You are on page 1of 10

Elemento ng

Lipunan
Teritoryo
-lawak na nasasakupan ng lipunan at tinitirhan ng mga tao.

Soberanya
-pinakamataas na kapangyarihan ng lipunan para mapatupad o mag-utos ng kagustuhan nito sa
mga mamamayan sapamamagitan ng mga batas. Ito ang likas at lubos na karapatan
atkakayahan ng lipunan na mag pairal ng sariling mga layunin at naisinito sa pamamagitan na
batas na malaya sa kontrol o panghihimasokng ibang lipunan.
Emile Durkheim

  “Ang lipunan ay isang buhay na organismo


kung saan nagaganap ang mga pangyayari at gawain.
Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago. Binubuo
ang lipunan ng magkakaiba subalit magkakaugnay
na pangkat at institusyon. Ang maayos na lipunan ay
makakamit kung ang bawat pangkat at institusyon
ay gagampanan nang maayos ang kanilang
tungkulin.”

Charles Horton Cooley

  “Ang lipunan a
higit na nakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa
pamamagitan ng pakikisalamuha
sa iba pang miyembro ng lipunan. Makakamit ang
kaayusang panlipunan sa pamamagitan ng maayos
na interaksiyon ng mga mamamayan.”
Institusyon
  ay organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan. (Mooney, 2011). Isipin
halimbawa ang isang pangkaraniwang araw. Magsisimula ito sa paghahanda ng mga
miyembro ng pamilya para sa kani-kaniyang mga gawain. Ang pamilya ay isa sa mga
institusyong panlipunan, dito unang nahuhubog ang pagkatao ng isang nilalang. Mula sa
tahanan, maaaring ang ibang miyembro ng pamilya ay magtungo sa paaralan samantalang
ang iba naman sa kanila aymagtatrabaho o kaya ay mamimili ng kanilang pangangailangan.
Tulad ng pamilya, ang paaralan ay nagdudulot ng karunungan, nagpapaunlad ng kakayahan,
at patuloy na naghuhubog sa isang tao upang maging kapakipakinabang na mamamayan, isa
rin itong institusyong panlipunan. Samantala, ang mga taong nagtatrabaho at kumokonsumo
ng produkto ay bahagi ng isa pang instituyong panlipunan – ang ekonomiya.

Status
  Kung ang mga institusyong panlipunan ay binubuo ng mga social groups, ang mga
social groups naman ay binubuo ng iba’t ibang status. Ang status ay tumutukoy sa posisyong
kinabibilangan ng isang indibiduwal sa lipunan. Ang ating pagkakakilanlan o identidad ay
naiimpluwensiyahan ng ating status. May dalawang uri ng status: ito ay ang ascribed status
at achieved status .
Bb.. Jane Marie L.. Abucayan
Guro sa Wika

Junifritz T. Ladera
WADT BLK3
Kahulugan ng Lipunan
Ang lipunan ay isang grupo ng mga tao o mamamayan na binibigyan ng katangian o
paglalarawan sa mga huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat indibidwal na binabahagi ang
ibat-ibang kultura at mga institusyon. Ang lipunan ay kinapapalooban ng pamilya, mga
institusyon at ibat-ibang istuktura sa paligid. Pagkakaisa ang pangunahing katangian na
makikita sa isang lipunan.

Ang lipunan ay nangangahulugang "Lipon Ng Tao".  Dahil ang lipunan ay isang nasyon


na pinagiisa ng aspetong sosyo-kultural at pulitikal. Bumubuo sa teritoryo, kultura at
tradisyon ang isang lipon ng tao. Tayo ang istruktura ng lipunan kaya may mga tungkulin
tayo na dapat gawin para maging tiwasay ang ating pamumuhay

Tao o Mamamayan
-ang pinaka mahalagang elemento ng lipunan nananinirahan sa isang tiyak na teritoryo o lupang
sakop ng lipunan.
Pamahalaan
-ahensiya na nagpatupad ng mga batas at mga kautusanat nagpapahayag sa kalooban ng
lipunan.

LIPUNAN
((Ayon Kay… ))
Karl Marx

  “Ang lipunan ay
aagawan ng mga tao sa limitadong
pinagkukunangyaman upang matugunan ang kanilang
pangangailangan. Sa tunggalian na ito, nagiging
makapangyarihan ang pangkat na kumokontrol sa
produksyon. Bunga nito, nagkakaroon ng magkakaiba
at hindi pantay na antas ng
tao sa lipunan na nakabatay sa yaman at
kapangyarihan.”

Mga Elemento ng Istrukturang Panlipunan


Ang mga elemento ng istrukturang panlipunan ay ang institusyon, social groups, status
(social status), at gampanin (roles).

Istrukturang Panlipunan
  Ipagpalagay na ang lipunan ay tulad ng isang barya na may dalawang mukha: ang isang
mukha ay tumutukoy sa mga istruktura ng lipunan at ang isa naman ay tumutukoy sa kultura.
Bagama’t ang dalawang mukha ay magkaiba at may kani-kaniyang katangian, mahalaga ang
mga ito at hindi maaaring paghiwalayin tulad na lamang kapag pinag-uusapan ang lipunan.
Social Group
Ang mga institusyong panlipunan ay binubuo naman ng mga social group. Tumutukoy ang
social group sa dalawa o higit pang taong may magkakatulad na katangian na nagkakaroon ng
ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang panlipunan. May dalawang uri ng social
group: ang primary group at secondary group.

Ang primary group ay tumutukoy sa malapit at impormal na ugnayan ng mga indibiduwal. Kadalasan, ito ay
mayroon lamang maliit na bilang. Halimbawa nito ay ang pamilya at kaibigan.Sa kabilang banda, ang
secondary group ay binubuo ng mga indibiduwal na may pormal na ugnayan sa isa’t isa. Karaniwang
nakatuon sa pagtupad sa isang gawain ang ganitong uri ng ugnayang panlipunan. Isang halimbawa nito ay ang
ugnayan sa pagitan ng amo at ng kaniyang manggagawa, gayundin ang ugnayan ng mga manggagawa sa isa’t
isa.

Gampanin (Roles)
  May posisyon ang bawat indibiduwal sa loob ng isang social group. Ang bawat
posisyon ay may kaakibat na gampanin o roles. Tumutukoy ang mga gampaning ito sa mga
karapatan, obligasyon, at mga inaasahan ng lipunan na kaakibat ng posisyon ng indibiduwal.
Sinasabing ang mga gampaning ito ang nagiging batayan din ng kilos ng isang tao sa lipunang
kanyang ginagalawan. Halimbawa, bilang isang mag-aaral inaasahang gagampanan mo ang
mga tungkulin ng isang mabuting mag-aaral at inaasahan mo rin na gagampanan ng iyong
guro ang kaniyang mga tungkulin tulad ng pagtuturo nang mahusay at pagbibigay ng
pagsusulit sa klase.

You might also like