You are on page 1of 12

IKATLONG MARKAHAN (MODYUL 7)

Gabay para sa Magulang / Tagapag-alaga

Sa bahaging ito matutunghayan po ninyo ang inaasahang matututunan ng


Alamin Natin
inyong anak sa paggamit ng modyul na ito.

Inyo pong ipaunawa sa inyong anak na mahagalaga ang paunang


Subukin Natin pagsusulit upang lubusang masukat ang taglay nilang paunang
kakayahan o kaalaman (kompetensi) na nakalaan sa modyul na ito.

Mangyaring hikayatin pong mabuti ang inyong anak na alalahanin ang


Balikan Natin makabuluhang nagdaang leksiyon upang maihanda siya sa bagong
paksang tatalakayin.

Ang inyong mahalagang gampanin sa pagpapakilala sa bagong aralin ay


Tuklasin kailangan upang maitawid sa panibagong leksiyon sa pamamagitan ng
Natin tuwirang pakikilahok sa mga mapamukaw na gawain. Subaybayan tuwina
ang inyong anak l habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto.
Maaari pong subaybayan, tunghayan at itala ang pag-unlad ng inyong
Suriin Natin anak sa paglalahad ng leksiyon nila habang patuloy pa ring hinahayaan
silang sagutan ang mga gawain sa kanilang sariling pamamaraan.

Samahan at subaybayan ang inyong anak sa pagsagot sa mga


Pagyamanin magkakaugnay na gawain na titiyak ng kanyang lumalalim na pagkatuto’t
natin pag-unawa sa leksiyon.

Hayaan malayang maikapagpahayag ng inyong anak ang kaniyang


Isaisip Natin saloobin at pagkaunawa sa leksiyon.
Hikayating lubos ang inyong anak na isabuhay ang mga natutunan sa
Isabuhay kanyang munting kakayanan.
Natin
Hayaang sagutan ng inyong anak ang pagsusulit. Itoý pinakamahalagang
Tayahin Natin bahagi ng pag-aaral upang matukoy kung ang inaasahang pagkatuto ay
matagumpay na natamo.
Hinihikayat na inyong samahang isagawa ang mga iminumungkahing
Gawin Natin gawain upang higit pang mapayaman at kawiliwiling malinang ang bagong
kaalaman.
Gamitin po ito upang iwasto ang pagsusulit na nakatakda upang matukoy
Susi sa
Pagwawasto ang mga aytem na naging kalakasan/kahinaan na inyong anak.
Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral
kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim
sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin Natin

KASANAYANG PAMPAGKATUTO - WEEK 7

Layunin:
Pagkatapos ng araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:
* Nasusuri ang mga anyo, tugon at epekto ng neokolonyalismo sa Timog at
Kanlurang Asya.

Subukin Natin

GAWAIN 1: Ano nga ba ang kahulugan ng Neokolonyalismo?


Isulat mo sa “kwaderno” ang mga salita na naiisip mo o ideya na bubuo sa
kahulugan ng salitang Neokolonyalismo batay sa editorial caricature na nasa ibaba.

Maaring panuurin sa Link na ito upang higit na maunawaan ang konsepto ng


Neokolonyalismo
http://youtube.com/watch?v=anO8QYuyB_Y&feature=share
Aralin
KASAYSAYAN NG ASYA:
1 NEOKOLONYALISMO SA TIMOG AT
KANLURANG ASYA

Balikan Natin

GAWAIN 2: Picture! Picture


Panuto: Matapos mong mabuo ang konsepto ng Neokolonyalismo ay
siguradong nais mong madagdagan ang iyong kaalaman ukol dito. Bago ituloy ang
paglalakbay tungkol sa Neokolonyalismo ay suriin mo muna ang editorial cartoon sa
ibaba.

Pamprosesong Tanong:
Sagutin ang mga sumusunod:
1. Ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng larawan?
2. Mula sa larawan, ano ang pamamaraang ginawa ng kilalang lider upang
maipakita ang di tuwirang pananakop sa isang bansang malaya na may
mahinang ekonomiya.
3. Ipaliwanag kung bakit ang mga bansa sa Third World ang nakararanas
nito?
Tuklasin Natin

GAWAIN 3: Concept Cluster!


PANUTO: Ilagay mo ang mga kaalamang sa palagay mo ay may kaugnayan
sa Neokolonyalismo sa kahon na may nakalagay na initial answer, ang tatlong
kahong natitira ay iyo lamang masasagot sa susunod na gawain.

Initial_______
Initial_______
Answer______
Answer______
Neokolonyalismo
sa Timog at
Initial_______ Kanlurang Asya Initial_______

Answer______ Answer______

Talakayin Natin

GAWAIN 4: Pagsusuri ng Teksto


PANUTO: Basahin at unawain mo ang nilalaman ng teksto tungkol sa
Neokolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya.
Neokolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
Ang neokolonyalismo ay ang di-tuwirang pananakop sa isang
bansang malaya na may mahinang ekonomiya na umaasa sa isang
makapangyarihang bansa. Ang neokolonyalismo ay pananatili ng panlipunan at
pampolitikang impluwensya ng dating mananakop sa mga bansang dating nasakop.
Ang mga bansang kabilang sa Third World ang madalas na
nakararanas nito dahil sa pagkakaroon ng mahinang ekonomiya. Makikita ito sa
patuloy na pagiging pala-asa ng mga mahihinang bansa sa mga bansang kabilang
sa First World o mga bansang may maunlad na ekonomiya at industriya.
Nakikita ang pag-iral ng neokolonyalismo sa mga tulong at donasyon
na ipinagkakaloob ng dating mananakop na may kapalit na pagkontrol sa ekonomiya
ng dating sinakop na bansa. Sa ganitong paraan nagtatagumpay sila na maitaguyod
ang kanilang mga sariling interes.

Globalisasyon ng Edukasyon
Maaaring mapaunlad ang kaalaman ng mga bansa sa iba’t ibang larangan sa
pamamagitan ng pagpapalitan ng iskolar at iba pang paraan. Napipilitan ang mga
tagapamahala sa mga pamantasan na makipag-ugnayan sa mga Kanluraning bansa
kung saan magmumula ang kanilang mga libro at kagamitan. Dahil sa kakulangan
sa pondo ay dayuhang ahensya ang namamahala sa mga pasilidad ng mga
unibersidad. Sa paraang ito nagtatagumpay na maisakatuparan ng Kanluraning
bansa ang kaniyang layunin na maisaayos ang mga kurso at di-maisakatuparan ng
bansang tinutulungan ang kanilang sariling kurikulum. Sa pamamagitan nito
nagaganap ang intelektuwal na pananakop.

India
Ang bansang India ay minsang nagbukas ng kanyang ekonomiya sa kalakalang
panlabas noong 1991. Kapansin-pansin na naging mas malaki ang kapital ng
kompanyang Amerikano dito noong 1992 at 1993 kaysa noong nakaraang 40 taon.

Mga Bansa sa Kanlurang Asya


Nag-unahan ang mga bansa na masakop ang mga bansa sa Kanlurang Asya
nang matuklasan ang langis sa rehiyon. Ang mga Arabong bansa sa pangunguna ng
Saudi Arabia, Iraq, at Kuwait ang may hawak ng malaking reseba ng langis sa
daigdig. Kabilang din ang tatlong bansang ito sa OPEC na siyang nagkokontrol ng
presyo ng langis sa pandaigdigang kalakalan.

Neokolonyalismong Politikal
Sa pamamagitan ng tahimik na paraan, nagagawa ng makapangyarihang
bansa na kontrolin ang pamamahala sa mga bansang mahihina. Nagagawang
maimpluwensyahan ng makapangyarihang bansa ang usapin tungkol sa mga
kalagayang panloob dito, pagbabatas, pamamaraang politikal na ang halimbawa ay
eleksyon.

Politikal at Suportang Pangmilitar


Nagagawang tumulong ng mga Kanluraning bansa sa kanilang mga dating
kolonya kung ito ay nanganganib na sakupin o lusubin ng ibang bansa. Handa itong
magbigay ng kanilang hukbong sandatahan at iba pang tulong pangmilitar. Tulad ng
pagtulong ng United States sa Kuwait nang lusubin ito ng Iraq.

Neokolonyalismong Kultural
Patakaran ng makapangyarihang bansa na palaganapin sa mahihinang bansa
ang kanilang kultura o paraan ng pamumuhay tulad ng paraan ng pananamit, sayaw,
awit, estilo ng buhok, pagkain, libangan, at pati na mga pagdiriwang. Gamit ang
mass media at edukasyon ay nahuhubog ng mga makapangyarihang bansa ang
kaisipan ng mga katutubo sa mga bagay na malinaw na makadayuhan.
Naganap sa India ang anyong ito ng neokoloyalismo sa pamamagitan ng mga
British. Ibinatay sa sistemang British ang edukasyon sa India at wikang Ingles ang
ginamit sa pagtuturo upang ang mga Indian ay maging mahusay na manggagawa at
kawani ng kanilang pamahalaang kolonyal.

Epekto ng Neokolonyalismo sa mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya


Dahil sa patuloy na pagtulong ng mayayamang bansa sa mga bansa sa Asya
ay naging palaasa na lamang ang umuunlad at mahihirap na bansa. Umasa ang
mga ito sa larangan ng pananalapi, politika, panlipunan, at maging kapakanan ng
bansa. Madalas ay nagungutang ng salapi ang mga dating kolonyang bansa sa
International Monetary Fund at World Bank upang magamit sa kanilang mga
pangangailangan, pati na ang ukol sa edukasyon. Nababalewala ang mga kurikulum
na dapat sundin sa edukasyon ng mahihirap na bansa dahil sa patuloy na pagsunod
sa sistema ng edukasyon sa Kanluran.
Sa kabila na ang mga bansa sa Kanlurang Asya ay hindi nasakop ng mga
Kanluranin, may mga pandaigdigang sistema sa ekonomiya ang hindi nakatutulong
sa pag-unlad ng mga ito. May mga pandaigdigang kompanya ang nagbibigay ng
mga patakaran sa papaunlad na bansa. Ang liberalisasyon ng ekonomiya sa daigdig
sa kasalukuyan ay nagbigay - daan sa pagbubukas ng mga pamilihan ng papaunlad
na mga bansa na wala namang maitutumbas sa malayang pagpasok ng teknolohiya
ng mauunlad na bansa. Pinakikialaman din ng International Moentary Fund ang pera
ng mga bansa sa Ikaltlog Daigdig upang pambayad sa mga utang panlabas na
nagiging dahilan ng kabawasan sa pagpapaunlad sana ng kanilnag agrikultura. May
mga patakaran din ang IMF at WB na nagdidikta sa mga bansang papaunlad pa
lamang na liitan ang badyet na ilalaan ng pamahalaan sa edukasyon at kalusugan,
dahilan ito upang lalong magdulot ng kahirapan sa mga bansa.

Tugon sa Neokolonyalismo ng mga Bansa sa Timog at Kanlurang Asya


Sa kabila ng pagtatapos ng kolonyalismo at imperyalismo sa huling bahagi ng
ika-20 dantaon ay patuloy parin ang pagpasok ng impluwensya ng mga Kanluraning
bansa sa Asya. Pangunahing dahilan nito ay ang makabago at tahimik na paraan ng
pananakop na tinatawag na neokolonyalismo.
May iba’t ibang paraan ng pagtugon ang mga Asyano sa Timog at kanlurang
Asya sa neokolonlyalismo. May mga bansa sa mga rehiyong ito ang napilitang
tumanggap ng mga tulong pinansyal upang makabangong muli ang kanilang
ekonomiyang nalugmok sa digmaan. Tulad ng bansang Turkey noong taong 1945,
ito ay nagsimulang tumangap ng tulong mula sa United States sa pangunguna ni
Pangulong Harry S. Truman, kasabay sa pagpayag sa pang-ekonomiya at
pangmilitar na pakikipagkasundo sa United States. Taong 1950- 1960 sa ilalim ng
pamumuno ni Pangulong Celal Bayar ng Turkey, kinakitaan ng pag-unlad ang
ekonomiya ng bansa dahil sa liberalismong pang-ekonomiyang patakaran na
ipinatupad nito at patuloy na pagtanggap ng dayuhang tulong mula sa United States.
Sa panig ng Saudi Arabia naman sa ilalim ng pamumuno ni Haring Ibn Saud,
Disyembre taong 1950 nang ito ay nakipagkasundo sa Arabian American Oil
Company (ARAMCO) para sa 50% kita ng nasabing kompanya ay maibigay sa
Saudi Arabia nang sa gayon ay mapataas ang kita ng bansa. Pinayagan din nito ang
patuloy na paggamit ng United States ng base military sa Dharan kapalit ng tulong
teknikal at pagpapahintulot na pagbili ng armas sa ilalim ng Mutual Defense
Assistance Act. Noon ang Iran ay nasa ilalim ng pamumuno ni Shah Reza, ito ay
humingi ng tulong teknikal sa mga bansang France, Germany, Italy, at iba pa.
Iniwasan niyang makipag-ugnayan sa Russia at Great Britain, sa kabila nang
nananatiling pagmamay-ari ng Great Britain ang Anglo-Iranian Oil Company na
siyang kumukontrol sa lahat ng minahan ng langis ng Iran.
May mga samahang nabuo sa mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya na
muling nagpakita ng kanilang pagiging makabayan. Halimbawa nito ay ang
itinuturing ng mga Israel na terorista, ang Palestine Liberation Organization. Ito ay
dating pinamunuan ni Yasser Arafat na kinikilala naman ng mga Arabe na taga-
Palestine bilang isnag makabayang samahan. Nananatili naman sa bansang India
ang paggamit ng wikang Ingles at patuloy na paglalarong cricket at badminton.
Maraming bansang Asyano sa kasalukuyan ang nagsisikap na makatayo sa
kanilang sariling mga paa at hindi na umasa pa sa mga makapangyarihan at
maimpluwensyang mga bansa. Nagsilbing hamon din sa kanila na kaya nilang
matumbasan ang anumang kaunlaran mayroon ang mga makapangyarihang bansa.

Pagyamanin Natin

GAWAIN 5: Basahin at unawain ang bawat pangungusap at bilugan ang titik ng


tamang sagot.
1. Di- tuwirang pananakop sa isang bansang malaya na may mahinang ekonomiya
na umaasa sa isang makapangyarihang bansa.
A. Kolonyalismo B. Nasyonalismo C. Neokolonyalismo
2. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing dahilan kung bakit ang mga bansa sa
Third World ang madalas na nakararanas ng neokolonyalismo?
A. Dahil mahina ang kanilang ekonomiya.
B. Dahil mahirap sila
C. Dahil mahina ang kanilang politika
3. Alin sa mga sumusunod ang globalisasyon sa edukasyon?
A. Pagpapalitan ng iskolar
B. Pagpapalitan ng kaalaman
C. Pagpapalitan ng mga aklat
4. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing dahilan ng mga Kanluraning bansa
kung bakit sila nag- uunahang masakop ito?
A. Dahil maunlad ang ekonomiya nila
B. Dahil sa kanilang lokasyon
C. Dahil sa natuklasang langis sa rehiyon nila
5. Sa paanong paraan nakokontrol ng mga makapangyarihang bansa ang mga
bansang mahihina sa larangan ng politika?
A. Sa eleksyon
B. Sa mga patakaran nila
C. Sa mga namumuno

GAWAIN 6: Tri- Question Approach


PANUTO: Sagutin ang mga tanong tungkol sa ating paksa sa iyong tri-question box.
Maaari mo itong kulayan upang maging kaakit-akit. Gawin ito sa kuwaderno.

Tanong 1 Ano ang neokolonyalismo?


Tanong 2 Ano-ano ang anyo at epekto ng
neokolonyalismo sa mga bansa sa
Timog at Kanlurang Asya?
Tanong 3 Paano tumugon sa neokolonyalismo ang
mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya?
Tandaan natin

MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO


Ngayong natapos mo na ang mga aralin sa modyul na
ito, ano ang mahahalagang kaalaman na dapat mong
tandaan?
• Ang neokolonyalismo ay ang di-tuwirang pananakop sa isang bansang
malaya na may mahinang ekonomiya na umaasa sa isang makapangyarihang
bansa.
• Nakikita ang pag-iral ng neokolonyalismo sa mga tulong at donasyon na
ipinagkakaloob ng dating mananakop na may kapalit na pagkontrol sa
ekonomiya ng dating sinakop na bansa
• Nag-unahan ang mga bansa na masakop ang mga bansa sa Kanlurang Asya
nang matuklasan ang langis sa rehiyon.

Isabuhay natin

Base sa iyong mga nabasa at natuklasan sa araling ito. Anu-ano


ang mga halimbawa ng neokolonyalismo? Panuurin ang link na
ito https://youtube.com/watch?v=50wAhCnR22g&feature=share.
Ilarawan kung anong uri ng neokolonyalismo ang nararanasan
ng Afrika.

Tayahin Natin

GAWAIN 7:
PANUTO: Isulat lamang kung TAMA o MALI ang pahayag.
_____1. Ang neokolonyalismo ay tuwirang pananakop sa isang bansang malaya na
may mahinang ekonomiya na umaasa sa isang makapangyarihang bansa.
_____2. Ang mga bansang kabilang sa Third World ang madalas na nakararanas
nito dahil sa pagkakaroon ng mahinang ekonomiya.
_____3. Napipilitan ang mga tagapamahala sa mga pamantasan na makipag
ugnayan sa mga Kanluraning bansa kung saan magmumula ang kanilang
mga libro at kagamitan.
_____4. Ang bansang India ay minsang nagbukas ng kanyang ekonomiya sa
kalakalang panlabas noong 1991.
_____5. Ang mga Arabong bansa sa pangunguna ng Saudi Arabia, Iraq, at
Kuwait ang may hawak ng malaking reseba ng langis sa daigdig.
_____6. Sa pamamagitan ng tahimik na paraan, nagagawa ng makapangyarihang
bansa na kontrolin ang pamamahala sa mga bansang mahihina.
_____7. Nagagawang tumulong ng mga Kanluraning bansa sa kanilang mga dating
kolonya kung ito ay nanganganib na sakupin o lusubin ng ibang bansa.
_____8. Patakaran ng makapangyarihang bansa na palaganapin sa mahihinang
bansa ang kanilang kultura o paraan ng pamumuhay tulad ng paraan ng
pananamit, sayaw, awit, estilo ng buhok, pagkain, libangan, at pati na mga
pagdiriwang.
_____9. Sa kabila ng pagtatapos ng kolonyalismo at imperyalismo sa huling bahagi
ng ika-20 dantaon ay patuloy parin ang pagpasok ng impluwensya ng mga
Kanluraning bansa sa Asya.
_____10. May iba’t ibang paraan ng pagtugon ang mga Asyano sa Timog at
Kanlurang Asya sa neokolonlyalismo.

Gawin Natin

GAWAIN 8:
PANUTO: Gumuhit sa bondpaper ng isang halimbawa ng neokolonyalismong
kultural. Maaaring pagbatayang ang link na eto
https://youtube.com/watch?v=an08QYuyB_Y&feature=share

References

Blando R.,et.,al. ( 2014) ASYA: Pagkakaisa Sa Gitna ng Pagkakaiba


Araling Panlipunan (Modyul para sa Mag-aaral)

Evangelista, M. (2017). Developmemt and Validation of Filipino Nationalism Scale


(FNS) for grade 10 students

https://youtube.com/watch?v=50wAhCnR22g&feature=share.
https://youtube.com/watch?v=an08QYuyB_Y&feature=share
Development Team of the Module
Writers: MERLECITA ATENDIDO EVANGELISTA
Editors:
Content Evaluator: MARIETTA F. VALIDA, ROWEL GALURA
Illustrator/ Layout Artist: ROBERT VALERA
Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, OIC-SDS
DR. GEORGE P. TIZON, Chief, SGOD
DR. ELLERY QUINTIA, Chief, CID
DR. DAISY MATAAC, EPS, LRMDS
MR. FERDINAND PAGGAO, EPS, ARALING PANLIPUNAN

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig City and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 834251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

You might also like