You are on page 1of 52

YUNIT IV: ANG KONTEMPORANEONG

DAIGDIG: DIGMAAN, KAPAYAPAAN AT


PAGKAKAISA
ARALIN 21: PAGTATAG NG NASYON AT
ANG BAGONG KAAYUSANG PANDAIGDIG
LAYUNIN:
● Naipapahayag ang pagpapahalaga sa pag-usbong ng
Nasyonalismo sa Europa at iba’t ibang bahagi ng daigdig
ISIPIN (Motibasyon)

1. Pamagat ng nobela ni Rizal na may kahulugang (Huwag mo akong Salingin)


2. Samahang Rebolusyonaryo na itinatag ni Andres Bonifacio
3. Binitay sa Bagumbayan (Luneta) noong 1896 dahil sa akusasyong siya ang nasa
likod ng Rebolusyong Pilipino
4. Hindi niya sinang-ayunan ang ideya ni Thomas Hobbes ukol sa banal na
karapatan ng mga hari at halip ay iminungkahi ang limitadong monarkiya bilang
huwarang sistema ng pamahalaan.
5. Ito ay tumutukoy sa marubdob na pagmamahal sa kanyang lahi o bayang
pinagmulan.
PAGBIBIGAY NG KAHULUGAN

Nasyonalismo?
Ang pag-usbong ng iba’t ibang pilosopiyang liberal, mga ideolohiya, at
pag-unlad ng teknolohiya ay pawang nakapag-ambag sa paggising ng diwang
nasyonalismo sa mga mamamayan na nag-udyok sa kanila upang ipahayag ang
marubdob na hangaring mahalin ang kanilang nasyon. Ayon sa isang ideolohiyang
Pranses, ang mga salitang fraternite o kapatiran at patrie (fatherland) ang
pinagmulan ng isang nasyon–na iniuugnay rin sa teritoryo, pamahalaang
namumuno rito, at kultura ng mga tao rito.

Ayon sa manunulat na si Benedict Anderson sa kanyang aklat na Imagined


Communities, ang nasyonalismo ay tumutukoy sa isang pamayanang politikal na
nakikita sa isip (imagined political community’). Ito ay nasasaimahinasyon
sapagkat ang mga miyembro ng maging pinakamaliit na nasyon ay hindi
magkakakilala o nakikisalamuha sa isa’t isa subalit ang kaisipang sila ay
magkakababayan ang malalim na ugnayang namamagitan sa kanila bilang bahagi
ng iisang komunidad gaano man kalaki o kaliit ang bilang nila sa kabuuan.
NASYONALISMO SA EUROPA

Sa mga nagdaang kabanata, natalakay natin kung paano nabuo ang


nasyonalismo sa mga bansang Inglatera, Espanya, at Pransiya sa tulong ng
kani-kanilang mga monarko na nagsilbing puwersang tagapagbukod noong unang
bahagi ng Gitnang Panahon. Subalit ang mga bansang Europeo gaya ng Alemanya
at Italya ay nanatiling magkakahiwalay dahil sa pagdomina ng ilang
makapangyarihang pamilya.

Sa kabilang banda, ang mga monarko sa bansang Rusya ay nahuli sa kalakaran


ng mga kasabayan nito sa Kanlurang Europa na siyang nakapaghikayat sa mga
Czars sa tulong ng kanilang nasasakupan upang humanap ng mga solusyong
makatutulong sa kanila upang makipagsabayan din sa ekonomiya at politika ng iba
pang mga bansa sa Kanlurang Europa.
ANG PAG-IISA NG BANSANG ALEMANYA: OTTO VON BISMARCK

Sa pagbagsak ng Banal na Imperyong Romano (Holy Roman Empire), ang


mga estadong Aleman sa Gitnang Europa ay nagkahiwa-hiwalay sa pamumuno ng
mga prinsipeng Aleman. Ang Kaharian ng Austria sa Timog-Kanlurang Alemanya
ay pinaninirahan ng mga Katoliko samantalang ang rehiyong Prussia sa
hilagang-silangan ay naging Lutheran. Sa kabila ng katotohanang ang wikang
Aleman ang pinakapangunahing wikang sinasalita sa buong Europa noong
ikalabinsiyam na dantaon, ang mithiing magkaroon ng iisang bansang nagsasalita
ng wikang Aleman ay lubhang napakahirap makamtan dahil nagtatalo sila kung
nais nilang magkaisa bilang isang estado, o dapat silang pumili kung sasama sa
tronong Austrian o Prussian.
ANG PAG-IISA NG BANSANG ALEMANYA: OTTO VON BISMARCK

Sa dalawang kaharian, nakalalamang ang kaharian ng Prussia. Una, may


mga hindi nakapagsalita ng wikang Aleman sa Austria ngunit ang buong
Prussia ay gamit ang wikang Aleman. Ikalawa, di hamak na moderno ang mga
industriya sa Prussia at higit na malakas ang hukbong sandatahan. Samakatwid,
nang maging chancellor o ministro ng Prussia si Otto Von Bismarck, nagsimula
siyang mag-organisa ng hukbong Prussian at naglunsad ng mga kampanyang
militar hindi lamang laban sa Austria kundi maging sa ibang estadong may
wikang Aleman. Nakilala si Von Bismarck bilang Iron Chancellor dahil
naniniwala siyang ang pagdanak ng dugo at paggamit ng dahas ay mas
instrumental sa pagbabago kaysa sa pag-oorganisa ng mga negosasyon at mga
debate.
ANG PAG-IISA NG BANSANG ALEMANYA: OTTO VON BISMARCK

Ilan sa mga digmaang inilunsad para sa pag-iisa ng Alemanya ay ang mga


sumusunod:
a. Pakikipagdigma laban sa Denmark (1864) - Ito ang kauna-unahang
tagumpay ng Prussia dahil na rin sa tulong na ipinagkaloob ng Austria sa
pagtatanggol ng dalawa nitong lalawigan: ang Schleswig at Holstein na kinamkam
ng Denmark. May kompiyansa si Von Bismarck na walang bansang tutulong sa
Denmark dahil ang Rusya ay kakampi ng Prussia at ang Inglatera at Pransiya ay
nanatiling neutral o walang kinikilingan.
b. Ang Pitong Linggong Digmaan (1866) - Dalawang taon makalipas matalo ng
Prussia ang Denmark, inatake naman nito ang Austria na dati nitong kakampi nang
ang maliliit na estadong Aleman ay kumampi sa Austria. Binuwag ng mga Prussian
ang Kompederasyong Aleman na itinatag ng mga Austrian.
ANG PAG-IISA NG BANSANG ALEMANYA: OTTO VON BISMARCK

c. Digmaang Austria-Prussian (1866) - Nang taon ding ito, nagdeklara ng isa


pang digmaan laban sa Austria si Von Bismarck. Nanalo ang hukbong Prussian at
gaya ng inaasahan, itinatag nila ang Kompederasyon ng Hilagang Alemanya kung
saan ang lahat ng estado sa hilang Alemanya at halos lahat ng lalawigan sa timog
maliban sa Baden, Bavaria, Hesse, at Wurttemburg ay kabilang. Ang kanilang
tagumpay sa digmaang ito ang nag-udyok kay Von Bismarck upang digmain ang
Pransiya.
ANG PAG-IISA NG BANSANG ALEMANYA: OTTO VON BISMARCK

d. Ang Digmaang Franco-Prussian (1870) - Binuyo ni Von Bismarck ang


Pransiya upang makipagdigma sa kanila dahil sa kanilang kompiyansang militar na
nauwi sa pagsuko sa kanila ng dalawang lalawigan ng Pransiya, ang Alsace at
Lorraine, sa ilalim ng probisyong nakapaloob sa Kasunduan sa Frankfurt. Ito ang
nagbigay-daan sa proklamasyon ng Konstitusyon ng 1871 gayundin sa lalong
paglakas ng hukbong sandatahan ng Alemanya laban sa ibang bansa sa Europa.
Nakamit ni Haring Wilhelm I ang titulong kaiser habang nanatili ang
kapangyarihan ni Von Bismarck sa ilalim ng pinagkaisang Alemanya.
ANG PAG-IISA NG BANSANG ALEMANYA: OTTO VON BISMARCK

Sa kabila ng katotohanang ang Alemanya ay isang estadong militar, nakatikim ito


ng kapayapaan sa loob ng halos dalawangpung taon dahil sa mga repormang
ipinatupad ni von Bismarck na sinuportahan ng Kaiser at ng mga nasasakupan nito.
Kabilang sa mga pagbabagong ito ang:
1. Panlipunang seguridad sa pamamagitan ng mga pensiyon at mga benepisyo
para sa mga may kapansanan, may kondisyong medikal, at insurance sa mga
nawalan ng trabaho;
2. Sa kanyang pamumuno, nagkaroon ng pambansang pagkakaisa ang mga
mamamayan ng Alemanya, at ipinagmalaki ang kanilang mga industriya at
kalakasang militar.
ANG PAG-IISA NG BANSANG ALEMANYA: OTTO VON BISMARCK
Sinabi niya sa kanyang mga nasasakupan na ang paggamit ng kapanyarihan upang
mapakinabangan ng higit na nakararami ay makapagdudulot ng kabutihan sa
buong bansa. Samaktuwid, ang pagsunod sa batas ay dapat ituring na tungkulin ng
bawat isa;
3. Pinagbuti ang ugnayang panlabas sa Austria-Hungary at Rusya.
Subablit ang humalili kay Kaiser Wilhelm II ay naalarma sa popularidad na
tinatamasa ni von Bismarck kaya ipinag-utos niya ang sapilitang pagbibitiw sa
puwesto ng nasabing chancellor. Pinaligiran si Wilhelm II ng mga taong laging
sumasang-ayon sa anumang bagay na naisin ng hari at hindi kagaya ni von
Bismarck, lalong nagsumigasig sa pananakop sa ibayong-dagat ang Alemanya.
ANG PAG-IISA NG BANSANG ALEMANYA: OTTO VON BISMARCK

Kaya, ang mga sumunod na taon para sa bagong bansa ay kinakitaan ng kanilang
pagiging agresibo sa paglahok sa mga “labanang pandaigdigan”.

Pag-iisa ng Italya: Mazzine, Garibaldi, at de Cavour


Sa loob ng mahabang panahon matapos ang pagbagsak ng Roma, at maging
pagbagsak ng Banal na Imperyong Romano, hindi pinamunuan ng iisang
pamahalaan ang Italya. Ang mga probisyong nakasaad sa Kongreso ng Vienna
noong 1815 ay lalong nakapagpalala sa kalagayan ng Italya dahil halos ipamigay
ang iba’t ibang teritoryo nito gaya ng naging sitwasyon sa siyam na lalawigan nito.
ANG PAG-IISA NG BANSANG ALEMANYA: OTTO VON BISMARCK

Kabilang ang Roma sa ilalim ng Papal Estate, Lombardy, at Venetia na


ipinagkaloob sa Austria habang ang Sardinia ay naging hiwalay na kaharian sa
ilalim ng Pamilyang Savoy. Ang Dinastiyang Hapsburg naman ang namuno sa
mga estado ng Parma, Modena, Tuscany, at Lucia bilang mga Duchies samantalang
ang mga monarkong Bourbon ang umangkin sa Sicily at Naples o ang Dalawang
Sicilies.
Ang mithiing makapagbuo ng isang bansa ay ideya ni Giuseppe Mazzini
(1805-1872), tagapagtatag ng Lipunan ng Bagong Italya (Society of Young Italy)
noong 1840, isang kilusang nasyonalista na may mahalagang ginampanan noong
Rebolusyon ng 1848.
ANG PAG-IISA NG BANSANG ALEMANYA: OTTO VON BISMARCK

Naniwala siya na dapat isagawa ng mga tao ang rebolusyon para rin sa kanila.
Ikulong siya nang maraming beses dahil sa kanyang mga paniniwala at maging ang
mga miyembro ng kanyang samahan ay sumumpang palalayain ang Italya sa
Austria sa kahit anong paraan ngunit nabigo ang mga ito dahil si Victor Emmanuel
pa rin ang kinilalang hari ng Sardinia. Sa kabila nito, hindi pa rin napigilan ang
pagsunod sa ibang nasyonalista upang ipagpatuloy ang mga nasimulan ni Mazzini.
Halimbawa, si Konde Camillo de Cavour (1810-1861), na punong ministro ng
Sardinia-Piedmont, ay nagmungkahi ng mga praktikal na solusyon upang
pagkaisahan ang Italya.
ANG PAG-IISA NG BANSANG ALEMANYA: OTTO VON BISMARCK

Itinatag ni De Cavour ang pakikipag-ugnayan sa mga bansang britanya at


Pransiya upang labanan ang Rusya noong Digmaang Crimean. Nakipag-alyansa
siya kay Napoleon III (humalili kay Napoleon Bonaparte) upang patalsikin ang
Austria sa pangakong ibibigay ang mga lupain ng Nice at Savoy sa Pransiya.
Noong 1859, sa Labanan sa Solferino at Magenta laban sa Austria, nanalo ang
Sardinia sa kabila ng pag-abandona sa kanila ng kaalyansang si Napoleon III sa
gitna ng labanan. Sa kabila nito, ibinigay pa rin ni De Cavour ang Nice at Savoy sa
Pransiya. Nag-alok naman ng tulong ang kaharian ng Prussia sa Sardinia subalit
tumanggi sa huli dahil ang Kompederasyong Aleman ay hawak pa noon ng Parma,
Modena, at Tuscany ay nagpakita ng suporta sa Sardinia laban sa Austria.
ANG PAG-IISA NG BANSANG ALEMANYA: OTTO VON BISMARCK

Sa huli, nabawi ng Sardinia ang Lombardy ngunit nanatili pa rin ang Venetia
sa Austria,
Si Giuseppe Garibaldi (1807-1882), isang katutubo ng Nice, ay boluntaryong
nagpatapon sa Latin Amerika noong 1830 upang takasan ang parusang bitay laban
sa kanya nang sumama siya sa labanan na may planong magpatalsik sa kanilang
istriktong lider. Sa panahon ng kanyang pananatili sa Timog Amerika, sumali siya
sa kilusang makabayan at nagsanay ng mga kabataang Italyano na ipinatapon tulad
niya sa pagnanais nilang makabalik sa kanilang Inang Bayan at sa gayon at
pag-isahing muli ang Italya. Sa tulong ni Konde de Cavour ng Sardinia, si
Garibaldi at ang mga miyembro ng kanyang samahang nakilala bilang Red Shirts -
ANG PAG-IISA NG BANSANG ALEMANYA: OTTO VON BISMARCK

ay nakabalik muli sa Italya at inatake ang Dalawang Sicilies upang mabawi ito sa
Dinastiyang Bourbon ng Pransiya. Pagsapit ng 1861, ang lahat ng estadong
Italyano maliban sa Papal Estate ay kumikilala kay Victor Emmanuel bilang hari ng
Italya. Noong 1866, isinuko ng Prussia ang Venice sa Italya matapos tumulong ang
huli noong Digmaang Franco-Prussia. Bandang 1870, nabawi naman nila ang
Venetia mula sa Austria at ang pinakahuli ay ang Lungsod ng Roma nang
ipinag-utos ni Napoleon III ang pag-atras ng hukbong Pranses sa Lungsod at
binigyan ng pagkakataon ang mga Romano upang bumoto sa isang plebesito na
magdedesisyon kung mananatili sa kontrol ng Pransiya ang Roma o nanaisin
nilang sumama sa bagong kaharian ng Italya.
Otto von Bismarck GIUSEPPE GARUBALDI
ANG PAG-IISA NG BANSANG ALEMANYA: OTTO VON BISMARCK

Hindi naglaon, ang Roma ang naging bagong kabisera ng Italya na hudyat ng
tuluyang pag-iisa nila bilang isang bansa.

Nasyonalismo sa pamamagitan ng pamumuno ng mga Czar sa Rusya:


Alexander II, Alexander III, at Nicholas II
Nang matalo ang mga Ruso noong Digmaang Crimean (1853) dahil sa
konserbatismo ni Nicholas I, pinili ng kanyang anak na si Alexander II na maging
mas liberal sa pagpapatupad ng mga reporma kabilang na ang pagtuturing na
krimen ang sapilitang paglilingkod sa mga bukirin; pagpapamahagi ng mga lupain
sa mga magsasaka, pagtanggal ng parusang korporal.
ANG PAG-IISA NG BANSANG ALEMANYA: OTTO VON BISMARCK

ni reporma ang sistema ng edukasyon at hudikatura, at pagpapaunlad sa


pambansang sistemang militar. Sa kanyang administrasyon, ipinagbili niya ang
Alaska sa Estados Unidos noong 1867 at nanalo laban sa Imperyong Ottoman
noong 1878. Subalit sumalungat sa kanyang awtokratikong pamumuno ang isang
grupong rebolusyonaryong nakilalang Narodnaya Volya (People’s Will) at
pinaslang siya sa pamamagitan ng paghahagis ng bomba sa kanyang karwahe
noong 1881.
Bilang tugon sa asasinasyon ng kanyang ama, ibinalik ni Alexander III
(1881-1894) ang sistema ng pamumuno ni Nicholas I. Sinupil niya ang mga
rebolusyonaryo, hinigpitan ang edukasyon, at pinarusahan ang mga Hudyo.
ANG PAG-IISA NG BANSANG ALEMANYA: OTTO VON BISMARCK

Naniniwala siya sa prinsipyong: “Isang Rusya, Isang Kredo, at Isang Czar”.


Kabilang sa kanyang mga reporma ang pagsasama ng mga Lithuanian at mga Pole
sa kanyang imperyo at pagbuo ng matatag na pakikipag-ugnayan sa Pransiya
upang labanan ang Alyansang Tatluhan (Triple Alliance) na binubuo ng mga
bansang Austria, Hungary, Alemanya, at Italya. Pinalawak din niya ang
nasasakupan ng imperyong Rusya nang matagumpay nitong sakupin ang
Turkestan at Persia sa Asya.
ANG PAG-IISA NG BANSANG ALEMANYA: OTTO VON BISMARCK

Hinalilihan siya ng kanyang anak na si Nicholas II (1894-1917) bilang huling


emperador i czar ng Rusya. Hindi kagaya ng mga naunang pinuno sa kanya,
mahina at hindi mahusay na pinuno si Nicholas II. Lubha siyang umasa sa
kanyang mga tagapayo at ministro na gumawa na rin ng kanyang trabaho
bilang mga direktang pinuno ng mga Ruso. Mula 1894-1902, itinalaga niyang
punong ministro si Sergey Witte na nangasiwa sa mga usaping panloob ng
bansa. Si Witte ang nagsagawa ng malakawakang persekusyon sa mga Hudyo
sa pamamagitan ng mga pogroms, gayundin sa industriyalisasyon sa Rusya.
ANG PAG-IISA NG BANSANG ALEMANYA: OTTO VON BISMARCK

Subalit ang hindi maayos na kondisyon ng mga manggagawa at mababang


pasahod sa mga ito ang nag-udyok upang humingi sila ng reporma. Bukod
dito, lalo ring tumaas ang tensiyon sa pagitan ng mga may-ari ng lupa at mga
magsasaka habang hinaharap nila ang patuloy na paglaki ng populasyon.
Tinanggal ni Nicholas II si Witte sa puwesto at ipinalit si Vyacheslav Plehve
bilang pinunong ministro. Nagpatupad siya ng militarismong pamumuno sa
kanyang administrasyon. Noong Enero 9, 1905 (Enero 22 kung susundan ang
Kalendaryong Gregorian), ang tinaguriang Madugong Linggo (Bloody
Sunday) ang nagbigay-daan sa Rebolusyong Ruso noong 1905.
ANG PAG-IISA NG BANSANG ALEMANYA: OTTO VON BISMARCK

Nagkaroon ng mga protesta at kaguluhan sa Saint Petersburg (dating kabisera ng


Rusya). Ito ang unang malawakang protesta laban sa pamahalaang czar ng Rusya.
Hiningi ng mga nag-protesta na maipamahagi sa mahihirap na magsasaka ang mga
lupain at mapabuti ang kondisyon ng mga mangagagwa sa mga pagawaan,
gayundin ang mga repormang politikal sa pamamatnubay ng isang konstitusyon.
Ipinag-utos ni Plehve ang pagpatay sa mga demonstrador. Sa kabilang banda,
nahati ang pamahalaan sa dalawang kampo: ang mga Menshevik na naniniwalang
makakamit ang mga pagbabago sa pamamagitan ng demokratikong pamamaraan at
ang mga Bolshevik, na karamihan ay binubuo ng mga manggagawa sa lungsod na
ikinakampanya ang sistemang sosyalismo.
ANG PAG-IISA NG BANSANG ALEMANYA: OTTO VON BISMARCK

Ito ay nangangahulugang magiging pag-aari ng pamahalaan ang mga pabrika


gayundin ang mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan upang
mapakinabangan ng mas nakararami.
Isa pang salik na nakadagdag sa pagkadismaya ng mga Ruso sa pamumuno ni
Czar Nicolas II ang pagkatalo ng Rusya sa mga Hapon noong Digmaang
Ruso-Hapones noong 1905. Nabigo ang kanilang planong masakop ang
Manchuria at Korea na nauwi sa paghina ng kanilang depensang militar. Napilitan
si Nicholas II na magpatawag ng kombensiyong bubuo ng Konstitusyon ng mga
Ruso ng 1905.
ANG PAG-IISA NG BANSANG ALEMANYA: OTTO VON BISMARCK

Pananatilihin nito ang kasalukuyang kaayusan o status quo sa sistema ng

pamahalaan ngunit ipinagkaloob nila ang mga karapatang pantao at magbubuo ng

tinatawag na Duma o Asambleang Lehislatibo na nagtatag ng mga partidong

politikal gaya ng mga Menshevik at mga Bolsheviks, na siyang nagsimula ng

Rebolusyon ng 1917 na tatalakayin naman sa susunod na aralin.


NASYONALISMO SA TIMOG AMERIKA
Ang mga kolonya ng Europa sa Timog Amerika ay nakakuha ng inspirasyon
mula sa mga liberal na ideya ng mga kolonistang Pranses mula Hilagang Amerika.
Subalit hindi gaya ng mga kolonista ng Estados Unidos sa pawang may hinaing
laban sa pagbubuwis nang walang representasyon, ang mga kolonya sa Latin
Amerika ay nakararanas din ng kawalan ng hustisyang panlipunan, problema sa
ekonomiya, at diskriminasyon ng lahi mula sa mananakop na Espanyol at Portuges.
Nang masakop ni Napoleon III ang Espanya at Portugal, binigyan nito ng
pagkakataon ang pinuno ng militar na si Simon Bolivar ng Venezuela na palayain
ang limang nasyon sa Latin Amerika. Mula Venezuela nagtungo ang kanyang
hukbo sa Colombia, Ecuador, Peru, at sa bagong tatag na estado na ipinangalan sa
kanya, ang Bolivia. Dahil dito, kinilala siyang Dakilang Tagapagpalaya ng Latin
Amerika.
NASYONALISMO SA TIMOG AMERIKA
Subalit hindi nagtagal ang tagumpay niya dahil ang mga bansang kanyang
pinalaya ay umalma sa kanyang planong bumuo ng iisang pamahalaan sa kanyang
pamumuno. Samantala, si Jose de San Martin ay humingi ng tulong kay Bolivar
para lumaya ang Peru. Bandang 1817, idineklara ang kalayaang Peruvian at
nakalaya rin ang Chile at Argentina sa mga mananakop. Noong 1824, napilitan
ang mga Espanyol na tanggapin ang paglaya ng kanilang mga kolonya dahil may
mga panloob na suliraning kinakaharap ang kanilang bansa na dapat na unahing
tugunan. Ang paring si Miguel Hidalgo naman ang namuno sa Mexico upang
makamit ang kalayaan nito. Nagtatag siya ng isang krusada habang tangan ang
banderitas na may imahen ng Birhen ng Guadalupe at matagumpay na napalaya
ang mga Lungsod ng Guadalajara at Guanajuato mula sa mga Espanyol noong
1810.
NASYONALISMO SA TIMOG AMERIKA
Kinilala ang Republika ng Mexico noong 1824 at ginunita ang petsang Setyembre
16, nang ideklara ni Hidalgo ang pakikidgma ng Mexico laban sa Espanya, bilang
araw ng kanilang kasarinlan. Samantala, ang Espanyol na heneral na si Agustin de
Iturbide ay tumalikod sa kanyang inang bansa at nakipag-alyansa sa
rebolusyonaryong Mehikanong si Vicente Guerrero. Nang magapi nila ang mga
royalista ng Lungsod ng Mexico, ipinag-utos ni Iturbide ang pagbuo ng
saligang-batas para ipairal ang monarkiya na sistema at ipinroklama ang sarili
bilang si Emperador Agustin I. Bandang huli, napilitan siyang bumaba sa puwesto
at nagpatapon sa Italya. Nang bumalik siya sa mexico noong 1824, siya ay inaresto
at ipinag-utos ang kanyang pagbitay.
NASYONALISMO SA TIMOG AMERIKA
Isa namang pari sa katauhan ni Padre Jose Simeon ang nagpalaya sa
Guatemala, Honduras, El Salvador, Nicaragua, at Costa Rica noong Setyembre 15,
1821.
Ang tagumpay naman ng Rebolusyong Cubano noong 1895 ay dahil sa mga
pagsisikap ni Jose Marti. Tulad ni Jose Rizal ng Pilipinas, siya ay isa ring manunulat
ng mga tula at prosang politikal. Sa murang edad na 16, itinatag niya ang
pahayagang tinawag na La Patria Libre (The Free Fatherland) at naglimbag ng mga
polyetong may pamagat gaya ng El Presidio Politico en Cuba (1871) at Patria
(1892).
NASYONALISMO SA TIMOG AMERIKA
Naglingkod din siya bilang propesor at peryodista sa New York sa Amerika,
Pransiya, at Mexico kung saan niya nakuha ang mga inspirasyon sa kanyang
akdang makabayan. Nakamit ng mga Cubano ang kalayaan matapos ang
Digmaang Espanyol-Amerikano noong 1898. Kinilala ng Espanya ang kanilang
kalayaan nang lagdaan ang kasunduan sa Paris noong Disyembre 10, 1898, kasama
rito ang pagskuko sa mga kapuluan gaya ng Puerto Rico, Guam, at Pilipinas sa
Estados Unidos.
Ang Haiti (dating kilalang Saint-Domingue), sa Kanlurang Indies ay kolonya
ng Pransiya na nakilala sa dami ng mga aliping mangagagawa na ang karamihan ay
nagmula sa Aprika.
NASYONALISMO SA TIMOG AMERIKA
Bukod dito din ng mga sundalo ang heneral ng Pranses na si Marquis de Lafayette
sa lugar na ito upang tulungan ang Estados Unidos sa Rebolusyong Amerikano.
Subalit ang matinding diskriminasyon ng lahi ang nag-udyok sa mga ‘itim’ na
manggagawang alipin at mga malayang mulatto upang magsagawa ng Rebolusyon
ng mga Aliping Haitian sa kasagsagan ng Rebolusyong Pranses noong 1791 sa
pamumuno ng mahusay na pinuno ng militar na si Toussaint L. Ouverture. May
karanasan sa pakikipaglaban noong Rebolusyong Amerikano si Toussaint na
nakakuha rin ng inspirasyon mula sa mga ideyang liberal na nagmula sa kanilang
mananakop kaya matagumpay niyang napalaya ang mga aliping Haitian noong
1794.
NASYONALISMO SA TIMOG AMERIKA
Nang mahuli siya ng mga hukbong Pranses noong 1802, ipinagpatuloy ni Jean
Jacques Dessalines ang kanyang laban. Nakamit ng Haiti ang kasarinlan noong
1804.
Ang Brazil ang itinuturing na pinakamalaking kolonya ng Portugal
(siyamnapu’t tatlong ulit na higit ang laki) subalit nakamit nila ang kalayaan nang
walang kahirap-hirap sa ilalim ng isang monarkiyang konstitusyonal. Naganap ito
nang sakupin ni Napoleon Bonaparte ang Portugal noong 1808 habang ang hari
nito si Haring Joao VI ay nakatakas sa Rio de Janeiro, Brazil upang ipagpatuloy ang
pamahalaang Portuges sa bagong lugar.
NASYONALISMO SA TIMOG AMERIKA
Nang makabalik si Haring Joao sa Portugal noong 1821, itinalaga niya ang

kanyang anak na si Pedro bilang rehente at binigyan ng titulong Prinsepe Pedro I

nang sumunod na taon. Sinunod ni Pedro ang panawagan ng mga Brazilian na

ipagkaloob ang kanilang kasarinlan noong Setyembre 1822 sa kabila ng pagnanais

ng Lehislaturang Portuges na ibalik ang dating kalagayan ng Brazil bilang kolonya.


Simon Bolivar Napoleon Bonaparte
NASYONALISMO SA ASYA
Sa inyong napag-aralan sa Kasaysan ng Asya, nalaman ninyo ang mga detalye kung

paanong nakamit ng mga Asyano ang kasarinlan sa pamamagitan ng mapayapa at

marahas na paraan. Ang tsart na makikita sa susunod na slide ay magpapakita ng

buod ng mga bansa na nakapagkamit ng kalayaan simula noong ikalabinsiyam na

siglo:
NASYONALISMO SA APRIKA
Iba ang naging sitwasyon ng Aprika sa pagkamit ng kasarinlan kompara
sa mga kolonya sa ibang kontinente dahil ang karamihan sa mga bansa ay
nagkamit ng kasarinlan matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang
halos lahat ay lumaya nang walang dumanak na dugo (maliban na lamang sa
Algeria at Kenya). Marahil napagod at nabaon na sa utang ang mga bansang
Europeo matapos ang sunod-sunod na kampanya sa mga digmaan kaya
sinamantala ng mga samahang makabayan ang pagkakataong ito upang
hingin ang kanilang kasarinlan. Ang mga unang kolonya na naging malaya
ay ang mga nasa Hilagang Aprika. Sa pagitan ng 1952 at 1956, ang mga
bansang gaya ng Egypt, Libya, Tunisia, at Morocco ay naging malaya na
sinundan naman ng Algeria noong 1962.
NASYONALISMO SA APRIKA
Nanging mapayapa rin ang pagkamit ng kalayaan sa Kanlurang
Aprika. Halimbawa, ang Gold Coast (kasalukuyang Ghana), ay nagsarili
dalawang taon matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
samantalang ang Nigeria ay kinilalang isang bansang may soberanya o
ganap na kapangyarihan, tatlong taon makalipas. May ilang sitwasyon
ang patakarang apartheid o paghihiwalay ng mga lahi ay naging
hadlang para sa mga nasyonalistang Aprikano upang kamtan ang
kalayaan sa mapayapang paraan. Si Jomo Kenyatta ng Kenya ay nakilala
sa kanyang mga pagsisikap na makamit ang kalayaan sa mga British
noong 1963. Noong 1962, ikinulong si Nelson Mandela ng pamahalaan
ng South Africa.
NASYONALISMO SA APRIKA
Nang mapalaya siya noong 1990, ginamit niya ang kanyang
impluwensiyang moral upang wakasan ang apartheid sa mapayapang
pamamaraan at maging isang ganap na demokratikong bansa. Noong
1994, nahalal sa malayang eleksiyong kinabilangan ng lahat ng lahi si
Nelson Mandela bilang kauna-unahang pangulo ng Timog Aprika. Sa
unang pagkakataon sa kasaysayan, naging ganap ang demokrasya sa
Aprika.
GAWAIN
GAWAIN

1. Paano naiba ang nasyonalismong Pilipino sa ibang bansang


natalakay?

2. Paano mo pangangalagaan ang iyong natatamasang kasarinlan?


Paano ka magiging bayani sa makabagong panahon?

You might also like