You are on page 1of 6

Ikalawang Paglalakbay ni Rizal

Dahilan:
Dahil sa kabilaang pambabatikos sa gawa nya na Noli ay napayuhan sya ni Hen. Terrero na
lumisan muna. Napilitan syang pumayag dahil sa paniwala nya na ang pananatili sa bansa ay
kapahamakan di lang sa sarili pati na din sa kanyang pamilya.

Hongkong at Macao

 Pebrero 8, 1888 narating nya ito sakay ng barkong Zafiro


 Malugod ang pagtanggap ng kanayng mga kaibigan isa na si Jose Ma. Basa (Pilipinong
napatapon sa Marianas na nakarating doon) at si Balbino Mauricio (Kusang umalis sa
bansa upang makaiwas sap ag-uusig ng mga kastila)
 Napag-alaman nya na kay Laurel (dating katiwala ng mg aprayleng dominikano) na
doon nilalagak ang kayamanan na nakuha sa Pilipinas
 Jose Sainz de Veranda ay napagutusan na bantayan ang bawat kilos ni Rizal
 Inilarawan nya ang napagmasdan nya sa Hongkong sa isang liham kay Blumentritt
noong Pebrero 16, 1888
 Pebrero 18, 1888 ay nilisan nya ang Hong Kong patungong Macao Kasama ang
kaibigang si Basa
 Nanatili sila ng Dalawang araw sa bahay ni Don Juan Francisco Lecaros, Pilipinong
kasal sa isang Portuges.
 Ginugol ang oras sa pagbisita sa mga theatro, palengke, katidral, simbahan, botanical
at mga basar
 Dinalaw din nya si Camoens, ang pambansang makata ng Portugal
 Bumalik muli sya sa Hong Kong pagkatapos sakay ng barkong Kiu-kiang

Japan
 Sakay ng barkong Oceanic naratong nya ang Yokohama noong Pebrero 22, 1888
 Tumigil sya sa Hotel Grande at binisita ni Juan Perez Caballero isang opisyal ng Espanya sa Tokyo
dahil mas mura daw doon
 Hinangaan ni Rizal ang likas na kagandahan ng tanawin doon at paghanga sa pagpapahalaga sa
kasipagan at payak na pananamit ng kababaihan
 Mapapagkatiwalaan din ang mg ahapones dahil hindi nila pagnanakawan ang tahanan na
naiwang bukas
 Hindi pagkagusto sa rickshaw (sasakyan na hinihila ng tao) ebidensya na mataas na pagtingin ni
Rizal sa tao
 O-sei-san, isang dalagang hapones na naging guro nya sa nihonggo at tagapagsalin nito
 Dahil sa nabuong pag-iibigan nagtagal si Rizal ng isang buwan at kalahati
 Nagpasiya na iwan ang dalaga para sa kanyang misyon sa Inang Bayan
Amerika
 Sakay ng barkong Belgic narrating nya ang San francisco, California, Estados Unidos noong Abril
28, 1888
 Napansin nya na mayaman ang bansa at madaming oportunidad, kasama rin ang mataas na
antas ng pamumuhay at abalang pagtratrabaho
 Hindi nya nagustuhan ang diskriminasyon ng mga Amerikanong puti sa mga Intsik at mga Negro
 Ito ay taliwas sa demokrasya at kalayaan ng mga Amerikano kaya isinulat nya ito kay Ponce
 Nilisan nya ang Amerika noong Mayo 16, 1888

Londres, Inglatera (London, England)


 Sakay ng barkong City of Rome napunta sya sa Liverpool, Inglatera
 Dumatong sya dito ng Mayo 24, 1888 sakay ng ferrocaril (tren)
 Mga dahilan ng pagpunta:
1. Dagdag kaalaman sa pagsasalita ng Ingles
2. Mabasa ang aklat ni Dr, Antonio de Morga na Sucessos de Las Islas Filipinas o Mga
pangyayari sa Kapuluan ng Pilipinas
3. Naisip nya ang London ay malayo mula sa mga kalabang kastila

 Nangupahan sa pamilya Beckett sa 37 Chalcot Crescent, Camden, Londres.


 Nagkataong kasabay ito sa pangyayari ng di malutas na kaso ng Jack the Ripper kung saan na isa
sya sa nagpapagkamalan
 Itinatag ng kanyang mga kaibigan ang samahang Asosacion Hispano-Filipino sa pamumuno ni
Miguel Morayta noong Hunyo 12, 1888
 Mga kaganapan na nagpaisip sa kanya na umuwi:
1. PAguusig sa balita ng petision laban sa mga Frailes na pinirmahan ng mga Pilipino na hinarap
ni Doroteo Cortes
2. Pagpapatalsik sa arsobispo ng Maynila na si Fray Pedro Pelayo
3. Paguusig sa mga Pilipino na humiling ng repormang agraryo kasama ang kanyang pamilya
4. Di makatwirang pagpapatapon ni Gov. Hen. Valeriano Weyler sa bayaw nya na si Manuel T.
Hidalgo
5. Pag aresto at pagkulong sa kaibigang si Laureano Viado dahil may kopya ng Noli sa kanyang
tahanan
6. Pagkamatay sa Kolera ng asawa ni Lucia na si Mariano Herbosa noong Mayo 23, 1889
7. Pagpapalayas kay Lucia ng mga may kapangyarihan
 Pinigilan ni Paciano ang balak ni Rizal dahil delikado sa kanyang buhay ang gagawing pagbalik
 Tinawag siyang “Ang Tinig” ni Antonio Luna dahil kinilala syang pinuno ng kabataang Pilipino sa
Europa
 Napagkaisahan sya nag awing pangulo ng Asosacion La Solidaridad
 NAgdulot ito ng kasiyahan at pinasalamatan nya ang Pinuno ng Asosacion na si Galicano Apacible
noong Enero 28, 1889
 Nag-ambag din sya sa pagsulat sa La Solidaridad o Ang Kapanakan ng Bayan
 Lumabas ang unang artikulo na may pamagat na Los Agricutores Filipinos na ukol sa Polo I
Servicios o sapilitang pagkawang gawa
 Nakatanggap sya ng liham mula kay Marcelo H. del Pilar ukol sa 21 na kadalagahan ng Malolos
kaya hiningan sya nito ng liham
 Naisulat nya nag liham ngunit aminado sya na nawawala wala sa kanya ang wikang Tagalog
noong Pebrero 22, 1889
Paris
 Pumunta sya dito sa kalagitnaan ng Marso upang maghanap ng anotacion para sa Sucesos
 Nakita nya ang tanyag na Eiffel Tower
 Nagkataon na ginanap din ang Pambansang Eksposisyon ng sining noong 1889 bilang pag gunita
sa himagsikang Pranses na pinangasiwaan ng presidenteng si Sadi Carnot
 Nakitira sya sa kaibigang si Valentin Ventura dahil sa hirap ng paghahanap ng tahanan sa 45 Rue
Maubeuge, Paris
 Nagbukas ang Eksposisyon noong Mayo 6, 1889 na nilakuan ni Felix Resurrecion Hidalgo at Juan
Luna na nakakamit ng ikalawa at ikatlong gantimpala
 Sumali si Rizal sa pag uukit ngunit hindi sya nagwagi
 SA pananatili nya roon ay ginugol nya ang oras sa Bibliotheque National o Pambansang Aklatan
 Ang anotacion na nais nya matapos ay para maipabatid na ang mga Pilipino ay may sariling
kabihasnan, marangal, mayaman at mataas ang lahi bago pa man dumating ang mga Kastila
 Natapos at nailimbag ito ng 1899 at pinamagatang Notas a la Obrea ‘Sucesos de las Islas
Filipinas’ por el Dr. Antonio de Morga (Mga Puna sa Akda na “Mga Pangyayari sa Kapuluang
Pilipinas’ Ni Dr. Antonio de Morga)
 Binalak din nya magpatayo ng eskwelahan sa Hong Kong para sa mga lalaking mapagbibigyan ng
wastong edukasyon na susuportahan ni Ernesto Cunanan na naglaan ng 40,000 Pesos ngunit
hindi ito natuloy
 Marso 19, 1889 Binuo nya ang samahang Kidlat na samhan ng mga Pilipino sa Paris para sa
Eksposisyon. Kidlat ang pangalan dahil panandalian lamang ito.
 Napalitan ito ng Los Indios Bravos samahan ng Pilipino na gusto lumaya at pagmalaki ang
kanilang pagka Pilipino na madalas magpulong sa estudyo ni Juan Luna
 Madalas din sya mag eskrima at Judo kung saan nya nakilala ang dalaga na si Nelly Boustead na
madalas nyang kalaro
 Agosto 13, 1889 ay nilabas ang artikulo sa La Solidaridad na Una Profanacion na pasaring sa mga
paring hindi pumayag ilibing ang bayaw na si Mariano Herbosa sa libingan ng Katolilko sa hindi
nito pangungumpisal bago pumanaw
 Parehong araw ay naisulat din ang Por Telepono gamit ang pangalang Dimasalang bilang tugon
kay Fray Salvador Font sa panunuligsa sa Noli.

Belhika (Belgium)

 Kasama si Jose Alberto nagtungo sila doon noong Enero 28, 1890 dahil hindi nya mtagalan ang
mahal na bilihin sa Paris
 Nakasama nya sa tirahan si Jose Alejandrino na nagaaral ng inhinyeriya at naimpluwensyahan na
magtipid
 Ginugol ang oras sa pagsusulat ng El Fili at minsanang pagsasanay sa eskrima at pamamaril
 Isa sa mga ginawa nya pa ay ang patuloy na pagpasa sa La Solidaridad
 Mga naisulat sa Belhika:
1. A La Defensa (Para sa PAgtatanggol) April 30, 1889 – Sagot sa mapanirang artikulo ni Patricio
Escosura sa mga Pilipino
2. La Verdad Para Todos (Ang Katotohanan para sa Lahat) May 31, 1889 – Pagtanggol ni Rizal sa
mga katutubo na sinasabihan ng mga kastila na mangmang at masasama
3. ‘Vicente Barrantes’ Teatro Tagalo Hunyo 15, 1889 – Kamangmangan ni Vicente sa sining ng
pagtatanghal ng mga Tagalog
4. Una Profanacion (Isang Kalapastanganan) Hulyo 31, 1889 – Sa mga prayle na nagkait na
ilibing ang bayaw na si Mariano Herbosa sa libingan ng mga Katoliko
5. Verdades Nuevas (Mga Bagong Katotohanan) Hulyo 31, 1889 – Sagot sa La Patria ni Vicente
Belloc Sanchez na mananig ang reporma sa mapayapa at mapagkalinga na pamamahala ng
mga frailes
6. Crueldad (Mga Kalupitan) Agosto 15, 1889 – Para sa mga kaaway ni Blumentritt
7. Diferencias (Mga Pagkakaiba) September 15, 1889 – para sa pagtatanggol sa repormang nais
ng mga Pilipino
8. Inconsequencias (Walang Kabuluhan) November 30, 1889 – Pagtatanggol kay Antonio Luna
laban sa koumnistang si Pablo Mir Deas ng El Pueblo Soberana
9. Llanto y Risas (Kuha at Katatawanan) November 30 1889- Artikulo ukol sa diskriminasyon ng
mga kastila sa mg Pilipino na mismo si Rizal rin ay nakaranas
10. Ingratitudes (Kawalang Pasalamat) Enero 15, 1890 – Patama kay Gov. Hen. Weyler sa sinabi
na ang anak na lumalaban sa pamahalaan at simbahan ay walang utang na loob sa magulang

 Nagkaroon ng problema sa Hacienda de Calamba dahil sa mataas na buwis at nadamay ang


kanyang pamilya
 Sa pag aalala ni Rizal ay himingi ito ng tulong sa abogado na si Marcelo H. del Pilar at umakyat sa
Corte Suprema ang kaso

Pagbabalik sa Madrid
 Agosto noong 1890 ay nakabalik sya sa Madrid
 Nabalitaan ang pagpapasunog ni Gov. Hen. Weyler sa 200 na bahay sa Calamba kasama ang
kanilang tahanan at nakitira sa bahay ni Narcisa
 Si Leonor din ay nabalitaan nya na ikakasal kay Henry Kipping isang Ingles na Inhinyero sa
Pilipinas na nagdulot sa kanya ng labis na kalungkutan at umiyak na tila isang bata
 Nalulong din sa sugal ang mga kapwa Pilipinong inaasahang tutulong sa Inang bayan
 Ang mga trahedyang ito ay nagdulot ng masasamang panaginip sa kanya na napaisip sya na hindi
magtatagal ang kanyang buhay.
 Upang humingi ng hustisya sa kanyang pamilya hiningi nya sya ng tulong ng mg apahayagang
liberal sa Madrid
 Nahati ang La Solidaridad sa dalawang grupo na Rizalista (suporta kay Rizal) at Pilarista (suporta
kay Del Pilar)
 Nagkaroon ng botohan para sa magiging pinuno at naulit ito ng dalawang beses
 Nagkaroon ng pagtatalo dahil sa botohan
 Nanalo si Rizal ngunit tinanggihan ang posisyon dahil sa paghihikayat ng grupo nya sa kabila, ito
ay patunay na kalinisan ni Rizal sa nais nya na pamumuno
 Nahirapan sya magpasa ng artikulo sa La Solidaridad dahil sa nais na tapusin ang El
Filibusterismo
Biarritz, Pransya
 Nais nya na umuwi ng Pilipinas ngunit sa pagpipigil ng mga kaanak at kaibigan ay nagbakasyon
sya dito
 Nakita at nakilala nya muli sina Adelina at Nelly Boustead, Nagkarron din sila ng relasyon ni Nelly
sa nasabing panahon
 Natapos ang El Fili noong Marso 29, 1891 at inaalay nya ito sa GomBurZa ang tatlong paring
martir
Pagbabalik sa Hong Kong
 Dahil malapit ito sa Pilipinas nagpasya si Rizal na pumarito sakay ng barkong Melbourne noong
Oktubre 18, 1891
 Nakilala nya si William Pryer (nagtatag ng unang pamayanan ng mga ingles sa hilagang Borneo)
 Nagbigay ito ng ideya kay Rizal na magtayo ng pammayanang Pilipino sa Borneo
 Nobyembre 20,1891 nakarating sya sa Hong Kong
 Nagtayo sya ng isang klinika sa tulong ni Dr. Lorenzo Pereyra Marquez, kapwa bihasa sa
optalmolohiya
 Ang naipong pera ay ilalahad nya sa pamilya at sa mga sariling balak
 Nakasama nya ang kanyang ama, ilang kamag-anak mula sa Jolo at mga kapatid upang doon
magpasko
 Nalungkot sya ng sinabi sa kanya ang kagagawan ni Gov. Hen. Weyler na ipinatapon ang kanyang
ama at ilang bayaw sa Jolo na silang nakatakas sa Hong Kong
 Nakilala nya ang patnugot ng The Hong Kong Telegraph na si Frazier Smith na pinagpasahan nya
ng ilang artikulo
 Ito ay mga:
1. Ang mga Karapatan ng Tao – Mula sa orihinal na sanaysay na Pranses sa
Himagsikang Pranses na isinalis sa Tagalog
2. A La Nacion Espanola (Para sa Bansang Espanol) – Para sa Inang Espanya na
dinggin ang pagsusumamo ng kanyang mga anak sa Calamba
3. SA mga Kababayan – sinulat ng Disyembre 1891 ukol sa usaping agraryo sa bansa
4. Katarungan sa Pilipinas – Artikulong nasa ingles na naisulat noong Pebrero 1,
1892 ukol sa katarungan na pinagkait sa Pilipino
5. Una Visita A la Victoria Gaol (Ang Pagdalaw sa Bilangguan sa Victoria) – sinulat ng
Marso 2, 1892 karanasan sa pagbisita sa kulungang ingles sa Victoria sa Hong
Kong
6. La Mano Roja (Ang Mapulang Kamay) – nailathala noong 1892 ukol sa isyu ng
sunog sa Maynila
 Sa hayagan na ito unang naisualt ni Rizal ang ukol sa Perlas ng Silangan bago pa man sa huling
tula na Mi Ultimo Adios
 Isinulat nya din ang Colonizacion Del British North Borneo por los Filipinos sa espanyol at
Colonisation de British North Borneo, par de Familles de Iles Philippines sa Pranses bilang
hakbangin sa pamayanan na itatayo nya sa Borneo para sa mga Pilipino
 Sa pagpunta sa Sandakan, Borneo noong Marso 7, 1892 kumuha sya ng lupang pangsakahan
 Para ito sa kababayang taga Calamba at sa panghinaharap na plano na pagkokolonisa
 Pinayagan ito ni William Pryer katiwala ng North Borneo Development Company at Alex C. Cook
ang pansamantalang kalihim ng Ingles doon
 Nabigyan sya ng 100 ektarya ng lupain
 Kinilala bilang pinakadakilang naisualt nya ang saligang batas ng La Liga Filipina (Ang Samahang
Pilipino
 Ang La Liga ay samahan na binuo nya PAGBALIK SA PILIPINAS na sa orihinal na ideya ni Jose Ma.
Basa na isinakatuparan nya
 Ito ang dahilan na ginamit ng mga opisyal para sa kanyang pagkakakulong at pagkabitay
 Upang magdulot ng pagkalito sa mga Kastila sinabing sa London nailimbag ang Konstitusyon
 Nakarating ito sa Pilipinas sa pamamagitan ni Domingo Franco na kumalat ito at naisalin sa
wikang Tagalog
Matigas na Hangad na Makauwi sa Pilipinas (Hong Kong Pa din)
 Upang maisakatuparan ang balak na pamayanang Pilipino sa Borneo ay nais nya bumalik sa
Pilipinas
 Sya ay sumulat kay Blumentritt petsang September 22, 1892 sa kanyang balakin
 Sinulatan nya si Gov. Hen. Eulogio Despujol y Dusay ng dalwang beses noong 1891 at 1892
 Disyembre 23, 1891 ay paghingi ng pahintulot na maggamot sa bansa
 Ang ikalawa ay ang hangarin na magtayo ng pamayanan sa Borneo para sa mga Pilipino
 Parehing hindi pinansin o binigyan tugon ang mga sulat
 Muli syang pinigilan ng mga kaibigan at mga kaanak ngunit walang nakapigil sa kanya
 Umuwi sya dahil ayon sa kanya nasa Pilipinas ang laban at mga kalaban kaya ang paglaban ay
dapat doon lahat magtipon at lumaban.
 Muli syang nagpadala ng sulat sa Gov. Hen na sya ay uuwi at paghingi ng tulong panseguridad

You might also like