You are on page 1of 6

Help National High School

Department of Education
Perpetual Perpetual Help, Iriga City Camarines Sur

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10


Ikatlong Markahan

I. Pamantayan sa Pagkatuto
Nasusuri ang gender roles sa Pilipinas at iba’t ibang panig ng daigdig.

Layunin:

Sa loob ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


 Nasusuri ang mga gampanin ng mga kasarian batay sa kasaysayan
ng Pilipinas at ang mga aspeto na nakakaapekto sa bawat yugto;
 maipakita ang pagnanais na maging pantay ang gampanin ng bawat
kasarian sa pamamagitan ng pagpayag ng mga mungkahi;
 naipapakita ang iba’t ibang gampanin ng mga kalalakihan,
kababaihan at LGBT sa pamamagitan ng dula-dulaan.

II. Nilalaman/Paksa: Gender Role o Mga Pangkasariang Gampanin


III. Sanggunian: Gamit ng Mag-aaral : Mga Kontemporaryung Isyu p. 266-
276.

IV. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Pagganyak: (5 minuto)
Gawain I.

TRABAHO KO, HULAAN MO!

Ang mga mag-aaral ay pupunta sa unahan, gagawa ng iisang pila na itatalaga ng


guro. Ang mag-aaral na nasa unahan ang siyang unang sasagot. Huhulaan ng mga
nila ang pangalan ng trabaho base sa mga pahiwatig na ipapakita ng mga larawan
na ipapakita ng guro sa powerpoint presentation. Bibigyan lamang ng limang
segundo ang kada mag-aaral upang hulaan ang trabaho. Kapag nabigong
makasagot ang mag-aaral ay mapupunta siya sa pinalikuran na pila, ang ang
sumunod naman sakanya ang susubok na humula ng salita.

Halimba:

+
+

Pamprosesong Tanong:

1. Sa tingin mo, kaninong gampanin ang pagtatrabaho? Bakit?

A. Aktibiti (10 minuto)

Hahatiin ang pangkat sa dalawa. Sa pagkakatong ito, ang unang pangkat ay


binubuo ng mga kalalakihan, ang pangalawa ay binubuo ng mga kababaihan at
LGBT. Bawat pangkat ay bibigyan ng tatlong minuto upang mag-isip ng kanilang
itatanghal sa dula-dulaan (Mime). Ang pangkat ng mga kalalakihan ay isasadula
ang mga gampaning karaniwang ginagawa ng mga kababaihan . Ang pangkat
naman ng mga kababaihan at ay isasadula ang mga gampaning karaniwang
ginagawa ng mga kalalakihan. Ang pagtatanghal ay mamarkahan sa pamamagitan
ng itinalagang rubriks ng guro:
Kraytirya Lubang Kasiya- Kasiya-siya Hindi Kasiya-
siya siya
Teamwork at Nakikita na ang Nakikita ang May ilan sa mga
Partisipasyon lahat ng lahat ng miyembro ang
miyembro ng miyembro ng hindi
pangkat ay pangkat na nakikilahok sa
nakikiisa at nakikiisa at dula-dulaan.
nakikilahok sa nakikilahok
dula-dulaan. subalit ang 1 puntos
iba ay
3 puntos nagpapanggap
lamang.

2 puntos
Kaangkupan ng Ang lahat sa Ang Ang
dula-dulaan sa ipinakita sa dula- ipinakitang pagtatanghal ay
paksa dulaan ay angkop dula-dulaan walang
sa paksa ng ay angkop sa kaugnayan sa
talakayan. paksa subalit paksa.
may
3 puntos mangilan- 1 punto.
ngilan
pagkakataong
nawawala sa
paksa ang
pagtatanghal.

2 puntos
Pagkamalikhai Ang ipinakitang Ang Ang ipinakitang
n dula-dulaan ay ipinakitang dula-dulaan ay
nakakakuha ng dula-dulaan hindi kaakit akit
atensiyon ng ay at walang
lahat ng mga nakakakuha nakukuhang
nanonood. ng atenisyon atensiyon mula
ng mga sa mga
3 puntos manonood manonood
subalit may
mangilan- 1 punto.
ngilang hindi
interesado.

2 puntos
Pinakamataas
na iskor na 9 puntos
maaaring
makuha

Pamprosesong tanong:
1. Ano ang pakiramdam habang isinasagawa ninyo ang gampanin ng ibang
kasarian?Madali ba ang ganitong gampanin?
2. Kapansin- pansin ba sa inyong pamayanan ang nagbabagong gampanin ng
kababaihan, kalalakihan sa iba’t – ibang konteksto?

Analisis: (15 minuto)

Gawain 3: Balikan Natin


Sa pamamagitan ng gallery walk, ang mga mag – ay babalikan ang mga
gampanin ng mga kababaihan, kalalakihan sa iba’t – ibang yugto ng kasaysayan.
bawat yugto ay ang maikling pahayag tungkol sa mga gampanin, karapatan at
katayuan ng bawat kasarian
Pamamaraan sa pagsasagawa ng Gallery Walk:
1. Itakda: Bumuo ng limang istasyon sa loob ng silid na kumukatawan sa limang
panahon ng kasaysayan na kailangang suriin ng mag – aaral
Panahong Pre – Kolonyal
Panahon ng Espanyol
Panahon ng Amerikano
Panahon ng hapones
Kasalukuyang Panahon
Sa bawat istasyon isulat ang tanong na:
Ano ang gampanin ng kababaihan at kalalakihan sa panahong ito at anong salik
ang nakakaapekto sa kanilang gampanin?
2. Magpangkat: Pangkatin ang mag – aaral sa tatlo. Bawat pangkat ay kailangang
magsimula sa iba’t – ibang istasyon.
3. Magsimula: Sa unang istasyon ang pangkat ay babasahin ang nakapaskil na
teksto at sasagutan ang nakapaskil na tanong. Isusulat ng bawat pangkat ang
kanilang sagot sa nakahandang manila paper o kartolina. Maaring maglaan ng
iba’t – ibang kulay
Salik na nakakaapekto
sa gampanin
(biyolohikal, henetika,
Gampanin Panahon socio-politikal at
environmental,
inaasahan ng lipunan,
at family dynamics)
Lalaki Babae Pre – Kolonyal
Panahon ng Espanyol
Panahon ng
Amerikano
Panahon ng Hapones
Kasalukuyang
Panahon
4. Umikot: Pagkatapos ng 2 minuto na pananatili sa bawat istasyon, ang pangkat
ay kailangang lumipat sa susunod na istasyon hanggang sa makompleto nila ang
lahat ng istasyon.
5. Patnubay: Mahalagang magbigay ng patnubay guro habang ang mga mag –
aaral ay umiikot sa bawat istasyon.
6. Magnilay: Balikan ng mga mag – aaral ang bawat istasyon upang tingnan kung
ano ang naidagdag sa kanilang pahayag.

Panahong
PPanaho\ Panahon ng Panahon ng Panahon ng Kasalukuyan
Pre-Kolonyal Espanyol Amerikano Hapones g Panahon

Ang Ang turing ng Sa panahong Ang mga Isinusulong ang


kababaihan, mga ito, ang kapwa kababaihan ay mga batas
mapamayaman mananakop sa kalalakihan at kasama ng mga upang
man o timawa mga kababaihan ay kalalakihan sa magkaroon ng
ay pagmamay- kababaihan ay binigyang pakikipaglaban pantay na
ari ng lalake. mas mababa karapatang sa giyera. Karapatan sa
kaysa sa makapag-aral, trabaho at
kalalakihan. mayaman man lipunan ang
Sa hiwalayan, o mahirap. mga babae,
maaaring lalaki at LGBT.
bawiin ang mga Sa panahong
ari-arian na ito, may mga Nabigyan ang
ibinigay ng kababaihan na mga
lalaki. Sa nagpakita ng kababaihan ng
kabilang banda, kabayanihan karapatang
ang mga babae katulad ni bomoto.
ay walang Gabriera Silang.
makukuha.

Pangprosesong tanong:
1. Sino ang may mas malaking gampanin sa Pre-kolonyal na Pilipinas?
2. Anong katayuan at gampanin mayroon ang mga kababaihan sa Panahon ng
Espanyol?
3. Bakit kaya sa tingin ninyo binigyan ng parehong karapatang makapag-aral
ang mga kababaihan at kalalakihan noong panahon ng mga Amerikano?
4. Noong panahon ng Hapones sa Pilipinas, bakit kaya isinabak ang mga
kababaihan sa giyera?
5. Sapat na ba ang kasalukuyang pagtrato higit sa kababaihan at LGBTQIA?
Ano ang mungkahing inyong ibibigay upang mapagbuti pa ang
pagkakapantay – pantay sa lahat ng kasarian?

Paalala sa Guro:
Bigyang diin ang nagbabagong gampanin ng bawat kasarian at tukuyin ang mga
salik na nakaka apekto sa mga gampaning ito.
B. Abstraksyon: (10 minuto) 3-2-1 Chart
Gumawa ng isang chart na nagpapahayag ng mga gampanin, salik at
mga hakbang sa pagkakapantay pantay sa mga gampaning ito.

3 – Gampanin bilang lalaki, babae o 2 – Dalawang aspeto 1 – pahayag na


bahagi ng LGBT na masasalamin na maaaring maaaring gawin upang
maaaring sa tahanan, sa paaralan, nakakaapekto sa mga magkaroon ng
simbahan o sa lipunang gampaning io. pagkakapantay pantay
ginagalawan. sa mga gampaning ito.

C. Aplikasyon (10 minuto)


Think, Pair and Share
Ipaskil ang tanong na “Paano natin mas mapagbubuti ang pagkilala sa
iba’t – ibang gampaning pangkasarian at mga gampaning salungat sa kanilang
kasarian?”

Sa pamamagitan ng pangkatang gawain kailangang sagutan ng mga mag – aaral


ang naibigay na tanong at ibahagi sa klase ang mga naipong ideya.

Paalala sa guro:

Ideyal na ang gawaing ito ay sa magkapareha o dalawahan ngunit nakadepende pa rin sa guro at
sa damiF.ngPangwakas:
mag – aaral sa loob ng klase.

Itatanong sa mga mag-aaral kung bakit minsan ay mas pinipili ng mga


kalalakihan o kababaihan ang gampaning karaniwang ginagawa ng kasalungat
nilang kasarian?

VI. Pagninilay

VII. Mga Tala

Inihanda ni:

JOSEPH B. PASCUA

You might also like