You are on page 1of 2

Markahan:

DLP No.: 5 Learning Area: Araling Panlipunan Baitang:6 Oras:50 minuto


Ikalawa
Natatalakay ang “parity rights” at ang ugnayang kalakalan sa Estados Code:
Mga
Unidos. AP6SHK – IIIa - b –
Kasanayan:
1
Susi ng Pag –  Ang “Parity Rights” ay ang pagkakaroon ng pantay na karapatan ng mga Pilipino at
unawa na Amerikano sa pagtuklas at paggamit ng likas na yaman ng bansa.
Lilinangin:
1.Mga Layunin:
Kaalaman Natatalakay ang “parity rights” at ang ugnayang kalakalan sa Estados Unidos.
Kasanayan Natutukoy ang kahalagahan ng “parity rights”.
Kaasalan Nakakalahok ng masigla sa pangkatang gawain.
Kahalagahan Nabibigyang halaga ang ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos
2.Nilalaman: Ugnayang Kalakalan sa United States
3.Mga AP6 CG, mga larawan, tsart, TM, TG
Kagamitang https://www.youtube.com/watch?v=UP2HGIw4gAA
Pampagtuturo:
4.Pamamaraan:
Pagbabalik-aral tungkol sa Base Militar ng Estados Unidos sa Pilipinas sa pamamagitan ng
4.1.Panimulang contest
Gawain:

Ipakita ang larawan sa klase.

4.2. Mga
Gawain/Estrate
hiya:

Itanong:
Ano ang iyong masasabi sa larawan?
Ano kaya ang kanilang ginagawa?

Sabihin:
4.3. Pagsusuri:
Ito ay ugnayang kalakalang sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas.
Ano-ano kaya ang naidulot na kabutihan ng ugnayang kalakalan ng Pilipinas at Estados Unidos?
Ano naman ang Parity Rights?

Nakilala mo ba si Pangulong Manuel Roxas?


Siya ang unang pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas. Nanungkulan siya noong 1946-1948.
Ang panahon kung kailan katatapos lamang ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Maraming kinaharap na problema si Pangulong Roxas habang siya ang nanungkulan dahil
katatapos lamang ng digmaan. Bukod sa maraming buhay ang nawala, bagsak na bagsak din
ang ekonomiya ng bansa at maraming imprasktratura ang nasira sa nasabing giyera.

Kaya upang makabangon ang Pilipinas mula sa pinsalang tinamo mula sa naganap na digmaan,
humingi ng tulong pampinansyal si Pangulong Roxas mula sa bansang Amerika.

Ngunit ang tulong na ito ng Amerika ay may kapalit. Narito ang mga patakarang pangkabuhayan
na ipinatupad ni Pangulong Roxas bilang pagsunod sa mga kondisyon na ibinigay ng mga
Amerika.

Una rito ang Malayang Kalakalan o mas kilala bilang Bell Trade Act 1946 o Philippine Trade Act .
Ito ang kaugnayang pang-ekonomiya sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos na nagtakda ng
mga kondisyon mula sa Kongreso ng Amerika kapalit ng 800 milyong dolyar na ibibigay ng
Amerika para sa rehabilitasyon ng Pilipinas.

Ang batas na ito ay sinusugan ng kinatawan ng estado ng Missouri na si Jasper Bell. Sa kanya
rin ipinangalan ang batas na ito.

Kabilang sa mga tadhana nito ang pagtatakda ng quota sa mga iniluluwas ng Pilipinas sa
Estados Unidos, malayang kalakalan sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas sa 8 taon, ang
pagkakaroon ng taripa sa susunod na 20 taon at pagtatakda na ang dalawang piso ay katumbas
ng isang dolyar. Ang ganitong sistema ng kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos
ay tumagal mula Enero 1946 hanggang Hulyo 1954.

Isa pa sa mga patakarang pangkabuhayan ng ipinatupad ng pamahalaang Roxas ay ang “Parity


Rights.” Ito ay ang pagbibigay ng pantay na karapatan sa mga Pilipino at Amerikano sa
paglinang ng likas na yaman ng Pilipinas. Dahil dito, maraming mahalagang gawaing pang-
ekonomiya, gaya ng pagmimina, paggawa ng mga beverage, at iba pa ay nanatiling nasa kontrol
ng mga Amerikano.

Ang Karapatang Parity (Parity Rights)


Sa kabila ng pagiging malaya ng Pilipinas ay pinairal pa rin ang mga patakarang maka-
Amerikano. Isang halimbawa ay ang pagsususog sa isang bahagi ng saligang-batas na
tumutukoy sa karapatang parity (parity rights). Ito ay ang pagkakaroon ng pantay na karapatan
ng mga Pilipino at Amerikano sa pagtuklas at paggamit ng likas na yaman ng bansa. Ang
karapatan sa mga serbisyong pampubliko, transportasyon at komunikasyon na tinatamasa ng
mga Pilipino ay ibinigay ding pribilehiyo sa mga Amerikano.
Ang parity rights na ito ay naging malaking usapin. Naisip ng mga Pilipino na ang
pagkakasusog ng bahaging iyon ng saligang-batas ay nangangahulugan ng pagpapatuloy na
pamamayani ng mga Amerikano sa bansa sa kabila ng pagkakaroon ng kalayaan.

Itanong:
Ano Bell Trade Act o Batas sa Kalakalan ng Pilipinas ng 1946?
Sino ang nagpatupad bg Bell Trade Act?
Bakit kaya ito ipinatupad?
Ano ang Parity Rights?
Ano sa iyong palagay ang ibinunga ng Parity Rights ?
Bakit mahalaga ang ugnayang natin sa Estados Unidos?

Pangkatang Gawain:
Ipasagot ang tanong sa bawat grupo.
4.5. Paglalapat: Ano ang naitulong ng Parity Rights sa pang araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino?
Paano mo maipapakita ang mabuting ugnayan sa iyong kaklase o kaibigan?

Isulat ang Tama o Mali.


______ 1. Ang ‘Parity Rights” ay ang pagkakaroon ng pantay na karapatan ng mga Pilipino at
Amerikano sa pagtuklas at paggamit ng likas na yaman ng bnasa.
______ 2. Ang Bell Trade ay kilala rin sa tawag na Kalakalan ng Pilipinas ng 1945.
5.Pagtataya: ______ 3. Ang Bell Trade Act ay ipinatupad ni Jasper Bell.
______ 4. Si Manuel Roxas ang unang panulo sa Ikatlong Republika.
______ 5. Ang karapatan sa mga serbisyong pampubliko, transportasyon at komunikasyon na
tinatamasa ng mga Pilipino ay ibinigay ding pribilehiyo sa mga Amerikano.

Sagutin ang Tanong:


6.Takdang
Aralin:
Ano ang magandang naidulot ng parity rights sa ugnayan ng Pilipinas sa Esatados
Unidos
7. Paglalagom / Ang guro ay tatawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi sa klase kung ano ang kanilang bagong
Panapos na karunungan’g natuklasan sa araling ito.
Gawin:

Inihanda ni:
Pangalan: MONALISA D. MANGAS Paaralan: GUINSAY ELEMENTARY SCHOOL
Posisyon: TEACHER I Sangay: Deped – DANAO CITY DIVISION
Telepono: 0922-592-5342 Email Address: monalisa.mangas@deped.gov.ph

You might also like