You are on page 1of 2

A. Ano ano kaya ang mga naging suliranin ng Pilipinas pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig?

Lagyan ng () tsek ang mga pangungusap o parirala na naglalarawan sa mga suliraning ito at ( X)
naman kung hindi.

1. Dumami ang mga iskwater sa Maynila.


2. Halos lahat ng mga dayuhan ay gustong mag negosyo saPilipinas.
3. Kawalan ng mga makinarya at mga gamit na pang agrikultura.
4. Lalong umunlad ang mga pamayanan sa Pilipinas.
5. Maraming mga naging problema sa sistema ng edukasyon.
6. Maraming nawasak na mga gusali.
7. Naging mahirap ang transportasyon at komunikasyon sa bansa.
8. Naging masaya at maunlad ang pamumuhay sa Pilipinas
9. Nagkaroon ng malakas na antas ng “colonial mentality” ang mga Pilipino o ang pagkahilig sa mga
produkto na galing o gawa sa ibang bansa.
10. Nalugmok sa kahirapan ang ekonomiya ng Pilipinas.

B. Kilalanin ang mga sumusunod na hindi pantay na kasunduan. Piliin ang inyong sagot sa loob ng
kahon.

A. Bell Trade Act B. Military Assistance Agreement C. Military Bases Agreement


D. Neocolonialism E. Parity Rights F. Philippine Rehabilitation Act

11. Kasunduan mula sa Estados Unidos na nagbibigay tulong sa Pilipinas sa halagang $620 milyon
kapalit ng ilang mga hindi pantay na kasunduan.
12. Kasunduan na nagbibigay karapatan sa mga Amerikano na tumulong sa pamamahala at
pagpaplano ng hukbong sandatahan ng Pilipinas gayundin ang pagtutustos ng mga armas at
kagamitang pangmilitar nito.
13. Kasunduan na nagpapahintulot na manatili sa Pilipinas ang mga hukbong sandatahan ng Estados
Unidos.
14. Kasunduan na nagsasaad ng pagkakaroon malayang kalakalan sa pagitan ng Estados Unidos at
Pilipinas sa loob ng walong taon.
15. Kasunduang nagsasaad ng pagkakaroon ng pantay na karapatan ng mga Amerikano at Pilipino sa
Pilipino.

C. Iguhit  ang kung ikaw ay sumasang-ayon sa sumusunod na pahayag at  kung hindi.


16. Ang Bell Trade Act ay nagpatatag sa ekonomiya ng Pilipinas. Maraming mga Pilipino ang
nakinabang at nagkaroon ng kabuhayan ngunit ito ay may dala ding hindi magandang epekto tulad
ng colonial mentality.
17. Labag sa saligang batas ang pagpirma ni Pangulong Manuel Roxas sa kasunduang parity rights
dahil ang Pilipinas ay isang malayang bansa at may sariling estado. Nararapat lamang na unahin
ng pamahalaan ang pag protekta sa mga mga karapatan ng mga mamamayan nito.
18. Maraming Pilipino ang bumatikos at kumondena sa desisyon ng Pangulong Roxas na tanggapin
ang tulong mula sa pamahalaang Amerikano kapalit ng mga hindi pantay na kasunduan.
19. May maganda at hindi magandang dulot sa ating bansa at pamumuhay ang pagtanggap ni
Pangulong Roxas sa mga ilang hindi pantay na kasunduan na dala ng Rehabilitation Act.
20. Nararapat lamang pagpapanatili ng 23 base militar ng Amerikano sa Pilipinas dahil hindi pa
kayang protektahan ng Pilipinas ang sariling bansa laban sa mga mananakop pagkatapos ng
ikalawang digmaang pandaigdig.

D. Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

A. diplomat o konsul F. karapatan sa saklaw na kapangyarihan


B. karapatan sa kalayaan G. panlabas soberanyang
C. karapatan sa pagmamay-ari H. panloob soberanyang
D. karapatan sa pakikipag-ugnayan I. Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP)
E. karapatan sa pantay na prebilihiyo J. soberanya

21. Ang sukdulan o pinakamataas na kapangyarihan ng estado o bansang magutos at pasunurin ang
mga tao.
22. Bawat estado ay may pantay na karapatan, tungkulin at prebilihiyo.
23. Malayang pakikipag-ugnayan sa ibang bansa.
24. May tungkuling tiyakin ang ganap na kapangyarihan ng estado at integridad ng bansang teritoryo.
25. Pag aari o pag aangkin ng lahat ng ariarian at bagay bagay na nasa kanyang teritoryo
26. Paggawa ng estado ng batas at kautusan at pagpapatupad nito sa nasasakupan.
27. Pambansang kinatawan sa ibang bansa
28. Pangangasiwa ng estado sa sarili, pang ekonomiya, panlipunan o pampolitika.
29. Tumutukoy sa kalayaan ng estadong itaguyod at sundin ang gawain nito na hindi pinakikialaman
ng ibang bansa.
30. Tumutukoy sa kapangyarihan ng estadong magpasunod sa lahat ng teritoryong nasasakupan nito.

You might also like