You are on page 1of 17

Araling Panlipunan 6

Unang Markahan - Modyul 5 - 7

Manunulat:

Jose Bebwin A. Guinitaran - Almanza Elementary School


Liezel V. Caballero - AES TS Cruz Annex,
Marecris S. Belmonte - CAA Elementary School-Annex,
Alma U. Cardenis - Talon ES

Balideytor sa Wika:
Minerva B. Arroza, CAA Elementary School Annex
Marecris S. Belmonte- CAA Elementary School Annex

Balideytor sa Nilalaman:
Leodelice J. Loayon - Las Piñas City National High School

Balideytor sa Pagkakaangkop:
Lourdes C. Vizcarra - Pilar Village Elementary School

Konsolideytor:
Liza Sandro Malvas - Talon 3 Elementary school
Lourdes C. Vizcarra - Pilar Village Elementary School

2
Paano gamitin ang Modyul

Bago simulan ang Modyul, Kailangan isantabi muna ang lahat ng iyong mga
pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-
aaral gamit ang SLeM na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba
para makamit ang layunin sa paggamit nito.

1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng Modyul.


2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong
matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa Modyul.
4. Hayaang ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang Mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman
ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa pag-aaral gamit ang Modyul.

3
Aralin Pagpapahalagahan ang
5 pagkakatatag ng Kongreso ng Malolos
at deklarasyon ng kasarinlan ng mga
Pilipino
SURIIN
ANG KONGRESO NG MALOLOS

Pagkatapos ng pagpapahayag ng kasarinlan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898,


naging tagapayo ni Heneral Aguinaldo si Apolinario Mabini, ang Dakilang Lumpo. Dahil sa
kanyang angking talino, tinawag siyang Utak ng Rebolusyon ng Pilipinas.
Sa payo pa rin ni Mabini tumawag si Pangulong Aguinaldo ng isang kongreso o
pulong ng mga pinuno mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Nagbukas ang Kongreso ng
Malolos noong Setyembre 15,1898.
Simbahan ng Barasoain

Layunin ng mga Pilipino na maging Malaya kung kaya’t nagpulong sila sa Simbahan ng
Barasoain sa Malolos, Bulakan. Ang mga naihalal ay ang sumusunod:

Pangalan ng Naihalal Posisyon


Pedro Paterno Pangulo
Benito Legarda Pangalawang Pangulo
Gregorio Araneta Unang Kalihim
Pablo Ocampo Ikalawang Kalihim

4
Ang unang katangi-tanging nagawa ng Kongreso noong Setyembre 29 ay ang
pagbibigay-bisa sa kalayaang ipinahayag noong Hunyo 12, 1898.

Isang Tagpo sa Panahon ng Pagpupulong ng Kongreso

Ang sumusunod ay kabilang sa mga nagawa ng Kongreso ng Malolos:


1. Pagpapatibay ng Kalayaan ng Pilipinas
2. Paghahanda ng Saligang Batas
Naghain ng panukala ang mga kinatawan ng Kongreso ng Malolos para sa pagsusulat
ng isang Saligang Batas. Ang Saligang Batas ay mahalaga sa bansa upang kilalanin ng
mga dayuhan ang kalayaan nito. Isang lupon ang nilikha upang gumawa ng Saligang
Batas. Isa sa mga kasapi nito ay si Felipe Calderon ang burador ng Saligang Batas.

Kabilang sa mga probisyon ng Saligang-Batas ang sumusunod:


1. Lumikha ito ng lehislatura na higit na makapangyarihan kaysa sa ehekutibo at
hukuman.
2. Lumikha ito ng isang Permanent Commission na siyang uupo bilang lehislatura kung
walang sesyon ang Lupon ng mga Kinatawan.
3. Lumikha ito ng iisang sangay ng lehislatura o unicameral legislature.

Lubos na makabuluhan ang Konstitusyon ng Malolos. Una, ito ang mahalagang


dokumento na inakda ng mga kinatawan ng mamamayang Pilipino. Pangalawa, itinatag
nito ang isang demokratikong republika na pamahalaan na may tatlong sangay – ang
Ehekutibo o Tagapagpaganap, Lehislatibo o Tagapagbatas at ang Hudikatura o
Tagapaghukom. Tinawag nito ang paghihiwalay ng simbahan at estado. Pangatlo, ang
Konstitusyon ng Malolos ay nagbigay daan upang ilunsad ang Unang Republika ng
Pilipinas.
Noong Ika-23 ng Enero 1899, dalawang araw makalipas mapagpatibay ang Saligang-
Batas, pinasinayaan ang Unang Republika ng Pilipinas sa Malolos, Bulacan. Nahirang
bilang pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas si Emilio Aguinaldo at ito ang unang
republika ng Asya. Ang pamahalaang ito ay hindi kinilala ng Estados Unidos at iba pang
mga bansa. Napatunayan ng mga Pilipino na nilinlang sila ng mga Amerikano sa lihim na
pakikipagkasundo ng mga ito sa mga Español.
5
Pamprosesong Tanong:

1. Sino-sino ang mahalagang personalidad ng mabuo ang Kongreso ng Malolos?


_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
______________________________
2. Tama ba ang desisyon ni Pangulong Aguinaldo na pulungin ang Kongresong
Panghiimagsikan? Patunayan.
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
______________________________
3. Ano sa palagay mo ang nangyari kung hindi nabuo ang Malolos Konstitusyon?
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
______________________________

6
Pakikibaka ng mga Plipino sa panahon ng
Aralin Digmaang Pilipino-Amerikano
6 - Unang Putok sa panulukan ng Silencio at
Sociego, Sta.Mesa
- Labanan sa Tirad Pass
- Balangiga Massacre
SURIIN

Ang panahon ng digmaang Pilipino at Amerikano ay nagtagal ng higit dalawang siglo mula
Pebrero 4,1899 hanggang Hulyo 2, 1902. Ang naturang digmaan ay patuloy ng pakikibaka
ng mga Pilipino para sa Kalayaan na nagsimula noong 1896 sa pagsiklab ng Himagsikang
Pilipino.
Nagsimula ang digmaang Pilipino at Amerikano ng sorpresang sinalakay ng mga tropang
Amerikano ang mga rebolusyonaryong Pilipino sa Sta. Mesa, Maynila noong Pebrero 4,1899.
Simula noon naganap ang maraming labanan.
Ang sumusunod ay mga mahalagang pangyayaring naganap noong Digmaang Pilipino-
Amerikano
a. Unang Putok sa panulukan ng Silencio at Sociego, Sta.Mesa
b. Labanan sa Tirad Pass
c. Balangiga Massacre
☑ Pinangyarihan ng unang
putok na nagpasiklab ng
labanan sa pagitan ng mga
Pilipino at Amerikano.
☑ Dito inilagay ang marker
na nagpaalala ng pangyayari
sa gabi noong Pebrero 4,1899.
☑ Nakatala rito ang
pangalan ng Amerikano na
pinagmulan ng unang putok na
naging dahilan ng pagkamatay
ng tatlong sundalong Pilipino.
☑ Dito nagsimula ang
KALYE SILENCIO AT SOCIEGO, pagpapalitan ng putukan at
STA.MESA MAYNILA digmaan ng mga Pilipino at
Amerikano

7
☑ Isa sa mga labanan ng Pilipino at Amerikano na
pinamumunuan ni Hen. Gregorio del Pilar
☑ Disyembre 2,1899 nagsimula ang tinaguriang
Battle of Tirad Pass.
☑ Labanang ikinamatay ni Hen. Gregorio Del Pilar

LABANAN SA PASONG TIRAD


☑ Ang Pasong Tirad ay isang makitid at matarik na
lagusan sa bundok Tirad na bahagi sa kabundukan ng
Conception na ngayon ay tinatawag na Gregorio del
Pilar, Ilocos Sur
☑ Dito dumaan at humimpil si Hen.Gregorio del Pilar
kasama ang mga kawal upang hadlangan ang mga
tumugis at nais hulihin si Pangulong Emilio Aguinaldo
☑ Nakubkob ng mga Amerikano ang Pasong Tirad
nang mapatay ang mga sundalong Pilipino na
PASONG TIRAD
nagtanggol sa pook

☑ Tinaguriang “Bayani ng Pasong Tirad”


☑ Siya ang pinakabatang heneral sa gulang na 24
☑ Ang kanyang kagitingan ay hinangaan ng mga
Amerikano at inilibing siya na may parangal

HEN. GREGORIO DEL PILAR

8
☑ Insidenting nangyari noong Setyembre 28, 1901 sa
Balangiga Eastern Samar na isla ng Samar.
☑ Ito ay isa sa mga tagumpay ng hukbong Pilipino sa
panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano.
☑ Naganap ang maraming pagpatay sa isang
pangkat ng sundalong Amerikano sa Balangiga, Samar
noong Setyembre 28 1901.
☑ Malagim ang naging paghihiganti ng hukbong
Amerikano, minasaker nila ang mga taga Samar pati
mga batang lalaki na may edad na sampung taon
pataas.

BALANGIGA MASACRE
☑ Kinuha ng mga Amerikano ang tatlong kampana
na nagsilbing war trophy ng kanilang tagumpay na
maipaghiganti ang kanilang mga bayani
☑ Ang dalawang kampana ay nasa kampo sa
Wyoming
☑ Ang isa naman ay nasa isang base militar ng
Amerika sa Korea
☑ Pinakamatanda sa mga kampanang ito ay may
nakaukit na “1863”at R. San Francisco”na marahil ay ang
kura-paruko sa panahong iyon ng simbahan ng
Balangiga.
☑ Noong Desyembre 15, 2018 sa wakas naibalik na
ang makasaysayang kampana sa Balangiga, Eastern
KAMPANA NG BALANG Samar. Sa ilalim ng katungkulan ng ika-16 na Pangulo na
BALANGIGA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte

Pamprosesong Tanong:

1. Paano sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano?


_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
2. Ano-ano mga mahalagang pangyayaring naganap noong Digmaang Pilipino-
Amerikano?
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
3. Ano ang iyong konklusyon sa pakikibaka ng mga Pilipino noong Digmaang Pilipino-
Amerikano?
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
______________________________
9
Aralin Mga kontribusyon ng mga natatanging
7 Pilipinong nakipaglaban sa kalayaan
SURIIN

Ang Pilipinas ay sinakop ng mga Espanyol sa loob ng 333 taong na kung saan ay may
mga natatanging Pilipino na nakipaglaban para sa kalayaan, ang ating bansa ay muling
napasailalim sa kapangyarihan ng isa pang imperyalistang bansa ang Estados Unidos. Ano
ang naging kontribusyon ng mga natatanging Pilipino sa kalayaan ng Pilipinas? Upang
masagot ito, basahin at unawain mo ang teksto at sagutan ang mga pamprosesong
tanong.
Upang mas makilala pa natin ang mga natatanging Pilipino narito ang mga
mahahalagang detalye at pangyayari sa kanilang buhay kaakibat ang layunin na
magkaroon ng kalayaan ang bansa

☑ Ang unang lider ng Kilusang


Propaganda, dakilang makata’t manunulat
MARCELO DE PILAR ☑ Tagapagtatag at editor ng Diariong
(Marso 19, 1731- Tagalog
Setyembre 20, 1763) ☑ naging ikalawang editor ng La
Solidaridad. Bantog din siyá sa sagisag-panulat
na Plaridel.
☑ Ginamit niya ang pagsusulat at ang
husay sa pagtula at pagtatalumpati para
batikusin ang gobyernong kolonyal sa
pamamagitan ng duplo at pagsasalita sa mga
sabungan at pista.
☑ Naglathala siya ng satirikong
polyetong Dasalan at Toksohan na
ipinamumudmod sa simbahan kung Linggo.

☑ Dakilang pintor sa huling bahagi ng


labinsiyam na siglo
JUAN LUNA ☑ isang sagisag ng pambihirang talinong
Filipino sa panahon ng Kilusang Propaganda.
(Oktubre 23,1857- ☑ Nagpinta ng Spolarium
Setyembre 20, 1763) ☑ Nagwagi ng medalyang ginto ang
kaniyang obra maestrang Spoliarium sa
Exposicion General de Bellas Artes sa Madrid
noong 1884.
☑ Noong 1889, nalikha niya ang Le
Chifonier (Tagapulot ng basahan) na
nagpapakita ng matandang lalaking gulanit
ang suot at may daláng basket ng basahan.

10
☑ Pilipinong heneral na namuno sa
hukbong sandatahan ng Himagsikang Pilipino
at pangalawang kalihim ng digmaan sa
Republikang Malolos.
☑ Kinikilala siya bilang pinakamahusay na
ANTONIO LUNA Pilipinong heneral sa kaniyang panahon.
☑ kapatid niya ang pintor na si Juan Luna
(Oktubre 29, Isa sa mga Pilipinong naglunsad ng

1866-Hunyo 5, Kilusang Propaganda
1899) ☑ Sumulat siya ng mga sanaysay at
kuwento sa La Solidaridad sa ilalim ng sagisag
na “Taga-ilog.”
☑ Muli siyáng nagbalik sa Pilipinas nang
Digmaang Filipino-Amerikano at hinirang ni
Heneral Emilio Aguinaldo bilang heneral.
☑ Itinatag din niya ang diyaryong La
Independencia.
☑ Disiplina ang pangunahing itinuro niya sa
hukbong Pilipino.
☑ Itinatag niya sa Malolos ang Academia
Militar, ang binhi ng kasalukuyang Philippine
Military Academy.

☑ Tinaguriang “Utak ng Himagsikang


Pilipino” at “Dakilang Lumpo” dahil sa kaniyang
mga akda at naging mahalagang tungkulin
noong panahon ng Himagsikang Filipino
APOLINARIO ☑ Tagapayo ni Hen. Emilio Aguinaldo
MABINI ☑ Sumapi siyá sa La Liga Filipina at naging
(Hulyo 23, 1864 - aktibo sa Kilusang Propaganda
Mayo 13, 1903) ☑ Nang itatag ang Katipunan, hindi siya
sumali dito. Nagkasakit siyá at naging lumpo
makaraan ang dalawang taon
☑ Nabalitaan ni Heneral Emilio Aguinaldo
ang galíng niya sa batas kaya’t hinirang siyang
punong ministro ng rebolusyonaryong
Kongresong Malolos
☑ Siya ang sumulat ng mga dekreto,
manipesto, at iba pang kasulatan para kay
Aguinaldo.

11
☑ Ipinalalagay na hulíng heneral na
sumuko noong Digmaang Pilipino-Amerikano.
☑ Mahilig din siya sa pagsasaka at unang
nakilala bilang mahusay na komersiyante.
Nang makaipon, bumili siya ng lupain sa
Bundok Makiling at sa Santo Tomas na
MIGUEL pinatamnan ng dalandan.
MALVAR ☑ Naging gobernadorsilyo siya sa Santo
Tomas at agad nakilaban nang sumiklab ang
(Setyembre Rebolusyong Pilipino.
27, 1865 - ☑ Siya ang huling nagsuko ng armas
Oktubre 13, pagkatapos ng Kasunduang Biak- na-Bato.
1911) ☑ Namuno sa iba’t-ibang labanan, umako
ng responsibilidad bilang pinuno ng Hukbong
Sandatahan.
☑ Sumunod siya kay Aguinaldo sa
HongKong pagkaraan ng isang taon. Nang
bumalik siyá sa Pilipinas noong Hunyo 15, 1898
ay may dala siyang dalawang libong riple.
☑ Pagsiklab ng Digmaang Pilipino-
Amerikano ay nahirang siyang brigadier-
heneral at nangasiwa sa pagtatanggol sa
Katimugang Luzon.

☑ Una’t hulíng pangulo ng Unang


Republika ng Pilipinas
☑ Noong 1895, nahalal siya ng Kawit
na capitan municipal, ang binagong tawag sa
gobernadorsilyo o puno ng bayan sa ilalim ng
Batas Maura.
☑ Nang mabalitaan ang Katipunan,
EMILIO nagpunta siya ng Maynila at nanumpang
AGUINALDO kasapi.
(Marso22, ☑ Nang magkaroon ng halalan sa Tejeros
1869 - noong Marso 22, 1897, siya ang nahalal na
Pebrero 6, pangulo ng binagong pamahalaang
1964) mapanghimagsik.
☑ Inilipat niya ang himpilan ng
pamahalaang mapang-himagsik sa Biyak-na-
bato, San Miguel de Mayumo, Bulacan at
lumagda sa kasunduan, ang Kasunduang
Biyak-na-Bato noong 14–15 Disyembre 1897,
na pansamantalang nagtigil sa himagsikan.
☑ Ipinahayag ang kasarinlan ng Pilipinas
noong 12 Hunyo 1898 mula sa kaniyang

12
tahanan sa Kawit, at sinimulan ang ikalawang
yugto ng Himagsikang Filipino.
☑ Noong 23 Enero 1899, pormal na
ipinahayag ang Unang Republika ng Filipinas
sa Malolos, Bulacan. Halos kasunod nito ang
pagsiklab din ng Digmaang Pilipino-Amerikano
☑ Namuno at nakipaglaban sa panahon
ng Espanyol at Amerikano.
☑ “Bayani ng Pasong Tirad” at pinaka-
batang heneral sa Himagsikang Pilipino
☑ Nang sumiklab ang Himagsikang Pilipino,
tumakas palabas ng Maynila si Goyo (palayaw
niya) at tinanggap na ring kasapi ng Katipunan
☑ Unang nakilala ang kagitingan ni Goyo
GREGORIO DEL sa Labanang Kakarong, isang lugar sa Pandi,
PILAR Bulacan, noong 1 Enero 1897. Dahil dito’y
(Nobyembre 14, nabigyan siya ng ranggong tinyente.
1875 - Kinagulatan siya sa pag-asinta ng rebolber.
Disyembre 2, ☑ Sa kaniyang kahusayan sa pakikidigma
1899) ay itinaas ang ranggo niya sa tenyente-
koronel. Kabilang siya sa lumagda sa
Konstitusyong Biyak-na-Bato at sa maliit na
pangkat na isinama ni Aguinaldo sa HongKong
kaugnay ng pansamantalang kapayapaan.
☑ Noong 1 Disyembre 1899, ipinasiya niya,
kasama ang maliit na pangkat ng kawal na
Filipino, na harapin ang mga tumutugis na
Amerikano sa Pasong Tirad.
☑ Ibinuwis ang buhay upang makatakas si
Emilio Aguinaldo.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano-ano ang pagkakakilanlan ng mga natatanging Pilipino?


_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________

2. Paano isinulong ng bawat isa ang kasarinlan ng bansa?


_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________

13
3. Ano-anong pagpapahalaga ang natutunan mo sa mga natatanging Pilipino?
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________

REFERENCE

Aralin 5
https://images.app.goo.gl/jjwALRmUid9WiW8M9

https://images.app.goo.gl/WsqzVf6REXRsqspm8

Aralin 6

https://www.google.com/search?q=pictures+
https://www.google.com/search?q=pasong+trad+picture&tbm

https://www.google.com/search?q=pasong+trad+picture&tbm
https://mgabayani.ph/labanan-sa-pasong-tirad-pilipinas/
tinyurl+balangiga+massacre&rlz=1C1CHBF
https://xiaochua.files.wordpress.com/2012/10/bellsofb.jpg
https://xiaochua.files.wordpress.com/2012/10/bellsofb.jpg

14
Susi sa pagwawasto
Unang Markahan

Aralin 5

● Pamprosesong Tanong:

1. Sino-sino ang mahalagang personalidad upang mabuo ang Kongreso ng


Malolos?
2. Tama ba ang desisyon ni Pangulong Aguinaldo na pulungin ang
Kongresong Panghiimagsikan ? Patunayan.
3. Ano sa palagay mo ang nangyari kung hindi nabuo ang Malolos
Konstitusyon?

Mga tamang sagot:

1. Sina Dr. Pedro Paterno, Benito Legarda, Gregorio Araneta at Pablo Ocampo.

2. Tama dahil sa pulong nila ay ang layunin nito ang sumulat ng isang Saligang
Batas para sa bagong republika.

1. Kung hindi nabuo ang Konstitusyon ng Malolos ay hindi rin nagbigay daan
upang ilunsad ang Unang Republika ng Pilipinas.

15
Aralin 6

● Pamprosesong Tanong:

1. Paano sumiklab ang digmaang Pilipino-Amerikano?


2. Ano-ano mga mahalagang pangyayaring naganap noong Digmaang
Pilipino-Amerikano?
3. Ano ang iyong kongklusyon sa pakikibaka ng mga Pilipino noong
Digmaang Pilipino-Amerikano?

1. Sumiklab ang digmaang Pilipino- Amerikano ng magkaroon ng


komprontasyon sa pagitan ng sundalong Amerikano at ilang mga Pilipino sa
tulay ng Kalye Silencio Sociago Sta. Mesa, Maynila noong Pebrero 4, 1899, kung
saan nasawi ang mga sundalong Pilipino.
2. Unang Putok sa panulukan ng Silencio at Sociego, Sta.Mesa, Labanan sa
Tirad Pass, Balangiga Massacre
3. Posibleng sagot
Ipinamalas ng mga Pilipino ang kanilang katapangan sa harap ng malakas
na pwersang Amerikano.
Buong giting na ipinakita ng mga Pilipino ang kanilang masidhing damdamin
na ipagtanggol ang bansa.

16
Aralin 7
● Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang pagkakakilanlan ng mga natatanging Pilipino
2. Paano isinulong ng bawat isa ang kasarinlan ng bansa?
3. Ano-anong pagpapahalaga ang natutunan mo sa mga natatanging
Pilipino?

• Marcelo H. del Pilar-Unang lider ng Kilusang Propaganda

• Juan Luna- dakilang pintor

• Antonio Luna-Pinakamahusay na Filipinong heneral

• Apolinario mabini-utak ng himagsikan

• Miguel Malvar-Huling heneral na sumuko sa digmaang Amerikano-Pilipino

• Emilio Aguinaldo-Una’t huling pangulo ng Unang Republika

• Gregorio Del Pilar-Pinakabatang heneral

2. Sa pamamagitan ng pakikipaglaban gamit ang mga sumusunod

• Panulat

• Pagpipinta

• Gamit ang lakas at tapang

3. Mga maaaring isagot

• pagmamahal sa bayan

• ipaglaban ang kalayaan ng bansa

• pagkakaroon ng pagkakaisa

• ipagtanggol ang inang bayan sa pamamagitan ng panulat at


pakikipaglaban

17

You might also like