1. Batay sa sariling pag-unawa sa lektura, ipaliwanag ang lohikal na pagkakasunod-sunod at
pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayaring naganap sa loob ng ikalabing-walo hanggang ikalabing-siyam na dantaon na naging dahilan sa pag-usbong ni Rizal.
Sa pagtahak sa landas ng kasaysayan, ating tuklasin ang mga yugto ng Ikalabing-
walo at Ikalabing-siyam na dantaon — yugto kung saan nabuo ang mga pundasyon ng ating kasalukuyang lipunan. Kung saan sumiklab ang transpormasyon sa lipunan, ekonomiya, at kultura na nagbukas daan sa pag-usbong ng mga ideya at pangarap para sa makatarungan at malayang Lipunan. Sa gitna ng mga pangyayaring ito, isang pangalan ang naglukso mula sa mga pahina ng kasaysayan at nagbigay liwanag sa kaharian ng pangarap at pag-asa. Si Jose Rizal kasama ng mga iba pang illustrado, ay tila nagmulat mula sa mga pangyayari noong Ikalabing-walo at Ikalabing-siyam na dantaon sa mga katiwalian at pang-aapi na nagaganap sa ilalim ng kolonyalismo. Sa pamamagitan ng pagbubukas sa nakaraan— pagkakaroon nang malayang diskusyon sa mga mahahalagang pangyayari sa loob ng dalawang siglo na naging dahilan sa pag-usbong ni Rizal— hinihimok tayo na tunay na kilalanin ang mga pangyayaring nag-anyo sa panahong iyon sapagkat dito natin matatagpuan ang kahulugan ng diwa ni Rizal, na nagtulak sa kanyang pag-usbong at pagiging tagapagtaguyod ng katarungan at kalayaan para sa kanyang bayan Nagsimula ang transpormasyon noong nagkaroon ng malaking pagbabago sa larangan ng pamumuno sa Europa: ang pagpapalit ng mga Bourbon sa mga Habsburg. Dahil dito napunta sa mga Bourboun ang Espanya kung saan nagdulot ng mga pagbabago sa patakaran at kultura. Ang dating “Age of Faith” ay tinawag na “Age of Reason” sa kadahilanang mas naging liberal at progresibo ang pamamahala nila. Kasunod na umusbong nito ang mga “economic reforms” noong malaman ng mga Bourbon na naghihirap ang Espanya. Bilang kolonya ng Espanya noong mga panahon na iyon, ito ay nagkaroon ng epekto sa Pilipinas. Dahil dito, nag-imbestiga ang Gobernador-Heneral na si Fernando Manuel de Bustillo Bustamante y Rueda (1717-1719) at napag-alaman niya na wala ng pera ang Pilipinas dahil sa pangungurakot ng mga gobernador na Kastila. Natuklasan niya na ito ay ipinupuhunan sa kalakalang Galyon. Pinaaresto ni Bustamante ang mga may utang pero sila ay tumakbo sa simbahan at nagtago kung saan sila ay hindi pwede hulihin dahil sa patreano real kung saan may kasunduan ang simbahan at estado na tutustusan nito ang simbahan kapalit nang hindi pakikielam nito sa estado. Sa pagtutugis na naganap, humarang ang isang arsobispo ngunit sa huli siya ay nakulong pa rin. Nagalit ang mga tao at siya ay pinatay. Samakatuwid, ito ang naging dahilan kung bakit naging bangkarote ang Pilipinas. Sa kagustuhan na kumita, sila ay nagmonopolyo ng alak na umabot hanggang sa Ilocos. Kahit pagkamkam ng mga prayle sa mga lupain ay pinatos sapagkat ito ay batayan ng kayamanan noon. Alinsunod rito ay pag-usbong ng 7 years war, digmaan sa pagitan ng Pranses at Ingles. Bilang magkapamilya ang hari ng Pransya at hari ng Espanya, tinulungan ito ng Espanya sa digmaan na naging dahilan sa pagkadamay ng Pilipinas bilang sakop pa ito ng Espanya noong panahon na iyon. Sa pag- aakalang mayaman ang Pilipinas gawa ng kalakalang Galyon, sinugod ng Britanya ang Pilipinas na tinawag na British Occupation (1762-1764). Ang pangyayaring ito ay nagbigay reyalisasyon sa mga Espanyol na mahina ang Pilipinas at kinakailangan ng pagbabago. Dito naupo ang economic minded na si Jose Basco y Vargas. Sa pag-iisip kung paano kikita ang gobyerno, itinatatag niya ang Royal Economic Society noong 1781 na kung saan naitatag rin ang General Economic Plan na nag-iimplementa ng monopolyo at pagtatanim ng cash crops tulad ng abaka, kape, asukal, tobacco at iba pa. Noong 1785 naman ay nabuo ang Royal Philippine Company. Ang mga ito ay reporma na may layuning pataasin ang ekonomiya at kita ng bansa dahil uhaw ang mga Kastila sa pera. Sa pagtatapos ng ikalabing-walong dantaon, umusbong ang ikalabing-siyam na dantaon kung saan nagkaroon ng malaking pagbabago. Ito ay tinawag na “Siglo ng Pagbabago” kung saan yugto sa kasaysayan ng mundo na puno ng makabuluhang pagbabago at umiiral na transpormasyon sa iba't ibang aspeto ng buhay. Nagsimula ang pagbabago sa problema ng Europa sa pagkain dahil kulang sila sa matabang lupa na tataniman kung kaya’t malaking bagay na nadiskubre nila ang Amerika Latin. Ang diskubre na ito ay nabigay koneksyon sa Europa, Amerika Latin at Pilipinas. Dahil sa kalakalang Galyon, nagkaroon ng direktang ugnayan ang Pilipinas sa Mexico kung saan naging dahilan ng pagpunta ng mga Creole — kastilang pinanganak sa Amerika Latin— sa Pilipinas. Alinsunod rito ang pagputok ng rebolusyon sa Amerika Latin na nagresulta sa pagkakaroon ng distingsyon sa pagitan ng mga Peninsulares at Creole na pinangunahan ng Creole na si Simon de Bolivar. Ito ay nagresulta sa pagkwestyon ng katapatan sa pagitan ng dalawa. Hindi naging pantay ang pagtrato sa mga Creole dahil sa hindi purong dugo na kastila. Ang tunggalian sa pagitan ng mga Peninsulares at Creole ay nagresulta sa pagkamuhi ang mga peninsulares sa mga Creole na nasa Pilipinas. Kanila ring pinagsuspetshan ang mga Creole at mga Insulares sa bansa. Dahil sa hindi pantay na pagtingin, nag-alsa ang magkapatid na Bayot (1822) at si Andres Novales (1985). Sila ay nakipagtulungan sa mga Insulares kasama ang mga Mestizos at mayayamang Indio na umusbong pagkatapos ng kalakalang Galyon. Sa kabilang dako naman, pagkatapos ng French Revolution, pumasok si Heneral Napoleon Bonafart isang corcean galing Pransya. Bagamat diktador, binigyan niya ng demokratikong karapatan ang mga tao dahil sa paglaganap ng ideya at universal values noong French Revolution na liberty, equality, fraternity. Nakuha niya ang Pransya at naniniwala siya na siya ang gigiba sa isang monarchial na kaayusan na namamayani sa Europa kung saan naganap ang Napoleonic Wars. Noong 1808 nang sinakop niya ang Espanya at iniluklok ang kapatid. Nag-alsa ang nga Espanyol at gumawa ng sariling gobyerno na nakasentro sa Cadiz. Sila rin ay gumawa ng sariling konstitusyon kung saan nakasaad ang pagkakapantay-pantay ang at kinikilala bilang mamamayan ang lahat ng Espanya. Nang dahil sa rebolusyon na nangyari noong 1802 – 1833 sa Latin Amerika, sumibol ang Monroe Doctine noong 1823 at ang simula ng pagkawala ng trabaho ng mga Peninsulares na naging dahilan upang umusbong at dumami ang populasyon sa Pilipinas. Ang mga pangyayari na ito ay nagbigay daan sa maraming pagbabago. Ang pagtatapos ng kalakalang Galyon ang nag-udyok sa pagbubukas ng Pilipinas sa Pandaigdigang Kalakalan na nakasentro sa cash crop economy. Ang pagbubukas naman ng Suez Canal ang naging dahilan ng mabilis na transportasyon ng mga tao, kalakal at ideya. Kung saan nagkaroon ang mga Indio ng Upward Social Mobility. Dahil dito, hindi naiwasan ang pag-usbong ng mga illustrado kagaya ni Jose Rizal. Sa pamamagitan ng edukasyon, nagkaroon sila ng reyalisyon na hindi naisip ng mga naunang Pilipino noong wala pang mga teknolohiya. Sa huli, hindi lang ito nagdulot ng positibong pagbabago sa kanilang sariling buhay at katayuan kundi nagbigay rin daan sa pag-usbong ng kilusang naglalayong labanan ang pang-aapi at katiwalian na naging tagapagdala ng bagong uri ng liderato at kamalayan, na naglalayon sa pagtataguyod ng mga prinsipyo ng kalayaan, katarungan, at pag-unlad para sa bayan.