You are on page 1of 29

BALIK-ARAL

NAIPAPALIWANAG ANG
KAUGNAYAN NG REBULOSYON
PANGKAISIPAN SA REBULOSYONG
AMERIKANO AT PRANSES.
BINGO!
WALANG PAGBUBUWIS KUNG
WALANG REPRESENTASYON,
ANG UNANG KONGRESONG
KONTINENTAL AT ANG
PAGSISIMULA NG DIGMAAN
WALANG
PAGBUBUWIS KUNG
WALANG
REPRESENTASYON
Ang naging paboritong islogan ng 13
kolonya ay “walang pagbubuwis kung
walang representasyon.”
Noong 1773 ay isang pangkat ng mga
kolonista ang nagsuot ng kasuotan
nga mga katutubong Amerikano at
nakapasok sa isang pang kalakal na
bapor ng mga Ingles. Kanilang
itinapon ang mga tone-toneladang
tsaa sa pantalan ng Boston Harbour sa
Massachusettes. Kinilala sa
kasaysayan ang pangyayaring ito
bilang Boston Tea Party
Noong 1773 ay isang pangkat ng mga
kolonista ang nagsuot ng kasuotan
nga mga katutubong Amerikano at
nakapasok sa isang pang kalakal na
bapor ng mga Ingles. Kanilang
itinapon ang mga tone-toneladang
tsaa sa pantalan ng Boston Harbour sa
Massachusettes. Kinilala sa
kasaysayan ang pangyayaring ito
bilang Boston Tea Party
PAGSISIMULA NG
DIGMAAN
Ang 13 na kolonya sa Amerika ay
dagling sumaklolo sa naging
kahinatnan ng insidente sa
Masachusettes. Binuo nila ang unang
Kongresong Kontinental na dinaluhan
ng mga kinatawan ng bawal kolonya
maliban sa Georgia
Noong ika Lima ng Setyembre, 1774, 56
na kinatawan ng mga kolonya ang
dumalo dito. Binigyan diin ng grupo na
sa pagkakataong iyon mula sa isang
kilalang kinatwan na si Patrick Henry,
na wala nang dapat makitang
pagkakaiba sa isang taga Virginia,
Pennsylvania, New York at New
England.
Ang mga kolonya ay nagkaisa at
sama-samang nagtaguyod para sa
kapakanan ng kabuuang kolonya,
nagkaisa sila na itigil na ang
pakikipagkalakalan sa Great Britain at
ito ay nagpasimula pagkatapos ng
Setyembre, 1775.
Marami sa mga kolonya ang
determinadong bumuo at gumamit ng
mga radikal na pamamaraan upang
labanan ang pwersa ng Great Britain.
Bawat Kolonya ay bumuo ng magiging
kabilang sa boluntaryong army na
handang makipaglaban sa
pamamagitan ng digmaan.
ANG UNANG
KONGRESONG
KONTINENTAL
Noong Abril 1775 nagpadala ang Great
Britain ng tropa ng mga sundalo sa
Boston upang kunin ng pwersahan ang
isang tindahan ng pulbura sa bayan
ng Concord.
Isang Amerikanong panday na nagngangalang
Paul Revere ang naging kasangkapan upang
malaman ng mga tao na may paparating na
mga sundalong British. Sa pamamagitan ng
pagsakay sa kanyang kabayo at pagligid sa
buong bayan ay nagpagsabihan niya ang mga
tao na maghanda sa pakikipaglaban. Kaya
mayroong grupo ng mga Amerikano ang
humadlang sa mga sundalong British na
palapit sa bayan ng Lexington.
Nagpalitan ng putukan ang magkabilang
pangkat hanggang walong Amerikano ang
napatay. Dito na nagpasimula ng digmaan
para sa kalayaan ng mga Amerikano. Sa
Concord naman ay nagkaroon ng
pagkakataon ang mga Amerikano na mag-
organisa at pwersahang mapabalik ang mga
sundalong British sa Boston. Dito nila tuluyang
nakubkob ang mga sundalong British sa loob
ng siyudad.
NATUTUNAN MO,
IBAHAGI MO!
“OPINION MO,
IPAGLABAN MO!”.
KUNG IKAW AY NANINIRAHAN SA ISA SA 13 NA
KOLONYA SA AMERIKA SA KAPAREHONG PANAHON AT
IKAW AY ISA SA BUMUBUO NG KONGRESO, SASANG-
AYON KA RIN BA SA KANILANG DESISYON NA ITIGIL
ANG PAKIKIPAGKALAKALAN AT MAKIPAGDIGMA SA
BRITANYA? IPALIWANAG.
PAGLALAHAT
ANO ANG MGA POLISIYANG NAGTULAK SA MGA
AMERIKANO NA LUMANBAN SA MGA BRITISH AT ANO
ANG NAIS IPABATID NG 13 KOLONYA NANG BINUO NILA
ANG UNANG KONGRESONG KONTINENTAL?
PAGTATAYA
1. Ano ang naging paboritong slogan ng
labintatlong kolonya sa Amerika noong
1773?

A.Walang kita kung walang Representasyon.


B.Walang buwis kung walang representasyon.
C.Hindi kasapi kung walang representasyon.
D.Hindi bubuwisan kung walang
representasyon.
2. Ang pagtapon ng mga tone-toneladang
tsaa sa pantalan ng Boston Harbour sa
Massachusettes ay kinilala sa kasaysayan
bilang?

A.Boston Tea Party


B.Massachusettes Tea Party
C.American Tea Party
D.13 Colony Tea Party
3. Ang Unang Kongresong Kontinental ay binuo
ng mga kinatawan ng 13 na kolonya maliban
sa isang estado?

A.North Carolina
B.South Carolina
C.Georgia
D.Boston
4. Ang mga sumusunod na pangungusap ay tama
tungkol sa Unang Kongresong Kontinental maliban sa Isa.
A. Noong ika Lima ng Setyembre, 1774, 56 na kinatawan
ng mga kolonya ang dumalo sa pagpupulong
B. Ito ay binuo sa pagresponde sa naging kahinatnan ng
insidente sa Masachusettes
C .Marami sa 13 kolonya ang natakot at hindi sumang-
ayon sa paglaban sa mga Briton.
D. Marami sa mga kolonya ang determinadong bumuo
at gumamit ng mga radikal na pamamaraan upang
labanan ang pwersa ng Great Britain
5. Nagsimula ang digmaan noong ___________ nang
nagpadala ang Great Britain ng tropa ng mga sundalo
sa Boston upang kunin ng pwersahan ang isang
tindahan ng pulbura sa bayan ng Concord.

A. May 1775
B. Abril 1776
C. May 1776
D. Abril 1775
MAGSALIKSIK TUNGKOL SA IKALAWANG
KONGRESONG KONTENENTAL.

You might also like