You are on page 1of 12

10

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1: Isyu
at Hamong Panlipunan
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong


kapakinabangan. Ito ay upang matulungan kang unawain ang mga araling
tinatalakay sa Araling Panlipunan Baitang 10.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:

• Nasusuri ang kahalagahan ng pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu.

Ang modyul na ito ay nahati sa tatlong leksyon:


• Leksyon 1: Ang Lipunan
• Leksyon 2: Ang Kultura
• Leksyon 3: Sociological Imagination

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. natatalakay ang katuturan ng lipunan at ang mga bumubuo rito;
2. nasusuri ang kultura bilang mahalagang bahagi ng pag-aaral ng
lipunan; at
3. naipapahayag ang pagtugon ng bawat isa sa mga isyu at hamong
panlipunang kinahaharap sa kasalukuyan.

Aralin
Isyu at Hamong Panlipunan
1
Isang bagong bukas na libro ng kaalaman ang iyong kakaharapin ngayon.
Ang lipunan ay binubuo ng mga institusyon/ organisasyon ng mga
mamamayan na nagkakasundo sa iisang layunin. Mahalaga ang bahaging
ginagampanan ng kultura bilang batayan ng pamumuhay sa lipunan.Dahil
sa iba’t ibang kaganapan sa ating lipunan ay nagkakaroon ng sociological
imagination.

Balikan

Natutuhan mo sa nakaraang baitang ang tungkol sa Ekonomiks


bilang bahagi ng pag - unlad ng bansa. Ang mga aral sa ekonomiks nawa’y
maging gabay mo upang makatulong sa pag-unlad pa ng iyong kaalaman
Paano mo maiuugnay ang mga salita sa loob ng kahon sa iyong
pagkakaunawa sa Ekonomiks? Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang
papel.

1. Paano nababago ng paglakas o paghina ng ekonomiya ang estado ng


pamumuhay ng mamamayan sa kanyang lipunan?
2. Mahalaga ang ugnayan ng tao sa kanyang lipunan, sa paanong paraan
ito maipakikita sa buhay ni Juan Dela Cruz?
Sa bagong araling ito, pag-aaralan mo naman ang tungkol sa mga isyu at
hamong panlipunan.
Tuklasin

Loop A Word
Panuto: Hanapin ang mga salita sa ibaba sa loob ng kahon. Ang mga
salitang iyong mahahanap ay lubhang mahalaga para sa talakayan. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.

PAMAHALAAN
M P U K D C S X O L A U K P
PAMILYA
I F J Z F U W W J Y S L T I
ISYU
S N A Y T H T O L X F B H D
LIPUNAN
I P S A R I I I E E Q K F T
INSTITUSYON
A U T T P E M O A X O X V K
STATUS
X S O C I A L A G R O U P P
SOCIAL GROUP
E N A Q P T M I G S L B U T
RELIHIYON
N K B N K B U A H F B I Q M
KONTEMPORARYO
V T B B V L M S H I Q H O T
GAMPANIN
U O D L Z P W J Y A Y Q F J
V Z I N A S Q Z P O L O F F
I R N N I I M D A V N A N X
Q L I P U N A N I A D G A S
C N E F K W J S T A T U S Y
K O N T E M P O R A R Y O I
A L W A T I S Y U B A L T A

Suriin

Maaari mong maitanong sa iyong sarili, bakit ang mga nakuha mong
sagot sa gawain sa naunang pahina ay lipunan, pamahalaan,
relihiyon,gampanin, pamilya, pananampalataya. Sapagkat ang ating
talakayan ang may kinalaman sa mga kontemporaryong isyu sa bansa o
maging sa ibang bansa.

Ano ba ang ibig sabihin ng Kontemporaryong Isyu?


 Ang kontemporaryo (contemporary) ay mula sa salitang Latin na com
na nangangahulugang “may kasama” at temporarius mula sa salitang
tempus na ibig sabihin ay “oras”.
 Ang salitang kontemporaryo (contemporary) ay naglalarawan sa
takdang panahon hanggang sa kasalukuyan. Ito ay tumutukoy sa
katangian na nagpapakilala sa kasalukuyan habang ang salitang isyu
(issue) ay nangangahulugang mga pangyayari, mga sigalot o problema
na pinag-uusapan sa lipunan. Kaya’t kung ating pagsasamahin, ang
kontemporaryong isyu ay mga usapin o pangyayari na pinag-uusapan o
pinagdedebatihan ng bansa na sangkot ang bawat Pilipino. Mga
halimbawa ng mga kontemporaryong isyu ay may kinalaman sa
relihiyon, kalusugan, ekonomiya, pulitika at kultura.

 Isang halimbawa ng kontemporaryong isyu ay ang usapin sa


korapsyon. Ito ay sang konsepto na nakikita at maaaring nagawa ng
mga mamamayan kahit sa simpleng transakyon lamang. Halimbawa ay
ang paghingi ng dagdag na baon sa magulang na ang dahilan ay may
babayaran sa paaralan ngunit wala naman pala o maaaring ang
paghingi ng papel sa ating kaklase kahit mayroon tayo. Hanggang sa
mga fixers na nagkalat sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang
mapabilis ang transakyon tulad ng pagkuha ng permit sa iba’t ibang
negosyo at proyekto.

 Batay sa resulta ng pag-aaral ng Transparency International na ang


Pilipinas ay pang-tatlumpu’t apat (34) mula sa isangdaang (100) may
pagkakakilanlan na “very clean”. Ang markang ito ay lubhang mababa
kung ihahambing sa Singapore, Denmark, Finland, Sweden at New
Zealand. Ipinahahayag din na problema rin sa korapsyon ng bansa ay
problema din ng mga karatig-bansa tulad ng Vietnam, Indonesia,
Bangladesh at North Korea na itinuturing na “five most corrupt
countries”. Sa pahayag ni Rosalinda Tirona, ang pangulo ng
Transparency International, kailangan ng maraming pagkilos upang
masugpo ang korapsyon sa bansa ngunit ang higit na dapat pagtuunan
ng pansin ay ang transpormasyon ng lipunang Pilipino na siyang daan
ng tunay na pagbabago (Salaveria, 2012)

Ngunit paano ba masasabi na ang isang pangyayari ay mahalaga:

1. kung ito ay makabuluhang isyu para sa bansa.


2. kung ito ay lubhang nakaiimpluwensiya sa lipunan ng ating
ginagalawan. 3. kung ito ay nagaganap sa kasalukuyang
panahon

Dalawang mahalagang pinagmumulan ng impormasyon:

Primaryang Sanggunian – ibig sabihin ang


pinagmumulan ng impormasyon ay mula sa
orihinal na nagsulat o nakaranas ng pangyayari.
Ito ay ang mga babasahin na nagmula sa ating mga
ninuno, mga talambuhay, mga journal, mga larawan o guhit. Maaari ring
mga kagamitan ng mga sinaunang pamayanan.
SINAUNANG KAGAMITAN
Sekondaryang Sanggunian – ang pinagmulan ng babasahin ay
hindi nanggaling sa primaryang sanggunian at maaaring
magamit na batayan sa kasalukuyan. Ilang halimbawa ay mga
libro, babasahin tulad ng dyaryo at akda.
MGA AKLAT

ANG LIPUNAN

 Ito ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang


organisado at sistematikong lugar o pamayanan. Sila ay may
pagkakaiba sa kani–kanilang mga interes ngunit naniniwala sa isang
batas kaya’t nagkakaroon ng kasunduan.

 Maraming pilosopo ang nagpahayag ng kahulugan ng lipunan at ang


ilan sa kanila ay sina:

A. Emile Durkheim– Ayon kay Durkheim, ang lipunan ay isang buhay


na organismo na patuloy na kumikilos at nagbabago na kung saan
nagaganap ang mga pangyayari. Binubuo ng iba’t ibang institusyon
na nag-uugnay sa isa’t isa upang bumuo ng lipunan.

B. Isabel Panopio–Ayon sa kanya ang lipunan ay isang sistematikong


komunidad na binubuo ng balangkas at gampanin. Ang balangkas
ay tumutukoy sa organisasyon ng mga mamamayan na gagawa ng
mga batas upang sundin ng lipunan habang ang gampanin naman
ay tumutukoy sa kakayahan ng tao na gawin ang kanyang bahagi sa
lipunan.

C. Karl Marx–Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng interes sa


kapangyarihan. Ito rin ay kakikitaan ng hindi pagkakasundo dulot
ng pagkakaroon ng limitadong pinagkukunang yaman ng bansa.
Bunga nito, nagkakaroon ng hindi pantay na antas ng pamumuhay
sa lipunan.

D. Charles Cooley – Ang lipunan ay magkakawing na ugnayan ng tao


sa kanyang kapaligiran. Mas nakikilala ng tao ang kanyang sarili sa
kanyang pakikisalamuha sa kanyang kapaligiran. Ang maayos na
pakikipag-usap ay isang paraan upang maging mapayapa ang
interaksyon ng bawat isa.

 Ang lipunan ay nahati sa dalawang bahagi: unang bahagi ay ang


istrukturang panlipunan at ang ikalawang bahagi ay ang kultura.
Pinaghiwalay ang talakayan sa dalawang bahagi upang higit na
magbigay- linaw sa pagkakaiba ng dalawa ngunit ipakikita ang
pagkakaroon ng ugnayan sa kanilang dalawa.
LIPUNAN

Institusyong Panlipunan Kultura


A. Institusyon A. Paniniwala
B. Social Group B. Pagpapahalaga
C. Status C. Norms
D. Gampanin D. Symbols
 Ang unang bahagi ay institusyong panlipunan. Ito ay binubuo ng apat
na elemento: institusyon, social group, status at gampanin. Sa bawat
elemento ay may kanyang–kanyang haligi upang maging matatag ang
pagkakaunawa sa bawat isa. Tingnan ang diyagram sa ibaba.
ELEMENTO NG ISTRUKTURANG PANLIPUNAN

LIPUNAN

Institusyon Social Group Status Gampanin

Pamilya Primary Ascribed Status


Group
Paaralan
Secondary Achieved Status
Pamahalaan Group

Ekonomiya

Pananampalataya

MGA ELEMENTO NG ISTRUKTURANG PANLIPUNAN

1. INSTITUSYON- ito ay mga organisadong komunidad na bumubuo sa


isang lipunan. Ang institusyon ay binubuo ng sumusunod:

A. Pamilya - ang pamilya ay ang pinakamaliit na bahagi ng lipunan na


kung saan ay nagsisimulang mabuo ang isang pamayanan. Ang
unang humuhubog sa bawat sanggol na isinisilang sa mundo. Ang
mga magulang ang siyang unang guro ng mga bata. Ang tahanan ay
siyang ugnayan ng mga institusyong panlipunan.

B. Paaralan - ito ang lugar kung saan nahuhubog ang kakayahan ng


mga bata.
Itinuturo rin sa paaralan ang mga impormasyon sa pagitan ng tama
o mali. Ito ang institusyon na katulong na humuhubog sa
karunungan ng mga magaaral upang maging isang mabuting
mamamayan.

C. Ekonomiya - mahalaga sa bahagi ng ekonomiya ay ang kakayahan


ng bawat isa na maging bahagi ng lakas-paggawa. Dito tinatalakay
ang palitan ng serbisyo o produkto ng mga prodyuser at konsyumer,
demand at supply. Pinag-aaralan din ang dami ng yamang-likas na
tugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng mga mamamayan.

D. Pamahalaan - ang institusyon na nagtatalaga ng mga batas para sa


ikaaayos ng isang lipunan. Ito rin ang siyang nakatalaga na
tumulong sa mga nangangailangan sa kanyang nasasakupan.
Halimbawa ay ang paglalagay ng tamang tawiran, pamamahagi ng
mga impormasyon ukol sa mahahalagang kaganapan sa bansa at
marami pang iba.
E. Pananampalataya - ang institusyon na sandigan ng mga
mamamayan, ang paghahangad na ligtas sa maghapon maging sa
trabaho o sa loob ng bahay. Ang usaping panrelihiyon ay bahagi ng
usaping panlipunan.

2. SOCIAL GROUP – ito ay ang mga institusyong panlipunan na binubuo


ng dalawa o higit pang tao na may magkakaugnay na katangian at
nagkakasundo sa kanilang mga hangarin. Ito ay nahahati sa dalawa:

A. Primary Group - ito ay kinabibilangan ng mga taong malalapit sa


iyo katulad ng pamilya, kamag-anak o mga taong may impormal na
pakikipag-ugnayan tulad ng kaibigan o kabarkada, habang ang
B. Secondary Group - kinabibilangan ng mga taong may pormal na
ugnayan sa isa’t isa halimbawa ay kasamahan sa trabaho o
kapitbahay.

3. STATUS - ang status ay tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng


isang indibidwal sa lipunan. Malaki ang kinalaman ng status sa iyong
pagkakakilanlan sa lipunan. May dalawang pagkakaiba sa status ng
tao:

A. Ascribed Status - ito ay tumutukoy sa iyong posisyon sa lipunan


mula ng ikaw ay ipanganak o isinilang.
B. Achieved Status - ito ay iyong posisyon na dulot ng iyong
pagsisikap o mga pagbabago sa iyong buhay sa mahabang panahon.

4. Gampanin (Roles) – ito ay tumutukoy sa gawain,


obligasyon, responsibilidad at
karapatan ng indibidwal sa kanyang lipunan.
Ang bawat indibidwal ay may posisyong
kinabibilangan at nagtatalaga sa kanyang
gampanin para maging bahagi ng lipunan.
Halimbawa sa kasalukuyan ay tinatanggap
na natin ang pagkakaroon ng
househusband maliban sa mga babaeng tinatawag na housewife.
HOUSEWIFE / HOUSEHUSBAND

ANG KULTURA

 Ayon kay Margaret Andersen at Howard Taylor, ang kultura ay isang


komplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay–kahulugan sa
paraan ng pamumuhay ng isang grupong panlipunan sa kabuuan.
 Ito ay sistema o paraan ng pamumuhay ng isang pamayanan na
naniniwala sa iisang ugnayan upang magkaroon ng organisadong
lipunan.

DALAWANG URI NG KULTURA

A. MATERYAL - ito ay bahagi ng kultura na


nagbibigay ng kahulugan at mahalaga para sa pag-
unawa ng kultura halimbawa ay mga likhang–
sining, tula, mga kagamitan at maging mga gusali.
Ang mga materyal na kultura ay karaniwang
nahahawakan
at nakikita ng mga tao. MGA SINAUNANG KAGAMITAN
***Pahayagan - isang uri ng materyal na kultura na
ginagamit na batayan ng kaalaman ng mga mamamayan
upang mauunawaan ang kalagayan ng lipunan.

B. HINDI MATERYAL -mga bahagi ng pang-araw–araw na pamumuhay


ng mga tao katulad ng awit, batas, ideya at mga paniniwala. Ito ay
karaniwang ibinabahagi sa pamamagitan ng kilos o gawi.

Simbolo Mores

MGA
ELEMENTO
Paniniwala KULTURA Folkways
NG
KULTURA

Norms
Pagpapahalaga

***Ang kultura ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng


pamumuhay ng mga mamamayan sa isang lipunan. Binubuo ang kultura
ng mga paniniwala, pagpapahalaga, norms at simbolo.
A. PANINIWALA (Belief) – ito ay ang batayan ng
pagpapahalaga ng isang grupo o lipunan. Isang
halimbawa nito ay ang pagmamano sa kamay ng
mga nakatatanda bilang paggalang o pagbibigay ng
respeto, ang pantay na pagtingin sa mga
kababaihan at kalalakihan. Isang matandang
paniniwala ay ang paglalagay sa manunggul jar o
isang banga ng ating yumaong ninuno bilang
libingan nito. MANUNGGUL JAR

B. PAGPAPAHALAGA (Values) – ito ay ang batayan ng isang pangkat o


grupo kung ano ang katanggap-tanggap para sa kanila. Halimbawa ay
ang pag-aalaga sa ating mga nakatatanda o mga lolo at lola bilang
pagpapakita sa kanila ng pagmamahal at pagpapahalaga sa nagawa
nila sa ating pamilya.

PAGBIBIGAY NG MGA
REGALO AT BULAKLAK PAGMAMANO
C. NORMS - ito ay ang pamantayan ng pagkilos ng isang lipunan.

Nahahati sa dalawa ang norms:

a. Folkways –itinuturing na pangkahalatang batayan


ng kilos ng mga tao sa isang lipunan. Ang ilang
halimbawa ay paggalang sa mga magulang at
nakatatanda, pagdiriwang ng kaarawan o
anibersaryo, pagkakaroon ng mga malakihang
pagdiriwang ngunit mas higit na batayan ng kilos
ay ang

b. Mores na ang paglabag ay may kaukulang ligal na parusa


halimbawa ay pagnanakaw o pagpatay.
¨ Maaari ang mga pag-uugali, kilos o kaugalian ay hindi magkakapareho
sa bawat lipunan sapagkat ito ay nakabatay sa kultura na kanyang
kinalakihan. Halimbawa ay ang pagmamano na isang kaugalian sa ating
mga Pilipino habang sa ibang bansa ay pagbebeso (palitan ng halik sa
pisngi), paghalik sa kamay at iba pa. Isa ring halimbawa ay ang
paggamit ng po at opo na hindi naririnig sa ibang lahi.

¨ Ang kawalan ng norms sa isang lipunan ay maaaring magdulot hindi


magandang ugnayan sa mga mamamayan na nakatira dito sapagkat
walang batayan na siyang pagiging daan upang sila ay magka-ayos.
D. SIMBOLO (Symbols) - ang paglalapat ng
kahulugan sa isang kilos o bagay ayon sa gamit
nito sa isang indibiwal.
Ilang halimbawa ay sumusunod:
- ang pagtango na nangangahulugang
pagpayag;
- pagkikipagkamay na ang ibig sabihin ay pakikipagkasundo;

- ang pagsusuot ng itim na ang ibig sabihing ay pagluluksa;


- ang pagsusuot ng polka dots tuwing sasapit ang Bagong Taon;

- ang paggamit ng tsek bilang tama o ekis na nangangahulugang


mali at
- ang mga kumpas ng ating mga kamay na siyang nagsasalita
para sa atin.

Ang bawat indibidwal ay bahagi ng lipunan na kanyang


kinabibilangan,

maging anomang status ang kanyang tinatamasa dito. Ngunit hindi


maiaalis na
magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa institusyon ng lipunan.

Subalit kailangan nga ba, maaaring ang isang isyung personal ay


maging isang isyung panlipunan?

SOCIOLOGICAL IMAGINATION

 Isyung Personal- maaaring maituring na isang isyung personal ang


suliranin kung ito ay sa pagitan ng isang indibidwal at malapit sa
kanya. Ang mga tunggalian sa isyung personal ay maaaring
masolusyonan sa kamay ng indibidwal. Ito ay mga personal n usapin.
- Ang ilang halimbawa ay ang sumusunod:
a. ang pagkakaroon ng sakit ng isang indibidwal
b. ang kawalan ng baon ng isang mag-aaral upang makapasok sa
paaralan
c. ang pagiging late ng isang mangagawa dahil sa hindi nagising
nang maaga

 Isyung Panlipunan - ang isang isyung panlipunan ay suliranin na


kinakaharap ng lipunan. Ang mga suliranin o isyung panlipunan ay
mga problema na kinaharap ng sambayanan at pinagtutuunan ng
pansin ng pangkat ng tao o ng pamahalaan. At ang solusyon sa mga
isyung ito ay lubhang makakaapekto maging mabuti man o hindi sa
sambayanan.
- Ang ilan sa halimbawa ay ang mga sumusunod:
a. ang malawakang traffic sa EDSA at iba pang bahagi ng
Kamaynilaan;
b. ang pagkakaroon ng suliranin sa basura sa lahat ng panig ng
bansa; at
c. ang problema sa kriminalidad tulad ng nakawan, drugs at iba pa

 Sociological Imagination – ito ay ugnayan sa pagitan ng isyung


personal at isyung panlipunan. Kung makikita na ang isyung
kinakaharap ng isang tao ay maaaring makaapekto sa isyung
kinakaharap ng lipunan o ang isyu ng lipunan ay maaaring maging
isyu ng iisang tao o lupon ng tao. Ito ay pinagtutuunan ng pansin ng
pamahalaan upang hindi maging pambansang suliranin.

- Ang ilang halimbawa ay ang sumusunod:


a. ang pagputok ng Bulkang Taal na nagdulot ng matamlay na
turismo sa lalawigan ng Batangas, Tagaytay at maging Laguna;
b. ang pandemyang COVID-19 na kumitil sa buhay ng maraming
Pilipino;
c. ang pagkakaroon ng sakit na dengue na nagiging dahilan ng
kamatayan ng maraming mamamayan at
d. ang impluwensiya ng bawal na gamot tulad ng marijuana,
shabu, cocaine.

Sa mga halimbawang ipinakita, mapapansin na ang mga ito ay hindi


mga problema na mabilis solusyunan ng iisang tao o lupon ng tao ngunit
nararapat napagtuunan ng isang ahensya ng pamahalaan sa patnubay ng
pangulo ng bansa o kahit sinong pinuno o lider ng bansa. Ang paggawa ng
solusyon ay dapat pinagaaralan at isinasangguni sa mga may pinag-aralan
upang makamit ang tagumpay sa pagsugpo ng suliranin.

Binabati kita! Matagumpay mong natapos ang unang paksa - Isyu at


Hamong Panlipunan sa ating Modyul 1. Ngayon naman ay dumako tayo sa
ilang pagsasanay upang ating tahayin ang lawak ng iyong pagkaunawa sa
aralin. Ihanda mo na ang iyong sagutang papel at simulan na.

You might also like