You are on page 1of 2

SALUS INSTITUTE OF TECHNOLOGY

Cabulijan, Tubigon, Bohol


S.Y. 2021-2022

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

Guro: Gng.Aileen J. Batausa,RN, LPT

Ikalawang Markahan (Unang Linggo)

Modyul 1: Pakikipagkapwa at Ako

ALAMIN!

Isang napakagandang katangian ng mga Pilipino ang mabuting


pakikipagkapwa. Likas sa mga Pilipino ang makipag-ugnayan at pagiging bukas-palad
sa kapwa. Nasa paglilingkod sa kapwa ang pagpapayaman sa ating pagkatao at
pagsasakatuparan ng ating kaganapan.
Sa modyul na ito ay masusuri mo ang kahalagahan at lawak ng
pakikipagkapwa bilang isang kabataang Pilipino.
Natutukoy ang mga taong itinuturing niyang kapwa (EsP8PIIa-5.1)
Nasusuri ang mga impluwensya ng kanyang kapwa sa kanya sa aspektong
intelektwal, panlipunan, pangkabuhayan, at pulitikal (EsP8PIIa-5.2)

SURIIN!

Ang kapwa ay ang mga taong labas sa sarili. Isa sa pinaka-importante sa


pagiging tao ang pakikipag-kapwa tao. Dahil marami kang matututunan sa
pakikisalamuha sa kanila. Lahat ng tao sa paligid tulad ng iyong kapitbahay,
kaklase, kaibigan at maging ang iyong kaaway ay iyong kapwa. Kasama sa iyong
kapwa ang mga guro, kapulisan, tindera, tricycle driver at iba pa. Kailangan ng tao
ang maikipag-ugnayan sa kapwa upang mahubog niya ang mga aspektong
naghihintay ng pagtuklas at kaganapan. Umuunlad ang kanyang pagkatao ayon sa
kanyang karanasan na makibagay at makisama sa iba.May pangangailangan ka
na maaari lamang na matugunan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan mo sa
iyong kapwa. Nararapat na may lakip na paggalang at pagmamahal ang pakikipag-
ugnayan natin sa ating kapwa (Agapay, 1991.) Sa pakikipagkapwa lumalawak at
lumalalim ang pananaw sa buhay. Hindi lubos na makikilala ang sarili kung hindi
makikipag-ugnayan sa kapwa. Sa pakikipagkapwa kinakailangan ipahayag ang
mga kaisipan at damdamin upang mapagtibay ang ugnayan sa kanila.
Gaano man kataas ang naabot na tagumpay sa buhay kung hindi naman ito
naibabahagi sa iba nawawalan ito ng saysay o kabuluhan.

1
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
Ikalawang Markahan ( Unang Linggo)

Pangalan: ________________________________ Iskor: ___________


Baitang at Seksiyon: _____________________ Petsa: ___________

Guro: Gng.Aileen J. Batausa,RN, LPT

PAGYAMANIN!

Gawain 1. Puzzle
Panuto: Hanapin at tukuyin ang sampung tao na maituturing mong kapwa
gamit ang puzzle. Maaaring ang mga titik ng salita ay pahalang, patayo, pabalik, o
padayagonal. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

L T K A P I T B A H A Y S D
A A B U K A K L A S E N A J
G T O K A H O Y W K K U L K
O A L D N A G I B I A K A O
S Y A B U M B E R O A L P P
P L D A D E H U K A W C I L
H U N D P A R I A N A S D A
A S U G K P K I P A Y B N L
T U S A N Y A N A N E T O L
L D O K M C V B T G U R O C
B U L A K N M I I B A H A Y
M G U K A P A K D O M O P L

Gawain 2.
MGA KATANUNGAN…

KAYANG-KAYA KO ‘TO!

1. Kaya mo bang mabuhay ng mag-isa at walang kasama? Ipaliwanag.


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Bakit kailangang makipagkapwa-tao?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Sanggunian

 Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Modyul para sa Mag-aaral, DepEd-


BLR, Unang Edisyon 2013, pp 117-132

You might also like