You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 6

CECILE C. PASCO, T I

Subject: AP 6
Grade & Section: Grade 6
Date: 10:50 – 11:40/November 19, 2018

I. LAYUNIN
1. Nasusuri mo na ang mga patakaran at programa ng pamahalaan upang
matugunan ang mga suliranin at hamon sa kasarinlan at pagkabansa ng
mga Pilipino.
2. Natutukoy ang mga naging pangulo ng bansa mula 1946 hanggang 1965
3. napapahalagahan mo na ang pamamahala ng mga naging pangulo ng
bansa mula 1946 hanggang 1965

II. NILALALAMAN

Paksa: Pamamahala ng mga Naging Pangulo ng Bansa mula 1946


Hanggang 1965

Kagamitan: tsart, larawan, manila paper

Sanggunian: Gabay pangkurikulum sa AP 6 AP6IPP-IIa-1, quipperschool.com

III. PAMAMARAAN

1. Paghahanda
a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagtatala ng lumiban sa klase

2. Mga Gawain (Activities)

KIlala ba ninyo ang mga nasa larawang ito?


Pangalanan nyo nga.

3. Pagtatalakay
4.
a. Paunlarin (Analysis)

Paano kaya maging pangulo ng isang bansang katatapos pa lamang


sumabak mula sa isang malaking digmaan?

Meron akong mga fact sheets dito. Ang gagawin ninyo ay pipili kayo sa
inyong grupo na gaganap bilang pangulo. Para sa unang grupo, si Manuel Roxas
ang gaganapin ninyo, sa pangalawa naman ay si Elpidio Quirino, ang pangatlong
rupo naman ay si Ramon Magsaysay, sa pang apat na grupo naman ay si Carlos P.
Garcia at sa huling grupo naman ay si Diosdado Macapagal. Nariyan sa hand-outs
ang mga layunin, suliranin at mga programa ng bawat pangulo. Ang gagawin nyo
lang ay isasalaysay ng padula o padrama ang kanilang mga nagawa.
Halimbawa ako si pangulong Duterte, ganito ang gagawin ko:

Layunin kong sugpuin ang talamak na paggamit at pagbebenta ng droga


dito sa ating bansa. At ipapatanggal ko ang sinumang mahuli na nagnanakaw ng
pera sa kaban ng bayan o ang kurapsyon.

Alam natin na dahil sa droga, maraming nadadamay na inosenteng tao


kaya ito ang isa sa malaking suliranin na kinakaharap ng ating bansa.

Programa ko tapusin ang ENDO o End of Contract, dagdag sahod sa mga


kapulisan at mga sundalo at higit sa lahat ang build3x na kung saan magpapatayo
ako ng mga imprastraktura upang mabigyan ng sapat na hanapbuhay ang mga
Pilipino. Yun lamang at maraming salamat!

Ngayon, handa na ba kayo? Bibigyan ko kayo ng 10minuto na


makapaghanda at pagkatapos, ilalahad ninyo ito sa klase.

5. Pangwakas na Gawain

a. Paghahalaw (Abstraction)
a.1. Paglalahat

Kaninong liderato ang nagnais solusyunan kung paano muling ibabangon ang
mga nasira ng digmaan?

Kaninong liderato naman ang naglayon na isaayos ang kabuhayan para sa mga
mahihirap at ganap na lutasin ang suliranin sa Hukbalahap?

a.2. Paglalapat (Application)

Gaano kaya kahirap ang pagpapatakbo ng pamahalaan noon?


Kapag lumaki na kayo at nagkaroon ng trabaho, papangarapin nyo din ba ng
maging pangulo ng bansa?

IV. PAGTATAYA
1. Ano ang ipinahihiwatig ng layunin ni Macapagal na lunasan agad ang mga
suliraning pangkabuhayan at pangkapayapaan ng bansa?
2. Bakit isa ang pagsasaayos ng kabuhayan sa mga suliranin ni Garcia?
3. Bakit si Roxas ang nagkaroon ng pinakamalaking hamon sa pagpapatakbo ng
isang malayang bansa?

V. TAKDANG ARALIN

Paano sinimulan ni Roxas ang kaniyang panunungkulan bilang pangulo ng bansa?

You might also like