You are on page 1of 4

ANG KWENTO NG BUHAY NI ANNE FRANK

Sa panulat ni: Joseph B. Pascua

Mga Tauhan:

Anne Frank
Margot Frank
Otto Frank
Edith Frank
Peter
Adolf Hitler
Mga sundalo
Mga kapawa Hudyo

Magsasayaw ang mga bata kasama sina Margot at Anne Frank. (Masaya dapat ang tugtog at may
kaugnayan sa awitig hudyo; ang sayaw ay dapat tumagal ng apatnapong ‘45’ segundo). Ang kanilang
pagsasayaw ay mahihinto sa lakas ng tunog ng wang-wang ng polisya. Ipapakita ang pag-martsa ng
mga sundalo na dumaan sa tahanan ng mga Franks.

Otto: Mga anak, mag impake na kayo.

Margot at Anne: Bakit po?

Otto: tsaka na ako magpapaliwanag.

ANG PAG-AKYAT NI HITLER SA KAPANGYARIHAN

Tagapagsalaysay: Isang nakagigimbal at nakakatakot na pangyayari ang naganap noong taong 1934. Ang
pangyayaring ito’y magkakaroon isang napalaking epekto sa kasaysayan ng daigdid. Sa taon kasing ito,
naluklok sa trono ang isa sa pinakamakapangyarihang tao sa kasaysayan ng daigdig sa katauhan ni Adolf
Hitler. Ang kapangyarihan ipinagkaloob sa kanya ay ginamit niya sa kasamaan. Itinalaga siya bilang
diktador ang Aleman. Para kay Hitler, ang mga Hudyo ay salot sa Lipunan, kung kaya’t nagkaroon ng
malawakang persekusyon sa mga hudyo.

ANG PAMILYA FRANK

Ang pamilya Frank ay isang mayamang pamilya sa Aleman subalit dahil sa banta sa kanilang seguridad,
napilitan ang pamilya na lumipat at manirahan sa Netherlands. Ang pamilya Frank ay binubuo ng
kanilang haligi sa katauhan ni Otto Frank, Si Edith bilang ilaw ng tahana, si Anne Frank at si Margot Frank
ang mga anak.

Ipapakita ang pagdating ng mga Franks sa Netherlands, dala-dala ang kanilang mga gamit.

Anne: Papa, kelan po ba tayo babalik sa Germany? Miss ko na po yung mga kaibigan ko doon.
Otto: Anak, makakabalik lang tayo kapag natapos na ang digmaan. Sa ngayon, dito na muna tayo. Dito na
muna tayo maninirahan, dito na din muna ninyo ipagpapatuloy ang inyong pag-aaral.

Si Anne at Margot ay papasok sa paaralan, makikinig sa turo ng guro, at uuwi ng bahay. Hindi
nakaapekto kay Anne ang kanilang paglipat sa Netherlands sa kanyang pagkamasayahin. Pagkauwi ng
bahay gagawin ng magkakapatid ang gawaing bahay hanggang sa maghapunan. Pagkaligpit ng
kinainan, ay maguusap ang dalawang magkapatid na babae.

Anne: Kelan kaya matatapos ang kaguluhan, Margot?

Margot: Pasensya na Anne, hindi kita masasagot, kasi kahit ako, hindi ko din alam ang kasagutan. Pero
sana, matapos na kaagad ito.

Anne: Alam mo, Margot, gabi gabi akong nananalangin na matapos na ang kaguluahan. Gusto kong
makapag-aral ako ng maayos upang matupad ang aking mga pangarap. Gusto kong maging isang
mamamahayag at isang manunulat.

Margot: Wag kang mag-alala, Anne. Lahat ng iyong mga pangarap ay matutupad, magtiwala ka lang sa
kanya (tuturo sa itaas) at sa iyong sarili. Sa ngayon, matulog na muna tayo dahil bukas ay kaarawan
mo na.

Matutulog ang mga magkapatid. Magigising ang mga ito sa tugtog ng Happy Birthday. Ibibigay ng
kanyang mga magulang ang isang Diary bilang regalo. Magsasayaw ang pamilya sa tuwa. Matitigil
ang kasiyahan sa tunog ng radyo na nagbabalita na pinasok na ng Germany ang Poland, hudyat na
pagsisimula ng digmaan.

Anne at Margot: Papa, ano po ang nangyayari?

Otto: Sinalakay na ng hukbo ng Germany ang Poland. Oras na lang ang makakapagsabi kung kelan sila
makakapasok ng bansa.

Anne: Papa, anong gagawin natin?

Otto: (Hindi makakasagot, titingin sa malayo at mag-iisip ng malalim)

Tagapagsalaysay: Si Otto Franks ay isang matalinong negosyante, kung kaya’t matagumpay niyang
naipagpatuloy ang kanyang negosyo sa Netherlands. Kalauna’y nasakop na rin ng mga Aleman (germans)
ang Netherlands. Isa sa mag pinagbawal ng mga kinauukulan ay ang pagmamay-ari ng mga hudyo ng
mga negosyo. Dahil dito, inilipat ni Otto ang pagmamay-ari ng negosyo sa kanyang katiwala.

Ipapakita ang pagpipirma ng mga papeles ng kaniyang negosyo na ililipat sa pangalan ng kanyang
kaibigan. Ipapakita din ang paghahanda sa “The Annex”, isang lugar na kanilang pagtataguan.

Sa bahay ng mga Franks ay may kakakot na dalawang sundalo. Ibibigay ang sulat kay Mrs. Frank.
Tagapagsalaysay: May dalawang sundalong Gestapo ang pumunta sa bahay ng mga Franks at ibinigay
ang sulat kay Ginang Frank. Nakasaad sa sulat na oras na iwan ni Margot Frank ang kanyang pamilya
at pumunta sa concentration camp, isang lugar kung saan pinagtatrabaho ang mga hudyo ng walang
bayad at hindi pinakakain.

Ginang Frank: Sige na, ibibigay ko ang sulat sa aking asawa.

Makikita ni Otto ang mga sundalo, pero hindi siya magpapakita sa mga ito. Hihintayin niya na makaalis
ang mga ito bago sya papasok sa kanilang bahay.

Pagpasok ni Frank sa bahay ay yayakapin ni Ginang Frank (Umiiyak) si Otto.

Otto: Maghanda ang lahat at lilipat tayo.

Tagapagsalaysay: Lilipat ang mga Frank upang magtago. Nagbigay ng tagubilin si Otto na sasabihin ng
kaniyang katiwala na sabihin sa mga magtatanong na sila’y lilipat sa Switzerland. Lingid sa kaalaman
ng mga tao, ang mga Franks ay lilipat sa likod lamang na gusali ng Opisina ng kanilang negosyo.
Kalaunan ay may mga ibang hudyo din silang nakasama sa gusali.

Ipapakita ang gusali na kanilang pinagtataguan, dahan-dahan nilang paggalaw upang hindi marinig
ang ingay na kanilang nalilikha. Sa gabi naman ay nakikinig sila ng balita.

Tatay ni Peter: Magandang umaga sainyo!

Makikipagkamay ang kanilang pamilya sa pamilya Frank. Ipapakita ang pagkagulat at saya sa mga
mata ni Anne ng makilala niya si Peter.

Tagapagsalaysay: Sa unang tingin pa lamang ay nahulog na ang loob ni Anne kay Peter. Ang kanyang
nararamdaman ay isunulat ni Anne sa kanyang talaarawan.

Darating si Peter at makikita si Anne na nagsusulat.

Peter: Ika’y isang bitwin sa kalangitan, ika’y nagniningning. Isa kang hiyas na dapat ingatan.

Ipapakita ang kilig sa mga mata ni Anne. Pagkatapos ay yayayain ni Anne si Peter na sumayaw.

Anne: Mahal na kita!

Peter: Mahal na din kita, Anne!

Tagapagsalaysay: Marami pa ang mga sumunod na nangyari sa buhay ng mga Frank. Nanatili sila dito sa
loob ng 25 na buwan. Hinihintay na lamang nilang matapos ang digmaan upang sila ay makalabas at
makapamuhay ng normal. Subalit isang araw, dumating ang kanilang kinatatakutan.

Kakatukin ng malakas ng mga sundalo ang pinto ng kanilang pinagtataguan. Tinutukan ng baril ang
mga Franks at kinaladkad ang mga ito palabas at ibinyahe papunta sa concentration camps.

Magpapalit ng damit ang mga Franks (damit katulad ng mga damit ng mga hudyo sa panahon ng
holocaust), ihihiwalay ang mga babae sa lalaki. Ipapakita ang kalungkutan sa mga mata ng mga Franks.
Tagapagsalaysay: Dadalhin ang mga Franks sa concentration camps kung saan sila ay pagtatrabauhin ng
mabibigat na mga gawain. Hindi din sila bibigyan ng pagkain.

Ipapalita ang paghihirap ng pamilya sa Frank sa concentration camp. Pagtatrabaho at agawan sa


tinapay na ibibigay ng guwardiya. Ipakikita din ang pagkamatay ng biglaan ng ibang mga hudyo dahil sa
gutom.

Ipakikita din ang panghihina ni Margot. Aalalayan siya ni Anne subalit hindi na nito kaya ang kanyang
sarili.

Anne: Margot, wag kang susuko.

Margot: walang sasabihin ngunit umiiyak ito.

May bubulong kay Anne, sasabihin nito na may naghahanap sa kanya. Pupunta si Anne sa kinaruruunan
ni Hannah

Hannah: Akala ko nasa Switzerland kayo?

Anne: Gawa-gawa lamang ni Papa ang kwento upang hindi kami hanapin ng mga sundalo subalit may
nagsumbong pa rin sa aming kinaruunan.

Hannah: Nasaan ang Papa mo? Ang mama mo? Si Margot?

Anne: iiyak na lang si Anne. Si Margot ay malubha ang karamdaman.

Hannah: Sige, hintayin mo ko dito, bibigyan kita ng gamot at kaunting tinapay.

Aalis sandali si Hannah, kukunin ang gamot at tinapay at ibibigay kay Anne subalit may dumating na
kapwa hudyo at kinuha ang mga ito.

Bumalik sa kinaroroonan ni Margot si Anne. Nanghihina si Margot, at tinatawag ang pangalan ni Anne.
Di nagtagal ay binawian ng buhay si Margot. Walang magawa si Anne kundi ang umiyak nang umiyak
hanggang sa makatulog ito. Kinabukasan ay hindi na nagising si Anne. Napansin ito ng kanyang mga
kasama at sinigaw ang kanyang pangalan habang umiiyak.

Tagapagsalaysay: Si Anne, si Margot at ang kanilang Ina ay namatay, ilang linggo bago ang pagkapanalo
ng mga Briton at Allies laban sa Axis. Tanging si Otto lamang ang nakaligtas sa Pamilya. Bumalik si Otto sa
Amsterdam, Netherlands. Kinuha niya ang talaarawan ni Anne at inilimbag ito. Sa ngayon, ang librong
“Anne Frank: the diary of a young girl,” ay isa sa mga librong tinangkilik at minahal ng mga tao. Sa
katunayan ito ay naisalin na sa iba’t ibang lengwahe sa daigdig.

Sa kabilang dako naman. Ang mga Aleman at ang mga kakampi nito ay natalo ng mga bansa sa hukbo ng
Allies. Dahil sa pagkatao, si Adolf Hitler at ang kanyang kinakasama ay nagkitil ng kanilang mga buhay.
Kinalaunan, ang United Nations ay itinatag upang mapangalagaan ang kapayapaan at upang hindi na
maulit pa ang madugong pangyayaring ito sa kasaysayan ng daigdig.

You might also like