You are on page 1of 8

BULIHAN NATIONAL HIGH SCHOOL

Araling Panlipunan / AP 8
Self-Learning Module
Ikatlong Markahan- Modyul 4: Kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong
Amerikano

Ang Amerika ay binubuo ng labintatlong (13) kolonya na pinamumunuan ng bansang Great Britain.
Isa – isahin natin ang mga kolonya:

- Conneticut - Massachusetts - North Carolina - Virginia


- Delaware - New Hampshire - Pennsylvania – Georgia
- New Jersey - Rhode Island - Maryland - New York -- South Carolina
Sa kalagitnaan ng ika-18 siglo, ay nagsimula na nilang kalabanin ang Great Britain. Alamin natin ang
mga dahilan!
Tandaan ang salitang RISEN (Representasyon, Intelektuwal, Stamp Act, Ekonomiya, at Navigation Acts)
para sa mga dahilan:

1. Intelektuwal o Enlightenment. Ito ang pinakamalaking pundasyon at kontribusyon sa pagkakaroon


ng Rebolusyong Amerikano. Bakit? Ang mga akda, aral at prinsipyong mula sa mga pilosopo ay naging
inspirasyon at nagbigay-daan upang mabuksan ang kanilang kaisipan bilang Amerikano na may mga karapatan,
kalayaan, kaisipang politika at kaisipang rebolusyon. Isa na dito ay ang pilosopong si John Locke. Ang kaniyang
ideya na “Tabula Rasa”, na ang tao ay nahuhubog batay sa kanyang karanasan. Pagdating sa pamahalaan,
ipinaliwanag ni Locke na ang tao ay may kakayahang bumuo ng sariling pamahalaan batay sa kanyang
pangangailangan at ikabubuti kung ito ay gagamitan ng pangangatwiran. Ang mga kaisipang ito ang naging
dahilan upang ipaglaban ng mga Amerikano ang kanilang karapatan at kalayaan.

2. Navigations Acts – nakasaad sa batas na ang kolonya ay maaari lamang bumili ng mga produkto sa
bansang Great Britain.

3. Ekonomiya. Sa loob ng Seven Years’ War (1756-1763) ng Great Britain sa France, nangailangan ito ng
malaking salapi, bilang panustos sa digmaan at pambayad sa malaking pagkakautang. Dahil sa
pangangailangang ito, hinigpitan ang kalakalan at tinaasan ang mga buwis na ikinagalit ng mga Amerikano.

4. Stamp Act of 1765. Ipinatupad ang batas na ito upang patawan ng buwis ang mga legal na
dokumento at paglalagay ng mga selyo sa mga produkto ng British mula sa kanilang kolonya. Ang Stamp Act of
1765 at ang pagbubuwis ay naging dahilan upang iboykot ang mga produkto ng British ng kolonya, at mag-
ismagel o lihim na pagpuslit ng mga produkto mula sa ibang bansa ang mga Amerikano.

5. Representasyon sa Parlyamento. Dito sumikat ang kaisipan at katagang “no taxation without
representation” o ‘walang pagbubuwis kung walang representasyon’. Hiningi ng mga kolonya sa Amerika ang
pagkakaroon ng representasyon sa parlyamento.

1
2
3
4
BULIHAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Bulihan, City of Malolos, Bulacan
Araling Panlipunan / AP8

Pangalan: _________________________________________________________________
Baitang/Seksyon: ____________________________________

Learning Activity Sheet


Ikatlong Markahan- Modyul 4: Kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong
Amerikano

5
6
7
8

You might also like