You are on page 1of 3

Nasyonalismo sa Europe at sa Asya

Ang kasaysayan ng daigdig sa ika-19 na siglo ay kinakitaan ng pag-unlad at paglaganap ng


nasyonalismo. Sa Europe, maraming rebelyon ang isinagawa sa ngalan ng nasyonalismo na ang
nagsilbing inspirasyon ay ang ideyang pagkakapantay-pantay, at pagkakapatiran ng Rebolusyong
French. Sa Asya,ang huling bahagi ng ika-19 na siglo ay kinakitaan ng pagtatangkang lumaya
mula sa mga puwersang Kanluranin.

Ano ang ibig sabihin ng nasyonalismo?


Ito ay ang pagmamahal sa bansa na nakaugat sa kamalayan ng isang lahi na sila ay
nabubuklod ng isang wika, kasaysayan, kultura, pagpapahalaga, at relihiyon. Sa kabuuan, ang
nasyonalismo ay isang positibong puwersa kung ito ay gagamitin sa pagtataguyod ng pagkakaisa
at pagkakakilanlan at kung ito ay hindi nakasasagabal sa tunguhin ng ibang bansa.

NASYONALISMO SA EUROPE

Ang unang yugto ng pagkabuo ng nasyonalismo sa Europe ay sinasabing kinakitaan ng


katapatan sa grupong lingguwistiko at kultural at ang pagnanais na makalaya mula sa kontrol ng
dayuhan. Kalaunan, umunlad ito tungo sa kilusang nagtataguyod ng kagalingan ang bansang
kinabibilangan at pakikipaglaban sa karapatan ng mga mamamayan na maitakda ang sariling
kapalaran. Ang halimbawa nito ay ang Rebolusyong French.

Congress of Vienna
Ang Congress of Vienna ay ipinatawag noong 1814 upang pagtibayin ang Treaty of Paris na
nagwakas sa mga digmaang inilunsad ni Napoleon at upang buuing muli ang estrukturang
politikal ng Europe. Nilahukan ito ngAustria, Prussia, Denmark, Bavaria, Saxony, at Russia. Ang
naging resulta ng nasabing kongreso ay ang restorasyon ng mga dinastiya sa kanilang trono at ang
paghahati-hati ng mga nanalong bansa sa tinatawag na spoils of war o mga nakamit na tagumpay,
pribilehiyo, o materyal na bagay mula sa digmaan. Sa kabuuan, ang naging resulta ng Congress of
Vienna ay ang pagsasaayos muli ng mapa ng Europe.

Image

Si Clemens von Metternich ng Austria ang naguna sa Congress of Vienna noong 1814.

Ang mga bansang bumuo sa Concert of Europe ay Russia, Prussia, Great Britain at France.

Germany
Ang radikal na kilusan na nabuo sa Germany ay ang Burschenschaften, na ang layunin ay
magkaroon ng pagkakaisa at nasyonalismong German. Binuwag ito ni Clemens von Metternich
bilang bahagi ng ipinatupad na Carlsbad Decrees (1819) na nagsensura sa pamamahayag at
naglagay ng mga espiya sa mga unibersidad.
Image

Si Otto von Bismarck, tagapagbuklod ng Germany

Italy
Ang kilusan na itinatag ng mga rebolusyonaryo sa Italy ay ang Risorgimento, na ang layunin
ay makamtan ang pagkakaisa at kalayaan.

Greece
Noong 1821, nag-alsa ang Greece laban sa mga Ottoman Turk. Noong 1827, nakialam ang
Great Britain, Russia, at France upang palayain ang Greece mula sa mga Turk na kanilang natalo
noong 1829. Ang naging resulta ay ang Treaty of Adrianople kung saan ibinigay sa Greece ang
kalayaan sa tulong ng tatlong puwersang Kanluranin. Iniluklok si Otto, anak ng hari ng
Bavaria,bilang unang hari ng Greece.

Spain
Bilang reaksyon sa kaayusang nalikha ng Congress of Vienna, nagkaroon ng pag-aalsa sa
Spain noong 1820. Ang pag-aalsa ay natuon sa haring Bourbon na si Ferdinand VII na napilitang
ibalik ang Konstitusyon matapos itong maisantabi dahil sa restorasyon ng monarkiya.
Gayunpaman, nang makialam na ang Quadruple Alliance ay nanumbalik sa kapangyarihan si
Ferdinand VII.

France
Ang July Revolt noong 1830 ay nagsilbing reaksiyon sa mga restriksyong ipinatupad ni
Haring Charles X hinggil sa pamamahayag at sa pagbuwag sa Chamber of Deputies o ang
lehislatura. Ang kanyang mga patakaran ay nakabatay sa pagpapanumbalik sa kaayusang politikal,
pang-ekonomiya, panlipunan, at panrelihiyon ng dating rehimen. Ito ang nagsilbing mitsa sa
pagsiklab ng rebolusyon sa Paris noong 1830 kung saan ang mga mamamayan ay lumikha ng
kaguluhan sa mga kalsada. Hindi nakayanan ni Charles na sugpuin ang rebelyon kung kaya
tumakas siya papuntang Great Britain. Pinalitan siyang kasapi ng Dinastiyang Bourbon, si Louis
Philippe.

Image

Si Louis Philippe, ang hari ng mga French mula 1830 hanggang 1848

Imperyong Austria-Hungary

Ang pag-aalsa sa Austria ay kasunod ng mga pag-alsa sa France noong 1848. Ito ay nakatuon
laban sa mga patakarang pang-ekonomiya ni Metternich. Nagsama-sama sa mga kalsada ng
Vienna ang mga manggagawa, magsasaka, at estudyante. Tumakas si Metternich papuntang Great
Britain. Ipinagkaloob ni Haring Ferdinand I ang mga kahilingan ng mga rebolusyonaryo, kasama
na rito ang pangako ng konstitusyong liberal para sa imperyo.

Image

Si Franz Joseph: ang emperor ng Austria.

You might also like