You are on page 1of 2

REBOLUSYONG SIYENTIPIKO

-Natuklasan ng mga Griyego ang agham na siyang nagbigay-daan upang matutunan ng mga
paham ang mga tuklas ng mga sinaunang iskolar. Ang mga tuklas na ito ay nagpakilala ng
bagong lupain, bagong tao, mga hayop at halaman. Ang mga ito ay naging sandigan ng
pagkatuto at kaalaman. Ang mga obserbasyon ay nagdulot ng bagong katanungan at teorya.
Tinanggap na lang ng mag tao ang ideya na napatunayan ng ebidensya. Ang pagbabagong ito
ay kabuuang epekto ng mga tuklas ng maraming tao.

16-17th century – ito ang panahon ng pagpasok ng Rebolusyong Siyentipiko. Ito ang sumula ng
panahon ng pagsisiyasat sa pamamagitan ng eksperimento bunga ng kanilang pagmamasid sa
sansinukob.

REBOLUSYONG INDUSTRIYAL

Ang Rebolusyong Industrial ay tumutukoy sa makasaysayang pangyayari noong ika 18


hanggang 19 siglo kung kailan ang lipunang rural na agraryo sa Europa at America ay maging
industrial at urban.

REBOLUSYONG FRANCES

Isa sa mga sumunod na rebolusyon ay ang rebolusyong Pranses kung saan limang taon lang ang
nakalipas pagkatapos ng Amerika nagkaroon na rin sila ng rebolusyon. Ang layunin nito ay
upang mapaalis sa trono ang mga malulupit na hari ng Pransya at maging malaya ang bansa ng
Pransya sa lahat ng sumasakop dito.

REBOLUSYONG AMERIKANO

Isang kolonyal na pag-aalsa naganap sa pagitan ng 1765 at 1783 . Sa pagitan ng Britanya at


labing tatlong kolonya ng Britanya sa Estados Unidos.

Ang labing tatlong kolonya ay kinabibilangan ng Georgia, South Carolina, North Carolina,
Virginia,Delaware, Maryland,New Jersey New York,Rhode Island, Conneticut,
Pennsylvania,Massachusetts at New Hemisphere.

Mga Dahilan ng Pagsiklab ng Rebolusyong Amerikano

Stamp Act Congress noong 1765. Tinanggihan nila ang awtoridad ng Parlyamento ng Britanya
na buwisan sila dahil wala silang mga miyembro sa rector body na iyon. Patuloy na lumakas
ang mga protesta laban sa 1770 Boston massacre at ang pagsunog ng Gaspee sa Rhode Island
noong 1772.

Boston Tea Party noong 1773, na kung saan pinutol ng mga Patriots pagpapadala ng taxed tea.
Ang Britanya ang sumagot sa pamamagitan ng pagsara sa Harbor de Boston. at pagkatapos ay
sinundan ng isang serye ng mga lehislatibong aksyon na epektibong pinawalang-bisa ang mga
karapatan ng self-government ng Massachusetts Bay Colony at naging dahilan upang ang iba
pang mga kolonya ay magaklas sa likod ng Massachusetts.

Walang Pagbubuwis Kung Walang Representasyon

Walang kinatawan ang mga kolonya sa Parliamentong Britanya sa London na kung saan ay
pinapatawan sila ng labis na buwis.

Unang Kongresong Kontinental

Ito ang samahan ng labing tatlong kolonya laban sa Britanya.

Isang alyansang nagnanais ng bumuo at gumamit ng mga radikal na pamaraan laban sa


Britanya.

Pinangunahan ni Patrick Henry na ayon sa kanya "Wala na dapat makitang pagkakaiba sa labing
tatlong kolonya , at tandaan nila na sila ay nagkakaisa at sama-samang magtaguyod para sa
kapanan ng buong kolonya".

Ikawalang Kongresong Kontinental

Nagsagawa ng isang pagtitipon ulit ang kontinental sa pangalawang pagkakataon noong Mayo
1775 at nagdeklara ang pamahalaan na tinawag nilang United Colonies of America.

Pinangunahan ni Presidente George Washington

Epekto ng Rebolusyong Amerikano

Hudyat sa pagwawakas ng pagkakailalim ng Hilagang Amerika sa kapangyarihan ng Dakilang


Britanya.

Bigyang pansin ito ang pagpapasya ng taumbayan at karapatan ng isang bansa na gawin ang
nais nitong landas at kapalaran.

You might also like