You are on page 1of 5

`

SELF-LEARNING MATERIAL
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
IKALAWANG MARKAHAN
EPISODE 1
GRADE 9

Kasanayang Pampagkatuto:
Natutukoy ang mga karapatan at tungkulin ng tao (EsP9TT-IIa-5.1);

Pagganyak (Motivation)

May karapatan ka ba?


Ano ang nararapat sa iyo bilang tao?
Bilang isang mamamayan, bakit kailangang mapapahalagahan ang iyong karapatan at
tungkulin sa iyong kapwa?

Pagtatalakay
Karapatan at Tungkulin
Karapatan bilang Kapangyarihang Moral
Ang karapatan ay ang kapangyarihang moral na gawin, hawakan, pakinabangan at
angkinin ang mga bagay na kailangan ng tao sa kaniyang estado sa buhay. Moral ito dahil
hindi maaaring puwersahin ng tao ang kaniyang kapuwa na ibigay sa kaniya nang sapilitan o
puwersahan ang mga bagay na kailangan niya sa buhay. Kaakibat sa karapatan ng isang tao
ang obligasyon ng kaniyang kapuwa na igalang ito. Kapag nilabag ang karapatang ito,
magkakaroon siya ng damdamin ng pagsisisi.

Mga Uri ng Karapatan


1. Karapatan sa buhay. Ito ang pinakamataas sa antas ng mga karapatan dahil kung wala ito,
hindi mapakikinabangan ng tao ang ibang karapatan. Dapat itong mangibabaw sa ibang
karapatan kung sakaling ito ay malagay sa panganib. Halimbawa, sa panahon ng taggutom,
kalamidad o gera, kailangang bigyan ng pagkain ng may-ari ng grocery o tindahan sa
palengke ang taong nagugutom. Ipinakita dito na nalilimitahan ng karapatan sa buhay ang
karapatan sa pribadong ari-arian. Kapag hindi nakatugon sa pangangailangang ito ang may-
ari ng grocery o tindahan, magkakaroon siya ng bigat ng konsensiya.

2. Karapatan sa pribadong ari-arian. Hindi maaalis sa tao ang karapatang ito dahil
kailangan niya ang mga ari-arian upang mabuhay nang maayos at makapagtrabaho nang
produktibo at nakikibahagi sa lipunan. Sa kabilang dako, magiging isang pang-aabuso ang
karapatang ito kung naaapi o naaagrabiyado ang mga manggagawa sa suweldo o mga
benepisyo.

3. Karapatang magpakasal. May karapatan ang taong bumuo ng pamilya sa pamamagitan ng


kasal.Halimbawa, kailangan ng kabataang nasa edad ng 17 o pababa ang pahintulot ng
magulang upang mapangalagaan siya sa anomang kapahamakan. Pinag-iingat din sa pag-
aasawa ang mga may nakahahawang sakit o may sakit sa isip, kahit taglay pa rin nila ang
karapatang magpakasal.
`

4. Karapatang pumunta sa ibang lugar. Kasama sa karapatang ito ang karapatang lumipat o
tumira sa ibang lugar na may oportunidad tulad ng trabaho o komportableng buhay o ligtas sa
anomang panganib, tulad ng paglikas ng mga taga-Syria upang takasan ang kamatayan o
pananakot sa kamay ng Islamic State. Nagbibigay din ng asylum ang ibang bansa sa mga
taong pinarurusahan o binibilanggo nang walang katarungan.

5. Karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya. May karapatan ang bawat tao
na piliin ang relihiyon na makatutulong sa kaniya upang mapaunlad ang kaniyang pagkatao at
pakikipag-ugnayan sa Diyos at kapuwa. Hindi maaaring gawing obligasyon ang pagkakaroon
o paglipat sa isang partikular na relihiyon upang matanggap sa trabaho o maging opisyal ng
pamahalaan.

6. Karapatang magtrabaho o maghanapbuhay. May obligasyon ang lipunan o pamahalaan


na magbigay ng trabaho o disenteng hanapbuhay sa mga mamamayan upang
mapakinabangan nila ang karapatang mabuhay. May karapatang magtrabaho sa ibang bansa
ang mga mamamayan kung walang oportunidad sa kanilang bansa na mapaunlad ang
kanilang estado sa buhay batay sa kanilang pangangailangan.

Tungkulin bilang Obligasyong Moral


Kung ang karapatan ay kapangyarihang moral, ano naman ang tungkulin? Ito ang
obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin (o iwasan) ang isang gawain. Moral ang
obligasyong ito dahil ito ay nakasalalay sa malayang kilos-loob ng tao. Kaya tulad ng
karapatan, ang subheto ng tungkulin ay tao lamang.

Mga Tungkulin
May kaakibat na tungkulin ang bawat karapatan. Narito ang anim na tungkulin na tutugon sa
angkop na karapatan:

1. Sa karapatan sa buhay, may tungkulin ang bawat tao na pangalagaan ang kaniyang
kalusugan at ang kaniyang sarili sa mga panganib ng katawan at kaluluwa. May
tungkulin siyang paunlarin ang kaniyang talento at kakayahan – sa aspektong
pangkatawan, pangkaisipan (sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti) at moral.
2. Sa karapatan sa pribadong ari-arian, may tungkulin ang tao na pangalagaan at
palaguin ang anomang ari-arian niya at gamitin ito upang tulungan ang kapuwa at
paunlarin ang pamayanan. Isang halimbawa nito ang pagtulong sa mga nasalanta ng
baha sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain, damit, o pera, mga bagay na tunay
nilang kailangan.

3. Sa karapatang magpakasal, may kaakibat na tungkulin na suportahan ang pamilya at


gabayan ang mga anak upang maging mabuting tao ang mga ito. Kasama rito ang
pagiging mabuting halimbawa sa mga anak, pag-iwas sa eskandalo na magiging sanhi
ng pagsira ng pangalan ng pamilya, at pagsasabuhay ng mga birtud bilang isang
pamilya.

4. Sa karapatang pumunta sa ibang lugar, may tungkulin na igalang ang mga


pribadong boundary. Kaakibat ng karapatang ito ang tungkulin na kilalanin ang
limitasyon ng sariling kalayaan at pribadong espasyo ng kapuwa. Mahalaga ang
paggalang na ito kahit sa pagitan ng mag-asawa o magkaibigan.
`

5. Sa karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya, may tungkulin na


igalang ang relihiyon o paraan ng pagsamba ng iba. Kahit magkakaiba ang mga
relihiyon, may pagkakapareho rin ang mga ito – ang pagsamba sa isang nilalang na
higit na makapangyarihan sa tao. Kasama sa tungkuling ito ang paggalang sa paraan
ng pag-alaala sa mga patay at ninuno.

6. Sa karapatang magtrabaho o maghanapbuhay, may tungkulin ang bawat isa na


magpunyagi sa trabaho o hanapbuhay at magpakita ng kahusayan sa anumang gawain.

Pagmomodelo:
Gawain
Panuto: Tukuyin kung anong karapatan ang ipinapahayag ng bawat bilang. Hanapin sa mga
pagpipilian sa ibaba ang sagot. Titik lamang ang isulat.

A. Karapatan sa buhay
B. Karapatan sa Kasal
C. Karapatang pumunta sa ibang lugar
D. Karapatan sa pribadong ari-arian
E. Karapatang magtrabaho o maghanapbuhay
F. Karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya.

Mga pahayag:
E 1. Karapatan ng bawat tao ang magbigyan g trabaho o disenteng hanapbuhay upang
mabuhay.
C 2.Karapatang lumipat o tumira sa ibang lugar na may oportunidad tulad ng trabaho o
komportableng buhay.
B 3.Karapatan ang taong bumuo ng pamilya upang maging masaya at maligaya.
F 4. May karapatan ang bawat tao na piliin ang relihiyon na makatutulong sa kaniya
upang mapaunlad ang kaniyang
pagkatao at pakikipag-ugnayan sa Diyos at kapuwa.
A 5. Ito ang pinakamataas sa antas ng mga karapatan dahil kung wala ito, hindi
mapakikinabangan ng tao ang ibang karapatan
`

ACTIVITY FOR SELF-LEARNING MATERIAL 13


IKALAWANG MARKAHAN
EPISODE 1
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Grade 9

Pangalan: _______________________________ Petsa: ____________


Taon/Pangkat: ______________________ Iskor: _____________

Kasanayang Pampagkatuto:
Natutukoy ang mga karapatan at tungkulin ng tao (EsP9TT-IIa-5.1);

Gawain
Panuto: Sagutin ang katanungan.

1. Ano ang iyong tungkulin na tutugon sa iyong karapatan bilang isang mag-aaral?
Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________
`

Rubrik for Iskoring

Kategory Higit na Nakamit Bahagya Hindi Walang Isko


a Inaasahan ang ng Nakamit Napatunayan r
(5) Inaasaha Nakamit ang (1)
n ang Inaasaha
(4) Inaasaha n
n (2)
(3)
Nilalaman Ang Ang May Walanag Walang
(Kalinisan kalinisan ay nilalaman kaunting kabuluhan napatunayan/Wa
at nakita sa ay bura g nakita at lang Sagot
Kahalagah kabuuan makabulu gayundin kalinisan.
an) gayundin han at ang
ang malinis. nilalaman
nilalaman ay ay hindi
makabuluha gaanong
n. mkabuluh
an
Diskusyon Makabuluha Mayroong May Hindi Walang
n ang bawat sapat na kakulanga nadebelop napatunayan/Wa
ideya dahil detalye n na ang mga lang Sagot
sa husay na tungkol sa detalye pangunahi
pagpapaliwa paksa. tungkol sa ng ideya.
nag at paksa.
pagtalakay
tungkol sa
paksa.
Organisas Lohikal at Naipakita Lohikal Walang Walang
yon ng mahusay ang ang patunay na napatunayan/Wa
mga ideya ang debelopm pagkakaa oarganisad lang Sagot
pagkakasuno ent ng yos ng o ang
d-sunod ng ideya mga ideya pagkakala
mga ideya; subalit subalit had ng
gumamit din hidi hindi sanaysay.
ng mga makinis ganap na
transisyunal ang nadebelop
na pantulong paglalahad .
tungo sa .
kalinawan
ng mga
ideya.
Total
Score

You might also like