You are on page 1of 7

R epublic of the P hilippines

D epartment of E ducation
REG I O N V (BI C O L)
SC H O O LS D I VI SI O N O FFI C E O F I RI G A C I TY
Sc h o o l s D i v i s i o n O f f i c e
I RI G A C I TY

GAWAING PAGKATUTO
Pangalan ng Estudyante:_____________________________________
Asignatura/ Antas: Aralin Panlipunan 6 Week 4
Petsa:__________________________

I. Panimulang Konsepto

Ang Mga Programang Ipinatupad ni Manuel Roxas Bilang Unang Pangulo

ng Ikatlong Republika (1946- 1948)

Sa kanyang ginawang talumpati noong Hulyo 4, 1946, bilang pangulo ng


Ikatlong Republika, binigyang diin ni Pangulong Manuel Roxas ang dalawang
pangunahing layunin ng kanyang administrasyon. Una ay mapalaki ang produksyon
at maibangong muli ang industriyang winasak ng digmaan. Ikalawa, patuloy na
pagsuporta sa mga adhikain tungo sa isang mapayapang daigdig sa
pamamagitan ng pakikiisa sa Estados Unidos.

Bilang pagtugon sa kanyang unang layunin na lutasin ang mga suliraning


pangkabuhayan, nagpatupad si Roxas ng mga programang pang-elektripikasyon, mga
pagsasanay sa mga gawaing bokasyonal, at pag-aanyaya sa mga dayuhang kapitalista
gaya ng mga Amerikano na magtayo ng kanilang negosyo dito sa bansa.

Sa pamamagitan ng Kasunduang General Relations, opisyal na kinilala ng


Estados Unidos ang kalayaan ng Pilipinas. Naisulong ni Roxas ang pagpapatibay sa
Parity Rights noong Marso 11, 1947. Ang susog na ito ay nagbigay ng pantay na
karapatan sa mga Amerikano sa paglinang sa mga likas na yaman ng bansa. Bilang
suporta kay Roxas pinagtibay naman ng kongreso ang Bell Trade Act of 1946 na
ipinanukala ni Kongresista Jasper Bell ng Missouri. Ito ay nagtatadhana ng pagkakaroon
ng malayang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos mula Enero 1946
hanggang Hulyo 1954. Sa ilalim ng kasunduan, ang mga taripa sa iba’t ibang
produktong Amerikano at Pilipino ay taunang madaragdagan ng 5 % hanggang maging
100 % pagsapit ng 1974.

Bukod pa dito, nilagdaan din ni Pangulong Truman ang Tydings Rehabilitation


of Act 1946 na nagtatadhana ng pagtanggap ng Pilipinas ng $620 milyon mula sa ang
Estados Unidos upang maipagawa ang mga napinsala ng digmaan at maibalik muli ang
mga palingkurang-bayan.
II. Kasanayang Pagkatuto Mula sa MELCs

 Natatalakay Ang mga programang ipinatupad ng Iba’t ibang administrasyon

sa pagtugon sa mga suliranin at hamong kina kaharap ng mga Pilipino mula

1946 hangang 1972.

Ang Mga Programang Ipinatupad ni Manuel Roxas Bilang Unang Pangulo ng

Ikatlong Republika (1946- 1948)

III. Mga Gawain

A. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at Isulat sa iyong sagutang


papel.

1. Alin sa sumusunod ang isa sa layunin ng Administrasyong Roxas upang


matugunan ang mga pangngailangan ng Bansang Pipilinas Pagkatapos ng
Ikalawang digmaang Pandaigdig?

a. Mapalaki ang produksyon at maibangon muli ang industriyang nawasak


ng digmaan.
b. Mabigyan ng karapatang bumoto ang mga kababaihan.
c. Mapababa ang buwis ng mga manggagawa ng Pilipino
d. Magkaroon ng pantay na karapatan ng mga Pilipino at Amerikano sa mag
linang ng Likas na yaman ng bansa.

2. Bilang pagtugon sa kanyang unang layunin na lutasin ang mga suliraning


pangkabuhayan, Ano- anong programa ang ipinatupad ni pangulong Roxas?

a. Pagsulong ng murang pabahay at reporma sa Agrikultura.


b. Elektripikasyon at mga gawaing bokasyonal
c. Pagsulong ng Pilipino muna Movement
d. Wala sa nabanggit

3. Ano ang Layunin ng Bell Trade Act of 1946 sa Ekonomiya ng bansa?


a. Pinapayagang magkaroon ng Negosyo ang mga Pilipino sa Estados
Unidos.
b. Hinihikayat na mamuhunan ang mga Amerikano sa Pilipinas
c. pagkakaroon ng malayang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Estados
Unidos
d. Wala sa nabanggit
4. Paano naka tulong ang Panukalang Parity Rights na Isinulong ni
Pangulong Roxas sa Suliranin sa Likas na Yaman ng Bansa?

a. Ang Likas na yaman ng Bansa ay para lamang sa mga mamamayang


Pilipino.
b. Ang Mga Amerikano ay papahintulutan nang gamitin ng mga Pilipino
ang likas na yaman ng bansa.
c. Maari nang Ibenta ng mga Pilipino ang mga likas na yaman tulad ng
kahoy sa Estados Unidos.
d. Nagbigay ito ng pantay na karapatan sa mga Amerikano at Pilipino sa
paglinang sa mga likas na yaman ng bansa.

5. Aling Kasunduan ang nagtatadhana ng pagtanggap ng Pilipinas ng $620


milyon mula sa ang Estados Unidos upang maipagawa ang mga
napinsala ng digmaan at maibalik muli ang mga palingkurang-bayan.
a. Bell Trade Act of 1946
b. Parity Rights
c. Kasunduang General Relations
d. Tydings Rehabilitation of Act 1946

.B. Sa iyong palagay, Ano-anong Indusriya kaya makikinabang sa


dalawang pangunahing Programa ni pangulong Roxas. Magbigay
ng tatlong halimbawa. Ilagay ang sagot sa iyong sagutang Papel.

Programang Elekripikasyon Bokasyonal na Pagsasanay

C. Lagyan ng Tsek (/) kung ang sumusunod na pangungusap ay umaayon


sa mga programa ni pangulong Roxas at Ekis (X) naman kung hindi.
Ilagay ang sagot sa iyong sagutang papel.

_____1. Pagpapatayo ng mga pasilidad tulad ng mga Electric PowerPlants.


_____2. Pag aklas laban sa mga polisiya ng mga Amerikano.
_____3. Patuloy na pagsuporta sa mga adhikain tungo sa isang mapayapang
daigdig sa pamamagitan ng pakikiisa sa Estados Unidos.
_____4. Pag bibigay ng amnestiya sa mga Rebeldeng komunista.
_____5. Pag kakaroon ng pantay na Karapatan ng Pilipino at Amerikano
IV. Pagtataya: Tukuyin ang Kahulugan at layunin ng sumusunod na
Programa/Kasunduan na inilungsad ni Pangulong Roxas.

1. Treaty of General Relations

2. Parity Rights

3. Bell Trade Act of 1946

4. Tydings Rehabilitation of Act 1946

5.Maibangon Muli ang Industriyang nawasak ng digmaan.


SUSI SA PAGWAWASTO

GAWAIN A
1. A
2. B
3. C
4. D
5. D
GAWAIN B

Programang Elekripikasyon Bokasyonal na Pagsasanay


Industriya ng Komunikasyon Transportasyon
Agrikultura Kalakalan
Produksyon Inprastraktura

GAWAIN C
1. /
2. X
3. /
4. X
5. /
SANGGUNIAN

 Project EASE, Aralin Panlipunan


 Module no. 16 Ang pag babago sa Ibat Ibang Pamamahala
 https://en.m.wikipedia.org
 Youtube.com : Ang ikatlong Republika at mga programa ng mga nagging Pangulo
nito.

Inihanda ni

HANSEL ANGELO D. PEREZ


San Nicolas Elementary School

You might also like