You are on page 1of 19

7

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Week5
Mga Samahang Pangkababaihan
at mga Kalagayang Panlipunan
Araling Panlipunan – Baitang Pito
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: DIANNE A. GENTEROY


Editor: ANNABELLE A. GENTEROY
Tagasuri:
Tagaguhit: Elmer D. Lumague
Tagalapat:
Tagapamahala:

Inilimbag sa Pilipinas ng Schools Division of Oriental Midoro


Department of Education – MIMAROPA Region
Office Address: Meralco Avenue corner St. Paul Road, Pasig City
Telephone Number: (02) 6314070
E-mail Address: mimaropa.region@deped.gov.ph
7
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan - Modyul 5:
Mga Samahang Pangkababaihan
at mga Kalagayang Panlipunan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan-Baitang Pito


ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Katangiang Pisikal ng
Asya!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan-Baitang Pito ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong


maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan sa modyul.

ii
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo
sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari
mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan


kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa


maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at
mga kasanayan.
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at
mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang
ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain
panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ito ang talaan ng lahat ng
pinagkuhanan sa Sanggunian paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

iii
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari
ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin

PANIMULA

Mga Aralin at Saklaw ng Yunit

Aralin 3:2 – Mga Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan

Sa araling ito, inaasahang matutuhan mo ang sumusunod:


1. Natutukoy ang mga karanasan at bahaging ginampanan ng mga
kababaihan sa bansa sa Asya
2. Napaghahambing ang kalagayan at papel ng mga kababaihan sa ibat-
ibang bahgi ng Asya at ang kanilang amabag sa bansa at rehiyon
3. Nasusuri ang pagbabago sa kalagayan ng mga kababaihan tungo sa
pagkakapantay-pantay pagkakataong pang-ekonomiya at karapatang
pampolitika sa Timog at kanlurang Asya.

Pamantayang Pangnilalaman -Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-


unawa sa pagbabago,pag-unlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya
sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo)

Pamantayan sa Pagganap -Nakapagsasagawa ng kritikal na pagsususri sa


pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy sa Timog Kanlurang Asya sa
Transisyonal at makabagong panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo.

iv
Pamantayan sa Pagkatuto – Nasusuri ang mga salik,pangyayaring
kahalagahan ng nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa sa Timog at kanlurang
Asya.

Subukin

Paunang Pagtataya

Sa bahaging ito ay aalamin ang iyong pang


-unang kaalaman, kakayahan
at pang-unawa tungkol sa heograpiya ng Asya na kinapapalooban ng mga
pisikal na katangian at likas na yaman nito.

1.Ang partisipasyon ng kababaihan ay nakakatulong upang ipagtanggol ang


proseso ng demokrasya, Anong bansa sa Asya ang may malakas na kilusan ?
A. Pakisatan
B.Saudi Arabia
C. Pilipinas
D. Bangladesh
2. Sino ang naguna sa paghimok sa kababaihan na gumawa at bumili ng asin
at huwag bayaran ang buwis bilang protesta sa pamahalaan ng Ingles?
A. Sarojini Naidu
B. Sulfiqar Ali Bhutto
C. Pandita Ramabai
D. Bharat Aslam
3. Ang Women’s for Race ay isang samahan ng kababaihan sa Sri Lanka para
sa pagkakaroon ng panibagong direksyon sa isyu ng kababaihan, Kailan ito
itinatag?
A. Oktubre 1984
B. Oktubre 1894
C. Oktubre 1974
D. Oktubre 1694
4. Sa pamamagitan ng United Women’s Forum hiniling ang ratipikasyon ng
CEDAW, hiniling din ang pagkakapareho ng Kodiko Sibil. Maliban sa mga ito ,
Ano pa nag samahang itinatag?
A. Women’s Indian Ass.
B. Discrimination about Womens
C. Collective Women’s Platform
D. Association of Bangladesh Women
5.Noong 2000 inilunsad ng Arab rehiyon ang isang pangrehiyon na network
upang maisulong ang kamalayan ng pangkababaihan. Anong netwok ito?
A.Arab Women Correct

v
B. Arab Women Connect
C. Arab Women Ass.
D. Arab Women’s League

6.Sa Jordan, Ang naguna sa kampanya laban sa pangaabuso sa kababaihan


ay si:
A. Shieka Fatima Brint Maburak
B. Susan Maburak
C. Shinkat Gah
D. Sarojini Naidu

7.Isang Partido political sa Sidh na nagtagumpay sa kanilang kampanya laban


sa maagang pagaasawa at poligamya.
A. Sindhian Tehrick
B. United Women’s Front
C. Liberation of Women’s Tamil
D. Sidhian Terick

8.Ang association ng mga kababaihan sa India na nagkampanya sa mga


mambabatas upang makapagdulot ng mga pagbabago sa pamumuhay ng mga
kababaihan.
A.United Womens Front
B.Women’s Indian Association
C. National Council of Indian
D.United Council of Indian

9. Naging mababa ang kalagayan ng kababaihan sa India. Subalit nagging


aktibo ang kababaihan sa paglahok sa mga kilusan na nagtataguyod ng repormang
panlipunan. Kailan ito naganap?
A. ika-19 na siglo
B. ika-18 siglo
C. ika-17 siglo
D. ika-16 na siglo

10. Aling bansa sa Aya ang hindi masyadong nakakalahok sa politika ang
mga kababaihan?
A. Pakisat
B. Bangladesh
C. India
D. Sri Lanka

vi
Ilang puntos ang nakuha mo sa iyong unang pagtataya? Huwag
kang mag-alala dahil ang lahat ng mga katanungan na ito ay iyong
masasagot kapag natapos mo ang modyul para sa unang markahan.
Halika na at simulan mo na ang iyong paglalakbay!

Pagyamanin

Ang mga gawaing nakapaloob dito ay lilinang at hahasa sa iyong isipan.


Handa ka na ba?

Alamin Paghahambing at Pagkakaiba


Panuto: Paghambingin ang kalagayan at papel ng kababaihan sa ibat-ibang
bahagi ng Timog at kanlurang Asya at ang kanilang ambag sa bansa at
rehiyon.

Gawain 2: Cluster Web


Panuto : Sa bawat bilog Isulat ang ambag ng kababaihan sa Timog at
Kanlurang Asya.

vii
.

Paunlarin
Gawain 3: Pagsusuri sa Teksto
Epekto ng mga Samahang Kababaihan at mga Kalagayang Panlipunan sa
buhay ng kababaihan at mga kalagayang Panlipunan sa Buhay ng kababaihan
tungo sa pagkakapantay – pantay Pang ekonomiya at karapatang pampolitika.

MGA KILUSANG PANGKABABAIHAN


Nakita ng mga kababaihan sa Asya ang kahalagahan ng pag-oorganisa upang
maisulong ang kanilang interes at marinig ang kanilang mga boses.
Sapagkat minsan na nilang naranasan ang iba’t ibang anyo ng pang-aapi at
diskriminasyon sa lipunan at sa kanilang pamilya. Mahalaga ang pagkakaroon
ng mga kilusang pangkababaihan sapagkat sila ang pangunahing
tagapagtaguyod ng mga karapatan ng mga kababaihan. Alamin natin ang ilan
sa mga kilusang ito sa ilang mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya.

TIMOG ASYA
INDIA
Mababa ang katayuan sa lipunan ng kababaihan sa India.Subalit pagsapit ng
ika-19 na siglo, naging aktibo ang mga kababaihan sa bansa sa paglahok sa
mga kilusang nagtataguyod ng repormang panlipunan. Ang ilan sa mga
kilusang naitatag ay ang Bharat Aslam ni Keshab Chunder Sen ng Bramo
Samaj(1870); ang Arya Mahila Samaj na itinatag ni Pandita Ramabai at Justice
Ranade(1880); Bharat Mahila Parishad(1905) at Anjuman-e-Khawatine-Islam
na itinatag ni Amir-un-Nisa. Ang mga kilusang ito ay nakatulong sa
kababaihan upang maisulong ang karapatan sa edukasyon.
Ang Women’s Indian Association(1917) at ang National Council of Indian
Women(1925) ay nangampanya sa mga mambabatas upang makapagdulot ng
mga pagbabago sa pamumuhay ng karaniwang kababaihang Indian. Tinalakay
ng All India Women’s Conference ang mga isyu sa paggawa, rekonstruksyon ng
mga kanayunan, opyo, at batas ukol sa bata o maagang pagpapakasal.
Noong 1851, ang mga unyon sa industriya ng tela ay nangampanya laban sa
child labor. Binigyang pansin naman ng Indian Factory Act (1891) ang hindi
makatuwirang bilang ng oras ng pagtatrabaho ng kababaihan. Binigyang

viii
pansin naman ng All Indian Coordination Committee ang mga isyu tulad ng
benepisyo sa pagbubuntis, pantay na sahod at mga pasilidad ng day care.
Nanguna si Sarojini Naidu sa paghimok sa mga kababaihang gumagawa at
bumibili ng asin na huwag bayaran ang buwis bilang protesta s

pamahalaang English. Pinamunuan din niya ang Women’s India Association na


mangampanya upang ang kababaihan ay mabigyan ng karapatang bomoto
noong 1919. Noong 1950, ang karapatang bomoto ay iginawad sa kababaihan.

Ipinagbawal naman ng Factories Act ng 1948 ang pagtatrabaho ng kababaihan


sa mga delikadong makinarya habang umaandar ang mga ito. Nagbigay r in ito
ng wastong pasilidad na pangkalinisan, daycare, kompulsaryong maternity
leave. Nagtalaga naman ang Mine’s Act of 1952 ng hiwalay na palikuran para
sa lalaki at babae. Ginawang legal ng Hindu Marriage Act of 1955 ang diborsyo.
Noong 1970, itinatag ang mga kilusan tulad ng Kilusang Shahada, Shramik
Sangatana(1972), Self-Employed Women’s Association(1972), ang United
Women’s Anti-Price Rise Front(1973) at ang Nav Nirman(1974). Tinutulan ng
mga kilusang nabanggit ang mga isyu gaya ng karahasan sa tahanan at di-
makatarungang pagtaas ng presyo ng bilihin.
PAKISTAN,SRI-LANKA at BANGLADESH
Ang partisipasyon ng mga kababaihan sa Pakistan ay bunga ng
pakikipaglaban sa mga mananakop bago ang 1947. Ang kababaihang Muslim
ay naging aktibo sa paghingi ng pagbabago sa edukasyon. Pinamunuan sila ni
Syed Ahmed Khan. Aktibo rin sila sa Kilusang Khilafat bilang pagsuporta kay
Turkish Khilafat, na naging simbolo ng pagkakaisa ng mga Muslim. Gayundin,
naging aktibo sila sa paghingi ng isang malayang Pakistan.
Ang Pakistan ay may malakas na kilusan ng mga kababaihan na nakatulong
upang ipagtanggol ang proseso ng demokrasya sa bansa. Sa panahon ng
pamumuno ni ZulfiqarAli Bhutto(1971-1977), nagkaroon ng mga pagbabago sa
pagtingin sa kababaihan. Sa pamamagitan ng 1973 Saligang- Batas, may mga
probisyon ito na nagbigay ng pantay na karapatan sa kababaihan, kasama na
rin ang paglalaan ng sampung posisyon para sa mga kababaihan sa National
Assembly at sampung bahagdan(10%) sa Asembleang Panlalawigan. Ang
kababaihan ay nahirang sa matataas na posisyon sa pamahalaan.
Ang ilan sa mga samahang itinatag ng kababaihan sa gitnang bahagi ng 1970
na pinamunuan ng mga may pinag-aralan ay ang sumusunod:United
Front for Women’s Rights(UFWR), ang Women’s Front, Aurat at Shirkat Gah na
sa kalaunan ay naging instrumento sa pagkakaroon ng Women’s Action Forum.
Sa paglipas ng mga taon, pinangalagaan nila ang mga karapatan ng mga
kababaihan. Sila rin ang nakipag-usap sa mga pinuno ng pamahalaan at mga
partidong pulitikal tungkol sa mga isyu ng kababaihan. Pagkatapos ng 1988
eleksyon, isinilang ng WAF ang kanilang Charter Demands, na kung saan ay

ix
inilahad nila ang isang komprehensibong programang politikal para sa mga
kababaihan.
Dahil sa impluwensiya ng WAF, ang Sindhian Tehrik, isang partido pulitikal sa
Sindh ay nagtagumpay sa kanilang kampanya laban sa maagang pag-aasawa
(child marriage) at poligamya, gayundin ang karapatan ng kababaihan sa
pagpili at pagpayag sa mapapangasawa.
Dahil sa kahinaan ng civil society at mga partidong politikal, gayundin ang
mapaniil na kapasidad ng estado; ang mga kilusang kababaihan sa bansa ay
kritikal na patuloy na nagtatanggol sa mga karapatang pantao karapatan ng
mga minorya sa Pakistan.
SRI-LANKA
Ang kababaihan sa Sri-Lanka ay hindi gaanong nakalalahok sa
politika.Kaalinsabay ng patuloy na digmaang sibil ay ang patuloy na paglabag
sa mga karapatan ng kababaihan.Pumapangalawa lamang sila sa mga
kalalakihan pagdating sa papel na ginagampanan sa sistemang politikal.
Noong 1994 eleksyon, nagkaroon ng pagkakataon ang kababaihan na
ipahayag ang mga isyu tungkol sa kanila. Ang mga isyung ito ay may
kinalaman sa mga karahasang nagaganap laban sa kanila. Hiniling nila ang
mga partidong pulitikal na magnomina sa mas maraming kababaihan na
tatakbo sa eleksyon at isama sa kanilang plataporma ang mga isyung
kinakaharap ng mga ito.
Dahil dito, pinalakas ng nahalal na People’s Alliance ang probisyon ng Kodigo
Penal na may kinalaman sa pang-aabuso sa kababaihan at mga pagbabago sa
batas na may kinalaman sa panggagahasa at sexual harassment at iba pa.
Hinirang din ng bagong pamahalaan angtatlong kababaihang ministro at apat
na deputy ministers sa gabinete.

Ang isa sa mahalagang samahan na naitatag noong 1984 sa bansa ay ang


Mother’s Front bilang protesta sa pagkawala ng miyembro ng isang pamilya na
inaresto at ikinulong ng mga sundalo.Samantala, ang Sri-Lanka Women’s NGO
Forum na binuo ng iba’t ibang samahan ay naging aktibo sa pagtataguyod ng
partisipasyon ng mga kababaihan sa politika.
Taong 1983,sumalakay ang mga militanteng gerilya,na nakilala sa tawag na
LTTE (Liberation Tigers of Tamil Eelam). Ang pagsalakay na ito ay nagdulot ng
giyera sibil. Itinatag ang LTTE noong 1976 upang maitatag ang isang
malayang estado ng Tamil sa Sri-Lanka. Ang mga kaguluhan ay tumagal
hanggang 2009. Noong1983, itinatag ng LTTE ang Women’s Front of the
Liberation Tigers. Maraming kababaihan ang sumapi rito na sa simula ay
aktibo lamang sa pagkalat ng mga propaganda, panggagamot at maghanap ng
pondong pinansyal. Sa kalaunan, sila ay naging aktibo na rin sa
pakikipagdigma tulad ng kalalakihan. Para sa kanila, ang kapakanan ng
bansa ang dapat manguna bago ang lahat. Ipinakita ng kababaihan sa
kanilang pagsanib sa LTTE ang pagsuway sa kapangyarihan ng kalalakihan.
Ayon sa pahayag ng LTTE noong Marso 8,2004, habang ang kababaihang

x
Tamil ay nakikipagdigma upang palayain ang kanilang teritoryo, ito ay
nangangahulugan rin ng pagpapalaya ng kanilang mga sarili sa anumang uri
ng opresyon at di makatarungang pagkilos na dulot ng lipunan. Nararapat
lamang na lumaban ang kababaihan upang magkaroon ng pagbabago sa
lipunan at wasakin ang mapaniil na istrukturang sosyal.
Para sa kababaihan, ang naging implikasyon ng digmaang sibil ay ang
pagkakaroon ng panibagong direksyon sa isyu ng kababaihan. Ang Women for
Peace na itinatag noong Oktubre, 1984 ay nagsilbing bantay sa militarisasyon
ng Sri-Lanka. Naging aktibo rin sila sa iba’t iba pang mga samahang
nagtatanggol ng mga karapatang pantao at karapatang sibil.
BANGLADESH
Ang kilusan ng kababaihan sa Bangladesh ay isinilang bunga ng kilusang
nasyonalista. Noong 1970ang makakaliwang Mahila Parishad ay itinatag. Ito
ang itinuturing na pinakamalaking samahan ng kababaihan sa bansa.
Naimpluwensiyahan nito ang pagpapatupad ng mga polisiya sa pamahalaan
kabilang ang kampanya na sumuporta sa pagsasabatas ng pagbabawal ng
pagbibigay ng dote at ratipikasyon ng CEDAW (Convention on the Elimination
of all Forms of Discrimination Against Women).
Ang pagdami ng mga samahang kababaihan sa Bangladesh ay tugon ng mga
ito sa mga kaganapan sa bansa simula pa noong 1980. Ang mga samahan ng
mga kababaihan ay instrument sa pagpapatalsik kay Hussain Ershad dahil sa
pamumulitika gamit ang relihiyong Islam at ang pagpigil sa demokrasya.
Sa pamamagitan ng United Women’s Forum, hiniling nila ang
ratipikasyon ng CEDAW, magkakaparehong Kodigo Sibil at dagdag sa kota ng
kababaihan sa Serbisyo Sibil. Maliban sa samahang ito, naitatag din ang
Collective Women’s Platform na pumipigil sa anumang uri ng karahasan sa
kababaihan. Isinilang din ang Platform Against Sexual Harassment.
KANLURANG ASYA
Sa kasalukuyan, ang hamon na kinakaharap ng kababaihan sa
Kanlurang Asya ay higit na paigtingin ang kanilang ginagawa upang makatiyak
ang pagkakaroon ng pantay na karapatan ang kalalakihan at kababaihan. Sa
kontekstong ito, ang samahan ng kababaihan ay kumikilos sa tatlong lebel:
imulat ang kababaihan sa kanilang bansa tungkol sa hindi pagbibigay ng
pantay na karapatan ng kanilang pamahalaan; hilingin sa pamahalaang
nasyonal ang implementasyon ng internasyunal na pagpapatupad sa
pagbibigay proteksyon sa kababaihan sa lahat ng larangan at ipaunawa sa mga
bansa sa daigdig na ang kababaihan sa Kanlurang Asya ay hindi lamang
naghihintay sa mga Kanluraning bansa upang sila ay sagipin sa halip
ipaunawa na sila ay kababaihang nakikipaglaban para sa kanilang karapatan
kagaya rin ng ibang kababaihan. Na sila rin ay kumikilos laban sa di-
makatarungang patakaran dulot ng sistemang patriyarkal at ng kanilang
kasaysayan.
ARAB REGION

xi
Ang rehiyong ito ay binubuo ng mga bansang Bahrain, Egypt, Iraq, Jordan,
Kuwait, Lebanon,Oman, Palestinian Territories, Qatar, Saudi Arabia, Syria,
United Arab Emirates at Yemen. Sa rehiyong ito, ang partisipasyon sa pulitika
at paghahanapbuhay ng kababaihan ay hindi halos nagbago. Milyong
kababaihan ang nangangailangan pang ipaglaban ang kanilang mga
karapatan. Sa Kuwait at Saudi Arabia, illegal para sa kababaihan ang
makilahok sa eleksyon dahil sa kanilang kasarian. Bagaman, ang mga
pamahalaan sa rehiyong Arab, ay hindi pa rin tanggap ang ideya ng
pagpapalaganap sa mga karapatang pantao; noong 1982 pagkatapos ng
pagpupulong ng mga grupo ng civil society sa karapatang pantao na ginanap
sa Cyprus, unti-unting tinanggap ng mga pamahalaang lokal at rehiyonal ang
mga adbokasiya ng mga nangangalaga sa karapatang pantao, kabilang dito ang
mga samahang kababaihan sa Israel. Sa pamamagitan ng Isha L’lshaHaifa
Feminist Center, pinangunahan nila ang implementasyon ng Security Council
Resolution 1325. Hinikayat nila ang kababaihan na makilahok sa negosasyon
at talakayan tungkol sa sigalot sa pagitan ng Israel at Palestine. Sa
pamamagitan nito, maipamumulat ang epekto ng sigalot lalo na sa kababaihan
at kung paano nila maipagtanggol ang kanilang karapatan.
Maraming NGO na samahang kababaihan, samahang pangkapayapaan at
Women’s Coalition for a Just Peace ang aktibo sa Israel. Karamihan sa kanila
ay patuloy na nakikipagdayalogo sa kababaihang Palestinian upang magkaroon
ng solusyon sa problema na maaaring maging instrument sa pagkakaroon ng
kapayapaan.
Bagaman, ang mga Samahan sa Karapatang Pantao sa Kanluran ay
napangingibabawan ng mga kalalakihan, ang mga samahan ng kababaihan ay
unti-unti nang kinikilala. May malakas na koalisyon ng mga NGO na
nagsusulong ng karapatang pantao at karapatan ng kababaihan sa Bahrain,
Egypt, Jordan at Yemen.
Sa panig ng grupo ng kababaihan, pinag-aralan nila ang mga batas at polisiya
na nagdudulot ng diskriminasyon sa kababaihan. Sila ay humingi ng mga
pagbabago na mangangalaga sa pagbibigay ng pantay na karapatan sa mga
babae, gayundin ang pagbibigay ng pagkakataon na makilahok sa pulitika at
sosyo-ekonomik na kapangyarihan.
Sa loob ng sampung taong pakikibaka, ang kababaihan sa Bahrain, Omar at
Qatar ay nagtagumpay na magkaroon ng karapatang bomoto. Samantala, ang
kababaihan naman sa Egypt at Jordan ay nabigyan ng karapatan sa diborsyo,
at ang karapatan bilang mamamayan ng kababaihan ay naibigay rin sa taga-
Bahrain, Egypt at Lebanon.
Sa Jordan, nanguna si Reyna Rania Al- Abdulla sa kampanya laban sa pang-
aabuso sa kababaihan. Sa Egypt, pinamunuan naman ni Susan Mubarak ang
National Council on Women sa kampanya na baguhin ang batas pampamilya
at pagbabawal sa pagkapon sa mga kababaihan. Samantala sa UAE, ang
namuno ay si Sheikha Fatima Bint Mubarak ang nanguna sa pagbibigay ng
karapatan na makapag-aral sa kolehiyo at magkaroon ng karapatang
ekonomiko ang kababaihan. Dahil sa nabanggit na mga inisyatibong ng mga
Unang Ginang sa kani-kanilang bansa, nakatulong sila sa pagbibigay solusyon

xii
sa mga isyung kinakaharap ng kababaihan. Gayundin nagkaroon ng dagdag na
alokasyon ng badyet para sa edukasyon at kalusugan ng mga tao.
Noong 2000, inilunsad ang Arab Women Connect, isang pangrehiyong network
upang maisulong ang kamalayan ng kababaihan tungkol sa kanilang dapat na
taglaying mga karapatan. Ito ay sa pamamagitan ng pagkilos ng kababaihan
sa Egypt, Jordan, Lebanon, Palestine, Qatar, UAE at Yemen.
Ang kapasidad ng mga samahang kababaihan upang maimulat ang publiko
sa mga kontrobersyal na isyu ay nagkaroon ng pagbabago lalo na sa mga isyu
tungkol sa diskriminasyon sa kababaihan at pambubugbog at pananakot sa
asawa maliban na lamang sa mga bansang Kuwait, Oman, Saudi Arabia at
Syria.
Ang kababaihan sa Kanlurang Asya ay patuloy na aktibong nakikilahok sa
pulitika, gayundin sa isyu ng pagkakaroon ng kapayapaan at seguridad sa
rehiyon.
Pinagkunan: www.mthdyoke.edu/intrel/dash.htm

Isagawa
Gawain Blg. 4: Pagpupuno sa Tsart
Panuto:Punan ang tsart sa ibaba:

Kalagayang Samahang Tagapagtatag/ Layunin


Panlipunan kababaihan Pinuno

1. Timog
Asya

2. Kanlurang
Asya

Gawain 5: Suriin Muli

Sa bahaging ito Suriin muli ang teksto at sagutin ang prosesong tanong.

1.Ano-ano ang samahang pangkababaihan na naitatag sa ilang bansa sa Timog at


Kanlurang Asya? Ano ang layunin ng nabanggit na mga samahan?

2.Paano mo ilalarawan ang kalagayang panlipunan ng kababaihan sa nabanggit


na mga bansa?

3.Ano ang nagging epekto ng mga samahang pangkababaihan at ng mga


kalagayang panlipunan tungo sa pagkakapantay-pantay pagkakataong pampolitika
ng mga taga Timog at Kanlurang Asya?

4.Paanong ang mga samahang pangkababaihang naitatag ay katulong sa patuloy


na transportasyon sa nabanggit na mga rehiyon?

xiii
Napakahusay! Matagumpay mong naisagawa at natapos ang mga
gawain. Binabati kita sa iyong galing at husay sa pagsagot ng modyul.
Taglay mo na ngayon ang mga kaalaman na magagamit mo sa susunod
na modyul na iyong sasagutan.

Tayahin

Panghuling Pagtataya

1.Ang partisipasyon ng kababaihan ay nakakatulong upang ipagtanggol ang


proseso ng demokrasya, Anong bansa sa Asya ang may malakas na kilusan ?
A. Pakisatan
B.Saudi Arabia
C. Pilipinas
D. Bangladesh
2. Sino ang naguna sa paghimok sa kababaihan na gumawa at bumili ng asin
at huwag bayaran ang buwis bilang protesta sa pamahalaan ng Ingles?
A. Sarojini Naidu
B. Sulfiqar Ali Bhutto
C. Pandita Ramabai
D. Bharat Aslam
3. Ang Women’s for Race ay isang samahan ng kababaihan sa Sri Lanka para
sa pagkakaroon ng panibagong direksyon sa isyu ng kababaihan, Kailan ito
itinatag?
A. Oktubre 1984
B. Oktubre 1894
C. Oktubre 1974
D. Oktubre 1694
4. Sa pamamagitan ng United Women’s Forum hiniling ang ratipikasyon ng
CEDAW, hiniling din ang pagkakapareho ng Kodiko Sibil. Maliban sa mga ito ,
Ano pa nag samahang itinatag?
A. Women’s Indian Ass.

xiv
B. Discrimination about Womens
C. Collective Women’s Platform
D. Association of Bangladesh Women
5.Noong 2000 inilunsad ng Arab rehiyon ang isang pangrehiyon na network
upang maisulong ang kamalayan ng pangkababaihan. Anong netwok ito?
A.Arab Women Correct
B. Arab Women Connect
C. Arab Women Ass.
D. Arab Women’s League

6.Sa Jordan, Ang naguna sa kampanya laban sa pangaabuso sa kababaihan ay


si:
A. Shieka Fatima Brint Maburak
B. Susan Maburak
C. Shinkat Gah
D. Sarojini Naidu

7.Isang Partido political sa Sidh na nagtagumpay sa kanilang kampanya laban


sa maagang pagaasawa at poligamya.
A. Sindhian Tehrick
B. United Women’s Front
C. Liberation of Women’s Tamil
D. Sidhian Terick

8.Ang association ng mga kababaihan sa India na nagkampanya sa mga


mambabatas upang makapagdulot ng mga pagbabago sa pamumuhay ng mga
kababaihan.
A.United Womens Front
B.Women’s Indian Association
C. National Council of Indian
D.United Council of Indian

9. Naging mababa ang kalagayan ng kababaihan sa India. Subalit nagging


aktibo ang kababaihan sa paglahok sa mga kilusan na nagtataguyod ng
repormang panlipunan. Kailan ito naganap?
A. ika-19 na siglo
B. ika-18 siglo
C. ika-17 siglo
D. ika-16 na siglo

10. Aling bansa sa Aya ang hindi masyadong nakakalahok sa politika ang
mga kababaihan?
A. Pakistan

xv
B. Bangladesh
C. India
D. Sri Lanka

Karagdagang Gawain

Super Binibining Asyano :


Gumuhit ng isang babaeng super hero na ang pangalan ay Super binibining
Asyano. Ang kanyang kasuotan ay dapat nagpapakita ng natatanging
superpower o mga kapangyarihang taglay ng isang babaeng Asyano.

xvi
Rubrics sa Pag Mamarka ng karagdagang Gawain

Pamantayan Indicator Puntos Natamong


(5) Puntos
Nilalaman  Naipakita at
naipaliwanag
nang maayos
ang ugnayan
ng lahat ng
konsep sa
pagawa ng
poster
Kaangkupan ng  Maliwanag
konsepto at angkop
ang mensahe
sa
paglalarawan
ng konsepto
Pagkamalikhain  Orihinal ang
(originality) ideya sa
paggawa ng
poster
Kabuuang  Malinis at
presentasyon Maayos ang
kabuuang
Presentasyon
Kabuuang
Marka

Mga Susing Sagot :


1.A
2.A
3.A
4.C
5.B
6.B
7.A
8.B
9.A
10.A

You might also like