You are on page 1of 25

Magandang

HAPON
GRADE-10-
LAYUNIN
1. Natutukoy ang kahulugan ng
kontemporaryong isyu,
2. Natatalakay ang katuturan ng
lipunan at ang mga bumubuo
rito,
3. Nauunawaan ang kahalagahan ng
lipunan at ang mga bumubuo rito.
Balik-aral:
Ibigay ang kahulugan
ng Ekonomiks.
Tukuyin ang dalawang
uri ng Ekonomiks
Ano ba ang ibig
sabihin ng
Kontemporaryong
Isyu?
Ang kontemporaryo
(contemporary) ay mula sa
salitang Latin na com na
nangangahulugang “may kasama”
at temporarius mula sa salitang
tempus na ibig sabihin ay “oras”.
Ang salitang kontemporaryo
(contemporary) ay naglalarawan sa
takdang panahon hanggang sa
kasalukuyan. Ito ay tumutukoy sa
katangian na nagpapakilala sa
kasalukuyan habang ang salitang isyu
(issue) ay nangangahulugang mga
pangyayari, mga sigalot o problema na
pinag-uusapan sa lipunan.
Dalawang mahalagang
pinagmumulan ng
impormasyon:
Primaryang Sanggunian
Sekondaryang Sanggunian
Primaryang Sanggunian
ibig sabihin ang
pinagmumulan ng
impormasyon ay mula sa
orihinal na nagsulat o
nakaranas ng pangyayari
 
Sekondaryang Sanggunian –
ang pinagmulan ng
babasahin ay hindi
nanggaling sa primaryang
sanggunian at maaaring
magamit na batayan sa
kasalukuyan.
ANG
LIPUNAN
1. AYON KAY DURKHEIM, ANG LIPUNAN AY
ISANG BUHAY NA
ORGANISMO NA PATULOY NA KUMIKILOS AT
NAGBABAGO NA KUNG SAAN NAGAGANAP
ANG MGA PANGYAYARI. BINUBUO NG IBA’T
IBANG INSTITUSYON NA NAG-UUGNAY SA
ISA’T ISA UPANG BUMUO NG LIPUNAN.
Ayon kay Isabel Panopio ang lipunan ay
isang sistematikong komunidad na binubuo
ng balangkas at gampanin. Ang balangkas ay
tumutukoy sa organisasyon ng mga
mamamayan na gagawa ng mga batas upang
sundin ng lipunan,habang ang gampanin
naman ay tumutukoy sa kakayahan ng tao
na gawin ang kanyang bahagi sa lipunan.
Ayon kay Karl Marx
Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian
ng interes sa kapangyarihan. Ito rin ay
kakikitaan ng hindi pagkakasundo dulot
ng pagkakaroon ng limitadong
pinagkukunang yaman ng bansa. Bunga
nito, nagkakaroon ng hindi pantay na
antas ng pamumuhay sa lipunan.
Ayon kay Charles Cooley
Ang lipunan ay magkakawing na
ugnayan ng tao sa kanyang kapaligiran.
Mas nakikilala ng tao ang kanyang sarili
sa kanyang pakikisalamuha sa kanyang
kapaligiran. Ang maayos na pakikipag-
usap ay isang paraan upang maging
mapayapa ang interaksyon ng bawat isa.
Istrukturang
Kultura ito ay sistema o paraan
ng pamumuhay ng isang
pamayanan na naniniwala
sa iisang ugnayan upang
magkaroon ng organisadong
lipunan.
DALAWANG URI NG
KULTURA
Materyal

Di-Materyal
MATERYAL - ito ay bahagi ng
kultura na nagbibigay ng kahulugan
at mahalaga para sa pag-unawa ng
kultura halimbawa ay mga likhang–
sining, tula, mga kagamitan at
maging mga gusali.
HINDI MATERYAL -mga bahagi ng
pang-araw–araw na pamumuhay ng mga
tao katulad ng awit, batas, ideya at mga
paniniwala. Ito ay karaniwang
ibinabahagi sa pamamagitan ng kilos o
gawi.
Takdang Aralin
Magsaliksik tungkol sa
SOCIOLOGICAL IMAGINATION
Ipaliwanag ang Tatlong uri nito.

You might also like