You are on page 1of 1

Pangalan:_____________________________________ Taon at Pangkat: ______________

Asignatura: Araling Panlipunan 9 Guro: _________________________ Iskor:______


Aralin : Ika-apat na Markahan, Unang Linggo, LAS 2
Gawain : Maunlad na Pilipinas
Layunin : Nauunawaan ang konsepto ng pag-unlad at nakakapagbibigay ng mga
halimbawa.
Sanggunian : EKONOMIKS Modyul para sa Mag-aaral at (MELC)
Manunulat : Mary Rose J. Rivera
PALATANDAAN NG PAG-UNLAD
Maraming mga bansa sa kasalukuyan, tulad ng China at Malaysia, ang sinasabing progresibo.
Maraming mga modernong gusali ang naitatayo sa mga nasabing bansa. Maraming mga korporasyon
ang kumikita ng malaki subalit karamihan sa mga ito ay pagmamay-ari at pinamamahalaan ng mga
dayuhang mamumuhunan.
Maliban sa mga mamumuhunan, malaki rin ang naitutulong ng likas na yaman tulad ng langis
sa pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa. Karamihan ng mga bansa sa Gitnang Silangan tulad ng
UAE, Qatar, at Saudi Arabia ay nagtamo ng mabilis na paglago ng ekonomiya dala ng kanilang kita
mula sa langis ayon na rin sa ulat ng International Monetary Fund (IMF) noong 2013.
Bukod sa mga likas na yaman, may iba pang mga salik na maaaring makatulong sa pagsulong
ng ekonomiya ng isang bansa. Sa librong Economics, Concepts and Choices (2008) nina Sally Meek,
John Morton at Mark Schug, inisa- isa nila ang mga ito.
1.Likas na Yaman
 Malaki ang naitutulong ng mga likas na yaman sa pagsulong ng ekonomiya lalong-lalo na ang
mga yamang-lupa, tubig, kagubatan, at mineral.
2. Yamang-Tao
 Isa ring mahalagang salik na tinitingnan sa pagsulong ng ekonomiya ang lakas-paggawa. Mas
maraming output ang nalilikha sa isang bansa kung maalam at may kakayahan ng mga
manggagawa nito.
3. Kapital
 Sinasabing lubhang mahalaga ang kapital sa pagpapalago ng ekonomiya ng isang bansa. Sa
tulong ng mga kapital tulad ng mga makina sa mga pagawaan ay nakalilikha ng mas maraming
produkto at serbisyo.
4. Teknolohiya at Inobasyon
 Sa pamamagitan ng mga salik na ito, nagagamit nang mas episyente ang iba pang
pinagkukunang-yaman upang mas maparami pa ang mga nalilikhang produkto at serbisyo.
Gawain: PUZZLE
Panuto: Sagutin ang mga katanungang nasa ibaba, isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
Matapos maisulat ang sagot hanapin ang mga ito sa loob ng kahon at bilugan.
L K I M T A E H Y U N G
I J H O P E W Y T S T F
K A P I T A L B X U E R
A N U E S T Q E T G K I
S J U N G K O O K A N E
N B J I N S V T G B O N
A T I S U N O O A A L D
Y A M A N G T A O N O X
A S I K P O P S D G H B
M E N B I G H I T T I T
A E N H Y P E N F A Y S
N A M J O O N C V N A S
_______________1. Sinasabing lubhang mahalaga ito sa pagpapalago ng ekonomiya ng isang
bansa.
_______________2. Malaki ang naitutulong ng mga ito sa pagsulong ng ekonomiya lalong-lalo na
ang mga yamang-lupa, tubig, kagubatan, at mineral.
_______________3. Nagagamit nang mas episyente ang iba pang pinagkukunang-yaman upang
mas maparami pa ang mga nalilikhang produkto at serbisyo.
_______________4. Sina Sally Meek, _____________ at Mark Schug, ang may akda ng librong
Economics, Concepts and Choices (2008).
_______________5. Isa ring mahalagang salik na tinitingnan sa pagsulong ng ekonomiya ang lakas-
paggawa.

You might also like