You are on page 1of 1

EPEKTO

Ang unang digmaang pandaigdig ay naganap sa Europa at nilahukan ng karamihan sa mga bansa doon.
Ngunit dahil sa kawalan ng mga sea borders sa pagitan ng Europa at Asya, naging malaki din ang epekto
nito sa mga kalapit na bansa.

Sa aspetong politikal, nagresulta ang unang digmaang pandaigdig sa pagbagksak ng ilang monarkiya:
Russia noong 1917, Austria-Hungary noong 1918 at Turkey noong 1922. Ito rin ang nagdulot ng pag-
angat sa kapangyarihan ng Bolshevik sa Russia noong 1917. Bukod dito, nagdulot din ito ng mga
rebolusyon sa Middle East at Southeast Asia.

Ang France at Great Britain naman ay pinaghatian ang bumagsak na emperyo ng Ottoman na nagsilang
sa marming bansa tulad ng Syria, Iraq, Lebanon, Jordan, Saudi Arabia, at iba pa. marami sa mga bansang
ito ay nilikha ng mga mamamayan na wala o kakaunti ang karansan sa pamamahala kaya naman
tinulungan sila ng Europa kapalit ng iilang mga pabor.

At marahil isa sa pinaka malaking epekto nito sa makabagong panahon ay ang pagkalikha ng British
Mandate of Palestine na nagdeklara ng pagkabuo ng Palestine upang mgaing refuge home para sa mga
Jews, na siyang naging basehan ng giyera sa pagitan ng mga Israeli at Palestinian.

Ang bansang Japan naman ay nakakuha ng mga teritoryo mula Germany. Naakuha din ito ng isang
probinsya mula Tsina, ang Shangdong, at nagkarron ng right of extraterritoriality. Ibig sabihin nito, hindi
maaring arestuhin at litisin ang mga Hapon sa mga korte ng Tsina na nagbigay kapangyarihan sa kanila
na maging kapantay ng mga Europeo, at magkaroon ng edge laban sa mga intsik.

Ito ay maaring nagdulot pa ng May 4th movement sa Tsina na nagprotesta sa Treaty of Versailles at
nagbigay daan sa pagkasilang ng Tisna bilang isang intelektwal at popular na himagsikan at pagkabuo ng
Chinese Communist Party.

Reflection log

Nakabubuti ang nasyonalismo dahil naipapakita mo ang pagmamahal sa iyong bayan.Kung


mahal mo ang bayan mo, mahal mo rin ang kumunidad mo, kaya nangangahulugang mahal
mo ang pamilya mo.

Nakabubuti ang nasyonalismo sa isang bansa pagkat naipapakita ng mga tao ang tunay na pagtangkilik
nila sa sariling kultura,paniniwala at wika ng bansang tinubuan at ang tunay na pag-ibig sa bayang
pinagmulan at kinalakihan.

Oo, dahil naipapakita mo ang pagmamahal sa iyong bayan. Dahil kung mahal mo ang iyong
bayan, mahal mo rin ang iyong komunidad.Kaya nangangahulugang mahal mo rin ang
iyong pamilya

You might also like