You are on page 1of 5

ARALING PANLIPUNAN 10

Mga Kontemporaryong Isyu


Modyul 1 – Konsepto ng Lipunan at Kultura

Pangalan Pangkat
Paksa Lipunan at Kultura
Markahan Una
Guro G. Mike Allen D. Religioso, LPT

Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard) Pamantayan sa Pagganap (Performance


Standard)
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng
sanhi at implikasyon ng mga lokal at programang pangkabuhayan (livelihood project)
pandaigdigang isyung pang-ekonomiya tungo sa batay sa mga pinagkukunang yaman na
pagkamit ng pambansang kaunlaran matatagpuan sa pamayanan pang makatulong sa
paglutas sa mga suliraning pangkabuhayan na
kinakaharap ng mga mamamayan

Matapos matalakay ang modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


 Natatalakay ang katuturan ng Lipunan at mga elementong bumubuo rito;
 Nasusuri ang istrukturang panlipunan at mga konsepto nito;
 Naipaliliwanag ang katuturan ng kultura at mga salik nito; at
 Nakikilala at natatanggap ang kahalagahan ng ugnayan sa lipunan sa pamamagitan ng
mga inihandang gawain.

Ang Lipunan

 Ito ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong


komunidad na may iisang batas, tradisyon at pagpapahalaga.
 Binubuo ito ng iba’t ibang institusyon, ugnayan at kultura.
 Tumutukoy din ito sa organisadong sistema ng ugnayan ng mga miyembro na may iisang
batas, tradisyon at pagpapahalaga.

Mayroong tatlong pangunahing konsepto ang lipunan ayon sa mga sociologist:

David Emile Durkheim - Ang Lipunan ay isang buhay na organismo


kung saan nagaganap ang mga pangyayari at gawain. Binubuo ang
Lipunan ng magkakaiba subalit magkakaugnay na pangkat at
institusyon.

Karl Marx - Ang Lipunan ay kakikitaan ng tunggalian sa


kapangyarihan. ito ay dahil sa pag-aagawan ng tao sa limitadong
pinagkukunan ng yaman.

Charles Cooley - Ang Lipunan ay binubuo ng nga tao na may


nagkakawing na ugnayan at tungkulin. Nauunawaan at higit na
nakikilala ng tao ang kanyang sarili sa pamamagitan ng
pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng lipunan.

1
Magkakaiba man ang pagpapakahulugan sa lipunan, makikita na ang mga sosyologong ito ay
nagkakaisa na ang lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon, ugnayan, at kultura. Bilang mag-aaral,
mahalagang maunawaan mo kung ano-ano ang bumubuo sa lipunan.

Ang Consensus at Conflict Theory

Consensus Conflict
Nagsasaad na ang sistemang panlipunan at pang- Sinasabi nito na ang pagbabago sa lipunan ay
ekonomiya ay kapwa mga patas na sistema. Sa matatamo sa pamamagitan ng pagtatalo o
konseptong ito, ang pagbabago sa lipunan ay tunggalian. Ayon kay Karl Marx, ang lipunan ay
matatamo kung mag-uugat ito sa mga institusyon. nasa state of perpetual conflict dahil sa patuloy na
Sa pananaw na ito, sinasabi na ang kawalan ng kompetisyon sa limitadong pinagkukunang
tunggalian o conflict ay nagpapakita ng yaman. Taliwas sa consensus o conformity,
pagkakapantay-pantay ng mga miyembro ng isinasaad nito na mapapanatili lamang ang
lipunan. Tinutukoy din ang consensus na pananaw kaayusan sa lipunan sa pamamagitan ng
bilang tagapagpanatili ng status quo. dominasyon at kapangyarihan ng ilan.

*Status Quo – tumutukoy sa kasalukuyang kalagayan ng lipunan na maaaring katanggap-tangap para sa iilan.
*State of Perpetual Conflict – tumutukoy sa estado ng lipunan dahil sa walang hanggang kompetisyon sa pinagkukunang yaman
ng mga tao upang mabuhay. Halimbawa nito ay ang pananatili ng mga mayayaman sa itaas ng “hierarchy” sa lipunan.

Class Struggles/Class Conflict

Tinatawag din ito na “Class Warfare” kung


saan mayroong tensiyon sa pagitan ng mga
miyembro ng lipunan dahil sa mga pansariling
interes o kagustuhan.

Ayon kay Karl Marx, nagkakaroon ng class


struggle dahil magkakaiba ang interes ng bawat
miyembro ng lipunan. Kaakibat ito ng pananaw ng
conflict theory kung saan ang tunggalian ay
kinakailangan upang magkaroon ng pagbabago sa
lipunan (social change).

Mayroong iba’t ibang anyo ang class struggle:

1. Direct Violence – Tumutukoy sa pagkakaroon ng


pinsala sa isang tao dahil sa kagagawan ng ibang
tao.

2. Indirect Violence – Tumutukoy sa pagkakaroon


ng pinsala sa tao na kagagawan ng iba pang salik
katulad ng kahirapan, korupsyon, kalikasan, mga
sakit at iba pang mga bagay na maaaring
makapaminsala ng buhay o ari-arian. Mayroong
iba’t ibang anyo ang Indirect Violence:

2.1. Cultural Violence – Ito ay ang pagtuligsa sa iba pang kultura. Halimbawa nito ang mga “hate
speeches”, tsismis, xenophobia, isyung pangkasarian at “chosen-ness”.
2.2. Structural Violence – Naglalarawan ito sa mga hamong panlipunan na kadalasang nagpapakita ng
hindi pagkakapantay-pantay sa estado ng pamumuhay. Ilan sa mga ito ay ang kahirapan, korupsyon,
apartheid, at kolonyalismo.

2
2.3. Ecological Violence – Ito ay ang mga banta sa kalikasan na karaniwang dulot ng tao. Ang polusyon,
over consumption, at pagkasira ng mga tirahan ng mga hayop ay mga halimbawa ng ecological violence.

*Xenophobia – Pagkakaroon ng takot o pagkawalang tiwala sa mga taong mula sa ibang lahi.
*Apartheid – Ito ay ang sistemang panlipunan na laganap noong 1948 hanggang 1990s sa South Africa kung saan inihiwalay ang
mga “blacks” sa mga puting Aprikano. Nakilala rin ito dahil sa “Baasskap” o “White Supremacy”. Maging ang paggamit ng mga
pampublikong lugar ay diktado ng pamahalaan at alinsunod sa lahi.

3. Coercion – Tumutukoy sa mga banta na maaaring ikapinsala ng tao. Kabilang dito ang pagkawala ng
hanapbuhay o pagkawala ng mga ari-arian.

4. Ideological – Ito ay ang tunggalian ng iba’t ibang tao sa aspetong intelektuwal kung saan ang mga tao
ay maaaring may iba’t ibang pananaw patungkol sa isang bagay. Halimbawa nito ay mga aklat, artikulo
at mga teorya.

Mga Elemento ng Istrukturang Panlipunan

Ang lipunan ay binubuo ng apat na elemento: Institusyon, Status, Social Group at Social Roles

1. Institusyon – ito ay tumutukoy sa organisadong sistema ng ugnayan sa lipunan na pinatatatag ng misyon


o layunin. Karaniwang binubuo ito ng mga miyembro na may relasyon o ugnayang sosyal
sa bawat isa. Maaaring relihiyon, pang-edukasyon o malawakang samahan ang isang
institusyon. Halimbawa ay paaralan, simbahan, pulitika at organisasyon.

2. Social Group – tumutukoy ang social group sa ugnayan ng dalawa o higit pa’ng bilang ng miyembro ng
isang institusyon na may parehong interes o mayroong pagkakahalintulad batay sa
kanilang katangian. Mayroon itong dalawang uri: ang Primary Group at Secondary Group.

3. Status - ito ay ang kalagayang panlipunan ng isang tao ayon sa posisyong kanyang kinalalagyan
sa lipunan. Mayroong dalawang uri ang status: Ascribed at Achieved.

4. Social Roles o mga Gampanin – tumutukoy naman ang gampanin ng isang tao sa kanyang mga
obligasyon, karapatan at kilos na inaasahan sa lipunan. Mahalaga ang pagsasagawa ng
mga gampanin ng bawat indibidwal sa lipunan dahil napapanatili nito ang “social
function” ng isang institusyon o grupo. Ang hindi pagtugon sa mga gampanin na inaasahan
sa lipunan ay tinatawag na “deviance”.

Ang Kultura
Ang kultura ay isang kumplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay-kahulugan sa paraan ng
pamumuhay ng isang grupong panlipunan o isang lipunan sa kabuuan (Andersen at Taylor, 2007). Ito ay
maaaring ilarawan bilang dynamic, assimilated (shared), symbolic, learned at adaptive (integrated).
Masasabi na kumplikado ang kultura dahil sa mga sumusunod:

a. Paniniwala – Tumutukoy ito sa mga kahulugan at paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan at


tinatanggap na totoo.

b. Pagpapahalaga – Ang pagpapahalaga ay hindi maaaring maihiwalay sa paniniwala ng isang


lipunan. Maituturing itong batayan ng isang grupo o ng lipunan sa kabuuan kung ano ang
katanggap-tanggap at kung ano ang hindi. Batayan ito kung ano ang tama at mali, maganda at
kung ano ang nararapat at hindi nararapat (Mooney, 2011).

c. Norms – Tumutukoy ito sa mga asal, kilos, o gawi na binuo at nagsisilbing pamantayan sa isang
lipunan. Ang mga norm ang nagsisilbing batayan ng mga ugali, aksyon, at pakikitungo ng isang
indibiduwal sa lipunang kaniyang kinabibilangan.

3
 Folkways – Ito ay ang pangkalahatang batayan ng kilos ng mga tao sa isang grupo
o sa isang lipunan sa kabuuan.
 Mores – Ito ay tumutukoy sa mas mahigpit na batayan ng pagkilos. Ang paglabag
sa mga mores ay magdudulot ng mga legal na parusa (Mooney, 2011). Kaiba sa
folkways, mas malawak ang sakop ng mores sapagkat ito ay ang pangkalahatang
pamantayan ng pagkilos o pag-asal sa lipunan.
 Taboos – Ito ay ang mga gawaing hindi katanggap-tanggap sa lipunan o taliwas
sa pangkalahatang pamantayan ng pagkilos bilang tao at miyembro ng lipunan.
Halimbawa nito ay ang incest at bestiality.
 Laws – Ang mga batas ay mga patakaran at legal na pamantayan ng isang
lipunan o ng isang bansa, na siyang naisusulat ayon sa pamahalaan. Ang
pagsuway sa batas ay mayroong kaukulang parusa.

*Incest – ito ay ang pakikipagtalik ng isang indibiduwal sa miyembro ng kaniyang pamilya o kadugo.
*Bestiality – ito ay ang pakikipagtalik ng tao sa hayop na siyang maituturing na “crime against nature”. Taboo ang turing sa
gawaing ito dahil hindi ito naaayon sa pamantayang pagkatao at moral na panlipunan.

d. Simbolo – Ang simbolo ay ang paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng mga taong gumagamit
nito. (White, 1949). Kung walang simbolo, walang magaganap na komunikasyon at hindi rin
magiging 4arapata ang interaksiyon ng mga tao sa lipunan. Ang mga halimbawa ng simbolo ay
wika, mga pagkumpas (gestures), at iba pang bagay na nauunawan ng mga miyembro ng isang
lipunan.

*Dynamic – nagbabago; maaaring mapalitan; patuloy na umuunlad


*Assimilated – maaaring mailipat o maisalin mula sa isang henerasyon patungo sa kasunod
*Symbolic – gumagamit ng mga simbolo o mga senyas upang mas maunawaan ang isang konsepto
*Learned- ang kultura ay maaaring mapag-aralan o matutunan (enculturation)
*Adaptive – ang kultura ay maaaring umayon batay sa panahon

Ang Sociological Imagination (Isyung Personal at Isyung Panlipunan)

Ayon kay C. Wright Mills, ang Sociological Imagination ay ang paraan ng pagtingin sa lipunan sa
pamamagitan ng paggamit ng perspektibong panlipunan kaysa pansarili lamang. Nangangahulugan na
pinupukaw nito ang kamalayan ng isang indibidwal batay sa kanyang sariling pananaw at hindi dahil sa
mga norms o pamantayang panlipunan o pangkultura.
Kadalasan, ang kawalan ng sociological imagination ang nagiging dahilan ng pagkakaroon ng
suliranin sa lipunan. Halimbawa, nagkakaroon ng “apathy” o kawalang-interes ang isang tao sa kapwa,
maaaring dahil magkaiba sila ng paniniwala, lahi o kulturang kinagisnan.
Kawalan din ng Sociological Imagination ang dahilan ng paglaganap ng Holocaust noong panahon
ng Imperyong Nazi noong 1941 hanggang 1945. Dahil mas umiral ang pagsunod sa mga batas ng imperyo
kaysa “sympathy” sa karapatan at dignidad ng tao ay marami ang namatay sa malawakang “genocide” na
naganap.
Isa pa’ng halimbawa nito ay ang isyu sa mabigat na trapiko sa Pilipinas at ang pagpasok nang “late”
sa trabaho. Maaaring isisi sa tao ang kaniyang pagiging huli sa pagpasok at ito ay maituturing na isyung
personal. Ngunit, kung gagamitan ng sociological imagination ang nasabing isyu, maaaring iugnay ang
palagiang pagpasok nang huli ng mga tao sa mabagal at mabigat na daloy ng trapiko. Ibig sabihin, hindi
lamang ang personal na problema ang dapat ayusin kundi ang mas malaking suliranin na nakakaapekto sa
pamumuhay ng karamihan sa lipunan.

*Holocaust – ito ay ang malawakang genocide o pagwaksi ng mga European Jews na isinagawa ng Nazi Germany. Kilala rin ito
sa tawag na “Shoah”.
*Sympathy – ito ay ang pagkakaroon ng interes o kamalayan sa damdamin, dignidad at karapatan ng iba

4
Gawain 1. Headline Suri

Maghanap ng isang balita at ipaliwanag kung bakit ito maituturing na isyu o suliraning panlipunan.

Gawain 2. Photo Essay

Sa isang oslo paper ay gumawa ng Photo Essay na nagpapakita ng iba’t ibang isyu at hamong
panlipunan na dulot ng mga elemento ng istrukturang panlipunan. Maaaring gumupit ng mga larawan sa
magazine o kumuha ng mga ito sa internet. Gawing batayan ang rubric sa pagmamarka bilang gabay sa
pagtupad ng gawaing ito.

Rubrik sa paggawa ng Photo Essay


Pamantayan Deskripsiyon puntos nakuhang puntos
Ang mga inilagay na larawan
at paliwanag ay tumutugma
Kawastuhan sa paglalarawan at konsepto 10
ng isang isyu at hamong
panlipunan
Wasto at makatotohanan
ang impormasyon. May
Nilalaman pinagbatayang pag-aaral, 7
artikulo, o pagsasaliksik ang
ginamit na datos.
Kumprehensibo at malinaw
ang daloy ng photo essay.
Maayos na naipahayag ang
Organisasyon 5
konsepto ng isyu at hamong
panlipunan gamit ang mga
larawan at datos.
May sariling istilo sa
pagsasaayos ng photo essay.
Gumamit ng mga angkop na
Pagkamalikhain 3
disenyo at kulay upang
maging kaaya-aya ang
kaanyuan ng produkto.
kabuuan 25

Gawain 3. Venn Diagram

Gamit ang Venn diagram ay ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng isyung personal at isyung
panlipunan.

Isyung Personal
Pagkakatulad

Isyung Panlipunan

The human being is in the most literal sense a political animal, not merely a gregarious animal,
but an animal which can individuate itself only in the midst of society.

- Karl Marx

You might also like