You are on page 1of 29

ARALING PANLIPUNAN 6

WEEK 4 DAY 1
LAYUNIN:

Natatalakay ang mga programang


ipinatupad ng iba’t ibang administrasyon sa
pagtugon sa mga suliranin at hamong
kinaharap ng mga Pilipino mula 1946
hanggang 1972.
Mga Programang Ipinatupad ni
Pangulong Manuel A. Roxas sa
Pagtugon sa mga Suliranin at
Hamong Kinaharap ng mga
Pilipino
Panuto: Buuin ang mga
sumusunod. Sundin ang
halimbawa na nasa ibaba. Pwede
rin kayong gumawa ng iyong
sariling disenyo.
Kung kayo si Manuel A.
Roxas malulutas mo ba
ang mga suliraning
idinulot ng isang
Digmaan?
Si Pangulong Manuel Acuña
Roxas ay ang Huling pangulo ng
Pamahalaang Komonwelt at
unang pangulo ng Ikatlong
Republika ng Pilipinas, Ika-
limang pangulo ng bansa, mula
Hulyo 4, 1946 hanggang Abril 15,
1948.
Naging lubhang mabigat ang
gawain ni Pangulong Roxas dahil
sa mga suliraning idinulot ng
digmaan. Gayunpaman, buong
sikap niyang hinarap ang mga
suliraning ito upang magkaroon
ng bagong buhay ang bansa.
Pinagsumikapan niyang lutasin
ang mga suliranin, tulad ng
pagsasaayos ng kabuhayan,
katiwalian, kaayusan at
mababang moralidad ng
lipunan.
MGA SULIRANING
KINAHARAP NI MANUEL A.
ROXAS
1. Pag- aangat sa lugmok
na ekonomiya ng bansa
na sadyang naapektuhan
ng digmaan.
2.Pagpapanatili ng
pambansang seguridad
na noon ay nanganib
sanhi ng pagkilos ng
Huk.
3. Pagbubuklod sa mga
Pilipinong nahati dahil sa
isyu ng kolaborasyon
(Enero 17, 1948).
Ang mga Programa at Patakaran
upang masolusyunan ang
problema hinggil sa ekonomiya ng
bansa ay isinagawa niya ang mga
sumusunod:
1. Pagsasaayos ng
elektripikasyon
2. Pagsasanay sa mga gawaing
bokasyunal
3. Pagtatatag ng mga kaluwagan
sa pagpapautang.
4. Paghimok sa mga kapitalistang
Amerikanong mamuhunan sa Pilipinas.
5. Pagpapasiyasat sa mga likas na yaman
ng bansa na humantong sa
pagmumungkahi na kailangang
magtatag ng mga industriyang
mangangalaga at lilinang sa mga likas na
yaman ng Pilipinas.
6. Binigyang pansin ang pagpapalaki ng
produksyon/ industriya at pagsasaka.
Panuto: Kompletuhin. Batay sa larawan,
itala sa kahon ang mga Programa at
Patakaran upang masolusyunan ang
problema hinggil sa ekonomiya ng bansa.
Piliin ang sagot sa kahon.
Panuto: Pumili ka ng isang
programa ng pangulo na tumatak
sa iyo. Isulat ito sa loob ng kahon
at ipaliwanag kung bakit mo ito
napili.
Batay sa iyong napiling
programa ng bawat pangulo,
nakatulong ba ang mga ito sa
paglutas ng mga problemang
kinaharap ng bansa?
Panuto: Pagtambalin ang Hanay A
at Hanay B. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa inyong sagutang
papel.
Maraming
Salamat!

You might also like