You are on page 1of 12

ARALIN 4

ANG PAMAHALAANG KOLONYAL


NG MGA AMERIKANO

Layunin:
1. Nasusuri ang pamahalaang kolonyal ng mga Amerikano.
2. Natatalakay ang mga Patakarang Pasipikasyon at Kooptasyon ng
pamahalaang Amerikano.
3. Nakapagbibigay ng sariling opinyon tungkol sa mga batas na
ipinatutupad ng mga Amerikano sa bansa.
4. Naipapakita ang reaksyon ng mga Pilipino sa ilalim ng
pamahalaang Amerikano.

Alamin
MO
Ang kalayaan ng Pilipinas ay idineklara ni dating pangulo Emilio Aguinaldo
sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1898 ngunit ang nasabing kalayaan ay hindi
lubos nakamit ng mga Pilipino ng dumating sa bansa ang mga Amerikano.
Noong Agosto 13, 1898 nagkaroon ng labanan sa look ng Maynila
matapos salakayin ng mga Amerikano sa pamumuno ni Admiral George Dewey
ang garison ng mga Kastila sa Maynila na pinamumunuan naman ni Commodore
Patricio Montojo. Nang maagaw ng mga Amerikano ang Maynila, hindi kaagad
naniwala at nagtiwala ang mga Pilipino sa mga ito. Nagkaroon din ng
kasunduan na bawal paputukan o barilin ng mga sundalong Amerikano ang mga
Pilipino kung hindi sila ang direktang puntariya ng mga ito pero ang nasabing
kasunduan ay nauwi sa digmaan matapos mabaril at mapatay ng Amerikanong
sundalo na si William W. Grayson ang tatlong Pilipinong sundalo na
nagpapatrolya sa kalye Santol, Maynila noong gabi ng Pebrero 4, 1899. Ayon sa
estatistika, ang digmaan sa loob ng dalawang taon ay kumitil sa buhay ng halos
4,234 sundalong Amerikano at humigit kumulang 16,000 sa hanay ng mga
sundalong Pilipino gamit lamang ang mga lumang armas, bolo at anting-anting.
Dahil sa makabago at modernong armas ng mga Amerikano at sa dami
ng buhay ng mga Pilipino na ibinuwis laban sa pananakop, sinubok parin umano
ng pamahalaang Aguinaldo sa pamamagitan ni Pedro Paterno ang mungkahing
pakikipag-usap kay Gobernador Heneral Elwell Otis para pigilan ang
lumalaganap na labanan pero bigo ang mga ito at sa halip ay pinairal ng
Amerikanong gobernador ang batas militar sa bansa. Pinalusob ni Otis ang lahat
ng mga kuta ng mga rebolusyonaryong Pilipino tulad ng Maypajo sa Caloocan,
Kalye ng Azcarraga sa Maynila, La Loma sa lungsod ng Quezon at pati ang
kabisera ng pamahalaang rebolusyonaryo ni Aguinaldo sa Malolos, Bulacan
noong Marso 31, 1899 pero hindi nila kaagad nahuli si Aguinaldo dahil nauna
itong nailipat ang opisina sa San Isidro, Nueva Ecija. Nahuli lamang siya noong
Marso 23, 1901 sa Palanan, Isabela ngunit ang digmaan ay tumagal pa
hanggang 1903.
Sa patuloy na pakikibaka ng mga rebolusyonaryo, nanalo ang mga
Pilipino sa Polo, Bulacan. Napatay nila si Lt. Col. Harry Egbert at napatalsik si
Heneral Lloyd Wheaton. Sa Quingua ngayon ay Plaridel, Bulacan nanalo din sa
laban si Gregorio del Pilar laban sa hukbo ni Maj. Franklin Bell na kasama ring
namatay si Col. John Miller Stotsenbergna. Samantala sa bayan ng San Mateo
sa lalawigan ng Rizal, napatay ng pangkat ni Heneral Licerio si Heneral Henry
Lawton. Ang Pilipinong si Heneral Antonio Luna naman ay pinatay sa
Cabanatuan noong Hunyo 1899 at ang dahilan ng kanyang pagkamatay ay dahil
umano sa kanyang pagpaparusa sa Kawit Company ng insubordination o di-
pagsunod sa kanyang mga utos at isa pang dahilan ay ang tunggalian ng
kapangyarihan sa Gabinete ng pamahalaang Aguinaldo. Sa Visayas, patuloy ang
pakikipagdigmaan ng mga Ilonggo sa kabundukan ng Iloilo at ng mga Cebuano
sa Bohol at Cebu. Tanging ang mga mangtatanim ng tubo sa isla ng Negros ang
tuwirang sumunod sa pamahalaang Amerikano. Sa Mindanao nagkaroon din ng
kasunduan ang pamahalaang Amerikano sa pangangatawan ni Heneral John C.
Bates at Sultan ng Sulu na si Jamal-ul-Kiram II na huwag pakikialaman ang isla.
Kinalaunan noong 1903 dahil sa marami ng mga Pilipino ang lumipat ng tirahan
sa malawak na isla ng Mindanao, tinulungan ng mga Amerikano ang iba pang
kristiyanong Pilipino sa pamamagitan ng pagpapatayo nila ng mga pampublikong
eskwelahan na ang kurikulum ay hindi muslim, nagtatag ng lokal na pamahalaan
at ipinagbawal o ginawang kasalanan ang pang-aalipin. Pinalitan rin ng mga
Amerikano ang Batas Shariah o Batas Islamiko ng mga muslim. Ang
pamahalaang Amerikano sa Mindanao ay umabot hanggang noong 1914.

Panim
ulang
A. Suriin ang larawan sa ibaba at ipaliwanag sa anyong talata ang ibig
sabihin ng Batas Militar.

________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
B. Ang larawan sa kaliwa ay ang kongreso ng Malolos noong 1899 at ang
sa kanan ay ang larawan ng kasalukuyang kongreso. Dito
gumagawa ang ating mga mambabatas ng mga Batas sa bansa.
Ngayon, magtala ng mga pambansang batas na alam mo.

Pinagkunan ng larawan: www.google.com

1. ___________________________________________________
2. ___________________________________________________
3. ___________________________________________________
4. ___________________________________________________
5. ___________________________________________________

Gawin
mo
Hanapin sa puzzle ang mga salita sa ibaba.

MC KINLEY JACOB SCHURMAN


ELWELL OTIS WILLIAM HOWARD TAFT
GEORGE DEWEY KOMISYON
BATAS SEDISYON BRIGANSIYA
SUPRESYON BATAS REKONSENTRASYON
W A M C A H M L E H E K A G B
I G E I D W C P V D O I P J A
L O D J P K K O M I S Y O N T
L J R N A G I S F R A G S K A
I C H A I F N L P W F Q C D S
A U S U N J L S I G A N I P R
M D E E L W E L L O T I S J E
H I L O W O Y T N U W O E S K
O J A C O B S C H U R M A N O
W R T M N U W Q M R V I N Q N
A F D S U P R E S Y O N F C S
R C L I E W Q K H S F H E G E
D R A K A G A C M D L A S C N
T C P H V C Q P L A V K J W T
A B A T A S S E D I S Y O N R
F M H F I S F E W R U H A T A
T A R J S C T R G V E T G R S
D W G E O R G E D E W E Y F Y
P C K M P Q T K P F J T C P O
B R I G A N S I Y A D H M A N

Mga Tanong:
1. Paano mo nahanap ang salita?
2. Kilala mo ba si ___________________________ ?
3. Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng ______ ?

Pagpa
palali
Dahil nasa ilalim na ng pamahalaang Amerikano ang Pilipinas noon, lahat
ng galaw o kilos ng mga rebolusyonaryong Pilipino ay mahigpit na binabantayan
at para lubos na mapairal sa bansa ang mga plano ng Amerika, ipinatupad ng
pangulong William Mc Kinley ang Batas Militar sa bansa noong Agosto 14, 1898
sa pamamagitan ni Heneral Wesley Merritt bilang unang gobernador militar. Si
Merritt ay binigyan ng kapangyarihang tagapagbatas, tagapagpaganap, at
tagapaghukom.

Si Pangulong William Mc Kinkey ng Estados Unidos Si Heneral Wesley Merritt

Pinagkunan ng larawan: www.google.com

Noong Enero 20, 1899, lumikha si Pangulong Mc Kinley ng isang


komisyon na pinamumunuan ni Dr. Jacob Gould Schurman na pangulo ng
pamantasang Cornell at kasama niya ang mga matataas na militaring opisyal sa
bansa na sina Admiral George Dewey at Heneral Elwell Otis para siyasatin o
alamin ang kondisyon ng Pilipinas at magbigay ng mga rekomendasyon. Sa ulat
ng KOMISYONG SCHURMAN, binigyan nila pansin ang hangarin ng mga
Pilipino na magkaroon ng lubos na kalayaan ngunit ayon sa kanila, ang bansa ay
hindi pa lubos handa sa pagsasarili kaya inirekomenda nila sa pangulong William
Mc Kinley ang agarang pagtatag ng mga sumusunod:
1. Pagtatag ng isang Pamahalaang Sibilyan.
2. Pagtatag ng isang lehislaturang bicameral.
3. Pagsasarili ng pamahalaang panlalawigan at pamahalaang lokal
4. Pagkakaroon ng isang pampublikong sistema sa edukasyon.
Si Komisyoner Jacob Gould Schurman, namuno sa unang
Komisyon na itinatag ni Pangulong William Mc Kinley sa Pilpinas

Pinagkunan ng larawan: www.google.com

Noong Marso 16, 1900, nabuo ang ikalawang komisyon sa bansa na


tinawag na KOMISYONG TAFT dahil sa ito ay pinamumunuan ni William
Howard Taft. Si Taft na hinirang bilang unang Heneral Sibil sa bansa ay may
kapangyarihang pang-lehislatura at limitadong pang ehekutibo. Ang tagubilin ni
McKinley sa komisyong ito ay narito:
1. Ipabatid sa mga Pilipino na ang pamahalaang itatayo ng mga
Amerikano sa Pilipinas ay para sa mga Pilipino;
2. Igalang ng mga kagawad ng komisyon ang mga kaugalian,
kinamulatan, at kinagawian ng mga Pilipino; at
3. Magbukas ng mga paaralang elementarya sa Pilipinas at gamitin ang
wikang Ingles sa pagtuturo nito.

Sa ilalim ng Komisyong Taft ito ay nakapagtala ng halos 499 na batas sa


loob lamang ng halos dalawang taon. Ilan sa mga naitatag at naipatupad sa
ilalim ng Komisyong ito ay ang mga sumusunod:
1. Pagkatatag ng Kataas-taasang hukuman o Korte Suprema at
pagkaroon ng iisang sistemang panghukuman.
2. Pagkatatag ng Serbisyo Sibil o Civil Service.
3. Pagpapatupad ng Koda Pang Municipal o Municipal Code.
4. Pagkatatag ng Pambansang Konstabularya ng mga Pulis o Philippine
Constabulary na siyang mangangasiwa sa katahimikan ng
lipunan.

Si Komisyoner William Howard Taft, Namuno sa pangalawang


Komisyon na binuo ni Pangulong William Mc Kinley sa Pilipinas

Pinagkunan ng larawan: www.google.com

MGA BATAS NA IPINATUPAD NG PAMAHALAANG


AMERIKANO SA BANSA

1. BATAS SEDISYON (Nobyembre 4, 1901) – Nagbibigay ng


kaparusahang kamatayan o panghabang-buhay na
pagkabilanggo sa sinumang nagpapahayag o nagpapakita ng
paglaban o pagpuna sa pamamahala ng mga Amerikano sa bansa.
Ang mga biktima ng batas na ito ay sina:
1. Aurelio Tolentino – May akda ng dulang “Kahapon,
Ngayon at Bukas”
2. Juan Abad – May akda ng dulang “Tanikalang Ginto”
3. Juan Matapang Cruz – May akda ng dulang “Hindi Aco
Patay”
4. Martin Ocampo at Teodoro M. kalaw – May-ari at editor
ng pahayagang El Renacimiento na kinasuhan
ng libelo at pinagmulta ng P60,000.00 ni Dean
Worcester dahil sa paglathala ng umano pakikibaka sa
katiwalian ng pamahalaang Amerikano.

2. BATAS BRIGANSIYA (Nobyembre 12, 1902) – Batas na


humuhuli sa lahat ng mga bandido o sinumang hinihilaang
rebelde laban sa pamahalaang Amerikano. Sa batas na ito
nahuli ang dating miyembro ng Katipunan at ang nagtatag ng
Republika ng Katagalugan na si Macario Sakay na matapos
ikinulong ay binitay.

3. BATAS REKONSENTRASYON (Hunyo 1, 1903) – Pagbibigay


kapangyarihan ng Gobernador Heneral ng Amerika sa lahat
ng gobernador ng lalawigan na ilipat o irekonsentra ang mga
residente sa mga bayan o malapit sa munisipyo dahil sa ulat ng
Konstabularya na nahihirapan silang hulihin ang mga
Pilipinong rebelde o ladrones (magnanakaw) dahil ang mga ito
ay patuloy na tinutulungan ng mga mamamayan at
kasamang namumuhay sa parehong lugar.

4. BATAS UKOL SA WATAWAT (1907) – Pagbabawal sa


pagwawagayway o pag display ng watawat ng Pilipinas sa
anumang okasyon.
MGA TANONG:

1. Ano ano ang mga Komisyon na itinatag ni Pangulong Mc Kinley sa


Pilipinas?
2. Bakit itinatag ang Komisyon sa bansa? Ano ang layunin ng Komisyon?
3. Ano ang reaksyon ng mga Pilipino sa pagpapatupad ng pamahalaang
Amerikano ng iba’t-ibang batas sa bansa?
4. Bilang isang mag-aaral, ano ang pagkakaintindi mo ng salitang
“Batas”? at ano ang epekto o maidulot nito sa iyo?

Lago
m
1. Ipinatupad ni Pangulong William Mc Kinley ang Batas Militas sa
bansa noong Agosto 14, 1898 sa pamamagitan ni
Heneral Wesley Meritt.

2. Si Heneral Wesley Merritt na unang Gobernador Heneral sa


bansa ay binigyan ng kapangyarihang tagapagbatas,
tagapagpaganap at tagapaghukom.

3. Si Jacob Gould Schurman ang namuno sa unang komisyon na


itinatag ni pangulong Mc kinley noong Enero 20,
1899. Ang Komisyong Schurman ay nag rekomenda ng
mga sumusunod:
1. Pagtatag ng isang Pamahalaang Sibilyan
2. Pagtatag ng isang lehislaturang bicameral
3. Pagsasarili ng pamahalaang panlalawigan at
pamahalaang local
4. Pagkakaroon ng isang pampubliikong sistema sa
edukasyon.

4. Komisyong Taft ang ikalawang komisyon sa bansa na


itinatag ni pangulong Mc Kinley noong Marso 16,
1900 at ito ay pinamumunuan ni William
Howard Taft. Narito ang mga tagubilin ni Pangulong
Mc Kinley sa komisyon:
1. Ipabatid sa mga Pilipino na ang pamahalaang
itatayo ng mga Amerikano sa Pilipinas
ay para sa mga Pilipino;
2. Igalang ng mga kagawad ng komisyon ang mga
kaugalian, kinamulatan, at kinagawian
ng mga Pilipino; at
3. Magbukas ng mga paaralang elementarya sa
Pilipinas at gamitin ang wikang Ingles sa
pagtuturo nito.

5. Ipinatupad sa bansa ng pamahalaang Amerikano ang mga


sumusunod na Batas:
* Batas Sedisyon noong 1901
* Batas Brigansiya noong 1902
* Batas Rekonsentrasyon noong 1903
* Batas ukol sa Watawat noong 1907
Pagtat
aya
Hanapin ang kapareha ng hanay A sa hanay B. Letra lamang ang isulat.
A B
_____1. Komisyong Taft a. Pagbabawal sa pagwa-
Wagayway ng bandila ng
Pilipinas sa anumang
okasyon.
_____2. Jacob Gould Schurman b. Sa ilalim ng Komisyong ito
Naitatag ang Korte
Suprema at
Serbisyo Sibil.
_____ 3. Paghuli sa sinumang magpahayag c. Batas Sedisyon
o nagpakita ng paglaban sa
Pamahalaang Amerikano.
_____ 4. Batas ukol sa Watawat d. Batas Brigansiya
_____ 5. Paghuhuli sa mga bandido o rebelde e. Batas Rekonsentrasyon
f. Nagrekomenda sa
pagtatatag ng

Pamahalaang Sibilyan

Takdan
g Aralin
Sa anyong talata, ipaliwanag kung bakit hindi kaagad naigawad sa mga
Pilipino ang ganap na kalayaan? Tukuyin rin ang mga dahilan ng Pamahalaang
Amerikano.

You might also like