You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
Schools Division of City of Malolos
District 5
LUGAM ANNEX ELEMENTARY SCHOOL
Lugam, City of Malolos, Bulacan

Ikalawang Markahan
Unang Sumatibong Pagsusulit Araling Panlipunan 6

Pangalan: ___________________________________ Marka: _____________


Baitang /Pangkat: _________________________ Petsa: _______________

I. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa patlang bago ang numero.

_____1. Ano ang ginamit na paraan ng mga Amerikano upang makuha ang tiwala ng mga Pilipino?
A. Makataong Asimilasyon C. Pamahalaang Sibil
B. Pamahalaang Militar D. Asamblea ng Pilipinas

_____2. Ang uri ng pamahalaang itinatag upang mapigilan ang pag-aalsa ng mga Pilipino.
A. Pamahalaang Sibil C. Pamahalaang Schurman
B. Pamahalaang Merritt D. Pamahalaang Militar

_____3. Maraming Pilipino ang lumahok sa pamahalaan sa ilalim ng pamahalaang sibil sa bisa ng patakarang
______________.
A. Pilipino Muna C. Pilipinas ay para sa mga Pilipino
B. Pilipinisasyon ng Pilipinas D. Makataong Asimilasyon

_____4. Sino ang kauna-unahang gobernador militar ng Pilipinas sa ilalim ng Estados Unidos?
A. William H. Taft C. William Mckinley
B. Wesley Merritt D. Jacob Schurman

_____5. Ang uri ng pamahalaan na ipinalit sa Pamahalaang Militar.


A. Pamahalaang Sibil C. Pamahalaang Militar
B. Pamahalaang Taft D. Pamahalaang Schurman

_____6. Ang Batas Tydings-McDuffie ay isa sa mga batas ukol sa Pilipinas na may probisyong___________________.
A. pagkilala sa mga sagisag ng Estados Unidos tulad ng bandila.
B. kontrolin ng Estados Unidos ang ekonomiya ng Pilipinas.
C. magpadala ng kinatawan ng bansa sa kongreso ng Estados Unidos.
D. ganap na kalayaan ng Pilipinas pagkatapos ng 10 taon.

_____7. Ang Misyong OSROX ay pinadala sa Estados Unidos sa kagustuhan ng mga Pilipino na makapagsarili. Kilala ito sa
ating kasaysayan bilang?
A. Batas Hare-Hawes-Cutting C. Misyong Pangkalayaan
B. Pamahalaang Militar D. Batas Tydings-McDuffie

_____8.Itinadhana ng Batas Hare-Hawes-Cutting at Batas Tydings-McDuffie ang ____________________________.


A. pagpatupad ng pamahalaang sibil kapalit ng pamahalaang militar
B. pagbigay ng kalayaan pagkatapos ng 10 taong transisyon sa pamamahala
C. mga pinunong Pilipino ang papalit sa pamunuang Amerikano
D. pagtatatag ng Pamahalaang Komonwelt kapalit ng Pamahalaang Militar
_____9. Anong batas ang nagtakda ng pagtatatag ng Asamblea ng Pilipinas bilang Mababang Kapulungan na kakatawan sa
mga Pilipino bilang tagapagbatas.
A.Batas Cooper C.Batas Gabaldon
B.Batas Jones 1916 D.Batas bilang 1870

_____10. Ang pagbuo ng Asembleya Filipina ay isa sa paghahanda ng mga Pilipino sa kalayaan. Alin sa mga sumusunod na
pangungusap ang nagpakita ngkakayahan ng mga Pilipino sa pamumuno?
A.paglinang ng likhang –kultural laban sa Amerikano
B.pagpapaunlad ng impluwensyang Amerikano sa pamahalaan
C.pagsunod ng mga Pilipino sa patakarang pang-edukasyon ng mgaAmerikano
D.pinagbuti ng mga Pilipino ang pamamalakad sa pamahalaan

II. Panuto: Suriin kung WASTO o MALI ang isinasaad ng bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang bago ang numero.
_____ 11. Lahat ng misyong pinadala ng Pilipinas sa Estados Unidos ay nabigo.
_____ 12. Ang Misyong OSROX ay pinamunuan nina Sergio Osmeña, Sr. at Manuel Roxas.
_____ 13. Tinanggap agad ni Manuel L. Quezon ang panukala nina Sergio Osmeña at Manuel Roxas tungkol sa Batas Hare-
Hawes-Cutting (Batas HHC).
_____ 14. Naging magkaiba ang pagtanggap nina Quezon at OSROX tungkol sa Batas Hare-Hawes-Cutting.
_____ 15. Ang Batas Jones 1916 ay nagtadhana ng kalayaan para sa Pilipinas, subalit hindi nito tiniyak ang takdang taon ng
pagbibigay kalayaan.
_____ 16. Naghanap si Quezon ng mas mabuting batas kaysa Batas Hare- Hawes-Cutting para sa pinakahihintay na kalayaan
ng Pilipinas.
_____ 17. Ang naglagda ng Batas Tydings-McDuffie ay si Pangulong Roosevelt.
_____ 18. Ang Misyong OSROX naghanap ng batas na titiyak sa pagbibigay ng kalayaan ng Pilipinas.
_____ 19. Ayon sa Batas Tydings-McDuffie kilalanin ang kasarinlan ng Pilipinas sa Hulyo 4 kasunod ng huling taon ng
Pamahalaang Komonwelt.
_____ 20. Ang Pro Batas Hare-Hawes-Cutting ay pinamunuan ni Quezon at ang Anti Batas Hare-Hawes-Cutting ay
pinamumunuan nina Osmeña at Roxas (OSROX).

JESS AMIEL D. TAPANG ___________________________________


ADVISER Parent signature

You might also like