You are on page 1of 4

MARTIN, Hannah U.

1BFM

PAKSA: Filipino-American Relations

1. RPH Reci Points 1 and 2

RPH Reci Points 1:Sa iyong palagay ano sa tatlong bansa ang nanatili ang kanilang
presensya sa Pilipinas kahit natapos na ang panahon ng kanilang pananakop?
Ipaliwanag sa iyong palagay ang dahilan kung bakit sila nanatili hanggang sa
kasalukuyan.

Ang presensya ng Amerika ay nanatili pa rin sa Pilipinas kahit natapos na ang


kanilang pananakop dahil isa sa naging ally ng Pilipinas ang Amerika. Nagkaroon pa rin ng
ugnayan ang Pilipinas at Amerika dahil sa mga usaping mutual defense treaty. Ang mutual
defense treaty ay ang pag suporta ng dalawang bansa sa isa’t isa kung ang isa man ay
maaatake ng iba pang bansa. Ngunit kung iisiping maigi, tila ba ginagamit lang din ng
Amerika ang Pilipinas bilang isang base lamang. May mga nag sasabi na maganda ang
lokasyon ng ating bansa sa mundo dahil unang una, tayo ay isang tropical na bansa. At kung
sa usaping gera naman, tayo ay isang strategic location sapagkat hiwa-hiwalay ang ating
mga pulo kung kaya’t hindi mabilis na masasakop ng sinumang kalaban. Maaaring ito ang
dahilan kung bakit hindi pinutol ng Amerika ang uganayan sa bansang Pilipinas.

RPH Reci Points 2: Kaya ba talaga ng Pilipinas na maging isang matatag na republika
at demokratikong bansa kahit wala na ang impluwensya at tulong ng bansang
Amerikano? Ipaliwanag.

Sa tingin ko ay kaya naman ng Pilipinas na walang impluwensya at tulong galing sa


Amerika dahil tayo ay may sarili ng Pamahalaan. Kakailanganin lamang ng bansa ang mga
magaganda at malinis na hangarin ng mga pinuno para mas maging matatag ang republika.
Sa usaping pagiging demokratikong bansa, sa tingin ko ay hindi na talaga natutulungan ng
Amerika ang Pilipinas lalo na nitong mga nagdaan na taon sapagkat hindi nila tayo
natulungan noong kabi-kabila ang patayan dahil sa war on drugs ni Duterte. Ang pagtuligsa
ng bansang Amerika sa Pilipinas dahil sa EJK ay isinawalang bahala lamang ng Pangulo. Sa
aking palagay, hindi naman ibang bansa ang makatutulong sa Pilipinas upang mas maging
matatag na republika at maipagpatuloy ang pagiging demokratikong bansa nito. Ang
talagang makakatulong mismo ay ang bawat Pilipino, sapagkat tayo pa rin ang masusunod
sa kung ano nga ba ang gusto nating mangyari sa sariling bansa.

2. Artuto Rotor Papers ng Padre de Tavera Special Collections

“Second Philippine The Spooner Pagkakaroon ng


Commission” o ang Amendment to Act of Philippine Bill
“The Magna Charta March 2, 1901
of the Philippines” Nagkaroon na ng
Ang may awtoridad lower house of the
Nag lalayon ito na upang pamahalaan ang legislature. Ang batas
matulungan ang Pilipinas sa pag buo ng na ito ay nag sulong
Pilipinas na makabuo isang pamahalaang sibil din na maprotektahan
ng sarili nitong ay ang Pangulo ng ang mga likas na
pamahalaan. Ito sa ay Estados Unidos. Ito ay yaman ng bansa.
nag dedeklara na ang gagawin upang maging
ginagawa ng Amerika matagumpay ang pag
ay hindi para sakanilang kakaroon ng sariling
kapakanan ngunit ito ay pamahalaan ang
para sa ikabubuti ng Pilipinas.
Pilipinas.

“Filipinizing the Pagkakaroon ng “The Pagkakaroon ng


Philippine Philippine Autonomy Act” Tydings-McDuffie Act
Government” policies o ang “Jones Law”

Ito ang pag gawa ng Ito ang pagbibigay


Ito ay nag lalahad na
mga aksyon ng America ng kalayaan sa
ang Estados Unidos ay
upang mtulungan ang Pilipinas at
marapat lamang na
Pilipinas na makuha ang pagpapatibay ng
kilalanin ang kalayaan
inaasam na kalayaan. konstitusyon at ng
ng Pilipinas sa oras na
pagtatayo ng
ito ay mayroon ng
pamahalaan.
matatag na
pamahalaan. Nagkaroon
din ng bagong Philippine
Legislature (Senate and
a House of
Representatives).
The Constitution of Ang speech ni Pang. The Battle of the
the Philippines Quezon sa radyo Philippines

Ang pagkakaroon ng Ipinahayag niya na Tumulong ang


republican form of kakampi ng Amerika ang America sa digmaan
government ng Pilipinas, Pilipinas maging ng Pilipinas laban sa
ito ay nahahati sa tatlo: hanggang sa gera. Japan.
executive, legislative, at
judicial.

Isang proklamasyon Post-war plans of


ang ginawa ni Pang Quezon
Roosevelt
Idineklara ni Pang
Pangangako ni Quezon na marapat
Roosevelt na makukuha lamang na ipagpatuloy
muli ng Pilipinas ang ng Pilipinas ang
kalayaan at ito’y pagkakaroon ng
mapoprotektahan pananampalataya sa
kailanman. Amerika dahil sa kanilang
pag tulong na makamit
ng Pilipinas ang
kalayaan.

1. Sa paanong paraan ang mga pangyayari sa panahong ito ay nagbungsod sa


pananatili ng mga Amerikano sa Pilipinas?

Ang mga karamihan sa mga pangyayaring ito ay nag papakita na malaki ang itinulong
ng Amerika upang makamit ng bansang Pilipinas ang kalayaan nito. Tinulungan nila ang
bansa na umahon muli at makapagtatag ng isang republika na naaayon sa estado ng bansa.
Sa tingin ko, isa ito sa mga dahilan kung bakit nanatili pa din ang mga Amerikano sa
Pilipinas. Marahil ay gusto pa din nila na tulungan ang bansa upang ito ay mas maging
progresibo at maunlad.

2. Ano ang iyong palagay ang pagkakaiba ng Amerika kumpara sa Espanyol at Hapon
sa aspekto ng pakikipag-ugnayan sa dati nitong kolonya?

Kahit nag karoon na ng sariling pamahalaan ang Pilipinas at natapos ang


kolonyalisasyon ng Amerika sa bansa, pinili pa rin ng nito na tulungan ang bansa sa
madaming aspekto. Nag bigay ang Amerika ng tulong na pinansiyal na nakakatulong sa
paglago pa lalo ng ekonomiya. Nagkakaroon pa ng mga programa ang Amerika upang
malabanan ang iba’t ibang isyu sa Pilipinas gaya na lamang ng kahirapan. Patuloy pa rin na
isinusulong ng Amerika ang pagkakaroon ng kapayapaan, seguridad, demokrasya, mabuting
pamamahala, at pag galang sa karapatang pantao ng Pilipinas. Ang mga ugnayan na ito, ay
hindi ginawa ng Espanyol at Hapon noong matapos na ang kanilang pananakop sa bansa.

3. RPH Question 5: Sa iyong pananaw, kinakailangan ba rin ba talaga ng Pilipinas ang


impluwensya ng mga Amerikano sa panahon na mayroon ng sariling Republika ang
Pilipinas? Ipaliwanag.

Para sa akin ay hindi na kailangan ng Pilipinas ang impluwensya ng Amerika


sapagkat mayroon na tayong mga sariling pinuno na alam ang gagawin upang umunlad pa
ang bansa. Mayroon na tayong mga pinuno na edukado at may mga sapat na kaalaman na
maka-tutulong sa Pilipinas upang ito’y mas maging matatag na Republika.
Naimpluwensyahan naman na tayo ng Amerika sa iba’t ibang bagay, aspeto, at mga usapin,
na hanggang ngayon ay nagagamit pa rin natin at sa tingin ko ay mananatili pa rin naman
ang impluwensya ng mga Amerikano sa atin kahit anong mangyari. Sa palagay ko kailangan
na ng Pilipinas na tumayo mag isa sapagkat ito ay ating sariling bansa at wala naman na
tayong ibang hanggad kundi ang mapabuti at mapaulad ang kalagayan ng bansa at
mapahalagahan ang kapakanan ng bawat mamamayang Pilipino.

You might also like