You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
City of Tagbilaran

ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN

GRADE: VI QUARTER: III WEEK: 1 DAY: 1


COMPETENC : Nasusuri ang mga pangunahing suliranin at hamong kinaharap ng mga
Y& Pilipino mula 1946 hanggang 1972.
OBJECTIVES Specific Objectives:
1. Natatalakay ang pagsilang ng Ikatlong Republika ng Pilipinas. 2.
Nailalarawan ang Pilipinas bilang isang ganap na estado. 3.
Napahahalagahan ang pagiging malaya aat ganap na estado ng
Pilipinas.
4. Naipakikita ang pagmamalasakit sa bansa.

CONTENT : Ang Pagsilang ng Ikatlong Republika

LEARNING : Projector o TV , laptop, Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino, pp.194-208


RESOURCES

PROCEDURE : A.Paghahanda: (Preparation)

1. Panalangin
2. Checking ng Attendance
3. Paalala sa mga Tuntunin sa Silid-Aralan

B. Pagganyak: (Motivation)

Pagbabalik-aral:
1. Ano ibig sabihin ng “estado” batay sa iyong natutuhan noong
ikaw ay nasa ikaapat na baiting pa? Kailan ba natin
matatawag na isang ganap na estado ang isang bansa?

C. Paglalahad: (Presentation)

Pagmasdan ang mga larawan matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.


Ano ang masasabi niyo sa bawat larawan? Paano kaya ito sa tingin
niyo nakaapekto sa pamumuhay ng mga Pilipino?

D.Pagtatalakay: (Discussion/Abstraction)

Tatalakayin ng guro ang mga detalye ukol sa pagsilang ng Ikatlong


Republika ng Pilipinas:
Ang pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas ay patuloy na kumilos
sa Washington, USA kahit napasailalim ang bansa sa kapangyarihan ng
mga Hapones. Si Quezon ay nanungkulan bilang pangulo ng Komonwelt
hanggang sa siya ay mamatay. Humalili sa kanya ang pangalawang
Pangulong si Sergio Osmeña.
Tinupad ng Estados Unidos ang pangako nitong pagkakaloob ng
kasarinlan sa Pilipinas tulad ng itinadhana sa Batas Tydings-McDuffie.
Nang mamatay si Roosevelt noong ika-12 ng Abril, 1945 ay humalili sa
kanya ang pangalawang pangulong si Harry S. Truman. Ipinagpatuloy ni
Truman ang mga programa ni Roosevelt para sa Pilipinas, particular na
ang pagkakaloob ng kalayaan sa Pilipinas sa ika-4 ng Hulyo1946, gaya ng
ipinangako ng Estados Unidos. Kaugnay nito ay ipinahayag din ni Truman
ang pangako ng Amerika na tutulungan ang bansa sa pagbangon nito
pagkatapos ng matinding dagok na dinanas sa nagdaang digmaang
pandaigdig.
Kaya naman, noong Hulyo 4, 1946 ay ipinahayag ni Harry S.
Truman ang kasarinlan ng Pilipinas. Ganap nang inalis ang Pilipinas bilang
isang republikang nag-aangkin ng ganap na soberanya bilang estado. At
bilang tanda ng pagpapahayag sa kasarinlan ng Pilipinas ay binasa ni Paul
V. McNutt, Komisyonado ng Amerika ang pahayag ni Truman.
Pagkatapos nito ay ibinaba ang bandilang Amerikano at itinaas
ang bandilang Pilipino bilang tanda ng pagwawakas ng kapangyarihan ng
Estados Unidos sa Pilipinas at ang pagsisimula naman ng Pilipinas bilang
isang ganap na estado na ngayo’y kabilang na sa mga bansang malalaya
at nagsasarili.
Pagkatapos, babasahin ng buong klase ang tiyak na mensahe ni
Harry S. Truman bilang hudyat ng ganap na pagwawakas ng
kapangyarihan ng Estados Unidos sa Pilipinas:
“…the Unites States of America hereby withdraws and surrenders all
rights of possession, supervision, jurisdiction, control of sovereignty now
existing and exercised by the United States of America in and over the
territory and people of the Philippines and on behalf of the United States
of America, I do hereby recognize the independence of the Philippines as
a separate and self governing nation and acknowledge the authority and
control over the same of the Government instituted by the people
thereof under the constitution now in force…”

E. Paghahasa (Exercises)

Pangkatang Gawain: Ilarawan ang Ikatlong Republika ng Pilipinas


sa malikhaing pamamaraan.

Group 1 – Poster
Group 2 – Islogan
Group 3 – Jingle

F. Paglalahat: (Generalization)

• Ang pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas ay patuloy na kumilos sa


Washington, USA kahit napasailalim ang bansa sa kapangyarihan
ng mga Hapones. Si Quezon ay nanungkulan bilang pangulo ng
Komonwelt hanggang sa siya ay mamatay. Humalili sa kanya ang
pangalawang Pangulong si Sergio Osmeña.
• Tinupad ng Estados Unidos ang pangako nitong pagkakaloob ng
kasarinlan sa Pilipinas tulad ng itinadhana sa Batas Tydings-
McDuffie. Nang mamatay si Roosevelt noong ika-12 ng Abril,
1945 ay humalili sa kanya ang pangalawang pangulong si Harry S.
Truman. Ipinagpatuloy ni Truman ang mga programa ni Roosevelt
para sa Pilipinas, particular na ang pagkakaloob ng kalayaan sa
Pilipinas sa

ika-4 ng Hulyo1946, gaya ng ipinangako ng Estados Unidos.


Kaugnay nito ay ipinahayag din ni Truman ang pangako ng
Amerika na tutulungan ang bansa sa pagbangon nito pagkatapos
ng matinding dagok na dinanas sa nagdaang digmaang
pandaigdig.

G.Paglalapat (Application)

Itanong: Ano ang diwa ng mensahe ni Truman? Ano kaya sa tingin niyo
ang naging reaksiyon ng mga Pilipino ukol dito?

H. Pagtataya: (Evaluation)

Sabihin kung tama o mali ang mga sumusunod na mga detalye. _____
1. Tinupad ng Estados Unidos ang pangako nitong pagkakaloob ng
kasarinlan sa Pilipinas.
____ 2. Ang pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas ay hindi na
nagpatuloy nang napasailalim sa kapangyarihan ng mga Hapones ang
Pilipinas. ____ 3. Bilang pagwawakas ng pananakop ng mga Amerikano,
ibinaba ang bandila ng Amerika at itinaas ang bandilang Pilipino sa
Pilipinas. ____ 4. Ipinahayag ni Harry S. Truman noong Hulyo 4, 1946
ang ganap na kasarinlan ng Pilipinas.
___ 5. Ang Pilipinas ay isang estado ngunit walang soberanya.

I. Kasunduan/Takdang Aralin (Agreement/Assignment)

Batay sa iyong mga nakikita o nababasa sa inyong lugar o sa iba pang


lugar na napuntahan mo, isulat ang mga lugar na nakapangalan sa mga
Amerikanong nanungkulan sa Pilipinas.
Halimbawa: Taft, Avenue, Manila.
Isulat ang mga sagot sa kwaderno.

Prepared by:

LORENA L. TABIGUE
MT-I

You might also like