You are on page 1of 24

Magandang Araw!

Kapayapaan at
kabutihang Loob <3
Magiging daloy ng talakayan
 Panimulang panalangin
 Balitaan
 Balik-Aral
 Panimulang gawain
 Pagtalakay ng Aralin
 Pagsusuri
 Pagpapalawig
 Pangwakas na Panalangin
Panimulang Panalangin

Mahal naming Ama sa Langit, Iyong dinggin ang aming


pasasalamat at munting panalangin.
Salamat po Panginoon sa panibagong araw na ipinagkaloob Mo
upang kami’y matuto. Salamat po sa pagkakataong ibinigay
Mo upang muli naming makasama ang aming guro at kamag-
aral.
Panginoon bigyan mo po kami ng karunungan at malusog na
kaisipan upang lubos naming maunawaan ang aming mga
aralin.
Panginoon, sa lahat ng oras Ikaw ang aming lakas,
Amen.
Pagbabahagi ng
Balita…
Ugnayang
Pilipino-
Amerikano: Mga
Isyu
Hamon
sa
Pagbangon
 Bagama't naipagkaloob na ang kalayaang
inaasam-asam mula sa mga Amerikano, hindi ito
nangangahulugang ganap na ang kakayahan ng
bansa para matugunan ang sarili nitong
pangangailangan.

 Sa pangkalahatan, maituturing na nakasandal pa


rin ang bansa sa United States.

 Ang mga Pilipino ay mayroon nang kalayaang


magsalita, magsulat ng sariling kaisipan,
Malaki ang naging hamon para sa gumawa ng nararapat na hakbang, at marami
Administrasyong Roxas upang pamahalaan pang iba ngunit hindi naging sapat ang mga ito
ang Pilipinas bilang isa nang ganap na estado. para tuluyang makawala sa impluwensiya ng
Isa ito sa pinakamasalimuot na yugto ng banyagang bansa.
kasaysayan ng bansa.
 Sinikap ng bawat administrasyon sa
ilalim ng Ikatlong Republika na
iangat ang kalagayan ng bansa  Ang ganitong kaisipan ay pinaniniwalaang
ngunit bawat makabuluhang nakapaloob din sa mga programa o polisiya
hakbang nito ay may kaakibat na na nabuo sa pagitan ng Pilipinas at United
sakripisyo. States.

 Halimbawa, ang tuwirang pagtanggap ng


Pilipinas ng tulong mula sa United States
ay pinaniniwalaang may katumbas na
pabor o kapakinabangan.
Tulong Pinansiyal
ng
United States
 Dahil sa lugmok na kalagayan ng • Pagkatapos ng isinagawang survey,
Pilipinas matapos ang Ikalawang naglaan ang Kongreso ng United
Digmaang Pandaigdig, nagpasiya ang States ng milyon-milyong halaga
pamahalaan ng United States na upang gamitin ng Pilipinas sa kanyang
bigyan ng tulong pinansiyal ang mga pangangailangan at para palitan
Pilipinas. ang perang nagamit o ipinagkaloob sa
mga gerilyang buong tapang na
nakipaglaban sa mga Hapones.

• Hindi pa nagiging Pangulo si


Manuel Roxas, nagpasa na ang
Kongreso ng United States ng batas
na tutulong sa Pilipinas para
bumangon.
Bell Trade Act
o
Philippine Trade Act
 Ipinasa ng Kongreso ng United
States noong Oktubre 1945 ang Bell • Itinakda rin dito ang quota sa
Trade Act na naglalatag ng m ga mga produktong iniluluwas ng
kondisyon para sa ugnayang pang- Pilipinas sa United States,
ekonomiya sa pagitan ng Pilipinas at
halaga ng piso laban sa dolyar,
United States.
restriksiyon sa pagl ilipat ng
 Nakasaad dito na ang malayang salapi mula sa bansa tungo sa
kalakalan sa pagitan ng United United States, at ang pantay na
States at Pilipinas ay magpapatuloy karapatan sa paggamit ng likas
sa loob ng 20 taon hanggang taong na yaman ng bansa.
1954.
Parity Rights
• Ito ay isang patakarang nagbigay sa
mga Amerikano ng pantay na • Sang-ayon sa parity rights na gusto
karapatan upang gamitin at ng pamahalaang United States,
pakinabangan ang mga likas na yaman bibigyan sila ng karapatang ayusin,
ng bansa tulad ng mineral, linangin, gamitin, at pakinabangar.n
kagubatan, lupang sakahan, at iba ang lahat ng likas na yaman ng bansa
pang natural na yaman na ganap kapantay ng mga Pilipino.
nang pag-aari ng bansang Pilipinas.
 Ang nasabing probisyon ay  Para makuha ng pamahalaan ang
salungat sa itinatadhana ng tulong pinansiyal mula sa United
Artikulo Xlll ng 1935 Saligang States kailangang susugan ang
Batas ng Pilipinas ukol sa Saligang Batas.
paggamit ng mga likas na yaman
 Maraming Pilipino ang hindi sang-
ng bansa.
ayon sa pagpapatibay ng parity
rights clause.
 Tanging mga Pilipino lamang
ang may karapatang  Mariing kinondena ng mga
makinabang sa likas na yaman makabayang Pilipino ang
ng bansa o yaong mga pagbibigay ng pantay na karapatan
korporasyon na nilikha sa ilalim sa mga Amerikano.
ng batas.
 Niratipikahan ng Kongreso ang
 Gayunpaman, walang ibang Bell Trade Act na nagbigay ng
paraan kundi ang "kumapit sa daan sa pagsusog ng 1935
patalim.“ Saligang Batas.

 Matindi ang pangangailangan  Ang pagsusog ay nagbigay ng


ng Pilipinas lalo na sa usaping daan sa US$800 milyong pondo
pinansiyal. para sa rehabilitasyon ng bansa.
Philippine
Rehabilitation Act
o Binuo ang US Philippine War
Damage Commission matapos
ipasa ng Kongreso at aprubahan
ang Batas Tydings-McDuffie
ng 1946.

o Pinamunuan ito ni Frank


Waring at may tatlong
• Binigyan ng kapangyarihan ang
miyembro; dalawang Amerikano Komisyon na gawing US$400 milyon
at isang Pilipino. Sila ang ang pambayad sa mga pribadong ari-
nagproseso sa mga kahilingang ariang nasira ng digmaan at karagdagang
dapat bayaran. US$120 milyon para sa
pagpapanumbalik ng mga pampublikong
pag-aari.
• Ang mga tulong pinansiyal at
• Mula sa US$ 120 milyon ay
bayad-pinsala ay unti-unting
ibabawas ang halagang US$ 57 napasakamay sa mga Pilipino ngunit
milyon para sa komisyon. nagsilbi naman itong daan para sa
matagalang ugnayang pang-
• Binigyan din ng karapatan ang ekonomiya ng Pilipinas at United
Komisyon na ilipat sa pamahalaan States.
ng Pilipinas ang mga lumang
kagamitang pangmilitar na • Sa pananaw ng marami, naging susi
nagkakahalaga ng milyon rin ito para makapasok sa bansa ang
bagama't hindi na halos mga pribadong kapital nang walang
mapakikinabangan. anumang balakid.
Military Bases
Agreement (MBA)
• Mayroong 23 base kung saan ang
Clark Air Base sa Pampanga at
 Ito ay isang kasunduan sa pagitan ng Subic Naval Base sa Zambales ang
pamahalaan ng United States at pinakamahalaga.
pamahalaan ng pilipinas.

 Nilagdaan ito noong Marso 1 6,


1947.

• Binigyan nito ng pahintulot ang


United States na magtayo ng mga
baseng panghimpapawid at pandagat
sa Pilipinas at panatilihin at
pamahalaan ang mga ito sa 100b ng 99
na taon.
Tinataglay ng MBA ang sumusunod na 3. Pagbibigay ng pahintulot sa United
mga probisyon:
States na mangalap ng mga Pilipinong
nais maglingkod bilang sundalo sa ilalim
ng United States nang buong puso.
1. Pagtutulungan sa pagitan ng United
States at Pilipinas at paggamit ng mga 4. May karapatan ang Amerikanong
instalasyong military Komandante ng base militar na magpataw
ng buwis, mamahagi ng mga kagamitan,
2. Pagbabawal sa Pamahalaan ng magbigay ng lisensiya, search without
Pilipinas na magbigay pahintulot sa warrant, at magpatapon (exile) ng mga di-
ibang bansa na magtayo ng base sa kanais-nais.
bansa nang walang pahintulot ang
United States
5. Paglagda sa Military Assistance
Agreement of 1947 at Military Defense
Treaty of 1951.

 Sa mga kasunduang nabanggit, Talaan ng Pagbabago sa


sinasabing laging nakalalamang ang Military Bases Agreement
United States.
pahina 244
 Dahil sa mga kasunduang ito,
kontrolado pa rin ng United States ang
ating bansa ayon sa pananaw ng mga
makabayang Pilipino.
Pangwakas na Panalangin

Panginoon salamat po sa panibagong araw na puno ng saya at


kaalaman.
Salamat po sa talinong ibinigay ninyo upang lubos naming
maintindihan ang mga aralin.
Salamat din po sa aming guro at mga magulang na nagbigay gabay
at inspirasyon upang maging masaya at matiwasay ang araw na ito.
Hinihiling po naming na bukas, at sa mga susunod na araw ay muli
ninyo kaming gabayan sa aming mga susunod pang mga aralin.
Ang lahat po na ito ay aming dinadalangin sa Iyo aming
Diyos Ama, Amen.

You might also like