You are on page 1of 29

Module

sa
Araling Panlipunan 6

Prepared by: Melchizedeck D. Deromol


Mga Paalala

Adviser: Melchizedeck D. Deromol


Class Reminders
Good Morning VI !
Narito po si Sir Mel para sa ating Online Aralin:
Mga dapat ihanda
1. Ihanda ang Learning Modules
2. Ihanda ang notebook at panulat
3. Huwag matakot na Makilahok sa ating recitation
4. Mag stay lamang sa Camera
5. Panatilihing naka off ang audio at hintayin lamang na tawagin bago i-On
6. Emojis na gagamitin:
Raised hand= ✋
I understand= 👍
Need help= ❗️
Still writing= ✍
Be Quiet=🤐
7. Halina’t magsimula na tayo ng ating Lesson mga Bata sa loob ng 1 minute.
Ikalawang MARKAHAN
ARALING PANLIPUNAN 6
Most Essential Learning Competencies
Pamantayan ng Pangnilalaman Ang mag-aaral ay… Naipamamalas ang mapanuring pang-unawa sa pamamahala at
mga pagbabago sa lipunang Pilipino sa panahon ng kolonyalismong Amerikano at ng pananakop ng mga Hapon at ang
pagpupunyagi ng mga Pilipino na makamtan ang kalayaan tungo sa pagbuo ng kamalayang pagsasarili at
pagkakakilanlang malayang nasyon at estado.
Pamantayan sa Pagganap Ang Mag-aaral ay… Nakapagpapahayag ng kritikal na pagsusuri at pagpapahalaga sa
konteksto, dahilan, epekto at pagbabago sa lipunan ng kolonyalismong Amerikano at ng pananakop ng mga Hapon at
ang pagmamalaki sa kontribusyon ng pagpupunyagi ng mga Pilipino na makamit ang ganap na kalayaan tungo sa
pagkabuo ng kamalayang pagsasarili at pagkakakilanlang malayang nasyon at estado.

ARALIN : PILIPINAS - SA PANAHON NG AMERIKANO


MELC: Nasusuri ang uri ng pamahalaan at
patakarang ipinatupad sa panahon ng mga
Amerikano
Code: MELC Code: AP6PMK-Ib-5
Duterte kakampi sa US vs Iran-Iraq kung 'saktan ang mga Pinoy sa tensyon' BALITAAN
MANILA, Philippines — Inilinaw ng Malacañang na hindi sila
magdadalawang-isip na pumanig sa Estados Unidos oras na madamay ang
mga Pilipino sa pagtindi ng iringan nila sa bansang Iran at Iraq.
Biyernes nang ipapatay ni US President Donald Trump ang Iranian James Relativo 
(Philstar.com) -
commander na si Qasem Soleimani sa Baghdad, Iraq gamit missiles January 7, 2020
matapos diumano atakihin ng isang pro-Iran mob ang Embahada ng - 4:34pm
Amerika.
Sabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo, ito ang inilahad ni
Pangulong Rodrigo Duterte sa nangyaring pulong ng Gabinete kagabi.
"Hindi tayo magiging neutral. Napakaespisipiko ng presidente sa pagsabing
kung nasaktan ang mga Pilipino, kakampi siya sa mga Amerikano," sabi ni
Panelo sa Ingles sa magkahalong Inggles at Filipino, Martes. "Hindi kung
masaktan. Kung sasaktan nila. Kumbaga intentional ang gagawin mo."
Duterte kakampi sa US vs Iran-Iraq kung 'saktan ang mga Pinoy sa tensyon' BALITAAN
Sabi pa ni Panelo, hindi naman daw ito nangangahulugan na nagbago na ang
foreign policy ng bansa.
Paliwanag din ng Palasyo, hindi rin naman nagbabanta si Duterte sa Iran.
"Hindi siya warning. Friendly caution lang. Sinasabi lang niya ang pagkabahala James Relativo 
niya para sa kaligtasan ng kanyang mga kababayan," dagdag ng tagapagsalita ni (Philstar.com) -
Digong. January 7, 2020
- 4:34pm
"Kumbaga ang sinasabi niya, hindi kasama diyan ah. 'Wag niyo kaming isama
diyan.'"
Kaugnay ng mga kaganapan, inatasan na raw si Presidential Adviser on Overseas
Filipino Workers Abdullah Mama-O na magtungo sa Iran at Iraq para magpadala
ng mensahe ng Pilipinas.
Una nang tinipon ng pangulo ang security sector para maghanda ng contigency
measures sa pagsisiguro ng kaligtasan ng mga Pinoy sa rehiyon.
Pinaghahanda na rin niya ang gobyerno pagdating sa pagpapalikas ng mga
Pilipino sa Middle East kung sakaling tumindi pa ang away ng mga bansa.
Balik-tanaw : Panuto: Ibigay ang mga hinihinging kasagutan.
___1. Kailan naganap ang Kasunduan sa Paris?
a. Dec. 25, 1898 b. Dec. 31, 1898 c. Dec. 10, 1898
___2. Anong mga bansa ang pumirma Kasunduan sa Paris?
a. Pilipinas at Spain b. Espanya at United States c. United States at Pilipinas

____3. Magkano ang halagang kapalit ng pamamahala sa


Pilipinas?
a. 20 Milyong Dolyar.
b. 30 Milyong Dolyar
Talasalitaan :
Pamahalaang Militar
Sa ilalim ng utos ng Pangulo ng Estados Unidos ay
binigyan
ng kapangyarihan ang Gobernador Heneral ng
Pamahalaang Militar bilang tagapaghukom
(hudikatura), tagapagbatas
(lehislatura) at tagapagpaganap (ehekutibo).
Inaasahan:
Ang modyul na ito ay nakapokus sa pag-aaral ng:
1. Pamahalaang Kolonyal ng mga
Amerikano; at
2. Patakarang Pasipikasyon at Ko-optasyon
Pagganyak
1. Kung ikaw ang inatasang maging leader sa
inyong klase, ano ang kaparaanang gagawin
mo kung ang mga classamtes mo ay magulo?
Bakit?
Ang Pamamahala ng mga Amerikano
sa Pilipinas
Heneral Wesley Merritt
Nang mapasakamay ng Estados Unidos ang
pamamahala ng Pilipinas mula sa Espanya itinatag
agad nila ang Pamahalaang Militar upang
mapigilan ang mga nag-aalsang Pilipino.
Si Heneral Wesley Merritt ay ang kauna-unahang
Amerikanong Gobernador Heneral ng Pamahalaang
Militar sa Pilipinas
sa ilalim ng utos ng Pangulo ng Estados Unidos na si
Mckinley ay binigyan siya ng kapangyarihan bilang:
tagapaghukom (hudikatura), tagapagbatas (lehislatura)
at tagapagpaganap (ehekutibo).
Heneral Wesley Merritt

Tumagal ang Amerikanong


Gobernador Heneral ng Pamahalaang
Militar sa Pilipinas ng tatlong taon.

Nagsimula noong Agosto 14, 1898


hanggang Hulyo 4, 1901
President William McKinley
Ang Presidente ng America sa
Panahon ng Pamamahala ng mga
Amerikano sa Pilipinas
Sa pamamahala ng mga
Amerikano sila ay nagtatag ng
dalawang patakaran sa bansa, ito
ay ang Patakarang Pasipikasyon at
Patakarang Ko-optasyon.
Ang Patakarang Pasipikasyon
Ay isa sa mga plano ng mga Amerikano upang masupil ang
nasyonalismo ng mga Pilipino sapagkat madami pa rin sa mga
Pilipino ang lumalaban upang maalis sa kamay ng mga
mananakop ang bansa.
Ang mga batas na ginamit sa patakarang ito ay hindi
makatao.
Tulad ng pagbabawal sa pamamahayag lalo na ang mga
balita o artikulong mayroong kinalaman sa pagsulong ng
kalayaan ng bansa.
Ang Patakarang Ko-optasyon
Ay para sa mga Pilipino na agad na nanumpa ng kanilang
katapatan sa pamahalaang Amerikano. Sa kanilang
pamamahala ay binuksan nila ang Maynila sa pangangalakal at
tinayo ang pamahalaang lokal sa mga lalawigan at bayan, dahil
dito ang mga Pilipino ay natuto ng demokratikong paghalal ng
mga pinuno.
Nagkaroon din ng Edukasyon sa panahon na ito,
lahat ng Pilipino ay nagkaroon ng pagkakataon na
makapag-aral.
Ang Patakarang Ko-optasyon
May mga amerikanong guro ang
nagtuturo sa mga Pilipino,
ang mga gurong ito ay tinawag na
Thomasites.
600 na sundalong Amerikano sakay ng
barkong SS Thomas kaya Thomasites ang
itinawag sa kanila
Itinuro ng mga Amerikano:
1. paano maging mabuting mamamayan
2. mga karapatan
3. tungkulin sa pamahalaan
4. wikang Ingles at ang Kulturang Amerikano
Ang Patakarang Ko-optasyon
Mga iwinaglit nila sa isip ng mamamayan:
1. pagmamahal sa sariling bansa
2. kulturang Pilipino
3. tinurto ang talambuhay bayaning Amerikano
kaysa sa kabayanihan ng kapwa Pilipino.
4. Nalinang nang higit ang pagmamahal sa
produktong yari sa Amerika
Colonial mentality Nasasanay ang mga Pilipino sa
paggamit ng mga bagay na yari sa Estados Unidos.
Naging ugali ng mga Pilipino ang pagtangkilik sa
mga produktong ito at napabayaan ang sariling
atin.
William Howard Taft
Sa bisa ng Spooner Amendment
naitatag ng mga Amerikano ang
Pamahalaang Sibil.
na pinamumunuan ni William H. Taft, siya ang
unang Gobernador-sibil na may may
kapangyarihan ng ehekutibo at lehislatibo.
Noong Pebrero 6, 1905 pinalitan ang tawag
sa gobernador-sibil, ito ay naging
Gobernador Heneral.
Sa panahon na ito ay sinanay ang mga
Pilipino na pamunuan ang bansa.
Taon 1902 naaprobahan ang Batas Pilipinas 1902 o Batas
Cooper sa kongreso ng Amerika
Nagkaroon ng dalawang Pilipino sa Kongreso ng Estados Unidos
upang ihanda ang Pilipinas sa pagsasarili.
Philippine Bill of 1902 (Cooper Act, Hulyo 1, 1902)
Ang Batas Pilipinas ng 1902 ay isang panukalang batas na
iniharap ni Kongresista Henry Allen Cooper na nagtakda ng
pangangasiwa ng pamahalaang sibil sa Pilipinas, kaya tinawag
itong Batas Cooper.
Henry Allen Cooper
Itinakda sa Batas Pilipinas ang mga
Sumusunod:
1. Tanggapan ng Gobernador Sibil
2. Pagbabahagi ng komisyoner ng
tungkuling
gumawa ng batas sa Asembleya ng
Pilipinas.
3. maghalal ng dalawang komisyoner
na siyang kakatawan sa Pilipinas sa
United States.
Henry Allen Cooper
4. Pansarili ng Hukuman
5. Pagtatag ng mga alituntuning sumasakop sa ,
likas na kayamanan ng Pilipinas.
6. Nagdaos ng unang pambansang halalan noong
ika-30 ng Enero, 1907.
Walumpung delegado sa asemblea ng Pilipinas
ang inihalal at nanungkulan ng dalawang taon.
7. Ang nahalal na ispiker ay si Sergio Osmeña at
Manuel Luis M. Quezon ang naging pinuno ng
higit na nakakaraming kasapi.
May mga Pilipino na nabigyan ng mataas na katungkulan sa
pamahalaan katulad nila:
1. Cayetano Arellano (unang Punong Mahistrado),
2. Gregorio Araneta (unang Pilipinong Kalihim ng
Pananalapi at Katarungan),
3. Trinidad Padro De Tavera
at ang tatlong miyembro ng Komisyong Taft (Benito
Legarda, Jose Luzuriaga at Rafael Palma).
Gregorio Araneta Trinidad Padro De
(Unang Pilipinong Kalihim ng
Pananalapi at Katarungan) Tavera
Tatlong miyembro ng Komisyong Taft

No Photo
Jose Luzuriaga
Benito Legarda
Pamahalaan ng
Pilipinas sa Panahon
ng mga Amerikano PAMAHALAANG
PAMAHALAANG
MILITAR SIBIL
Wesley Meritt William H. Taft
Agosto 14, 1898 Hulyo 4, 1901

Patakarang Pasipikasyon
pagbabawal sa pamamahayag
Patakarang Ko-optasyon
lahat ng Pilipino ay nagkaroon ng
pagkakataon na makapag-aral
PAMAHALAANG
SIBIL

Spooner Amendment
Senador John Spooner Batas Cooper
Sa panahon na ito ay sinanay o Batas Pilipinas 1902
ang mga Pilipino na
pamunuan ang bansa
1. Nagkaroon ng 2 kinatawang Pilipino sa
Kongreso ng Estados Unidos
2. Nabigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino
na manungkulan sa mga bayan at lalawigan.
3. Pagtatag ng Asamblea ng Pilipinas sa taong
1907
Pictures that are used are Credit to the following:

https://philippineculturaleducation.com.ph/thomasites/
https://prabook.com/web/gregorio.soriano_araneta
XTX3 Xiao Time:Xiao Chua  
https://www.filipinoamericanwar.com/filamwarbreaksout.htm
#KnowledgePowerTV #FilAmWar
https://www.youtube.com/watch?v=opiGpHziwg8&lc=z22ux1drarapsz3etacdp43bdv4frpeuzi5pjbjivkpw03c010c.160483
0862110870

https://cnnphilippines.com/life/culture/2017/06/07/5-filipino-heroines.html
History with Lourd

https://nhcp.gov.ph/ National Historical Commission of the Philippines


https://www.pinterest.ph/
https://www.wikipedia.org/
https://alchetron.com/
Slides share
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Tandang-Sora.jpg
https://philnews.ph/2019/08/29/teresa-magbanua-interesting-facts-about-the-visayan-joan-of-arc/
https://www.filipinoamericanwar.com/philippineindependence.htm

You might also like