PILIPINAS – AMERIKA A r a l i n g P a n l i p u n a n 6 – 3 r d Q u a r t e r | To p i c 1 P a r t 3
Prepared by: Eddie San Z. Peñalosa
Nang lumaya ang Pilipinas mula sa Amerika noong Hulyo 4, 1946, maraming naging hamon sa pagsasarili ng Pilipinas. Ang pinakamalaki at pinakamalubhang suliraning unang kinaharap ng bagong pamahalaan ay ang pagtugon sa mga epektong naiwan ng digmaan. Ang Pilipinas ang nagtamo ng isa sa pinakamalaking pinsala sa buong mundo matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Dahil walang kakayahan ang Pilipinas na tugunan ang mga pangangailangang iyon, malaking bahagi ng pambansang rehabilitasyon ay iniasa sa Amerika. Subalit ang pagtulong na iyon ay may kalakip na kapalit. Ang pagtulong ng Amerika sa Pilipinas matapos ang digmaan ay nasa anyo ng apat na kasunduan. 1. Military Bases Agreement. 2. Bell Trade Act. 3. Philippine Rehabilitation Act. 4. Laurel – Langley Act. MILITARY BASES AGREEMENT MILITARY BASES AGREEMENT
Ang Militray Bases Agreement ay isang kasunduan sa pagitan
ng Pilipinas at Amerika na nagbibigay karapatan sa mga Amerikano na magtayo ng mga base militar sa Pilipinas. Ito ay pinirmahan at naaprubahan ng Pilipinas noong Marso 26, 1947, at ng Amerika noong Enero 21,1948. Unang pinagkasunduan na ito ay ipagpapatuloy sa loob ng siyamnapu’t siyam na taon, na inemyendahan naman noong 1966 upang maging dalawampu’t limang taon at itinakdang magwakas pagsapit ng 1991 kung hindi aaprubahan ng Senado ng Pilipinas ang pagpapalawig nito. MILITARY BASES AGREEMENT
Sa nakapaloob sa kasunduan, mahigit sa sampung pook-
militar sa Pilipinas na maaaring gamitin ng mga Amerikano. Pinakakilala rito ang Clark Air Base sa Pampanga at ang Subic Naval Base sa Zambales. Ang iba pang mga pook-militar ay ang mga sumusunod: • Mactan Island Army and Navy Air Base; • Florida Blanca Air Base, Pampanga; • Camp Wallace, San Fernando, La Union; • Puerto Princesa Army and Navy Air Base; • Navy Section Base and Air Warning Sites, Palawan; • Tawi-Tawi Naval Base, Sulu Archipelago; at • Aparri Naval Air Base. MILITARY BASES AGREEMENT
Sa loob ng maraming taon mula 1948, ang Pilipinas ang
bansang may pinakamalaking base militar ng Amerika sa buong mundo. Hindi lamang sa Pilipinas nakipagkasundo ang Amerika sa pagtatayo ng mga base militar; ang mga bansang kasapi sa North Atlantic Treaty Organization (NATO) at ang bansang Hapon ay pumayag din na magkaroon ng base militar ang mga Amerikano sa kani-kanilang teritoryo. MILITARY BASES AGREEMENT
Bagama’t nasa Pilipinas ang pinakamalalaking base militar ng
mga Amerikano sa mundo, ito rin ang bansang tumatanggap ng pinakamaliit na kabayaran o tulong pinansiyal para sa pagpapanatili ng Amerika ng mga base militar.
Nagwakas ang Military Bases Agreement sa pagitan ng
Amerika at Pilipinas noong 1991 matapos pagbotohan ng Senado ng Pilipinas na huwag itong palawigin pang muli. BELL TRADE ACT OF 1946 BELL TRADE ACT
Ang Philippine Trade Act of 1946 na mas kilala sa tawag na
Bell Trade Act ay isang kasunduan sa pagitan ng Amerika at Pilipinas na tumutukoy sa mga patakarang pangkalakalang susundin ng dalawang bansa.
Isinasaad sa kasunduan na sa unang walong taon, malayang
makapapasok ang mga produktong Amerikano sa Pilipinas nang hindi binubuwisan. Sa susunod pang dawampung taong ay unti-unting magpapataw ng maliliit na buwis ang Pilipinas sa mga produktong Amerikano. BELL TRADE ACT
Sa ganoong ayos, hindi naging patas para sa Pilipinas ang
kasunduan sapagkat hindi nabubuwisan o napagkakakitaan ng pamhalaan ang mga produktong mula sa Amerika, samantalang hindi napapaunlad ang lokal na industriya sa pagpasok ng mga dayuhang produkto. Bukod pa rito, hindi ikinatuwa ng ilang Pilipinong mambabatas ang mga probisyon hinggil sa Parity Rights ng Bell Trade Act.
Inaprubahan ng Kongreso ang Bell Trade Act noong Hulyo 2,
1946, ngunit matapos lamang mapaalis sa Kongreso ng mga kakampi ni Pangulong Roxas ang mga tumututol dito. PARITY RIGHTS PROVISION PARITY RIGHTS PROVISION
Ang parity rights ay mga probisyon sa Bell Trade Act. Lubos
na naging kontrobersiyal ang mga probisyon ng parity rights dahil pinagkalooban nito ng karapatang pang-ekonomiya sa Pilipinas ang mga Amerikano na kapantay ng karapatan ng mga Pilipino. Sa bias ng probisyon ng parity rights, binigyan ang mga Amerikano ng pantay na karapatan sa mga Pilipino sa pangunguha at paggamit ng mga likas na yaman sa Pilipinas, bagama’t labag ito sa Konstitusyon ng Pilipinas ng 1935. PARITY RIGHTS PROVISION
Bukod pa rito, nakasaad sa Philippine Rehabilitation Act, na
naunang aprubahan ng Pilipinas, na maaaring hindi ibigay ng Amerika sa Pilipinas ang humigit-kumulang na anim na raan at dalawampung milyong dolyar bilang kabayaran nito sa pagkawasak ng bansa noong Ikalawang Digmaan kung malalabag ang alinmang pribilehiyong ipinagkaloob sa Amerika ng Bell Trade Act. PAGSUSOG SA KONSTITUSYON 1935 PARA SA BELL TRADE ACT PAGSUSOG SA KONSTITUSYON 1935 PARA SA BELL TRADE ACT
Dahil dito, nagplano ang kongreso na susugan o baguhin ang
Konstitusyong 1935, subalit kailangang makalikom ng tatlong-kaapat (3/4) na boto mula sa Kongreso (Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan) at isang plebesito.
Upang makakuha ng tatlong-kaapat na boto, nagsabwatan ang
mga kaalyado sa Kongreso ni Pangulong Manuel Roxas upang makaupo ang anim na kasapi ng partidong Democratic Alliance at tatlong kasapi ng partidong Nacionalista. PAGSUSOG SA KONSTITUSYON 1935 PARA SA BELL TRADE ACT
Pinagbintangan ang siyam na kasapi ng oposisyon mula sa
Democratic Alliance at Nacionalista na nagsasagawa raw ng marahas na paraan ng pangangampanya bago ang halalan ng taong 1946. dahil dito, naipasa sa Kongreso ang pag – apruba sa Bell Trade Act.
Nagkaroon naman ng plebesito noong Marso 1947, na
nilahukan lamang ng 40% ng mga botanteng Pilipino. Karamihan ng mga lumahok ay bumotong aprubahan ang Bell Trade Act. PHILIPPINE REHABILITATION ACT OF 1946 PHILIPPINE REHABILITATION ACT OF 1946
Bago pa man pormal na lumaya ang Pilipinas mula sa Amerika,
inaprubahan na ng pamahalaang Komonwelt ang Philippine Rehabilitation Act noong Abril 30, 1946. Isa itong kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika. Layunin ng kasunduan na matulungan ang Pilipinas na makabangon sa pinsalang tinamo nito dulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. PHILIPPINE REHABILITATION ACT OF 1946
Ayon sa probisyon ng nasabing kasunduan, ipinagkaloob ng
Amerika ang halagang anim na raan at dalawampung milyong dolyar na tulong-pinansiyal sa Pilipinas na binubuo ng mga sumusunod: a. Apat na raang milyong dolyar para sa mga pinsalang naidulot ng digmaan sa mga pribadong ari-arian;
b. Sandaan at dalawampung milyong dolyar para sa mga pinsalang naidulot
ng digmaan sa mga pampublikong ari-arian; at
c. Saandaang milyong dolyar na ipagkakaloob bilang surplus na kagamitang
military. LAUREL-LANGLEY AGREEMENT OF 1955 LAUREL-LANGLEY AGREEMENT OF 1955
Ang Laurel-Langley Agreement ay isang kasunduan sa pagitan
ng Amerika at Pilipinas na nag-alis sa pagkakatali ng Philippine Peso sa US dollar, at nagbigay kapangyarihan sa Pilipinas na magpataw ng taripa sa mga iniluluwas na produkto ng Amerika papunta sa bansa.
Binibigyang din ito ang mga Pilipino ng Equal Parity Rights sa
lahat na aspekto ng ekonomiya sa Amerika, upang mabigyan din ng ganoong karapatan ang mga Amerikano sa Pilipinas. LAUREL-LANGLEY AGREEMENT OF 1955
Hindi naging patas ang kasunduan sapagkat kakaunting mga
Pilipino lamang ang nakinabang doon, o silang mga kabilang sa uri ng mga dati nang mayaman dulot ng kanilang pagmamay-ari ng malalaking lupain o mga principalia. Walang sapat na kapital ang Pilipinas upang mamuhunan at pagkakakitaan ang ekonomiya ng Amerika, lalo na dahil sinisira ng digmaan ang ekonomiya at kabuhayan ng mga Pilipino. LAUREL-LANGLEY AGREEMENT OF 1955
Sa kabilang banda, naging napakayamang bansa ng Amerika
pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang kaniyang mga mamamayan at korporasyon ay nagpunta sa Pilipinas upang galugarin ang kalikasan at kunin ang mga likas na yaman. Mayroon silang teknolohiya at pera para isagawa ito, na wala ang mga Pilipino. Nagwakas ang kasunduan noong 1974. SALAMAT SA PAGSUBAYBAY