You are on page 1of 3

MARTIN, Hannah U.

1BFM

PAKSA: Ang kababaihan sa Kasaysayan ng Pilipinas

1. RPH Reci Points at Class Task

RPH Reci Points: Ano ang pagkakaiba o/at pagkakahalintulad ng mga kababaihan sa
slide na ito?

Ang isa sapagkakaiba ng mga nasa larawan ay ang isa ay hindi naman tunay na
babae kumpara sa ibang nasa larawan, ngunit itinuturing na din na babae ang kagaya niya
sa panahon ngayon. Ang mga babae na nasa kanan o ang mga babae noong unang
panahon ay hindi gaano pinalalabas ng bahay at madalas ay nakatoka lamang para sa mga
gawain bahay. Ang mga nasa ibaba sa kaliwa ay ang mga babae sa kasalukuyang panahon.
Sila ang lumalaban para sa karapatan ng mga tao dahil sila ay nasa iba’t ibang sangay ng
pamahalaan ng Pilipinas. Ang nasa itaas sa kaliwa naman ay nag bibigay ng impluwensya sa
mga tao sa pamamagitan ng teknolohiya gaya ng online platform na youtube.

Ang kanilang pagkakahalintulad ay mayroong silang hangarin sa kanilang puso na


maglingkod para sa mga taong nakapalibot at umaasa sakanila. Sila ay ang mga nag
papatunay na kaya din ng mga babae na maging superyor sa mga lalaki. Sila ang mga
imahe ng babae na patuloy na nag papakita sa henerasyon ngayon na ang mga babae ay
hindi dapat nila-“lang” lamang sapagkat kaya nila bumuo ng mga imahe na hindi mahihigitan
ng sinumang lalaki.

Class Task: Isulat mo ang sa iyong palagay ay ginagawa ng mga kababaihan sa


larawan. Maaaring gawain, katangian, o gampanin sa lipunang Pilipino.

- Sila ang tagapamahala sa loob ng bahay.


- Simple, mahinhin at konserbatibo.
- Hindi sila gaano pinapayagan na lumabas ng bahay
- Madalang silang makihalubilo sa iba’t ibang tao lalo na sa mga lalaki.
- Sila ay walang karapatan na makisali sa unumang tungkulin sa pamahalaan.
2. Activity Day: Kababaihan sa Rebolusyon ng NHCP

Pangalan ng Babaeng Katangian ng babaeng bayani Gampanin sa kasaysayan ng


Bayani Pilipinas
1. Agueda Kahabagan - Walang takot/matapang - Tinagurian siya bilang “Henerala”
- Tumatayo bilang isang pinuno dahil sa galing na pinapakita niya
- Mapagmahal sa bansa sa mga digmaan.
- Kaisa-isa siyang babae na
naisama sa bilang ng mga Heneral
sa Talaan ng Hukbong Pilipino.
2. Patrocinio Gamboa - Matapang - Siya ay espiya na taga-hatid ng
- Matalino utos na may kinalaman sa
- Maparaan rebolusyon.
- Mapagmahal sa bansa - Siya ang nag tago ng watawat sa
ilalim ng kaniyang damit upang
madala ito sa Santa Barbara.
3. Teresa Magbanua - Matapang at walang - Namuno siya sa mga digmaan.
kinakatalutan - Namuno din siya sa isang hukbo sa
- Malakas rebolusyon sa Visayas.
- Magaling mangabayo at - Sumuporta sa pag laban ng mga
asintado sa pag gamit ng baril gerilya sa Hapon.
- Mapagmahal sa bansa
4. Clemencia Lopes - May paninindigan - Siya ay magaling na manunulat na
- Determinado nakapagbukas ng isipan ng marami
- Matalino noong panahon na iyon
- Malalim kung mag isip
5. Gregoria de Jesus - Matapang - Isa siya sa nagpalaganap ng
- Matalino Katipunan
- Mapagmahal sa bansa - Siya ang nag iingat sa mga lihim na
papeles at dokumento ng
Katipunan.
- Siya din ay magaling sumulat na
hanggang ngayon ay naka
iimpluwensya sa henerasyon.
3. RPH Question 4: Sa iyong palagay, sa pagdaan ng mga dekada ay nagbago na ba ang
pananaw at pagtingin ng mga Pilipino sa gampanin ng mga kababihan sa lipunan at
kasaysayan ng Pilipinas? Ipaliwanag.

Para sa akin, kumpara noong mga nakalipas na dekada, nag bago na nga ang
pananaw at pagtingin ng mga Pilipino sa gampanin ng kababaihan. Kung noon, halos puro
lalaki lamang ang nauupo sa pwesto sa pamahalaan, ngayon ay nag kakaroon na ng tiwala
ang mga Pilipino sa mga kakayahan ng babae sapagkat hindi na bago ang pagkakaroon ng
babaeng pinuno. Ang mga halimbawa nito ay ang pagkapanalo ng kasalukuyang Vice
President na si Leny Robredo at ang pumanaw na si Miriam Defensor Santiago na
naturingan pa bilang “Iron Lady of Asia”. Hindi na “taong bahay” lamang ang turing ngayon
sa mga babae sapagkat napatunayan na din na kaya rin naman ng mga babae gawin ang
ilan sa mga gawaing “panglalaki” lamang daw Ang halimbawa nito ay ang mga babaeng
breadwinner ng pamilya. Sa kasalukuyan madami ang lumalaban para sa pagkapantay-
pantay ng patingin sa babae at lalaki kung kaya’t naging bukas na din ang isipan ng mga
Pilipino sa kakayahan ng babae.

You might also like