You are on page 1of 1

ANG KASARINLAN NG AMERIKA

Noong ika-17 na siglo, ilan sa mga Ingles ang nagpasya na maglayag at maging migrante
o kolonista sa “New World”, dating katawagan ng Amerika. Ito’y kanilang ginawa dala ang
pangkabuhayang motibo, kalayaan mula sa relihiyong Ingles at adhikaing magbagong buhay sa
baong tuklas na kalupaan.
Sila man ay nasa bagong kalupaan subalit sila ay nanatiling nasa ilalim ng pamamahalang
briton. Taong 1765, isang pangyayari ang naganap. Ito ang isa sa mga pangyayaring nagpabago
sa takbo ng buhay ng mga Amerikano. Sa bisa ng Stamp Act ng 1765, ang mga produkto ng mga
kolonista ay pinabubuwisan ng parlyamento. Ito ay nangyari kahit na walang representasyon
ang mga Amerikano sa parlyamento. Ang pangyayaring ito ay isa sa mga dahilan na nagdulot ng
rebolusyong Amerikano.
Taong 1770 ay naganap ang Boston Massacre. Dito, ang mga sundalong briton ay
nagpaputok ng baril sa mga kolonista. Sa kasawiang palad, lima sa mga kolonista ang napatay sa
insidente. Ang pangyayaring ito ay isa sa mga dahilan na nagpasiklab sa rebolusyong Amerikano.
Para sa mga Amerikano, ang pangyayaring ito ay isang kalupitan at kalabisan ng mga Briton.
Dahil sa tensyon na nangyayari ng panahon iyon, ang mga kinatawan ng labindalawang
kolonya ay nagtipun-tipon sa Philadelphia upang magkaisa sa paglaban kontra sa mapang-aping
mga briton. Ang pagtitipong ito noong 1774 ay tinawag na First Continental Congress.
Ang madugong digmaan sa pagitan ng mga Amerikano at mga Briton ay nangyari mula sa
taong 1775 hanggang 1783. At noon ika-apat ng Hulyo, taong 1776, ang Continental Congress ay
nagdeklara ng kalayaan mula sa pamamahala ng mga Briton.
Pagkatapos ng madugong bakbakan ay nakamit ng mga Amerikano ang kasarinlan sa bisa
ng Treaty of Paris ng taong 1783. Sa kasunduang ito ay kinilala ng mga Britong ang kalayaan ng
mga Amerikano.
Dahil sa mga ideyolohiya na dala ng rebolusyong pangkaisipan, ang mga kolonista ay
nagkaroon ng pagpapahalaga sa kalayaan, sa karapatang pantao, at sa sariling pamamahala. Ang
mga ito ang pinanghugutan ng lakas ng loob ng mga kolonista sa kanilang pag-alsa laban sa
pamahalaang briton. Ito ang mga kaisipang naging gabay ng mga Amerikano tungo sa kanilang
kalayaang magpa hanggan ngayon ay kanilang tinatamasa.

You might also like