You are on page 1of 35

Ang Rebolusyong

Amerikano: Sanhi,
Pangyayari, at
Implikasyon
Inihanda ni: Jeanette S. Peñaredondo
Gawain:

Tukuyin kong anong pahayag ang Isinasaad


ng mga numero.

1.) 18, 5, 2, 15, 12, 21, 19, 25, 15, 14, 7

1, 13, 5, 18, 9, 11, 1, 14, 15


2.)16, 1, 20, 18, 9, 15,
20
3.)19, 21, 7, 1, 18
1, 3, 20
4.)19, 20, 1, 13, 16
1, 3, 20
5.) 20, 15, 23, 14, 19, 8, 5, 14, 4
1, 3, 20
Ang Rebolusyong Amerikano

Ito ay naimpluwensyahan ng
mga ideyang pinalaganap
noong Panahon ng
Enlightenment.
Nagsimula ang himagsikan
dahil sa hindi
makatarungang
pagpataw ng buwis.
Labintatlong Kolonya

Ika-17 siglo, ang malaking bilang ng


mga Ingles ay nagsimulang lumipat
at manirahan sa Hilagang Amerika.
Sa kalagitnaan ng ika-18 siglo ay
nakabuo sila ng 13
magkakahiwalay na kolonya na ang
hangganan sa hilaga ay
Massachusetts at sa timog ay
Georgia
Noong 1750 ay gumastos ng napakalaking
halaga ang British laban sa France upang
mapanatili sa ilalim ng kanilang imperyo
ang 13 kolonya. Kaugnay nito nagpatupad
ang mga mga British ng mga patakaran
tulad ng Sugar Act, Stamp Act, at
Townshend Act.
Noong 1770, naganap ang insidente na
tinawag na Boston Massacre kung
saan limang Amerikano ang napatay
at marami ang sugatan nang sila ay
barilin ng mga sundalong British
Noong 1773, pinasok ng mga
Amerikano ang pangkalakal na
bapor ng mga British at kanilang
itinapon ang tone- toneladang tsaa
sa pantalan ng Boston Harbor sa
Massachusetts.
Ang Pagsisimula ng Digmaan

Abril 1775, nagkaroon ng sagupaan


sa Concord at Lexington, mga
bayan malapit sa Boston.
Deklarasyon ng Kalayaan
Pagsapit ng ika-4 ng Hulyo 1776, ang
Declaration of Independence ay
ipinahayag ng Continental Congress na
binubuo ng mga kinatawan ng 13
kolonya.
Ang pangunahing may-akda ng deklarasyon
ay si Thomas Jefferson. Binigyang-diin
dito na ang dating mga kolonya ay hindi na
sakop ng Great Britain. Sila sa panahong
iyon ay kinilala na bilang malayang nasyon
na tinawag na Estados Unidos ng America
(United States of America).
Ang Mga Digmaang Naganap
Noong ika -25 ng Disyembre 1776, si
Washington at ang kanyang hukbo ay
naglunsad ng isang sorpresang pag-atake
laban sa mga British. Dito naganap ang
digmaan sa Trenton at Princeton na kanila
namang napagwagian.
Simula taong 1777, sinimulan na ng mga
British ang pag-atake sa Amerika. Subalit
bawat pagtatangka nila ay napipigil ng mga
hukbong Amerikano dahil dumami na rin
ang kasapi ng Continental Army na umabot
na sa halos 20,000 sundalo.
Noong 1778, nagsimula nang bigyan
ng pagkilala ng pamahalaang
France ang United States of
America bilang isang malayang
bansa.
Disyembre 1778, nakuha ng British ang daungan ng
Savannah at tuluyang nakontrol ang Georgia.
Tinangka ding sakupin ng Great Britain ang Timog
Carolina sa pamumuno ng British Commander na si
Heneral Charles Cornwallis. Ngunit sa pamamagitan
ng pinagsamang pwersa ng Amerikano at Pranses ay
natalo ang mga British.
Sinubukan pang mag-ipon ng lakas ang hukbo ni
Hen.Cornwallis subalit higit namang lumakas ang
pwersa ng Amerika dahil sa karagdagang
sundalong Pranses na ipinadala sa Amerika. Kaya
noong Oktubre 19,1781 ay nagpahayag ng
pagsuko ang mga British. Dito na tuluyang
nakamit ng mga Amerikano ang tunay nilang
kalayaan.
Paghahangad ng Kapayapaan
Sa isang komperensiya sa Paris noong 1783 ay pormal ng
tinanggap ng Great Britain ang kalayaan ng kanilang
dating kolonya. Ang kalayaan ng Amerika ang
nagpabago sa mukha ng kasaysayan ng mundo dahil ito
ang naging daan sa pagbuo ng isang bagong nasyon na
umunlad at naging isang makapangyarihang bansa sa
hinaharap.
RUBRIKS
KAWASTUHAN 10
KOOPERASYON 5
TAKDANG-ORAS 5
KABUUAN 20
Unang Pangkat
Panuto: Pagsunod-sunodin
ang mga pangyayaring
naganap sa Rebolusyong
Amerikano.
Ikalawang Pangkat
Panuto: Bumuo ng History Frame upang maibuod
ang paksa.
Mga nakapaloob sa History Frame:
• Pangyayari
• Pangunahing Sangkot
• Kinahinatnan/Epekto
• Suliranin/Sanhi
• Mahahalagang Pangyayari. (Halimbawa:
Deklarasyon ng Kalayaan)
• Aral na natutunan
Ikatlong Pangkat
Panuto: Bumuo ng Timeline
tungkol sa mahahalagang
pangyayaring naganap sa
Rebolusyong Amerikano
1. Paano nakamit ng
mga Amerikano ang
Kalayaan?
2. Ano ang
mahalagang papel ng
pagpapanalo ng
Amerika?
Pagtataya
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Anong bansa ang tumulong sa mga


Amerikano sa pakikipaglaban sa mga
British?
a. Britain
b. Boston
c. France
d. Washington
2. Anong taon pormal na tinanggap ng
Britain ang Kalayaan ng kanilang
dating kolonya?
a. 1783
b. 1767
c. 1770
d. 1780
3. Ano ang tawag sa mga
rebolusyonaryo na nagsasagawa ng
mga pag-aalsa sa kolonya?
a. patriot
b. pulis
c. mangangalakal
d. mga mananakop
4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI
ipinatupad ng mga British na
patakaran?
a. Sugar Act
b. Stamp Act
c. Townshed Act
d. Human act
5. Kailan nagpahayag ng pagsuko ang
mga British?
a. Oktubre 19, 1781
b. Oktubre 19, 1782
c. Oktubre 19, 1783
d. Oktubre 19, 1784
Test II. Enumeration
6-8 Ibigay ang tatlong patakaran
na inilunsad ng British

9-10 Anong digmaan ang


naganap, nang inatake ng hukbo
ni Washington ang mga British?
Takdang-Aralin
Panuto: Magsulat ng Reaksiyon Paper tungkol
sa pakikilahok ng mga Kabataang mag-aaral sa
mga kilos-protesta na binubuo ng tatlong talata.

RUBRIKS
Husay sa Pagtalakay 30%
Kaugnayan sa Paksa 40%
Wastong paggamit ng salita at bantas 30%
Kabuuan 100%

You might also like