impluwensyang panlipunan at pangkultura ng mga mananakop
subalit wala itong tuwirang military o pulitikal na kontrol dito-
____________________
 Ito ay ang progreso ng kalagayan o tanda ng pagkakaroon ng kaunlaran sa
ibat ibang aspeto ng buhay- ____________________

N E O K O L O N Y A L I S M O
U A T A R T A B N K T P E P K
L L G A R T A B A N Y O Y U T
T T L B R T A B Y T L L L L M
K K T R A T I L I M T T T I M
A A K L L B K M M L K K K T O
B B A T T L A N O T A A A I N
L L B K K T A G N K B B B K O
P A G U N L A D O A L L L A K
N G U N L A D G K B L L L L E
M G U N L A D G E L T T T T M
P A G B A B A G O G O O A E I

NEO-KOLONYALISMO SA TIMOG AT KANLURANG ASYA

Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang pinakamahalagang


pangyayaring naganap sa mga bansa sa Asya tulad ng India, Pakistan, at Pilipinas
ay ang pagkaroon ng kalayaan mula sa kamay ng makapangyarihang kolonyal.

BALIKAN

Baitang57-Araling Panlipunan
Kompetensi: Nasusuri ang mga anyo, tugon at epekto sa neo-kolonyalismo sa Timog at
Kanlurang Asya (AP7Q3W9)
Bahagi na ng buhay ng bawat Asyano ang pananampalataya at isa ito sa mga
paraan upang magkaisa ang bawat mamamayan.
Inyong napag-aralan ang ibat-ibang relihiyon na umusbong sa Asya. Ang
relihiyon ay naging bahagi na ng buhay ng mga mananampalataya nito at dito na rin
nila ibinabatay ang kanilang mga ikinikilos at ginagawa. May kani-kaniyang mga aral,
doktrina at paniniwalang sinusunod. Ang mga relihiyong ito ay ang Hinduismo,
Buddhismo at Jainismo na nagmula sa India; ang Hudaismo, Kristiyanismo at Islam
na nagmula naman sa malapit na silangang asya; at Confucianismo, Daoismo at
Shinto na nagmula naman sa Tsina at Hapon.

Panuto: Punan ng mga impormasyon ang bawat kahon tungkol sa relihiyon


na umusbong sa Asya. Isulat sa sagutang papel ang mga kasagutan.

RELIHIYON DIYOS TAGAPAGTATAG PANINIWALA

1. Jainismo

2. Islam

3. Kristiyanismo

4. Budhismo

5. Hudaismo

6. Confucianismo

7. Taoismo

8. Shintoismo

9. Hinduismo

TUKLASIN

Baitang67-Araling Panlipunan
Kompetensi: Nasusuri ang mga anyo, tugon at epekto sa neo-kolonyalismo sa Timog at
Kanlurang Asya (AP7Q3W9)
Bago ka pumunta sa iyong aralin, tingnan ang mga salita na tinutukoy ng
bawat parirala.

Panuto: Punan ng mga letra ang mga patlang upang mabuo ang mga salita
na tinutukoy ng parirala.

1. N _ _ K _ L O N Y _ L I _ M O
- Ito ay isang bagong paraan ng kolonisasyon na kung saan ang isang
makapangyarihang bansa ay iniimpluwensiya ang kalakalan at pulitika
upang makontrol ang mga hindi gaanong maunlad at industriyalisadong
bansa

2. F _ R E _ G N A _ D
- Ito ay isang bagong paraan ng kolonisasyon na kung saan ang isang
makapangyarihang bansa ay iniimpluwensiya ang kalakalan at pulitika
upang

3. W O _ L D B_ N K
- Isa sa institusyong pinansyal na nagpapautang sa mga mahihirap na
bansa

4. J _ _ A N
- Isa sa mga pinakaindustriyalisadong bansa sa Asya

5. S Q U _ _ T E R _
- Ito ay mga taong naninirahan sa lupa na pag-aari ng ibang tao, partikular
na kung ang lupa ay hindi ginagamit o pinabayaan na ng may-ari

SURIIN

ANYO, TUGON AT EPEKTO NG NEO-KOLONYALISMO SA TIMOG AT


KANLURANG ASYA

Maraming mga bansa ang nagkaroon ng kasarinlan pagkatapos ng ikalawang


digmaang pandaigdig. Nagwakas ang sistemang kolonyalismo sa paglaya ng
maraming mga bansa.

Sinasabing pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdigan, hindi


maiwasan ang kalagayang kung saan ang malalakas na bansa ay may control pa rin
sa mga maliit at mahinang bansa. Masasabing may kontrol pa rin ang malalakas na
bansa sa mahihinang bansa sa ibang aspeto o anyo. Ito tinatawag na neo-
kolonyalismo. Ito ang bagong paraan ng kolonyalisasyon sa pamamagitan ng
pagkontrol sa buhay pampulitika, at pang-ekonomiya ng isang maunlad na bansa sa

Baitang77-Araling Panlipunan
Kompetensi: Nasusuri ang mga anyo, tugon at epekto sa neo-kolonyalismo sa Timog at
Kanlurang Asya (AP7Q3W9)
hindi maunlad na bansa. Ang mga bansang U.S. at Japan ay larawan ng neo-
kolonyalismo sa mga bansa sa Asya lalo na sa larangan ng ekonomiya at kultura.

Maraming maparaan ang ginagamit na kung saan naiimpluwensyahan tayo


ng mga dating mananakop sa maraming taon. Nandoroon pa rin ang pakikialam ng
mga bansang nanakop sa mga bansang lumaya na.

Ang mga instrumentong ginagamit ng neo-kolonyalismo upang makuha nito


ang gusto sa malalayang bansang Asyano ay kinabibilangan ng mga pamamaraang
pangekonomiya at pangkultura. May mga militar at mga pailalim na gawain ng mga
istitusyong pang-espiya.

URI NG NEO-KOLONYALSIMO

Ekonomiko Kultural
Ipinapakita Ipinapakilala ng mga
ito sa pagbibigay dayuhan ang
kunwari ng tulong at kanilang mga
pagpapautang para sa musika, sayaw,
pagpapaunlad ng palabas, babasahin,
bansa, subalit ang at iba pa na mas
totoo ay itinatali sya pinahahalagahan ng
nito sa mga patakaran mga tao kaysa sa
na pabor sa kanya. sarili nilang gawa.

Dayuhang Tulong o Foreign Aid


Ilang instrumento ng mga neo-kolonyalismo ang nagkaloob sa tinatawag na
dayuhang tulong (Foreign Aid) pang-ekonomiya, pangkultura, at pangmilitar.

Sa Unang malas ay mga tulong na walang kondisyon, tulad ng pamimigay ng


gatas sa mga bata at pamamahagi ng libreng aklat ay may kapalit. Kung titingnan
maigi, ang mga tulong na ibinigay ng Estados Unidos ay napunta rin sa mga
negosyanteng Amerikano. Maging ang tulong militar ng Estados Unidos ay hindi rin
libre. Ang ipinamimigay na mga kagamitang militar ay mga surplus na lamang.

Baitang87-Araling Panlipunan
Kompetensi: Nasusuri ang mga anyo, tugon at epekto sa neo-kolonyalismo sa Timog at
Kanlurang Asya (AP7Q3W9)
A. Pulitikal
Lihim na Pagkilos (Covert Operation)
Sa pamamagitan ng tahimik na paraan, nagagawa ng makapangyarihang
bansa na kontrolin ang pamamahala sa mga bansang mahihina. Kung hindi
mapasunod nang mapayapa, gumawa ng paraan ang mga neokolonyalista upang
guluhin ang isang pamahalaan o ibagsak ito ng tuluyan.

Ang Covert Operation ay ang palihim na operasyon ng mga dayuhang bansa


sa kanilang pinamumunuan na bansa. Karaniwang politikal o pang-militar na dahilan
ang karaniwang rason ng Covert Operation.

B. Ekonomiya
Dayuhang Pautang o Foreign Debt
Anumang pautang ang International Monetary Fund (IMF), World Bank o ng
Estados Unidos ay laging may mga kondisyon. Kabilang sa mga kondisyon ang
pagbubukas ng ekonomiya sa dayuhang pamumuhunan at kalakalan,
pagsasapribado ng mga kumpanya at pagbaklas ng mga monopolyo, pagpapababa
ng halaga ng salapi, at pagsasaayos ng sistema ng pagbubuwis. Kung hindi
susundin ang mga kondisyon, hindi makauutang ang umuutang.

Ang bansang India ay minsang nagbukas ng kaniyang ekonomiya sa


kalakalang panlabas noong 1991. Kapansin-pansin na naging mas malakiang kapital
ng mga kompanyang Amerikano dito noong 1992 at 1993 kaysa sa India noong
nakaraang 40 taon.
Ang mga Arabong bansa sa pangunguna ng Saudi Arabia, Iraq, Kuwait ang
may hawak ng malaking reserba ng langis sa daigdig.

https://faiezseyal.com/wp-content/uploads/2017/02/images-1.jpg https://economictimes.indiatimes.com/blogs/wp-
content/uploads/2017/10/edit-2-1.jpg

C. Pangkultura
Nagagawang tumulong ng mga Kanluraning bansa sa kanilang mga dating
kolonya kung ito ay nanganganib na sakupin o lusubin ng ibang bansa.

Baitang97-Araling Panlipunan
Kompetensi: Nasusuri ang mga anyo, tugon at epekto sa neo-kolonyalismo sa Timog at
Kanlurang Asya (AP7Q3W9)
Gamit ang mass media at edukasyon ay nahuhubog ng mga
makapangyarihang bansa ang kaisipan ng mga katutubo sa mga bagay na malinaw
na makadayuhan.

http://www.escuelapedia.com/wp-content/uploads/2011/04/neocolonialismo.jpg
https://www.transcend.org/tms/wp-content/uploads/2014/11/How-
D. Militar neocolonialism-works.jpg
Pagkatapos ng digmaan, ipinamigay ng Estados Unidos ang mga natitirang
(surplus) kagamitang militar.

Ang pagpapadala ng mga pulis at sundalo sa Estados Unidos upang


magsanay. Pagpapalaganap ng mga tagapayong militar upang tulungan ang
pamahalaan sa pangangalaga ng seguridad ng bansa.

Nagagawang tumulong ng mga Kanluraning bansa sa kanilang mga dating


kolonya kung ito ay nanganganib na sakupin o lusubin ng ibang bansa.

Bunga at Epekto ng Neo-Kolonyalismo

Maraming naging epekto ang neo-kolonyalismo sa mga bansang sinakop at


pinagsamantalahan nito.

Continued enslavement o
patuloy na pang-aalipin

EPEKTO NG NEO-
KOLONYALISMO Loss of pride o kawalan ng
karangalan

Over dependend o labis


na pagdedepende sa iba

1. Over Dependence o Labis na Pagdepende sa Iba


 Malinaw na umasa ng labis ang mga tao sa mga mayayamang bansa
lalung-lalo na sa may kaugnayan sa United States.

2. Loss of Pride o Kawalan ng Karangalan


Baitang10
7-Araling Panlipunan
Kompetensi: Nasusuri ang mga anyo, tugon at epekto sa neo-kolonyalismo sa Timog at
Kanlurang Asya (AP7Q3W9)
 Sanhi ng impluwensya ng mga dayuhan, nabuo sa isipan ng mga tao
na lahat ng galing sa kanluran ay mabuti at magaling, na siyang
dahilan kung bakit ang tao ay nawalan ng interes sa sariling kultura at
produkto.

3. Continued Enslavement o Patuloy na Pang-aalipin


 Totoo ngang ang mga umuunlad na bansa ay malaya sa prinsipyo,
ngunit sa tunay na kahulugan ng salitang kalayaan, ang mga maliliit na
bansa ay patuloy pa ring nakatali sa malakolonyal at makakapitalistang
interes ng kanluran. Ang lahat ng aspekto ng kabuhayan ay kontrolado
pa rin ng kanluran.

https://comps.gograph.com/slavery_gg71090342.jpg https://ia802505.us.archive.org/28/items/WhitePride-
YourLossIsOurGain1983/wp%20-%20yliog.jpg?cnt=0

PAGYAMANIN

Panuto: Ibigay ang mga epekto ng NEO-KOLONYALISMO sa Timog at sa


Kanlurang Asya. Idagdag sa inyong kasugatan ang inyong nalaman bunga ng
inyong pagsasaliksik tungkol sa epekto ng NEO-KOLONYALISMO sa buhay ng mga
Asyano.

EPEKTO NG NEO-KOLONYALISMO SA ASYA AT MGA ASYANO

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

RUBRIK
Baitang11
7-Araling Panlipunan
Kompetensi: Nasusuri ang mga anyo, tugon at epekto sa neo-kolonyalismo sa Timog at
Kanlurang Asya (AP7Q3W9)
Nilalaman--------------------------------35%
Kaugnayan sa Tema------------------25%
Pagkakaisa ng Ideya------------------25%
Paggamit ng Salita---------------------15%
Kabuuan---------------------------------100%

ISAISIP

Ngayong natapos mo na ang mga aralin sa modyul na ito, ano ang mga
mahahalagang kaalaman na dapat mong tandaan?

 Ang neo-kolonyalismo ay bagong paraan ng kolonyalismo. Ito ay may iba’t-


ibang anyo at bawat isa ay may pamamaraan ng pagkontrol sa buhay
pampulitika at pangekonomiya ng mga di- maunlad na bansa.
 Ang neo-kolonyalismo ay bagong paraan ng kolonisasyon sa pamamagitan
ng pagkontrol sa buhay pampulitiko at pang-ekonomiya ng isang maunlad sa
hindi maunlad na bansa.
 Iba’t-iba ang anyo ng neo-kolonyalismo, may militar, pampulitika, pang
ekonomiya, at pangkultura.
 Ang neo-kolonyalismo ay maaring magbunga ng mabuti at di-mabuti batay sa
bansang nagsasagawa ng patakarang neo-kolonyalismo.

ISAGAWA

Gawain A
Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na pahayag kung anong uri o anyo ng Neo-
kolonyalismo ang mga paraang ginamit ng mga kolonyalistang bansa. Isulat ang PL
kung ito ay sa Pulitika; E para Ekonomiya; PK kung ito ay Pangkultura at M naman
kung ito ay Militar.

_________1. Pagpapadala ng mga pulis at sundalo upang magsanay.


_________2. Pagpasok ng ibat ibang pagkaing Amerikano tulad ng: mansanas,
hamburger at hotdog.
_________3. Pagpapautang ng mga dayuhang bansa.
_________4. Pagpapalaganap ng mga tagapayag military.
_________5. Pagbibigay ng suportang pananalapi.
_________6. Pag-angkat ng hilaw na gamit.
_________7. Pamimigay ng Estados Unidos ang mga natitirang kagamitang militar.

Baitang12
7-Araling Panlipunan
Kompetensi: Nasusuri ang mga anyo, tugon at epekto sa neo-kolonyalismo sa Timog at
Kanlurang Asya (AP7Q3W9)
_________8. Pagpapahiram ng pondo para sa pagpapaunlad.
_________9. Pagpapairal ng wika ng mga banyaga.
_________10. Paggamit ng mass media sa paghubog ng makapangyarihang bansa.

Gawain B
Panuto: Isulat sa loob ng talahanayan ang mabuti at di mabuting epekto ng NEO-
KOLONYALISMO. Piliin sa loob ng kahon ang mga pahayag at isulat ito sa
talahanayan kung ito ay mabuti o di mabuting epekto ng NEO-KOLONYALISMO.

 Pagkahilig sa dayuhang produkto


 Makabagong paraan ng produksyon
 Pagkakaroon ng kaisipang kolon
 Paglaki ng agwat ng mayayaman at mahihirap
 Mababang antas ng edukasyon
 Makabagong sistema ng transportasyon
 Paglaki ng populasyon
 Modernong Sistema ng buwis
 Pandarayuhang ng tao mula rural tungo sa urban
 Kulturang Squatter

MABUTI DI MABUTI

 

 

 

 

 

Baitang13
7-Araling Panlipunan
Kompetensi: Nasusuri ang mga anyo, tugon at epekto sa neo-kolonyalismo sa Timog at
Kanlurang Asya (AP7Q3W9)
 

Gawain C
Panuto: Lagyan ng tsek ( ) kung dapat bang tanggapin ng mahihirap na bansa
ang suporta mula sa mayayamang bansa at (X) naman kung di dapat tanggapin ng
mahihirap na bansa ang suporta mula sa mayayamang bansa.

DAPAT DI DAPAT
1. Madalas na Pag-utang
2. Tulong teknikal
3. Produktong dayuhan
4. Tulong (gamot, pagkain)
5. Wikang dayuhan
6. Pelikulang dayuhan
7. Musikang dayuhan
8. Tulong military

Ipaliwanag kung kalian naging mali ang pagtanggap nito at kung papaano ito
maiwawasto.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

TAYAHIN

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa inyong sa
inyong sagutang papel.

1. Paano nakakaapekto sa iyong sarili ang bagong paraan ng kolonyalismo tulad


ng sa paraang pangkultura?
2. Sa iyong palagay, bilang estudyante ano ang mga mabubuting naidulot ng
mga dayuhan sa ating bansa? Magbigay ng isang halimbawa at paano ito
nakaapekto sa bansa.
3. Isa sa mga anyo ng neokolonyalismo ay ang pagpapautang ng pondo para sa
pagunlad ng isang mahirap na bansa, sa iyong palagay nakatulong nga ba
ang pagpapahiram ng pondo o nagiging sanhi ito ng pagkalubog ng mahirap
na bansa sa utang? Ipaliwanag ang iyong sagot.
4. Ano- ano ang mga epekto ng NEO-KOLONYALISMO? Ipaliwanag ito at
magbigay ng halimbawa sa bawat epekto.

Baitang14
7-Araling Panlipunan

KARAGDAGANG GAWAIN
Kompetensi: Nasusuri ang mga anyo, tugon at epekto sa neo-kolonyalismo sa Timog at
Kanlurang Asya (AP7Q3W9)
Panuto: Gumawa ng isang TULA na binubuo ng tatlong (3) saknong tungkol sa
NEO-KOLONYALISMO.

NEO-KOLONYALISMO

Rubric sa Pagsulat ng Tula


Napakagaling Magaling Katamtaman Nangangailangan ng
{10} {8} {6} pagsasanay
{4}

Napakalalim at Malalim at makahulugan Bahagyang may lalim ang Mababaw at literal ang
makahulugan ang kabuuan ang kabuuan ng tula. kabuuan ng tula. kabuuan ng tula.
ng tula.

Gumamit ng simbolismo/ Gumamit ng ilang Gumamit ng 1-2 Wala ni isang


pahiwatig na simbolismo/ pahiwatig na simbolismo na nakalito sa pagtatangkang ginawa
nakapagpaisip sa mga bahagyang nagpaisip sa mga mambabasa. Ang mga upang makagamit ng
mambabasa. mga mambabasa. salita ay di- gaanong pili. simbolismo.
Piling-pili ang mga salita at May ilang piling salita at
pariralang ginamit. pariralang
ginamit.

Baitang15
7-Araling Panlipunan
Kompetensi: Nasusuri ang mga anyo, tugon at epekto sa neo-kolonyalismo sa Timog at
Kanlurang Asya (AP7Q3W9)
Gumamit ng napakahusay May pagtatangkang
at angkop na angkop na May mga sukat at tugma gumamit ng sukat at Walang sukat at tugma
sukat at tugma. ngunit may bahagyang tugma ngunit halos kung may naisulat man.
inkonsistensi. inkonsistent lahat.

SUSI SA PAGWAWASTO

Subukin
 Pulitika
 Pagbabago
 Ekonomiya
 Neokolonyalismo
 Pagunlad

N E O K O L O N Y A L I S M O
U A T A R T A B N K T P E P K
L L G A R T A B A N Y O Y U T
T T L B R T A B Y T L L L L M
K K T R A T I L I M T T T I M
A A K L L B K M M L K K K T O

Baitang16
7-Araling Panlipunan
Kompetensi: Nasusuri ang mga anyo, tugon at epekto sa neo-kolonyalismo sa Timog at
Kanlurang Asya (AP7Q3W9)
B B A T T L A N O T A A A I N
L L B K K T A G N K B B B K O
P A G U N L A D O A L L L A K
N G U N L A D G K B L L L L E
M G U N L A D G E L T T T T M
P A G B A B A G O G O O A E I

Balikan
RELIHIYON DIYOS Tagapagtatag PANINIWALA

1. Jainismo Vardhamana Mahavira Ahimsa


2. Islam Allah Kutam Mohammed Zakah, Haji, Sawm
3. Kristiyanismo Jesus Hesu-Kristo Sampung Utos ng
Diyos
4. Budhismo Buddha Siddharta Gautama 8 Tamang Landas
ng buhay, 4 Noble
Truths
5. Hudaismo Yahweh Abraham Purim, Sukkot,
Passover
6. Confucianismo Confucius Gintong Aral, 5
Birtud
7. Taoismo T’ai, T’ein, Ti I Lao Tzu Pagsunod sa
Kalikasan
8. Shintoismo Amaterasu-omi-Kami) Walang kinikilalang tagapagtatag Pagtanggal ng
masamang espiritu
sa katawan, Kami
9. Hinduismo Brahman, Vishnu, Aryan Nirvana, Karma
Shiva

Tuklasin

1. N E O K O L O N Y A L I S M O
2. F O R E I G N A I D
3. W O R L D B A N K
4. J A P A N
5. S Q U A T T E R S
Pagyamanin
(May pagkakaiba-iba ng kasagutan)

Isagawa

Gawain A
1. M 6. PK
2. PK 7. M
3. E 8. E
4. M 9. PK
5. E 10. PK

Gawain B
MABUTI DI MABUTI
1.Makabagong paraan ng produksyon 1. Pagkahilig sa dayuhang produkto
2.Makabagong sistema ng transportasyon 2.Pagkakaroon ng kaisipang kolon
3.Modernong Sistema ng buwis 3.Paglaki ng agwat ng mayayaman at mahihirap
4. Pandarayuhang ng tao mula rural tungo sa urban 4. Mababang antas ng edukasyon
5. Paglaki ng populasyon
6. Kulturang Squatter

Gawain C
(May pagkakaiba-iba ng kasagutan)

Baitang17
7-Araling Panlipunan
Kompetensi: Nasusuri ang mga anyo, tugon at epekto sa neo-kolonyalismo sa Timog at
Kanlurang Asya (AP7Q3W9)
Tayahin
(May pagkakaiba-iba ng kasagutan)

Karagdagang Gawain
Iwasto batay sa rubrik na binigay

Sanggunian
Modyul 10: Neo-Kolonyalismo: Ang Bagong Uri O Pamamaraang Kolonyalismo.
(Project EASE). DepEd-Bureau of Secondary Education
Modyul 15: Ang Ekonomiya Sa Asya. (Project EASE). DepEd-Bureau of Secondary
Education

Baitang18
7-Araling Panlipunan
Kompetensi: Nasusuri ang mga anyo, tugon at epekto sa neo-kolonyalismo sa Timog at
Kanlurang Asya (AP7Q3W9)

You might also like