You are on page 1of 6

(For G8)

Sangay ng mga Paaralang Panlungsod ng Parañaque


Araling Panlipunan 8
Ikatlong Markahan

Ikalimang Linggo
Rebolusyong Amerikano

Mga Kasanayang Pampagkatuto (Essential Competencies)

➢ Naipaliliwanag ang kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa


Rebolusyong Amerikano at Pranses. (AP8PMD-IIIi-9)

Layunin
Pagkatapos ng aralin, inaasahang malilinang ang mga sumusunod mong
kaalaman:

• Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng Rebolusyong Amerikano;


• Napahahalagahan ang epekto ng Rebolusyong Amerikano;
• Nakagagawa ng poster na nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagkakaroon ng
kalayaan at kapayapaan sa kanilang lugar.

Balikan Natin
Sino Ako?
Panuto: Tukuyin kung sino ang nagsasalita sa mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang
letra ng tamang sagot sa patlang.
A. Jean Jacques Rousseau B. Galileo Galilei C. Nicolaus Copernicus
_______ 1. “Naniniwala ako na ang araw ang sentro ng kalawakan at ang daigdig ay umiikot
dito.”
_______ 2. “Naimbento ko ang teleskopyo na ginamit ko sa pag-aaral ng kalawakan.”
_______ 3. “Sinulat ko ang “The Social Contract.”

Unawain Natin
Tama na, Sobra na!

Rebolusyong Amerikano (1763 – 1783)


Ang Rebolusyong Amerikano ay tumutukoy sa
pag-aalsa ng labintatlong (13) kolonyang Amerikano
laban sa mananakop na British (taga-Great Britain).
Ang mga English Puritans ay ang unang
nakarating sa Amerika at nagtatag ng unang
komunidad doon noong taong sanlibo anim na raa’t
dalawampu (1620) na tinawag na Jamestown sa
Amerika na matatagpuan sa Virginia. Ito ay hango sa
pangalan ng hari ng Britanya na si Haring James I.
Sakay ng barkong Mayflower ay nagkaroon sila ng
kasunduang tinawag na Mayflower Compact.
Kung saan nagkasundo silang magtatag ng payak na Ang 13 Kolonyang Amerikano
pamahalaang may kalayaan - kalayaan sa relihiyon,
politika at pagpapahalaga sa pamayanan. Hindi nagtagal, tuluyang nasakop ito ng Great
Britain at nagresulta ng rebolusyong Amerikano.

1
(Tandaan, kapwa mga British o Ingles din ang kalaban ng Parliyamentaryong British at sila
ang nagpasimula ng Rebolusyong Amerikano).

Mga Kautusan/Patakaran ng Great Britain na Naging Dahilan ng Rebolusyong Amerikano


Mga Kautusan/Patakaran Kahulugan Resulta
a. Sugar Acts o • Pagpataw ng mataas na
American Revenue buwis ng Great Britain sa
Act (1764) asukal at molasses
(katas ng tubo na
ginagawang syrup na
ginagamit din bilang • Nagprotesta sina Samuel
asukal). Adams (larawan sa kaliwa)
at James Otis (larawan sa
kanan).
• Nagkaroon ng mga
kaguluhan.
b. Stamp Act (1765) • Obligadong pagbili ng • Nagpahayag si Reverend
selyo para sa lahat ng uri Jonathan Mayhew na “no
ng dokumento maging ito taxation without
man ay magasin o representation.” (dapat
diyaryo. may representasyon ang 13
kolonya sa Parliyamento at
pamahalaan ng mga British).
• Pinawalang bisa ang Stamp
Act.
c. Townshend Acts • Sinulat ni Charles a. Boston Massacre (1770)
(1767) Townshend. Pagbaril ng mga sundalong
• Serye ng mga patakaran Ingles sa mga
sa pagbabayad ng buwis nagkakagulong tao dahil
upang ipampasahod sa lang sa panggigipit ng isang
mga gobernador at huwes Bostonian sa isang
nang manatili itong tapat sundalong Ingles.
sa Great Britain. b. Boston Tea Party (1773)
• Sagot sa nabigong Stamp Papapanggap ng mga
Act at parusahan ang rebolusyonaryong
probinsiyang New York. Amerikano bilang mga
Indian at itinapon sa
daungan ng Boston ang
Charles Townshend
tatlong daan apatnapung
(340) kahon ng tsaa.
d. Intolerable Acts • Isang Punitive Law • Inilagay sa ilalim ng militar
(1774) (batas ng parusa). ang Massachusetts.
• Serye ng mga kautusan at • Ipinasara ang daungan ng
pagbubuwis ng mga Boston hangga’t ‘di
Ingles upang parusahan nakakapagbayad sa
ang kolonyang itinapong mga tsaa.
Massachusetts dahil sa
nagyaring Boston Tea
Party.

Ang Paglaban ng Labintatlong (13) Kolonya


Dumami ang bilang Patriots (tawag sa rebolusyonaryo ng 13 kolonya) sa pangunguna
ni Samuel Adams. Nagpakalat ng mga flyers ang mga patriyotiko na may titulong “Common
Sense” ni Thomas Paine na nakasaad dito ang tuluyang paghihiwalay ng kolonya sa Britain at
ang pahayag ni Patrick Henry na “Give me liberty or give me death” na gumising sa
damdaming Amerikano. At kung may Patriyotiko, mayroon ding mga tinatawag na Loyalista o
Tories, sila ang mga tapat sa hari ng Britain (ang Georgia ay loyalista o tories).

2
Mga Mahahalagang Pangyayari ng Rebolusyong Amerikano
Mga Kilalang Tao at
Pangyayari Mga Kaganapan Resulta
mga Nagawa
Unang • Naganap sa Peyton Randolph • Natalo sa unang
Continental Philadelphia - Unang presidente labanan ang mga
Congress (Pennsylvania) ng unang rebolusyonaryong
(1774) • Dinaluhan ng 59 na Continental Amerikano ng mga
delegado ng 12 Congress. Red Coats
kolonya. Hindi Mga Nanguna sa (sundalong British
dumalo ang Georgia Unang Continental o Ingles) sa
dahil abala sa Congress: Labanan sa
pakikipaglaban sa Lexington at
mga Indian Patrick Concord noong
(katutubong Henry April 19, 1775
Amerikano) at sila ay
loyalist na umaasa
sa suplay ng mga John
British. Adams
Mga tinalakay:
a. di pagsang-ayon sa
“Intolerable Acts”.
b. deklarasyon ng mga Samuel
karapatan at Adams
hinanakit sa mga
Ingles.
c. di-pagtangkilik sa
mga produkto ng mga George
Ingles. Washington
d. paglaban sa mga
batas ng Ingles
Ikalawang • Pamahalaan ng John Hancock • Nagkaroon ng mga
Continental kolonya sa panahon - Sumunod na labanang
Congress ng digmaan. presidente ng naipanalo ng mga
(1775-1781) • Unang aksyon ay ikalawang Amerikano laban
nagtatag ng Continental sa mga Ingles
Continental Army. Congress. - Nahikayat ni
• Dineklara ang George Washington Benjamin Franklin si
kalayaan ng Amerika - Commander-in-chief Marquis de Lafayette
kahit ‘di pa tapos ang ng Continental Army ng France na makipag-
digmaan noong July bilang paghahanda sa alyansa sa Amerika
4,1776 at isinilang digmaan. laban sa Great Britain.
ang United Colonies - John Adams at
of America. Benjamin Franklin at Benjamin Franklin
• Natalo sa Labanan Thomas Jefferson kinatawan sa paglagda
sa Saratoga (New - mga bagong ng pagtatapos ng
York) ang mga British miyembro ng rebolusyon at pagkilala
at sumuko si Gen. Ikalawang Continental ng Great Britain sa
John Burgoyne kay Congress. kalayaan ng Amerika
Horatio Gates na sa
namuno sa hukbo ng Thomas • Treaty of Paris
Continental Army. Jefferson (September 3,
• Muling natalo sa 1783) - opisyal na
Labanan sa - May-akda ng pagtatapos ng
Yorktown (Virginia) Deklarasyon ng digmaan sa
ang mga Ingles at Kalayaan pagitan ng Great
sumuko si Lord Britain at Amerika.
Cornwallis. Ito ang Kinilala ang

3
hudyat ng pagtatapos kalayaan ng
ng rebolusyong George Amerika.
Amerikano. Washington

- Unang pangulo ng
Amerika (1789-1797).

Epekto ng Rebolusyong Amerikano


Ang Rebolusyong Amerikano ay nagdulot ng sumusunod na mga epekto hindi lamang sa
Amerika kundi maging sa Europa:
• Kalayaan sa pagpili ng relihiyon.
• Pagkakaroon ng Deklarasyon ng Kalayaan.
• Nabawi ang mga lupaing nasakop ng mga Ingles.
• Binigyang-diin nito ang pagpapasya ng taumbayan.
• Pagkapantay-pantay ng mga mamamayan sa lipunan
• Pagdami ng mga nakikilahok sa pulitika at pamumuno
• Binawi ang lahat ng kautusan/patakaran ng Great Britain.
• Karapatan ng isang bansa na tahakin ang nais nitong landas at kapalaran.
• Pagtanggap ng mga taga-ibang lugar na manirahan at makapangasawa ng mga
Amerikano.

Ilapat Natin
Yun O!

Panuto: Tukuyin kung sino o ano ang isinasaad ng pangungusap. Piliin sa kahon
at isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

A. English Puritans C. Mayflower Compact


B. Jamestown D. Sugar Acts

____ 1. Umalis sila sa Great Britain at nagtayo ng pamayanan sa Amerika.


____ 2. Naitatag ang unang komunidad sa Amerika ng mga Ingles upang magsimula ng
panibagong pamayanan.
____ 3. Nabuo ang isang kasunduang magtatatag ng payak na pamahalaang may kalayaan sa
relihiyon, politikal at pagpapahalaga sa pamayanan.

Suriin Natin
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang resulta ng mga pangyayari sa Hanay A. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa patlang.

Hanay A Hanay B
(Mga Pangyayari) (Mga Resulta)
____ 1. Pinatupad ang Tonshend Acts, ang sagot A. Ang unang pagkatalo ng
sa nabigong Stamp Act upang parusahan rebolusyong Amerikano sa
ang probinsiya ng New York. Great Britain.
____ 2. Sina John Adams at Benjamin Franklin B. Dahil sa kautusang ito ay
ang naging Kinatawan ng Amerika sa nangyari ang Boston
paglagda sa Treaty of Paris noong Sept. 3, Massacre at Boston Tea
1783. Party.
____ 3. Naganap ang unang labanan sa pagitan C. Opisyal na pagtatapos ng
ng mga Ingles at rebolusyonaryong digmaan sa pagitan ng Great
Amerikano sa Lexington at Concord. Britain at Amerika at ang
pagkilala sa kalayaan ng
Amerika.

4
Tayain Natin
Choosy!
Panuto: Unawaing mabuti ang mga tanong. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Saan sa 13 kolonyang Amerikano matatagpuan ang Jamestown?


A. Massachussetts C. Pennsylvania
B. New York D. Virginia
2. Ano ang katas ng tubo na ginagawang syrup at ginagamit din bilang asukal ng mga British at
Amerikano?
A. Asukal C. Jam
B. Honey D. Molasses
3. Sino ang nagpahayag ng “Give me death or give me liberty”?
A. John Adams C. Thomas Paine
B. Patrick Henry D. Samuel Adams
4. Bakit kailangang patuloy na bigyan ng sweldo ng mga British ang mga gobernador at huwes
sa kolonyang Amerika?
A. Upang maging tapat sa pamahalaan.
B. Upang makabili ng maraming armas.
C. Upang makagawa ng maraming kautusan
D. Upang parusahan ang mga rebolusyonaryo
5. Bakit di dumalo ang kolonyang Georgia sa Unang Continental Congress dahilan upang
tawagin silang mga “loyalist”?
A. Dahil abala sa pagtangkilik sa mga produkto ng Britain
B. Dahil abala sa pakikipag-usap tungkol sa Intolerable Acts
C. Dahil abala sa pakikipaglaban sa mga katutubong Amerikano
D. Dahil abala sa paghahanda sa Ikalawang Continental Congress
6. Sino sa mga sumusunod ang miyembro ng Ikalawang Continental Congress na kung saan ay
napapayag si Lafayette ng France na makipag-alyansa sa Amerika?
I. Patrick Henry III. Thomas Jefferson
II. John Hancock IV. Benjamin Franklin
A. I, II, at III C. I, III at IV
B. I, II at IV D. II, III at IV
7. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng Unang Continental Congress sa kasaysayan ng
rebolusyong Amerikano?
I. Nagtatag ng Continental Army
II. Paglaban sa mga batas ng Ingles
III. Di pagsang-ayon sa Intolerable Acts
IV. Di pagtangkilik sa mga produkto ng mga Ingles
A. I, II, at III C. I, III, at IV
B. I, II, at IV D. II, III, at IV
8. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng Ikalawang Continental Congress?
I. Idineklara ang kalayaan ng Amerika
II. Nagtayo ng Continental Army ang Ikalawang Continental Congress.
III. Nanalo ang kolonya sa Labanan sa Saratoga at Yorktown laban sa Great Britain.
IV. Gumanap bilang pangulo ng kolonya si George Washington sa panahon ng digmaan.
A. I, II, at III C. I, III at IV
B. I, II at IV D. II, III at IV
9. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng epekto ng kautusang Townshend Acts?
I. Nagkaroon ng Boston Tea Party
II. Nagkaroon ng Boston Massacre
III. Pinawalang-bisa ang Intolerable Acts
IV. Pinarusahan ang probinsiya ng New York
A. I, II, at III C. I, III at IV
B. I, II at IV D. II, III at IV

5
10. Alin sa mga sumusunod ang naging epekto ng Rebolusyong Amerikano?
I. Pagkakaroon ng Deklarasyon ng Kalayaan
II. Pagkakaroon ng kapayapaan sa Great Britain
III. Pagkakaroon ng kalayaan sa pagpili ng relihiyon
IV. Pagkakapantay-pantay sa lipunan ng mga mamamayan
A. I, II at III C. I, III at IV
B. I, II at IV D. II, III at IV

Likhain Natin
Paggawa ng Poster

Nakagagawa ng poster na nagpapakita ng pagpapahalaga sa


Layunin (Goal) pagkakaroon ng kalayaan at kapayapaan sa Lungsod ng
Parañaque
Ikaw ay isang artist na nais magbahagi sa iyong kapwa mag-
aaral at kabataan ng kaalaman at pagpapahalaga sa
Gampanin (Role)
pagkakaroon ng kalayaan at kapayapaan sa lungsod ng
Parañaque
Mga Manonood Kapwa mag-aaral, mga guro sa ikawalong baitang at mga
(Audience): magulang.
Ikaw ay inaatasang gumawa ng poster na nagpapakita ng
pagpapahalaga sa pagkakaroon ng kalayaan at kapayapaaan sa
Sitwasyon (Situation)
Lungsod ng Parañaque sa pamamagitan ng paggamit ng inyong
natutunan sa aralin
Poster na nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagkakaroon ng
Produkto (Product)
kalayaan at kapayapaan sa lungsod ng Parañaque
Gamitin ang rubrik sa pagmamarka at sundin ang mga gabay sa
Pamantayan (Standards)
paggawa ng poster.

Mga Hakbang sa Paggawa ng Poster


1. Gawin ang poster sa long bond paper na naka-portrait orientation o pahalang.
2. Bumuo ng isang poster na nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagkakaroon ng kalayaan at
kapayapaan sa lungsod ng Parañaque.
3. Gumuhit ng tatlong (3) larawan at kulayan. Lagyan ng disenyong akma sa ginawang poster.
4. Kunan ito ng larawan (picture) at i-send sa iyong guro sa Araling Panlipunan 8. Hintayin ang
pahintulot ng guro kung kailan ito maaaring ibahagi sa klase. Ilagay ang iyong pangalan,
baitang at seksyon sa paskil (post).

RUBRIK SA PAGMAMARKA NG POSTER


Kailangan pa ng
Mahusay Katamtaman Dagdag na
Pamantayan Puntos
(3) (2) Pagsasanay
(1)
3 larawang tugma 2 larawang tugma sa 1 larawang tugma sa
sa paksa ang paksa ang naipakita paksa ang naipakita
naipakita patungkol patungkol sa patungkol sa
sa pagpapahalaga pagpapahalaga sa pagpapahalaga sa
Nilalaman sa pagkakaroon ng pagkakaroon ng pagkakaroon ng
kalayaan at kalayaan at kalayaan at
kapayapaaan sa kapayapaaan sa kapayapaaan sa
Lungsod ng lungsod ng lungsod ng
Parañaque Parañaque Parañaque
Sinunod ang lahat 2 hakbangin ang 1 hakbangin lamang
Pagsunod sa
ng hakbangin sa nasunod sa ang nasunod sa
Panuto
paggawa ng poster. paggawa ng poster paggawa ng poster
Kabuuan:

You might also like