You are on page 1of 17

lOMoARcPSD|38563146

AP9 Q3 M5 - n/a

Accounting (Araullo University)

Scan to open on Studocu

Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university


Downloaded by TUGADE JUNALYN D. (lynxdeguzman88@gmail.com)
lOMoARcPSD|38563146

9
Araling

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan - Modyul 5:
Layunin at Pamamaraan ng Patakarang
Pananalapi

AIRs - LM
Downloaded by TUGADE JUNALYN D. (lynxdeguzman88@gmail.com)
lOMoARcPSD|38563146

Araling Panlipunan 9
Ikatlong Markahan - Modyul 5: Layunin at Pamamaraan ng Patakarang
Pananalapi
Unang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anumang paggamit o


pagkuha ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Monalyn D. Nelmida


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II

Tagapamahala:

ATTY. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent

Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D


Assistant Schools Division Superintendent

German E. Flora, Ph.D, CID Chief

Virgilio C. Boado, Ph.D, EPS in Charge of LRMS

Mario P. Paneda EdD., EPS in Charge of Araling Panlipunan

Michael Jason D. Morales, PDO II

Claire P. Toluyen, Librarian II

Downloaded by TUGADE JUNALYN D. (lynxdeguzman88@gmail.com)


lOMoARcPSD|38563146

Sapulin

Sa nakaraang aralin, tinalakay natin ang patakarang piskal. Natunghayan


natin ang mahalagang papel na ginagampanan ng pamahalaan upang ang
ekonomiya ay maging ganap na maayos at matatag. Maaaring maimpluwensiyahan
at makontrol ng pamahalaan ang buong ekonomiya sa pamamagitan ng pagbubuwis
at paggastang nababatay sa badyet. Samantala sa bahaging ito, isa pang
mahalagang patakaran ang maaring gamitin ng pamahalaan upang mapaunlad ang
ekonomiya, ang patakaran sa pananalapi.

Kaya’t muli kitang iniimbitahan na patuloy na makiisa upang ating unawain


ang pangangasiwa ng pamahalaan sa dami ng salapi sa ekonomiya.

Sa pagtatapos ng araling ito inaasahan na ikaw ay makapagsusuri sa layunin


at pamamaraan ng patakarang pananalapi.

Ang modyul na ito ay nakapokus sa Patakarang Pananalapi.

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:


• Nasusuri ang layunin at pamamaraan ng patakarang pananalapi.

Pagkatapos mong mapag-aralan and modyul,inaasahang iyong:


• Natutukoy ang mga bumubuo sa Sektor ng Pananalapi
• Naipaliliwanag ang layunin ng patakarang pananalapi

Downloaded by TUGADE JUNALYN D. (lynxdeguzman88@gmail.com)


lOMoARcPSD|38563146

Simulan

Gawain 1: Word Hunt


Panuto: Hanapin at bilugan ang sumusunod na salita sa kahong nasa ibaba.Ang
salita ay maaaring pababa,pahalang, o pabaliktad.

1. Salapi 6. SSS
2. BSP 7. PDIC
3. Kooperatiba 8. SEC
4. Bangko 9. Hindi Bangko
5. GSIS 10. Landbank

A H M G S I S U U K H G S E P
H K A S G H J K U I P K S J D
H O G H T E W F H J U T S J I
V O S G H T E S J U K L H V C
B P R S A L A P I H F H J K B
D E Y E R Y I O J F H J K L U
G R U H I N D I B A N G K O T
T A K D F G J K L J H G D S G
E T K G B S P H H F X E I F D
R I N R T U I D Y U I R E S E
A B F R T T Y Y U I J O O M G
L A N D B A N K J C F F R W D
F K D D V G Y U I J D W R T D
H N F F G Y U I O W Q Y U H B
J F E B A N G K O J J S E C I

1.Ano-ano ang salita na bago sa iyo?


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
2.Sa iyong palagay, sa anong paraan nagkakaroon ng ugnayan ang mga
salita/konseptong ito?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Downloaded by TUGADE JUNALYN D. (lynxdeguzman88@gmail.com)


lOMoARcPSD|38563146

Lakbayin

KONSEPTO NG PERA

Ang salapi ay perang papel na ginagamit bilang pamalit sa produkto o


serbisyo. Kung nais mong kumain ng tinapay, halimbawa, mangangailangan ka ng
salapi upang mabili ito. Sa gayon, ang pera ay instrumento na tanggap ng nagbibili
at mamimili bilang kapalit ng produkto o serbisyo (medium of exchange). Maliban sa
gamit sa pagbili, ito rin ay itinuturing bilang isang unit of account.
Ang salapi ay mahalagang bahagi sa buhay ng tao ngunit ang pangangasiwa rito
ay isang malaking hamon sa lahat ng bansa. Ang dami ng salapi sa sirkulasyon ay
maaaring magdulot ng kasaganahan o suliranin sa mga mamamayan.

Ang Konsepto ng Patakarang Pananalapi


Ang pamahalaan, sa pamamagitan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ay
nagtatakda ng mga pamamaraan upang masigurong matatag ang ekonomiya, higit
ang pangkalahatang presyo. Ito ay bilang katiyakan na ang mamamayan ay patuloy
na magkaroon ng kakayahan na makabili at matugunan ang mga pangangailangan
gamit ang kanilang kinita mula sa pagtatrabaho. Ito ay isang pagkakataon na
maisulong ang kalagayang pang-ekonomiya at makapagbukas ng mas maraming
oportunidad sa mamamayan bunsod ng matatag na pamamahala sa pananalapi ng
bansa.
Ang patakaran sa pananalapi ay isang sistemang pinaiiral ng BSP upang
makontrol ang supply ng salapi sa sirkulasyon. Kaugnay nito, ang BSP ay maaaring
magpatupad ng expansionary money policy at contractionary money policy.
Kapag ang layunin ng pamahalaan ay mahikayat ang mga negosyante na
palakihin pa o magbukas ng bagong negosyo, ipinatutupad nito ang expansionary
money policy. Ibababa ng pamahalaan ang interes sa pagpapautang kaya mas
maraming mamumuhunan ang mahihikayat na humiram ng pera upang idagdag sa
kanilang mga negosyo. Makalilikha ito ng maraming trabaho kaya mas marami ang
magkakaroon ng kakayahang bumili ng mga produkto at serbisyo na magpapataas
ng kabuuang demand para sa sambahayan at bahay-kalakal. Ang kalagayang ito ay
isang indikasyon na masigla ang ekonomiya.
Subalit, kapag ang demand ay mas mabilis tumaas kaysa sa produksiyon,
tataas ang presyo. Kapag tumaas na ang presyo, ang mga manggagawa at mga
empleyado ay hihingi ng karagdagang sahod. Magbubunga ito ng pagtaas ng presyo
ng mga salik ng produksiyon. Kapag ang pagtataas sa presyo ng mga bilihin at ng
mga salik sa produksiyon ay nagpatuloy, mas lalong tataas ang presyo at
magpapatuloy ang mga pangyayaring unang nabanggit. Upang maiwasan ang
kondisyong ito, karaniwang nagpapatupad ng contractionary money policy ang BSP
upang mabawasan ang paggasta ng sambahayan at ng mga mamumuhunan. Sa
pagbabawas ng puhunan, nababawasan din ang produksiyon. Kasabay rin nito ang

Downloaded by TUGADE JUNALYN D. (lynxdeguzman88@gmail.com)


lOMoARcPSD|38563146

pagbabawas sa sahod ng mga manggagawa kaya naman ang paggasta o demand ay


bumababa.

MGA BUMUBUO SA SEKTOR NG PANANALAPI

A. Mga Institusyong Bangko


Ito ang mga institusyong tumatanggap ng salapi mula sa mga tao,
korporasyon at pamahalaan bilang deposito. Sa pamamagitan ng interes o tubo, ang
halagang inilagak ng mga tao bilang deposito ay lumalago. Sa kabilang dako naman,
ang mga depositong nalikom ay ipinauutang sa mga nangangailangan na may
kakayahang magbayad nito sa takdang panahon. Kabilang sa mga pinauutang ay
ang mga negosyanteng nangangailangan ng puhunan upang mapalago ang kanilang
negosyo at maging dahilan naman ng paglago ng ekonomiya.

Uri ng mga Bangko


1. Commercial Banks
Ito ang malalaking bangko. Dala ng kanilang malaking kapital, ang
commercial banks ay pinapayagang makapagbukas ng mga sangay saan mang
panig ng kapuluan lalo na sa mga lugar na wala pang mga bangko.
Nakapangangalap sila ng deposito sa higit na maraming tao, mangangalakal o
malalaking negosyante. Nakapagpapahiram din sila sa mga indibidwal na tao
para sa iba pang mga pangangailangan tulad ng pabahay, pakotse, at iba pa.\
2. Thrift Banks
Mga di-kalakihang bangko na kalimitang nagsisilbi sa mga maliliit na
negosyante. Ang bahagi ng kanilang puhunan at depositong tinanggap ay
ipinauutang nila, kalimitan, sa mga maliliit na negosyante bilang pantustos ng
mga ito sa kanilang mga negosyo. Ang thrift banks ay pinapayagan ding
magpautang sa ating pamahalaan sa pamamagitan ng pagbili ng mga ito ng mga
government securities.
3. Rural Banks
Ang rural banks o mga bangko na kalimitan ay natatagpuan sa mga
lalawigang malayo sa kalakhang Maynila ay tumutulong sa mga magsasaka,
maliliit na negosyante, at iba pang mga mamamayan sa kanayunan sa
pamamagitan ng pagpapautang upang ang mga ito ay magkaroon ng puhunan
at mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
4.Specialized Government Banks
Mga bangkong pag-aari ng pamahalaan na itinatag upang tumugon sa
mga tiyak na layunin ng pamahalaan.
a. Land Bank of the Philippines (LBP)
Itinatag sa pamamagitan ng Republic Act No. 3844 na sinusugan ng
Republic Act No. 7907, layunin ng LBP ang magkaloob ng pondo sa mga
programang pansakahan. Tinutulungan din nito ang iba pang negosyante sa
kanilang pangangailangan sa puhunan.
b. Development Bank of the Philippines (DBP)
Prayoridad ng DBP ang mga small and medium scale industry. Malaking
bahagi ng pondo ng pamahalaan ang nakadeposito sa bangkong ito.
c. Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines (Al- Amanah)

Downloaded by TUGADE JUNALYN D. (lynxdeguzman88@gmail.com)


lOMoARcPSD|38563146

Itinatag sa ilalim ng Republic Act No. 6848, layunin ng bangkong ito na


tulungan ang mga Pilipinong Muslim na magkaroon ng puhunan at
mapaunlad ang kanilang kabuhayan.

B. Mga Institusyong Di-Bangko

Maaaring ituring na nasa ilalim ng institusyon ng pananalapi ang mga ito


sapagkat tumatanggap sila ng kontribusyon mula sa mga kasapi, pinalalago ito at
muling ibinabalik sa mga kasapi pagdating ng panahon upang ito ay
mapakinabangan.

1.Kooperatiba.
Ang kooperatiba ay isang kapisanan na binubuo ng mga kasapi na may
nagkakaisang panlipunan o pangkabuhayang layunin. Para maging ganap na
lehitimo ang isang kooperatiba, kailangan itong irehistro sa Cooperative
Development Authority (CDA). Ang mga kasapi sa isang kooperatiba ay nag-
aambag ng puhunan at nakikibahagi sa tubo, pananagutan, at iba pang
benepisyong mula sa kita ng kooperatiba. Ang puhunang nakalap ay ipinauutang
sa mga kasapi ng kooperatiba at sa takdang panahon, ang kinita ng kooperatiba
ay pinaghahati-hatian ng mga kasapi. Iba-iba ang kita ng mga kasapi at ito ay
base sa laki ng naiambag ng kasapi sa puhunan.
2.Pawnshop o Bahay-Sanglaan
Itinatag ito upang magpautang sa mga taong madalas mangailangan ng
pera at walang paraan upang makalapit sa mga bangko. Ang mga indibidwal ay
maaaring makipagpalitan ng mahahalagang ari-arian tulad ng alahas at
kasangkapan (tinatawag na kolateral) kapalit ng salaping katumbas ng
isinangla, kasama na ang interes.
3.Pension Funds
a. Government Service Insurance System (GSIS)
Ito ang ahensiyang nagbibigay ng seguro (life insurance) sa mga
kawaning nagtatrabaho sa mga ahensiya ng gobyerno, lokal na
pamahalaan, mga korporasyong pag-aari at kontrolado ng gobyerno, at mga
guro sa mga pampublikong paaralan. Ang buwanang kontribusyon ng mga
kasapi ng GSIS ay pinagsasama-sama at ang pondong nalikom ay inilalagay
sa investment para kumita. Ang paraan ng pagbabayad ng mga kasapi ay
sa pamamagitan ng pagkakaltas sa suweldo (salary deduction).
b. Social Security System (SSS)
Ang SSS ay ang ahensiya ng gobyerno na nagbibigay ng seguro sa mga
kawani ng pribadong kompanya at sa kanilang pamilya sa oras ng
pangangailangan katulad ng kaniyang pagkakasakit, pagkabalda, pagretiro,
pagkamatay, at pagdadalang-tao kung ang kawani ay babae. Itinakda sa
Social Security Law o Republic Act 8282 (dating R.A. 1611) na lahat ng
pribadong kawani ay nararapat na irehistro bilang kasapi ng SSS.
c. Pagtutulungan sa Kinabukasan: Ikaw, Bangko, Industriya at
Gobyerno (Pag-IBIG Fund)
Ang Pag-IBIG Fund ay itinatag upang matulungan ang mga kasapi
nito sa panahon ng kanilang pangangailangan lalo na sa pabahay. Ang mga

Downloaded by TUGADE JUNALYN D. (lynxdeguzman88@gmail.com)


lOMoARcPSD|38563146

empleyado sa pamahalaan man o pribadong sektor ay kinakailangang


maging kasapi rito. Ang mga taong may sariling negosyo at mga Overseas
Filipino Workers (OFW) ay maaaring maging boluntaryong kasapi. Tulad ng
mga kasapi ng GSIS at SSS, ang kasapi ng Pag- IBIG Fund ay may
buwanang kontribusyon.
4. Registered Companies
Ang mga rehistradong kompanya (registered companies) ay yaong mga
kompanyang nakarehistro sa Komisyon sa Panagot at Palitan (Securities and
Exchange Commisssion o SEC) matapos magsumite ng basic at additional
documetary requirements, at magbayad ng filing fee. Magkaiba ang basic,
additional requirements, at filing fee sa pagpaparehistro ng stock at non-stock
corporations, at partnership.
5. Pre-Need
Ang Pre-Need Companies ay mga kompanya o establisimyento na
rehistrado sa SEC na pinagkalooban ng nararapat na lisensiya na mangalakal
o mag-alok ng mga kontrata ng preneed o pre-need plans.
6. Insurance Companies (Kompanya ng Seguro)
Ang insurance companies ay mga rehistradong korporasyon sa SEC at
binigyan ng karapatan ng Komisyon ng Seguro (Insurance Commission) na
mangalakal ng negosyo ng seguro sa Pilipinas.

C. Mga Regulator

1. Ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)


Itinatag sa pamamagitan ng Republic Act No. 7653, ang BSP ay itinalaga
bilang central monetary authority ng bansa. Ito ang pangunahing institusyong
naglalayong mapanatili ang katatagan ng halaga ng bilihin at ng ating
pananalapi. Ang mga patakaran ng pamahalaan tungkol sa pananalapi,
pagbabangko at pagpapautang ay nagmumula sa BSP. Nakaatang din sa BSP
ang tanging kapangyarihang maglimbag ng pera sa bansa at nagsisilbi ito bilang
opisyal na bangko ng pamahalaan.
2. Ang Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC)
Nasa ilalim ng Department of Finance (DOF), ang PDIC ang sangay ng
pamahalaan na naatasang magbigay-proteksiyon sa mga depositor at tumulong
na mapanatiling matatag ang sistemang pinansiyal sa bansa. Maraming layunin
ang PDIC. Ito ay ang sumusunod:

a. Bilang tagaseguro ng deposito (Deposit Insurer)


1. Pagbabayad ng nakasegurong deposito
Sakaling magsara ang isang bangko, dagliang sinusuri ng PDIC ang
mga rekord patungkol sa mga deposito pati na rin ang mga rekord ukol sa
assets ng bangko upang maihanda ang listahan ng mga insured deposits
sa nagsarang bangko.
2. Assessment at Collection
Ang assessment ay ang halagang binabayaran ng mga bangko upang
maseguro ang kanilang deposit liabilities. Ibinibigay ng PDIC ang
assessment na dapat bayaran ng bangko.

Downloaded by TUGADE JUNALYN D. (lynxdeguzman88@gmail.com)


lOMoARcPSD|38563146

3. Risk Management
Ang PDIC ay may kapangyarihan na suriin ang mga bangko sa
pahintulot ng Monetary Board (MB) ng BSP. Isinasagawa ng PDIC ang
ganitong pagsusuri upang matiyak ang kalagayan ng bangko at
makapagmungkahi ng karampatang lunas kung kinakailangan.

b. Bilang Receiver at Liquidator ng Nagsarang Bangko


1. Namamahala ng Nagsarang Bangko
Ang PDIC ang itinalaga ng batas na maging receiver at liquidator ng
nagsarang bangko. Gawain ng PDIC bilang receiver na pamahalaan ang
lahat ng transaksiyon at mga rekord ng bangko sa pamamagitan ng pisikal
na pag-take-over sa isinarang bangko.
2. Pagbebenta ng Ari-arian ng Nagsarang Bangko (Liquidation of assets of
closed bank).
Ang pagbebenta ng mga natirang ari-arian ng nagsarang bangko ay
isinasagawa upang mabayaran ang mga pinagkakautangan (creditor) nito
ayon sa pagkakasunod-sunod (preference of credit) na isinasaad sa Civil
Code.

D. Bilang Imbestigador

Sa ilalim ng Republic Act 9302 na sumusog sa Republic Act 3591,


binigyan ng kapangyarihan ang PDIC na mag-imbestiga sa mga anomalya
sa bangko patungkol sa unsafe and unsound banking practices at
magpataw ng karampatang multa batay sa tuntuning nakasaad sa batas.

3. Securities and Exchange Commission (SEC)


Nasa ilalim ng DOF, ang SEC ang nagtatala o nagrerehistro sa mga kompanya
sa bansa. Nagbibigay ito ng mga impormasyon ukol sa pagbili ng mga panagot at
bono.

4. Insurance Commission (IC).


Sa bisa ng Presidential Decree No. 63 na ipinatupad noong Nobyembre 20,
1972, ang IC ay itinatag bilang ahensiya na mangangasiwa at mamamatnubay sa
negosyo ng pagseseguro (insurance business) ayon sa itinalaga ng Insurance Code.
Ang ahensya ay nasa ilalim ng pamamahala ng DOF. Layunin ng IC na panatilihing
matatag ang mga kompanyang nagseseguro ng buhay ng tao, kalusugan, mga ari-
arian, kalikasan at iba pa upang mabigyan ng sapat na proteksiyon ang publiko
(insuring public) sa pamamagitan ng mabilisang pagtugon at pagbabayad ng
kaukulang benepisyo at insurance claims ng mga ito.

Downloaded by TUGADE JUNALYN D. (lynxdeguzman88@gmail.com)


lOMoARcPSD|38563146

Galugarin

Gawain 2: Kompletuhin Ang Dayagram

Gawing batayan ang sipi sa sa pagbuo ng dayagram. Tukuyin kung kailan


isinasagawa ang bawat patakaran.

expansionary money
policy

Patakarang Pananalapi

contractionary money
policy

Downloaded by TUGADE JUNALYN D. (lynxdeguzman88@gmail.com)


lOMoARcPSD|38563146

Palalimin

Gawain 3: Fill In!

Panuto: Suriin ang sumusunod na pahayag at tukuyin sa pamamagitan ng


paglalapat ng titik sa mga kahon upang mabuo ang kasagutan.

1.Sistemang pinaiiral na may kinalaman sa pagkontrol ng bangko Sentral ng


Pilipinas sa dami ng salapi sa sirkulasyon.
P N A P N A I

2.Dahil sa malaking kapital, ang mga bangkong ito ay nagpapautang para sa ibang
layunin tulad ng pabahay at iba pa.
M E C A N

3.Itinatag ito upang magpautang sa mga taong madalas mangailangan ng pera at


walang paraan upang makalapit sa mga bangko.
P N S O

4.Ang sangay ng pamahalaan na naatasang magbigay-proteksiyon sa mga depositor


at tumulong na mapanatiling matatag ang sistemang pinansiyal sa bansa.
P I

5.Ito ang ahensiyang nagbibigay ng seguro (life insurance) sa mga kawaning


nagtatrabaho sa mga ahensiya ng gobyerno, lokal na pamahalaan, mga
korporasyong pag-aari at kontrolado ng gobyerno, at mga guro sa mga
pampublikong paaralan.
S S

6.Mga rehistradong korporasyon sa SEC at binigyan ng karapatan ng Komisyon ng


Seguro (Insurance Commission) na mangalakal ng negosyo ng seguro sa Pilipinas.
I S E E S

7. Ito ang pangunahing institusyong naglalayong mapanatili ang katatagan ng


halaga ng bilihin at ng ating pananalapi.
A G E R A

8.Itinatag upang matulungan ang mga kasapi nito sa panahon ng kanilang


pangangailangan lalo na sa pabahay.
P - I G U N

Downloaded by TUGADE JUNALYN D. (lynxdeguzman88@gmail.com)


lOMoARcPSD|38563146

9. Mga kompanya o establisimyento na rehistrado sa SEC na pinagkalooban ng


nararapat na lisensiya na mangalakal o mag-alok ng mga kontrata ng preneed o
pre-need plans.
E - E E

10. Bangkong tumutulong sa mga magsasaka, maliliit na negosyante, at iba pang


mga mamamayan sa kanayunan sa pamamagitan ng pagpapautang upang ang
mga ito ay magkaroon ng puhunan at mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
U A L S

Gawain 4: Iguhit Natin Ito!

Panuto: Gumawa ng poster na may kaugnayan sa pamagat na, “Sektor ng


Pananalapi:Institusyon Tungo sa Pag-unlad.”

Rubrik sa Pagmamarka ng Poster


Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang
Puntos

Kaangkupan ng Angkop at makabuluhan ang 10


Nilalaman mensahe

Kahusayan sa Mapanghikayat at makapukaw- 10


paggawa pansin ang ginawa

Kabuuang puntos 20

10

Downloaded by TUGADE JUNALYN D. (lynxdeguzman88@gmail.com)


lOMoARcPSD|38563146

Sukatin

Gawain 5: Pangwakas na Pagtataya

Panuto:Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1.Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa patakaran ng Bangko Sentral sa


pamamahala ng pera, kredito at mga bangko sa bansa?
A. Patakaran ng paggawa B. Patakarang pananalapi
C. Patakarang piskal D. Patakarang political

2.Aling ahensiya ng gobyerno ang nagbibigay ng seguro sa mga kawani ng pribadong


kompanya at sa kanilang pamilya sa oras ng pangangailangan?
A. Bangko Sentral ng Pilipinas B. Government Service Insurance System
C. Insurance Commision D. Social Security System
3. Anong ahensiya ng pamahalaan ang may layunin na tulungan ang mga kasapi
nito sa panahon ng kanilang pangangailangan lalo na sa pabahay?
A. Bangko Sentral ng Pilipinas B.Land Bank of the Philippines
C. Pag-IBIG Fund D. Philippine National Bank

4.Sa mga bangko, alin ang nagpapautang ng puhunan sa mga negosyante?


A. Bangkong Komersyal B. Bangkong para sa Pag-iimpok
C. Bangkong Pangkaunlaran D. Bangkong Rural

5.Anong ahensiya ng pamahalaan ang may tungkulin na panatilihin ang katatagan


ng salapi sa bansa?
A. Bangko Sentral ng Pilipinas B. Land Bank of the Philippines
C. Pag-IBIG Fund D. Philippine National Bank

6.Aling ahensiya ang tumatanggap ng perang panseguridad at pang-retiro ng mga


kawani ng pamahalaan?
A. Bangko Sentral ng Pilipinas B.Government Service Insurance System
C. Philippine Deposit Insurance D.Social Security System

7.Alin ang HINDI kabilang sa dahilan kung bakit mas mainam ang mag-impok
sa bangko kaysa sa alkansiya?
A. Kumikita ang pera ng interes. B.Makuha ang pera kung kailangan.
C. Ligtas ang pera sa sunog D.Mapalitan sakaling malugi ang bangko

8.Ano ang HINDI katangian ng isang matatag na bangko?


A. Marami ang mga sangay nito. B. Marami ang nagsarang account.
C. Mataas ang bigay na interes. D.Rehistrado sa Bangko Sentral

11

Downloaded by TUGADE JUNALYN D. (lynxdeguzman88@gmail.com)


lOMoARcPSD|38563146

9. Si Mang Juan ay isang magsasaka. Kailangan niya ng puhunan para pambili


ng binhi at abono. Saan siya maaring mangutang ng kapital?
A. Bangkong Komersyal B. Bangko Rural
C. Bangko Sentral D. Pag-IBIG Fund

10. Anong patakaran ng pananalapi ang ipinatutupad ng pamahalaan upang


mabawasan ang paggasta ng sambahayan at ng mga mamumuhunan?
A. Contractionary Money Policy B. Expansionary Money Policy
C. Parehong A at B D. Wala sa nabanggi

11. Sa huling bahagi ng 1990, nakaranas ang Pilipinas ng pagtamlay ng ekonomiya


dulot ng Asian Economic Crisis at iba’t ibang uri kalamidad. Anong patakaran
ng pananalapi ang nararapat na ipatupad sa sitwasyong ito?
A. Contractionary Money Policy B. Expansionary Money Policy
B. Parehong A at B D. Wala sa nabanggi

12. Maraming nagsarang kompanya bunga ng pagkalugi at mababang benta.


Anong patakaran ng pananalapi ang nararapat na ipatupad sa sitwasyong ito?
A. Contractionary Money Policy B. Expansionary Money Policy
C. Parehong A at B D. Wala sa nabanggi

13. Alin sa mga sumusunod ang HINDI specialized government bank?


A. Al-Amanah Islamic Bank B. Banco de Oro
C. Development Bank D. Landbank of the Philippines

14. Ano ang dahilan kung bakit maraming mga Pilipino ang nahihikayat na sumali
sa pyramiding scam na sa bandang huli ay nagiging biktima sila rito?
A. Maraming mga Pilipino ang naniniwalang maaring yumaman ng
walang kahirap-hirap.
B. Nagpapakita ito na maraming Pilipino ang kulang sa kaalamang
pinansiyal (financial knowledge).
C. Napapakita ito na hindi epektibo ang mga programa ng pamahalaan
para sa mga mamamayan.
D. Walang batas na nagbibigay proteksyon sa mga Pilipino.

15. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang higit na nagpapakita ng


pagpapahalaga ng salapi?
A. Itinabi ni Harvey ang sampung piso mula sa baon niyang bente pesos
para makabili ng bagong cellphone kahit hindi siya makakain sa
recess.
B. Pinautang ni Leila ang kamag-aral na walang baon at sinisingil na may
50% na interes.
C. Sumali si Rima sa paluwagan upang mabilis na makaipon.
D. Inuubos ni Dever ang kanyang baon sa paglalaro ng DOTA.

12

Downloaded by TUGADE JUNALYN D. (lynxdeguzman88@gmail.com)


Downloaded by TUGADE JUNALYN D. (lynxdeguzman88@gmail.com)
13
Gawain 1:Word Hunt Gawain 4:Fill In!
1.Patakaran sa Pananalapi
2.Commercial anks
3.Pawnshop
4. PDIC
5.GSIS
6.Insurance Companies
7.Bangko Sentral
8. Pag-ibig Fund
9. Pre-Need
10.Rural Banks
Gawain 5: Iguhit Natin Ito!
Gawain 2:Kompletuhin Ang Dayagram
Rubrik sa Pagmamarka ng Poster
Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhan
g Puntos
Kaangkupan Angkop at 10
ng Nilalaman makabuluhan
ang mensahe
Kahusayan sa Mapanghikayat 10
paggawa at makapukaw-
pansin ang
ginawa
Kabuuang 20
puntos
Gawain 6: Pangwakas na Pagtataya
Gawain 3: 1.B
2.D
3.C
4.A
5.A
6.B
7.C
8.B
9.B
10.A
11.B
12.B
13.B
14.B
15.C
Susi sa Pagwawasto
lOMoARcPSD|38563146
lOMoARcPSD|38563146

Sanggunian
A. Aklat

• Bernard R. Balitao et.Al. Ekonomiks – Araling Panlipunan Modyul para sa


Mag-aaral. Unang Edisyon 2015. Muling Limbag 2017

B. Iba pang Sanggunian

• https://web.facebook.com/groups/APTeachShare

• https://web.facebook.com/groups/EkoTambayan

14

Downloaded by TUGADE JUNALYN D. (lynxdeguzman88@gmail.com)

You might also like