You are on page 1of 6

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (EsP)

BAITANG 10, LINGGO 7

DIGNIDAD NG TAO

PANGALAN: __________________________________ PETSA: ____________

I. PANIMULANG KONSEPTO

Gaano ba kahalaga ang buhay na ipinagkaloob saiyo ng Diyos?


Ang tao ay biniyayaan ng Diyos ng isip at kilos-loob (intellect and will). Bukod
dito, pinagkalooban din ng Diyos ang tao ng dignidad kung kaya buo ang kanyang
pagkatao. Wala itong katumbas na halaga.
Tara, ating tuklasin at bigyan nang ibayong pagkaunawa.

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO MULA SA MELCS

4.1 (EsP10MP-If-4.1) Nakapagpapaliwanag ng kahulugan ng dignidad ng tao.

III. MGA GAWAIN

Talas-Mata!

Panuto: Hanapin ang mga natatagong salita. Bilugan mo ang mga salitang
nauugnay sa dignidad ng tao.

R T G N N P B G D N M T A I V F D
V T A S D T B N M Z F T D N O P R
G H T Y U B D F R C T C S T F K I
I P A G K A T A O V N M T E Y A C
T G B Y X D A N G A L X Z G Q R F
Q W E R T Y U I O P L M N R F A D
A S D F G H H J K L M Z V I B N R
Z X C V B N M M J H G A F D R G L
M A L I N I S N A P A N G A L A N
E D C T G B B N M Q A T Y D B L E
A S D F G H J K L P O I U T R A C
L K J H G F D S A M N B V C X N F

1
RO_Edukasyon sa Pagpapakatao_Grade 10_Q1_LP 13
Madali mo bang nahanap ang limang salita na may kaugnayan sa dignidad?

1. Isulat sa patlang ang mga salitang binilugan mo:

a. _____________________________________________
b. _____________________________________________
c. _____________________________________________
d. _____________________________________________
e. _____________________________________________

2. Buoin ang mga pangungusap gamit ang mga salita sa itaas.

Ang dignidad bilang bahagi ng _______________ ng isang tao ay


napakahalagang aspeto na dapat ingatan na huwag madungisan ang
kaniyang __________________ upang maiangat ang kaniyang
_____________ at __________________. Ito ay kahanga-hangang
katangian na nagbibigay ng mataas na __________________ sa isang
tao.

3. Ano ang iyong mga nahinuhang kahulugan ng pahayag sa itaas?

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Nagkakaroon na ba ng linaw ang kahulugan ng dignidad ng


tao? May gusto ka pa bang itanong sa iyong guro?

GAWAIN 2

Talas-kaisipan!

Huminga ka muna nang malalim at isagawa ang gawain.

2
RO_Edukasyon sa Pagpapakatao_Grade 10_Q1_LP 13
Panuto: Gumawa ka ng hashtags, hugot o kasabihan tungkol sa tunay na kahulugan
ng dignidad.

Sa bahaging ito, napagnilayan mo ba ang hugot o kasabihan


na isinulat mo?

1. Batay sa nagawa, ano ang pakahulugan mo ng dignidad?


______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
2. Kailan mo masasabi na ang tao ay may pagpapahalaga sa dignidad?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
3. Magbigay ng tatlong gawain na lumalabag sa dignidad ng tao.
a. _________________________________________________________
b. _________________________________________________________
c. _________________________________________________________

Nakatulong ba ang gawain para unti-unti mong maunawaan


ang kahulugan at kahalagahan ng dignidad ng tao?

IV. PAGPAPALALIM

Ano ba ang dignidad? Bakit ito mahalaga?

● Ayon sa etimolohiya, ang dignidad ay sistema sa salitang Latin na “dignitas”,


mula sa “dignus”, na ang ibig sabihin ay “karapat-dapat”. Ang dignidad ay
nagangahulugang pagiging karapat-dapat na tao sa pagpapahalaga at
paggalang mula sa kanyang kapwa.
● Ang paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao ay panghabambuhay.

3
RO_Edukasyon sa Pagpapakatao_Grade 10_Q1_LP 13
● Ayon naman sa western philosophy, ang dignidad ay tumutukoy sa
obhetibong pagpapahalaga na may kaugnayan sa kahinahunan, katahimikan,
marangal na pamamaraan at pagkilos.
● Ayon sa relihiyon, nag-ugat ang dignidad ng tao ayon sa pagkakalikha sa
kaniya na kalarawan at kawangis ng Diyos. Ang banal na imahe ng Diyos ay
nasasalamin sa bawat tao.
● Tayo ay nilikha ng Diyos dahil sa pagmamahal, kung kaya’t may kakayahan
tayong umibig at magmahal na makapagpapanatili ng dignidad ng tao.

Ang Apat na Uri ng Dignidad:

1. Dignity of Merit – Ito ay nauugnay sa pormal at di pormal na estado ng tao


sa lipunan. Ang dignidad na ito ay tinutukoy na dignidad ng merito o dignity of
merits.
2. Dignity as Moral Stature – Nakatali ito patungkol sa pagrespeto sa sarili at
nakadepende sa pag-uugali ng bawat isa. Ito’y batay o resulta ng moral na
kilos ng isang tao kung kaya’t ito ay maaaring madagdagan, mabawasan o
mawala sa pamamagitan o depende sa kilos ng tao dahil ang dignidad na ito
ay nakabatay sa kaniyang nagawa.
3. Dignity of Identity – Ito ay nakatali sa pagkakakilanlan ng tao na posibleng
magbago sa pamamagitan ng ibang tao at panlabas na mga kaganapan.
Nakabatay rin ito sa integridad ng isang tao at nakadepende sa kaniyang self-
image.
4. Dignity of Menschenwurde – Isa itong Aleman (German) na salita na ang
ibig sabihin ay pagkakaroon ng likas na dangal na tanggap ng tao. Pang
unibersal na dignidad ito na patungkol sa lahat ng uri ng tao at nananatili
habang siya ay nabubuhay. Dahil tao ka, ito ay taglay mo at hindi mawawala.

Limang Prinsipyo ng Dignidad:

1. Prinsipyo ng paggalang – Ang bawat pagkilos ng tao ay dapat may


paggalang at lubos na pagpapahalaga sa kapakanan ng ibang tao.
Mahalagang igalang ang sarili upang makapagbigay din ng paggalang sa iba
dahil ang kagalang-galang na tao ay nabubuhay sa dignidad at paggalang sa
sarili. Ang pagrespeto sa pagkakaiba-iba ng tao sa ngalan ng relihiyon,
kultura, lahi at anumang antas ng tao sa lipunan ay isa sa mahahalagang
aspeto sa paghubog ng dignidad ng isang tao.
2. Prinsipyo ng mabuting kalooban – Ang tunguhin ng paggawa ay tungo sa
kabutihan. Ito ay karaniwang naisasagawa sa pamamagitan ng pagtaguyod
sa mga gawaing nagpapatingkad ng integridad at tahasang pag-iwas sa mga
bagay na magbibigay batik at makasisira sa iyong pagkatao. Ang tao ay may
malayang kalooban (will), dalawa lamang ang iyong pagpipilian: gumawa ng
mabuti o gumawa ng masama. Alin man ang gawin mo, ito ay may kaakibat
na responsibilidad.

4
RO_Edukasyon sa Pagpapakatao_Grade 10_Q1_LP 13
3. Prinsipyo ng katapatan - Ang katapatan ay maaaring maipakita sa kahit
anong pagkakataon. Ang pagkilala sa katapatan at integridad ng tao bilang
aspekto ng kabutihang loob ay isang mahalagang susi tungo sa kaayusan at
magandang samahan.
4. Prinsipyo ng katarungan- Ang pagbibigay sa tao kung ano ang nararapat
para sa kanila dahil ang katarungan ay nakabatay sa karapatan ng tao.
Anumang paglabag sa karapatan ay nawawala ang katarungan. Lahat ng tao
ano man ang antas, uri at kalagayan sa lipunan ay dapat na mabigyan ng
pantay na pagkakataon, marinig ang kanilang boses at hinaing, magkaroon
ng pantay na serbisyo, karapatan sa edukasyon at trato ng lipunan nang sa
gayon, walang naapi at naiiwan.
5. Prinsipyo ng kabutihang panlahat- Ang paggawa ng kabutihan ay para sa
lahat. Nararapat na naibibigay sa tao ang pangunahing pangangailangan, ang
mapayapa, maayos at mainam na pamumuhay sa pamamgitan ng iba’t ibang
serbisyong sosyal. Karapatan sa libreng edukasyon, abot kayang serbisyong
panggagamot, pagkakaroon ng iba’t ibang mapapasukang trabaho, atbp.

● Dahil sa dignidad, lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang


hindi makasasakit o makasasama sa ibang tao. Nangingibabaw ang
paggalang at respeto sa kapwa tao o kahit kanino.

Sa sukatan na 1-5, 1-pinakamababa at 5-pinakamataas,


paano mo tatayain ang natutunan mo tungkol sa kahalagahan
ng dignidad ng tao?

V. RUBRIK SA PAGPUPUNTOS

Rubrik para sa Gawain 1 at Gawain 2

5 3 1
Katamtaman ang
Malalim ang pag- Mababaw ang pag-
lalim ng pag-unawa
Kaalaman / unawa sa gawain unawa sa gawain na
sa gawaing
Pag-unawa na binibigyang binibigyang
binibigyang
reaksiyon reaksiyon
reaksiyon
Hindi gaanong
Maayos at malinaw May kalabuan ang
maayos at malinaw
ang pagkakabuo at pagkakabuo at
Organisasyon ang pagkakabuo at
pagkakalahad ng pagkakalahad ng
pagkakalahad ng
kasagutan kasagutan
kasagutan

5
RO_Edukasyon sa Pagpapakatao_Grade 10_Q1_LP 13
VI. SANGGUNIAN

● Institute for Development Education Center for Research and Communication.


● Perspective: Current Issues in Values Education. Sinag-Tala Publishers, Inc.,
● Manila.
● Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao, Grade 7
● Peralta, e., et.al, Edukasyon sa Pagpapahalaga Unang Taon. Peralta
Publications, Pasig City
● Punsalan, T.,et.al., Kaganapan ng Pagkatao . Rex Book Store, Manila.
● EsP10 Modyul Kwarter 1-Modyul 13 Linggo 4.1

Mula sa Internet

● https://www.scribd.com/presentation/441736796/PPT.
● https://wwww.slideshare.net/mobile/zholliimadrid/dignidad-ng-tao-
pangangalgaan-ko.Andrew,E. The Four Notions of Dignity
● https://www.emerald.com/insight/content/doi/10.1108/14717794200500004/fu
ll/html.
● https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/15487812
● https://researchgate.net/publication/254190557TheFourNotionsofDignity
● https://dhs.sa.gov.au/services/disability/dignity-in-care-principles

Inihanda ni: JOCELYN S. RAVALO

6
RO_Edukasyon sa Pagpapakatao_Grade 10_Q1_LP 13

You might also like