You are on page 1of 4

Banghay Aralin ng Aralin Panlipunan

St. Michael College of Caraga


Nasipit, Agusan del Norte

I. LAYUNIN

 Matalakay ang rebolusyong pangkaisipan at panlipunan sa Europa at Amerika.


 Maipaghambing and dahilan at epektong naidulot sa pulitika at lipunan ng Rebolusyon
sa  Amerika at Pransiya.
 Makilala ang mga naging pangunahing tagapagtaguyod ng pagbabagong pampulitika at
panlipunan sa Amerika at Pransiya.
 Maiugnay ang mga pagpapahalagang itinuro ng Rebolusyong pangkaisipan sa
pagpapatalsik sa lumang rehimen sa Amerika at Pransya.
 Masuri ang naging epekto ng Rebolusyon sa Amerika at Pransiya sa pagtataguyod ng
liberalism at nasyonalismo ng mga nasyon-estado sa mundo.
II. NILALAMAN
A. PAKSA: Panahon ng Transportasyon.
B. KONSEPTO: Rebulosyong Pampulitiko at Panlipunan.
C. BANGKAS NG ARALIN
1. American Revolution
2. French Revolution
3. Paano ito nag-ugat sa mga kaispang Enlightenment?
A. BABASAHIN: Kasaysayan ng Daigdig (Vibal - Kto12)
P.283-293
B. KAGAMITAN: Modyul sa Panahon ng Transpormasyon, LCD Project\
Pisara at yeso
Kards na naglalahad ng mga impormasyon tungkol sa paksa
Kagamitang biswal
Mga larawan may relasyon sa paksa
Mapa ng Buong mundo
Dahilan ng pag-gamit nito ay: Upang maunawaan ng lubusan ang mga
paksa at mga aralin na tatalakayin at upang mas maunawaan ng husto
ang bawat pangyayari.
C. PAGHAHANDA:
Paghahandang Mag-aaral
 Ang mga mag-aaral ay magdadala mapa ng daigdig upang maipakita ang lawak ng
nasakop ng mga bansang Amerika at Pransya.
 Marapat lamang na magkaroon ng maagang pag-alam ang mga mag-aaral sa paksa
upang magkaroon sila ng iba’t ibang ideya na mailalahad sa klase.
Paghahandang ng Guro
 Masidhing pag-aaral ng paksang ilalahad sa pagtuturo
 Pagsasanay sa paglalahad ng tamang istorya at pangyayari sa klase
 Paggawa ng mga malikhaing kagamitang biswal upang makuha ang interes ng mga mag-
aaral.
III. PAMAMARAAN
A.PANIMULANG GAWAING
1. Panalangin
2. Pagbati ng Guro
3. Pagtatala sa mga lumiban
4. Pagsasayos ng silid
Gawaing Mag-aaral
 Sa bawat aralin, may mga pares ng mag-aaral ang bibigyan ng kard.  Ang mga kard na ito
ay naglalaman ng mga teksto patungkol sa paksa.  Ilan sa mga kard na ito ay naglalaman
ng tamang impormasyon at mayroon din namang mali.
 Ang bawat pares ay bibigyan ng pagkakataon upang magtulungan at makapag-isip kung
ang mga teksto sa kard ay  tama o mali (sa pamamagitan ng mga indibidwal na maaaring
tutulong o manggugulo lamang sa kanilang isipan).  Marapat lamang na pag-isipan nila
ang kanilang mga kasagutan upang hindi sila maparusahan.
 Sa bawat kasagutan, maaari nilang ilahad ang kanilang dahilan kung bakit tama, o bakit
mali ang isinagot nila.
 Kung nakakuha sila ng tamang sagot magkakaroon sila premyo.  Kung mali naman
kanilang naibigay na kasagutan ay  bubunot sila sa isang lalagyan ng nauukol na parusa
na kanilang isasagawa.
Gawaing Guro
 Paglalahad ng maiksing introdaksyon patungkol sa tatalakaying paksa, upang mabigyan
ng ideya ang bawat mag-aaral na maari nilang magamit para sa kanilang gagawing
aktibidad.
 Pagpapasagawa ng aktibidad.  Pagbunot ng mga representante at pagpapares-pares ng
mga ito.
 Pagbibigay ng direksyon sa mga mag-aaral patungko sa kung anu-ano ba ang dapat
nilang gawin sa naturang aktibidad.
 Paggabay sa mga estudyante sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga impormasyong
makatulong sa kanilang pagdedesisyon kung ang tekstong nilalaman ng kanilang kard ay
tama o mali.
 Pagsagot sa mga katanungan nga mga estudyante upang lubos nilang maintindihan ang
paksa
 Pagtatanong patungkol sa paksa o aralin upan malaman kung naintindihaan ba tlaga ng
mga mag-aaral ang paksang itinuro, tulad ng mga sumusunod:
o Sa iyong palagay ano ang direktong naging epekto ng digmaan para sa kalayaan
ng Amerika sa mga nasyong naghahangad ng paglaya sa kanilang mga
mananakop ng panahong iyon?
o Sa iyong palagay mabisang paraan ba ng pagtatamo ng kalayaan ang paggamit
ng dahas at pakikipaglaban? Bakit?
o Paanong naging inspirasyon ng Rebolusyong 1896 na pinangunahan ng
Katipunan sa Pilipinas ang Rebolusyong Pranses?
o Kung ikaw ay isang Pranses sa panahon ng Rebolusyon sa Pransiya, ano ang
posible mong gawin:
 Sumapi sa hukbong magtatanggol sa bagong  tatag na republika
 Maging tagapagtanngol ng mga maharlika at nasa Simbahan
 Magtago sa mga liblib na pook at huwag makialam sa mga nangyayari sa kapaligiran
Mga Rebolusyong Pampolitika at Panlipunan
Ang Rebolusyong Amerikano

— tumutukoy sa serye ng mga pangyayari, ideya, at pagbabago


na naging resulta ng pagdeklara sa kalayaan ng 13 kolonya sa North America mula sa Imperyong British
na humantong sa pagkabuo ng United States of America noong 1776.
Mga Salik sa Pagsiklab ng Rebolusyong Amerikano
o Hindi makatarungang pagpataw ng buwis
o Kawalan ng kinatawan ng Amerika sa Great Britain
o Mga Patakarang Ipinatupad sa 13 kolonya
o Sugar Act ng 1764 — ipinatupad bilang buwis sa pag-angkat ng asukal, pinalakas nito ang
kapangyarihan ng mga opisyal pandagat na British sa paghihigpit sa ilegal na pag-angkat ng asukal
o Stamp Act ng 1765 — sa batas na ito, ang lahat ng opisyal na dokumento, titulo, kasulatan,
pahayagan at iba pang dokumento ay sa espesyal na naselyuhang papel lamang maaaring isulat o
ilimbag, ang buwis para sa papel na ito ay bayad na
o Townshend Act — nagpatibay sa karapatang konstitusyonal ng Parlamento ng mga batas para sa
kolonya na may layuning itaas ang regular na buwis sa kolonya upang suportahan ang mga
gobernador na kolonyal, huwes, at iba pang opisyal na magtatanggol sa kolonya
Boston Tea Party

Isang paglalarawan ng makasaysayang Boston Tea Party noong 1773.

— isang pagtitipon bilang protesta kung saan sinalakay at inakyat ng mga taga-Boston ang dumaong na
barkong British lulan ang tsaa sa 13 kolonya sa pangunguna ni Samuel Adams, itinapon sa daungan ng
Boston ang 342 kahon ng tsaa na ikinagalit ng pamahalaan ng Great Britain, ito raw ay isang aksiyong
kriminal dahil paninira ito ng pag-aari ng mga mangangalakal na British. Kakompetensiya ng tsaa ng
British ang tsaa ng Amerika.
Intolerable Acts ng 1774 — isang batas na nagsara sa daungan ng Boston hanggang hindi binabayaran
ang itinapong tsaa. Ito ay ipinasa bilang ganti at parusa ng Parlamento ng Great Britain sa Boston,
Massachusetts.
Deklarasyon ng Kalayaan
Ipinahayag noong Hulyo 4, 1776 ang Declaration of Independence sa Continental Congress na binubuo
ng mga kinatwan ng 13 kolonya. Ang deklarasyon na ito ay resulta ng mga pangyayari na nauwi sa
digmaan.
Thomas Jefferson — ang pangunahing may-akda ng deklarasyon
“Ang lahat ng tao ay biniyayaan ng Diyos ng mga karapatang hindi maipagkakait; na ang lehitimasyon
ng pamahalaan ay galing sa pag-sang-ayon ng mamamayan; na ang mga mamamayan ay may
karapatang patalsikin ang mga pinuno ng pamahalaan kung kinakailangan.”

George Washington — ang pinakaunang Pangulo ng Estado ng Amerika


“No taxation without representation” — ipinahayag ni Rev. Jonathan Mayhew, tinuutkoy nito ang
representasyon ng 13 kolonya sa Parlamento.
Ang Labintatlong (13) Kolonya

1. Massachusetts
2. New Hampshire
3. Rhode Island
4. Connecticut
5. New York
6. New Jersey
7. Pennsylvania
8. Delaware —  “The First State”
9. Maryland
10. Virginia
11. North Carolina
12. South Carolina
13. Georgia
o Ang Rebolusyong Amerikano ay itinuturing na isang praktikal na aplikasyon ng mga ideya ng
Enlightenment. ito nag naghudyat sa pagwawakas ng pagkakailalim ng North America sa
kapangyarihan ng hari ng Great Britain. Nagbigay-daan din ito sa pag-usbong ng demokrasya

You might also like